Filipino 3 yunit iii aralin 4 pagpapalit at pagdaragdag ng mga tunog upang ma...Desiree Mangundayao
Ang mga slideshare na ito ay maaring makatulong sa mga bata, magulang at mga gurong nagnanais na matuloy ang edukasyon sa kabila ng pandemya.. MELC BASED na rin po at may mga learning activities
#parasabata. #tuloyangedukasyon
LIKE/ SHARE / SUBSCRIBE/ COMMENT DOWN BELOWAng mga slideshare na ito ay maaring makatulong sa mga bata, magulang at mga gurong nagnanais na matuloy ang edukasyon sa kabila ng pandemya.. MELC BASED na rin po at may mga learning activities
#parasabata. #tuloyangedukasyon
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...EDITHA HONRADEZ
https://www.youtube.com/watch?v=ZuBf4uSelxU
https://www.youtube.com/watch?v=vxlAFSTONGU&t=94s
https://samutsamot.com/wp-content/uploads/2013/06/kategorya-ng-pangngalan_1-1.pdf
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at pangyayari sa paligid
Mtb 3 Yunit III Aralin 1 Pagsulat ng Pansariling Reaksyon at OpinyonDesiree Mangundayao
Ang mga slideshare na ito ay maaring makatulong sa mga bata, magulang at mga gurong nagnanais na matuloy ang edukasyon sa kabila ng pandemya.. MELC BASED na rin po at may mga learning activities
#parasabata. #tuloyangedukasyon
LIKE/ SHARE / SUBSCRIBE/ COMMENT DOWN BELOW
Filipino 3 yunit iii aralin 4 pagpapalit at pagdaragdag ng mga tunog upang ma...Desiree Mangundayao
Ang mga slideshare na ito ay maaring makatulong sa mga bata, magulang at mga gurong nagnanais na matuloy ang edukasyon sa kabila ng pandemya.. MELC BASED na rin po at may mga learning activities
#parasabata. #tuloyangedukasyon
LIKE/ SHARE / SUBSCRIBE/ COMMENT DOWN BELOWAng mga slideshare na ito ay maaring makatulong sa mga bata, magulang at mga gurong nagnanais na matuloy ang edukasyon sa kabila ng pandemya.. MELC BASED na rin po at may mga learning activities
#parasabata. #tuloyangedukasyon
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at ...EDITHA HONRADEZ
https://www.youtube.com/watch?v=ZuBf4uSelxU
https://www.youtube.com/watch?v=vxlAFSTONGU&t=94s
https://samutsamot.com/wp-content/uploads/2013/06/kategorya-ng-pangngalan_1-1.pdf
Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagtukoy ng mga tao, lugar, bagay, at pangyayari sa paligid
Mtb 3 Yunit III Aralin 1 Pagsulat ng Pansariling Reaksyon at OpinyonDesiree Mangundayao
Ang mga slideshare na ito ay maaring makatulong sa mga bata, magulang at mga gurong nagnanais na matuloy ang edukasyon sa kabila ng pandemya.. MELC BASED na rin po at may mga learning activities
#parasabata. #tuloyangedukasyon
LIKE/ SHARE / SUBSCRIBE/ COMMENT DOWN BELOW
11. Siguro mga isang kilo.
Tayo na at baka
tanghaliin pa tayo sa
pamimili. Kailangang
makaluto ako agad
upang mabigyan natin
ng pagkain ang mga lolo
at lola mo.
12. Saan pupunta sina Mely at Nanay?
Ano-ano ang bibilhin nila?
Alin ang kanilang uunahin?
Ilan ang isdang bibilhin nila?
Kanino sila bibili ng isda?
Ano ang tawag sa mga salitang ginamit
sa
pagtatanong?
15. Basahin ang mga pangungusap. Isulat
ang
angkop na salitang pananong sa bawat
pangungusap.
1. Ang mga bata ay mamamasyal.
___________ ang mga
mamamasyal?
2. Pupunta sila sa palaruan.
16. 3. Anim silang pupunta sa
palaruan.
________ ang pupunta sa
palaruan?
4. Magpapaalam sila sa
kanilang nanay upang
payagan.
________ sila magpapaalam
17. 5. Magdadala sila ng tinapay
at tubig upang hindi
sila magutom.
_________ ang dadalhin nila
upang hindi sila magutom?
18. Isulat sa kuwaderno ang panghalip pananong
na ginamit sa bawat pangungusap.
