requirement for the subject in TTL 1 kahulugan at mga gawain sa araling elehiya sa kamatayan ni kuya sa Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte
Gramatika/ Retorika masidhing damdamin
uri ng teksto ng paglalarawan
requirement for the subject in TTL 1 kahulugan at mga gawain sa araling elehiya sa kamatayan ni kuya sa Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte
Gramatika/ Retorika masidhing damdamin
uri ng teksto ng paglalarawan
akademikong pagsulat sa filipino ni christine may marasigan gutierrez
makakatulong ito sa inyo upang magkaroon ng dagdag nkaalaman at makakatulong din ito sa inyo kapag meron kayong gagawing presentasyon o isang pag aaral.
FILIPINO SA PILING LARANG-ppt 1-uNANG mARKAHAN.pptx
1. Aralin 1: Kahulugan at Kalikasan ng
Akademikong Pagsulat
FILIPINO SA PILING LARANG
LOVELYN A. ANTANG
Guro
2. Panimulang-Gawain :
Maalaala Mo Kaya !
Panuto: Gawain Blg.1: Magbalik-gunita. Isulat sa hagdan ang mga sulating naranasan. Ang
pinakaunang baitang ay ang sulating unang natutuhan hanggang sa huling baitang na siyang
pinakahuling natutuhan. Maaaring magdagdag ng mga baitang kung kinakailangan.
3. Ano kaya ang dahilan ng mga indibidwal na awtor kung
bakit sila nagsusulat?
5. -Ang pagsulat ay isang anyo ng komunikasyon kung saan ang
kaalaman o mga ideya ng tao ay isinasalin sa pamamagitan ng
mga titik at simbolo. Ito ay nagbibigay-daan para maihayag ng
mga tao ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng tekstuwal na
pamamaraan.
Ang pagsulat ay isang mental at pisikal na aktibidad na
isinasakatuparan para sa iba’t-ibang layunin. Ito ay mental na
aktibidad sapagkat ipinapairal dito ang kakayahan ng isang tao na
mailabas ang kanyang mga ideya sa pamamagitan ng pagsasatitik sa
mga ito. Ito naman ay matuturing na pisikal na aktibidad sapagkat
ginagamitan ito ng paggalaw ng kamay.
6. May iba’t ibang dahilan ang tao sa pagsusulat.
-Para sa iba ito ay nagsisilbing libangan sapagkat sa pamamagitan
nito ay naibabahagi nila sa iba ang kanilang ma ideya at mga
kaisipan sa paraang kawili-wili o kasiya-siya para sa kanila.
-Sa mga mag-aaral na katulad mo, ang kalimitang dahilan ng
pagsusulat ay ang matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral
bilang bahagi ng pagtatamo ng kasanayan.
7. Ayon kay Badayos ”ang kakayahan sa
pagsulat nang mabisa ay isang bagay na
totoong mailap para sa nakararami sa atin
maging ito’y pagsulat sa unang wika o
pangalawang wika man”.
Ayon naman kay Keller: “ang pagsulat ay isang biyaya, isang
pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito”.
Ayon kay Mabilin (2012), ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng
kaalamang kailanman ay hindi maglalaho saisipan ng mga
bumabasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa
bawat panahon. Maaaring mawalaang alaala ng sumulat ngunit ang
kaalamang kanyang ibinabahagi ay mananatiling kaalaman.
8. May kanya ring pagpapakahulugan si Donald Murray: “Writing is
rewriting, a good writer is wasteful, he saws and shapes and cuts
away, discarding wood…The writer cannot build a good strong
piece of writing unless he has gathered an abundance of fine raw
materials”
Ang paglalarawan naman nina Peck at Buckingham sa
pagsulat: “ Ang pagsulat ay ekstensyon ng karanasang
natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita
at pagbabasa”.
9. * Kaya naman, sa limang makrong kasanayang pangwika, ang
pagsulat ay isa rin sa mga dapat pagtuunan ng pansin na malinang
at mahubog ng mag-aaral sapagkat dito masusukat ang kanilang
kahandaan at kagalingan sa iba’t ibang disiplina.
Sa mga makrong kasanayan tulad ng pakikinig, pagbabasa at
panonood, madalas ang isang indibiduwal na gumagawa nito ay
kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang isipan.
Subalit, sa pagsasalita at pagsusulat ang taong nagsasagawa nito ay
nagbabahagi ng kanyang mga kaisipan at nalalaman tungkol sa isang
tiyak na paksa sa pamamagitan ng kanyang sinabi at isinulat.
10. 1. Ano-ano na ang naisulat mo?
2. Nagsulat ka na ba ng tula tungkol sa hinahangaan mo o ng mga
kwentong ipinabasa mo sa publiko sa iyong social media account?
3. Nagsulat ka na ba ng sanasay na nagpapaliwanag ng pananaw sa
isang isyu?
Ang pagsulat ay isang pangangailangan. Nagsusulat ang tao upang matugunan
ang mga personal na pangangailangan. Nagsusulat ang tao hindi lamang upang
magpahayag ng saloobin at bumuo ng matatag ng mga ugnayan, bagkus ay
upang mapabuti ang sarili. Maliban sa mga ito, nagsusulat din ang tao upang
matugunan ang mga akademiko at propesyonal na pangangailangan.
11. Ano nga ba ang Akademikong Pagsulat?
Sa isang globalisasyong mundo, nakaaangat ang mga indibiduwal na may
kasanayan sa akademikong pagsulat o intelektuwal na pagsulat.
Isa itong uri ng pagsulat na kailangan ang mataas na antas na pag-iisip.
Ang mahusay na manunulat ng akademikong teksto ay may mapanuring
pag-iisip, may kakayahan siyang mangalap ng impormasyon o datos, mag-
organisa ng mga ideya, mag-isip ng lohikal, magpahalaga sa orihinalidad at
inobasyon, at magsuri at gumawa ng sintesis.
12. Samakatuwid, ang akademikong pagsulat ay isang
intelektuwal na pagsulat na nag-aangat sa antas ng
kaalaman ng mga mambabasa. Hindi ito opsiyon
para sa mga akademiko o propesyonal. Ito ay isang
pangangailangan.
Ilan sa mga halimbawa ng mga akademikong teksto ang abstrak,
bionote, panukalang proyekto, talumpati, sintesis at replektibong
sanaysay.
Bahagi na rin ng bawat propesyonal ang magsulat ng mga tekstong
tulad ng katitikan ng pulong (minutes of the meeting),posisyong
papel, at agenda. Itinuring ding akademikong sulatin ang photo
essay at lakbay – sanaysay o travel essay o travelouge .
13. Paliwanag Mo, Itala sa Dahon Ko!
Isulat ang nabuong pagpapakahulugan sa hugis dahon ng pahina.