Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Mga Akdang lumaganap bago dumating ang mga Espanyol. Dito din matatagpuan ang ilang halimbawa ng mga Matalinghagang Pahayag.
para sa mga nag hahanap oh gustong makuha ang file na ito maari lamang pong mag register ng account dito sa SLIDESHARE,pag katapos non ay iconfirm muna sa inyong email para ito ay maisave oh maidownload ng tama.
kung may katanungan po kayo maari lamang na mag email sa account na ito:
asa.net2015@gmail.com
asa.net2014@yahoo.com
maraming SALAMAT PO!
Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Mga Akdang lumaganap bago dumating ang mga Espanyol. Dito din matatagpuan ang ilang halimbawa ng mga Matalinghagang Pahayag.
para sa mga nag hahanap oh gustong makuha ang file na ito maari lamang pong mag register ng account dito sa SLIDESHARE,pag katapos non ay iconfirm muna sa inyong email para ito ay maisave oh maidownload ng tama.
kung may katanungan po kayo maari lamang na mag email sa account na ito:
asa.net2015@gmail.com
asa.net2014@yahoo.com
maraming SALAMAT PO!
Ang Kawayan (Ang Kalasag ng Kabataan, Lagitik ng Katotohanan)Bryan Ben Orcenado
Ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng Madrid Surigao del Sur Division
Tomo 1 Bilang 1 │ Agosto 2023 - Mayo 2024. Ang pampaaralang pahayagang ito ay kuwalipikado para sa National Schools Press Conference 2024 na gaganapin sa Carcar City, Cebu ngayong Hulyo.
Mga Epektibong Dulog at Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan, Paglikha ng Ka...
Florante at Laura (Saknong 12-20)
1.
2. Saknong 12
Ang abang uyamin ng dalita't sakit,
ang dalawang mata'y bukal ang kaparis;
sa luhang nanatak at tinangis-tangis
ganito'y damdamin ng may awang dibdib.
3. Saknong 13
"Mahiganting langit!, bangis mo'y
nasaan?,
ngayo'y naniniig sa pagkagulaylay,
bago'y ang bandila ng lalong kasam-an,
sa Reynong Albanya'y iniwa-wagayway.
4. Saknong 14
Sa loob at labas ng bayan kong
sawi,
kaliluha'y siyang nangyayaring hari,
kagalinga't bai’t ay nalulugami,
naamis sa hukay ng dusa't pighati.
5. Saknong 15
Ang magandang asal ay ipinupukol
sa laot ng dagat ng kutya't linggatong,
balang magagaling ay ibinabaon
at inililibing na walang kabaong.
6. Saknong 16
Nguni, ay ang lilo't masasamang
loob
sa trono ng puri ay iniluluklok,
at sa baw’t sukab na may asal-hayop,
mabangong insenso ang isinusuob.
Insenso- panuob, kamanyang
7. Saknong 17
Kaliluha't sama ang ulo'y nagtayo
at ang kabaita'y kimi’t nakayuko,
santong katuwira'y lugami at hapo,
ang luha na lamang ang pinatutulo.
Kaliluhan -
Kataksilan
Lugami-babad;
lubog.
8. Saknong 18
At ang balang bibig na binubukalan
ng sabing magaling at katotohanan,
agad binibiyak at sinisikangan
ng kalis ng lalong dustang kamatayan.
Kalis- tabak, sable, espada
ng mga mandirigma na gamit
noong unang panahon.
9. Saknong 19
O, taksil na pita sa yama't mataas
o, hangad sa puring hanging lumilipas!
ikaw ang dahilan ng kasam-ang lahat,
at niring nasapit na kahabag-habag.
10. Saknong 20
Sa korona dahil ng Haring Linseo,
at sa kayamanan ng duking ama ko,
ang ipinangahas ng Konde Adolfo,
sabugan ng sama ang Albanyong Reyno.
11. Buod
Naghihinagpis ang lalaking nakatali sa malaking puno. Puno
ng luha ang kanyang mata habang naiisip niya na ang
kaharian ng Albanya ay pinaghaharian ng kasamaan at
kataksilan.
Naniniwala siya na sa Kaharian ng Albanya, Ang mga
gawaing mabubuti ay siyang pinaparusahan at ang gawang
masasama ang binibigyan ng gantimpala dahil lamang sa nga
inaasam na kayamanan at puring lumilipas.
Si Konde Adolfo ay may paghahangad sa kayamanan ng
Duke at ang korona ng hari.
12. Buod
Kalungkut-lungkot ang nangyayari sa bayang
Albanya sapagkat umiiral ang kasawian, kalupitan
at pagsasamantala sa kapwa. Walang katarungang
umiiral sa loob at labas ng bayan. Nangyayaring
panigan pa ng maykapangyarihan ang masama at
sinungaling : pinapatay ang nagsasabi ng
katotohanan at binubusalan ang nagsasabi ng
kabutihan. Sa lahat ng ito’y nagsawalang –kibo na
lamang ang mga tao.
13. Bagamat ginamit ni Balagtas ang bayang ito bilang
tagpuan ng awit, ginawa ito marahil upang iligaw ang
mga paring sensor at malusutan ang panunun ng mga
ito. Malayo sa hinala ng mga sensor na ang tinutukoy
rito ay ang Pilipinas sapagkat wala naman ditong hari,
reyna at duke. Bukod pa rito, wala pang manunulat na
pumaksa tungkol sa “kaliluha’y siyang nangyayaring
hari” sa kanyang bayang tigib ng kabuktuan maliban
kay Balagtas.
14. Karagdagang Kaalaman
Ang Albanya ay isa sa mga pangunahing lungsod ng
Imperyong Gresya. Humigit kumulang nasa 215 milya (345 km) ang
haba mula sa hilaga hanggang timog, 95 milya (150 km) mula silangan
hanggang kanluran. Naliligid ito sa hilaga at hilagang- silangan ng
Yugoslavia, sa silangan ng Macedonia at sa timog-silangan ng
Gresya.
Noong 1938, humigit-kumulang sa 80% ang hindi
nakatuntong ng paaralan ngunit pagkatapos ng Ikalawang Digmaan,
puspusang pag-aaral ang isinasagawa kaya nabawasan ang mga hindi
marurunong. Nagtatag ng paaralang primary at sekundarya at ang
Pamantasan ng Tirana ay nabuksan noong 1957 at nagkaroon din ng
paaralang teknikal. Mayroon ding lumitaw na makata, manunulat at
ang unang drama ay isinulat noong 1901 ni Sami Bey Frasheri.
15. Karagdagang Kaalaman
Official Name: Republic of Albania
Capital: Tirana
Area: 28,748 sq. km. (11,000 sq. mi)
Population: 3,544,841 (2002 estimate)
Languages: Albanian (Tosk is the official dialect; Gheg is spoken
primarily in the north; Greek)
Religious application: Muslim 70 %
Greek orthodox 20%
Roman Catholic 10%
Monetary unit: 1 lek(L); consisting of 100 quindarka
National anthem: “Hymn I Flamurit”
(Hymn to the Flag)
Sanggunian: Microsoft Encarta Reference Library , 2003