1. Saan ka pupunta?
2. Ilan kayong magkakapatid?
3. Ano ang iyong gagawin?
4. Kailan ka mamalengke?
5. Kanino mo isasauli ang
21. Isulat sa sagutang papel ang mga
panghalip
pananong na ginamit sa pangungusap.
1. Sino ang kasabay mo pagpasok sa
paaralan?
2. Kanino ka nagpapaalam kapag
aalis ng bahay?
3. Ilan ang mga kamag-aral mo?
4. Ano ang baon mo araw-araw?
5. Saan ka nag-aaral?
27. Titser Gosoy
Si Titser Gosoy ay bagong guro
sa Paaralang Elementarya ng
Barangay Labo. Nakatawag ng
pansin ang kaniyang galing sa
pagtuturo, kakaibang
kulay, at paika-ikang paglalakad.
28. Hindi niya pinapansin
ang pangungutya sa
kaniya.
Tuloy lamang siya sa
pagtuturo, pagtulong
sa
kapwa, at pamimigay
ng gamit at laruan sa
mga bata.
29. Isang araw, may ilang
mag-aaral ang
nagkuwentuhan
tungkol kay Titser
Gosoy.
30. “Alam n’yo ba, si Titser
Gosoy, napakagaling
magturo! Mabait pa,” ang
wika ni Noel.
“Tama ka, at nabasa ko sa
diyaryo, iniligtas
niya ang mahigit 400 katao
sa Marikina noong
nanalanta ang bagyong
Ondoy,” ang sabi ni Janet.
“Wow! Ang galing! Pero
baluga pa rin siya,”
Pangungutya ni Yulo.
31. “Huwag kang ganyan,
Yulo! Maputi ka lang,”
pasinghal na wika ni
Janet na halos tusukin ng
hintuturo sa ilong si Yulo.
“Si Titser Gosoy! Nasa
likuran natin,” pabulong
na wika ni Noel.
“Magandang umaga po,
Sir Gosoy,” sabaysabay
na bati ng mga bata.
32. “Bakit parang nakakita
kayo ng multo? May
problema ba?” tanong ni
Titser Gosoy sa mga
bata.
“Wa––wala po, Sir...” wika
ni Janet.
“Narinig ko ang pinag-
usapan ninyo,”
mahinahong wika ni
Titser Gosoy.
33. Nagkatinginan ang mga
bata saka ibinaling
ang kanilang tingin kay
Yulo.
“Kahit bata kayo, dapat
matutuhan ninyo ang
magagandang asal na
dapat taglayin ng isang
bata,” paliwanag ni Titser
Gosoy.
34. “Huwag kayong
mangutya ng kapwa,
anuman ang kasarian,
kulay, kalagayan, o
kapansanan. Isipin ninyo,
tao silang marunong
masaktan,” seryosong
sabi ni Titser Gosoy.
35. “Lahat ng tao ay likha ng
Diyos, kaya dapat
igalang,” paliwanag pa
niya.
Niyakap ni Yulo si Titser
Gosoy. Ginantihan
naman ito ng guro ng
isang mahigpit na yakap.
36. Sagutin Natin
•Sino ang tumawag ng
“baluga” kay titser
gosoy?
•Tama ba ito?
•Anong ideya mo sa
salitang “baluga”?
37. Sino ang gumanti ng
mahigpit na yakap kay
yulo?
Paano ipinahayag nina
Noel,Nikki,at janet ang
kanilang mga
dadamdamin?
38. Ano naman ang mga
salitang binitawan ni
Yulo tungkol ka titser
Gosoy? Anong klaseng
damdamin ang ang
ipinakita ni yulo?
39. Kung ikaw si Yulo, ano
ang mararamdaman
mo?
Kung ikaw si titser
Gosoy?
41. Gawin Natin:
Punan ng tamang pang-ukol
1.Dinampot ___Abet ang
mga tuyong dahon upang
gawing pataba sa mga
halaman.
42. Matilde,Lumen,at Tomas na
muli nilang makikita ang
kanilang nawawalang
kapatid.
3.Iniabot___Mayor ang
kanilang tulong sa mga
namatayan niyang
kababayan.
51. Ang ni ay ginagamit
kung tumutukoy sa
isang tao.
Samantalang ang nina
ay ginagamit kung ang
isang bagay o kilos ay
ginawa o para sa
dalawa o mahigit pang
tiyak na tao.
52. PAGTATASA:
Punan ng angkop na pang-ukol ang bawat
patlang upang mabuo ang diwa ng talata.
Maagang gumising ang
mag-anak na Lopez.
Agad-agad na tinungo
___
Gng.Lopez ang kusina at
53. Ipinagluto ng agahan ang
kaniyang pamilya.Samantala,
si G.lopez naman at ang tatlo
nilang anak na sina
Roy,Phobe,at Ivy ay nag-
ayos ng kanilang mga
pinaghigaan.
54. Pagkatapos, kinuha___Ivy at
Phoebe ang walis at bunot at
agad na nagsimulang maglinis
ng bahay. Pinuno naman____
Roy ng tubig ang mga balde.
Ikinatuwa____G.at Gng.Lopez
ang kasipagan ng mga anak.
55. Nang matapos ang mga gawaing
bahay ay nagyaya ang mag-
asawa na mamasyal sa mall.
Subalit hindi gusto___Ivy at Roy
sa mall, mas ibig nilang
mamasyal sa tabing ilog dahil
sariwa ang hangin dito.
Pinagbigyan___
56. G.At Gng. Lopez ang gusto
ng dalawang anak. Ginusto
na rin___ Phoebe na
sumama sa tabing ilog.
63. Bunso:Inay! Ano po ba ang
kahulugan ng karapatan?
Narinig ko kina Mam Sol
at Sir Daniel, may
karapatan daw po ang
bawat bata.
64. Nanay: Tama iyon anak. Ang
karapatan ay dapat
tinatamasa. Karapatan ng
bata na maranasan ang
pangagalaga at pagmamahal
ng mga magulang, mapag-
aral at mabigyan ng
disenteng tirahan
65. Ate: Tama, Inay! Ayon naman
kay Titser Marissa, kalakip
daw ng karapatan ang
responsibilidad at paggalang
sa karapatan ng kapwa. Kung
may karapatan tayo, may
karapatan din ang kapwa
natin na dapat igalang.
66. Tatay: Galing mo, Ate!
Nakikinig ka talaga sa
guro mo, mana ka kina
Lolo at Lola mo, a!
Ate:Opo ‘Tay, matalino
yata ito, mana kina Lolo
at Lola, at sa inyo rin ni
Nanay.
67. Tatay: Tandaan ninyo, mga
anak,kung karapatan ninyong
mabigyan ng disenteng
tirahan, pagmamahal at
edukasyon, obligasyon at
responsibilidad din ninyong
igalang kami bilang mga
magulang
68. Bunso at Ate: Opo,
Tay, Nay! Makaaasa po
kayo, igagalang namin
kayo!
69. Sagutin natin:
•Ano ang napansin mo sa
mga salitang may
salungguhit?
•Ano ang tawag dito?
•Kailan natin ito
ginagamit?
71. Gawin natin:
A. Punan ng wastong pang-
ukol
1. Ibinigay ko__nanay ang
mga sariwang gulay.
2. Binili ni tita Celsa ang
pulang payong para____
Susan at Nerie
72. 3. Nalaman ko___Nonoy
na walang pasok bukas.
4. Nagtungo kami___lolo
at lola noong araw ng
pasko
5. Hiningi namin___ Tiyo
Loloy ang kanilang mga
lumang damit.
74. Ikatlong pangkat:
Sumulat ng 5 pangungusap
ng ginagamitan ng kay.
Ikaapat na pangkat:
Sumulat ng 5 pangungusap
ng ginagamitan ng kina.
75. Tandaan natin:
Ang pang-ukol na kay
ginagamit kapag ang isang
kilos o bagay tungkol sa
iisang tiyak na tao lamang
Samantala,ang pang-ukol
na kina ay ginagamit kung
ang bagay o kilos ay
87. Nanay: Bakit kanina ka pa
hindi mapakali sa
pagkakaupo?
Kiko: Kasi po inay,hindi ko
makita ang takdang-aralin
na pinahahanap ng guro ko.
88. Nanay: Ano ba ang iyong
takdang-aralin?
Kiko:Mga bahagi po ng aklat
Nanay:Madali lamang
iyan.Anong pahina ba ang
sinasabi ng iyong guro.Doon
ka lamang tumungin anak
89. Kiko:Pahina 20 po.
Nanay:Sige buksan
natin.Heto anak nakikita ko
na.
Pabalat-pinakatakipng aklat.
Nilalaman-makikita ang
paksa at pahina ng bawat aralin.
90. Katawan ng aklat- makikita
ang buong aralin at mga
pagsasanay.
Talahulugan o glossary,-
naglalaman ng mga
kahulugan.
92. SAGUTIN;
1. Bakit hindi mapakali si
Kiko?
2. Ano ang kaniyang
takdang-aralin?
3. Paano siya tinulungan
ng kaniyang nanay?
93. 4. Kung ikaw si KIKO,hihingi
ka rin ba ng tulong sa iyong
nanay sa paggawa ng
takdang-aralin?
5.Ano-anong bahagi ng aklat
na nabanggit sa diyalogo?
100. 2. Aklat sa Pagbasa
3. Ang Pagong at ang Kuneho
4. Yunit I:
Ang Aking Sarili------1
Tunog sa Paligid----5.
5. Panuto------92
Pandiwa----154
101. Pangkatang Gawain:
Kumuha ng isang
aklat.Sumulat ng isang
halimbawa ng aklat na
hinihingi na bawat bilang:
1.Pabalat ng aklat____
2. Aralin at pahina____
103. Tandaan Natin:
Ang aklat ay may ibat –
ibang bahagi.Mahalagang
makilala ang iba’t ibang
bahagi ng aklat upang ito ay
magamit ng wasto.
104. 1. Pabalat-Ito ang matigas
na bahagi at pinakatakip
o damit ng
aklat.Mababasa rito ang
pangalan ng aklat,amay-
akda at tagapaglimbag.
2. Talaan ng nilalaman
105. Dito makikita ang pahina
ng bawat aralin.
3. Katawan ng Aklat-
Mababasa ang mga aralin at
mga pagsasanay.
4.Talahuluganan o Glossary-
ito ang talaan ng mga
111. Sulatin Natin:
May iba’t ibang istrok ng
pagsulat ng maliit na letra
ng alpabeto.Ilan sa mga
letrang ito ay pailalim na
kurba gaya ng
e, v, x, c, a, o, a, n, m , ng
116. “kami sa Paaralan”
kami, kami, kami (tayo,kayo,sila) sa
paaralan (3X)
kami sa paaralan
Lalalalalalalalala…………
Sumulat-sulat
At bumasa-basa
Sumulat-sulat katulad
ng dagat (2X)
kayo kayo kayo
kayo
tayo
tayo
tayo
sila
sila sila sila
129. Punan ng angkop na panghalip panao ang
mga pangungusap.
1. Sina Danica at Lea ay magsisimba.
__________________ ay magsisimba.
2. Ikaw at ang iyong ate ay maglilinis ng
bahay.__________ ay maglilinis ng bahay.
3. Ikaw at ako ay magluluto.
___________ ay magluluto.
4. Si Beth at ako ay maghuhugas ng plato.
____________ay maghuhugas ng plato.
5. Sina Tina at Bela ay mamimili sa palengke.
_______________ ay mamimili sa palengke.
131. PANGKATANG GAWAIN:
UNANG PANGKAT: sumulat
ng tig 2 pangungusap gamit
ang (kami,kayo,tayo,sila)
IKALAWANG PANGKAT: piliin
ang angkop na panghalip sa
pangungusap.
132. IKATLONG PANGKAT: isulat
ang kami ,tayo,kayo at sila
upang mabuo ang
pangungusap.
IKAAPAT NA PANGKAT:
hanapin ang mga panghalip
na panao sa ibaba o pahiga o
palihis.( see ppt)
133. Ano ang natutunan mo sa aralin?
Kailan ginagamit ang kami, kayo, sila at
tayo?
Ang kami, kayo, sila, at tayo ay mga
panghalip panao. Ginagamit ang kami at
tayo kung tumutukoy sa taong nagsasalita at
kaniyang mga kasama. Kayo naman ang
ginagamit sa mga taong kausap ng
nagsasalita at sila sa mga taong pinag-
uusapan.
134. Tukuyin ang panghalip panao na ginamit
sapangungusap.
1. Naglalaro kami ng basketbol.
2. Sila naman ay maghahanda ng
pagkain.
3. Tayo ang mag-aayos ng mga plato,
kutsara, tinidor, at baso.
4. Kayo naman ang magliligpit ng
pinagkainan.
5. Sabay-sabay tayong aalis papuntang
parke.