Ms. G. Martin
Ang dula ay isang uri ng panitikan na
naglalayong maitanghal sa entablado o teatro. Ang
pagpapahalaga sa dula ay matatamo sa pamamagitan ng
panonood dito. Ang mga dula ay maaaring hango sa tunay
na buhay o isinulat bunga ng malaya at malikhaing kaisipan
ng manunulat o script writer.
Uri ng Dula Ayon sa Anyo:
1. komedya - ay dulang nagdudulot ng kasiyahan o
katatawanan sa mga manonood gamit ang mga abilidad ng mga
gumaganap sa paglalapat ng pagpapatawa sa iskrip o linyang
binibitawan. Ang halimbawa ng dulang ito ay “Bakit Ang Babae Ang
Naghuhugas ng Pinggan?”
2. melodrama - ay dulang may kasiya – siyang wakas para
sa pangunahing tauhan. Ito rin ay nagtataglay ng mga malulungkot
na tagpo na inilalapat sa mga pananalita at damdaming ipinahahayag
ng mga tauhan at minsan ay nagtatapos sa kasawian ng bida. Ito
ay karaniwang nilalapatan ng musika at ginagawang dulang
pangmusika. Ang halimbawa ng melodrama ay MaraClara.
3. trahedya - ay dulang ang pangunahing tauhan ay
masasawi o hahantong sa kanyang kabiguan ngunit karaniwang
may makabuluhang pagtatapos. Ang halimbawa ng trahedya
ay Hiblang Abo.
4. Parsa o Saynete – pinapaksa ng dulang ito ang mga pag-
uugali ng tao na kung saan itinatanghal sa nakatutuwang
pamamaraan.
Uri ng Dula Ayon sa Ganapan:
1. dulang panlansangan - ay karaniwang ipinalalabas
sa lansangan. Ang halimbawa nito ay panunuluyan.
2. dulang pantahanan - ay karaniwang isinasagawa
sa tahanan. Ang halimbawa nito ay pamamanhikan.
3. dulang pantanghalan - ay karaniwang isinasagawa
sa tanghalan. Ang halimbawa nito ay Macbeth ni William
Shakespeare.
Bahagi ng Dula:
1. Simula - ang unang bahagi ng dula na karaniwang
nagpapakilala sa mga tauhan at nagbibigay linaw sa tagpuan ng
dula.
2. Gitna - ang bahaging naglalahad ng kasukdulang ng dula.
3. Wakas - ang dulong bahagi ng dula na nagbibigay linaw
sa kinahinatnan ng pangunahing tauhan sa dula.
Elemento ng Dula:
1. aktor o gumaganap - ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa
iskrip. Sila ang bumibigkas ng dayalogo o bumibitaw ng mga
linya. Sila rin ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin na
pinanonood ng mga tao sa tanghalan.
2. dayalogo - ang mga binibitatawang linya ng mga aktor na
siyang sandata upang maipakita at maipadama ang mga
emosyon. Nagiging mas maganda at makapangyarihan ang dula kung
may mga malalakas at nakatatagos na mga linyang binibitiwan ng
mga aktor.
3. direktor o taga – direhe - ang nagpapakahulugan sa isang
iskrip. Siya ang nag-i-interpret ng iskrip mula sa pagpapasya sa
itsura ng tagpuan, damit o kasuotan ng mga tauhan hanggang sa
paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan.
4. iskrip - ang nagsisilbing kaluluwa ng isang dula. Ang lahat ng
bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip kaya
naman walang dula kapag walang iskrip. Sa iskrip nakikita ang
banghay ng isang dula.
5. manonood - ang nagbibigay – halaga sa dula . Ang karaniwang
target ng pagtatanghal ng dula ay ang mga manonood.
6. tanghalan - ay tumutukoy sa lugar kung saan
napagpasyahang itanghal ang isang dula. Ang tanghalan ay
maaaring isang kalsada, isang silid, o isang tahanan na napili
upang pagtanghalan ng dula.
7. tema - ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga
manonood ang palabas base na rin sa tulong ng pagtatagpi-tagpi ng
mga sitwasyon, pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at pag-
aarte ng mga aktor sa tanghalan. Ipinalalabas ang tunay na
emosyon ng mga aktor sa tulong ng malinaw na pagkakabigay
ng tema ng dula.
Sangkap ng Dula:
1.kakalasan
2.kalutasan
3.kasukdulan
4.saglit sa kasiglahan
5.sulyap sa suliranin
6.tagpuan
7.tauhan
8.tunggalian
Dula

Dula

  • 1.
  • 2.
    Ang dula ayisang uri ng panitikan na naglalayong maitanghal sa entablado o teatro. Ang pagpapahalaga sa dula ay matatamo sa pamamagitan ng panonood dito. Ang mga dula ay maaaring hango sa tunay na buhay o isinulat bunga ng malaya at malikhaing kaisipan ng manunulat o script writer.
  • 3.
    Uri ng DulaAyon sa Anyo: 1. komedya - ay dulang nagdudulot ng kasiyahan o katatawanan sa mga manonood gamit ang mga abilidad ng mga gumaganap sa paglalapat ng pagpapatawa sa iskrip o linyang binibitawan. Ang halimbawa ng dulang ito ay “Bakit Ang Babae Ang Naghuhugas ng Pinggan?” 2. melodrama - ay dulang may kasiya – siyang wakas para sa pangunahing tauhan. Ito rin ay nagtataglay ng mga malulungkot na tagpo na inilalapat sa mga pananalita at damdaming ipinahahayag ng mga tauhan at minsan ay nagtatapos sa kasawian ng bida. Ito ay karaniwang nilalapatan ng musika at ginagawang dulang pangmusika. Ang halimbawa ng melodrama ay MaraClara.
  • 4.
    3. trahedya -ay dulang ang pangunahing tauhan ay masasawi o hahantong sa kanyang kabiguan ngunit karaniwang may makabuluhang pagtatapos. Ang halimbawa ng trahedya ay Hiblang Abo. 4. Parsa o Saynete – pinapaksa ng dulang ito ang mga pag- uugali ng tao na kung saan itinatanghal sa nakatutuwang pamamaraan.
  • 5.
    Uri ng DulaAyon sa Ganapan: 1. dulang panlansangan - ay karaniwang ipinalalabas sa lansangan. Ang halimbawa nito ay panunuluyan. 2. dulang pantahanan - ay karaniwang isinasagawa sa tahanan. Ang halimbawa nito ay pamamanhikan. 3. dulang pantanghalan - ay karaniwang isinasagawa sa tanghalan. Ang halimbawa nito ay Macbeth ni William Shakespeare.
  • 6.
    Bahagi ng Dula: 1.Simula - ang unang bahagi ng dula na karaniwang nagpapakilala sa mga tauhan at nagbibigay linaw sa tagpuan ng dula. 2. Gitna - ang bahaging naglalahad ng kasukdulang ng dula. 3. Wakas - ang dulong bahagi ng dula na nagbibigay linaw sa kinahinatnan ng pangunahing tauhan sa dula.
  • 7.
    Elemento ng Dula: 1.aktor o gumaganap - ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip. Sila ang bumibigkas ng dayalogo o bumibitaw ng mga linya. Sila rin ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin na pinanonood ng mga tao sa tanghalan. 2. dayalogo - ang mga binibitatawang linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at maipadama ang mga emosyon. Nagiging mas maganda at makapangyarihan ang dula kung may mga malalakas at nakatatagos na mga linyang binibitiwan ng mga aktor.
  • 8.
    3. direktor otaga – direhe - ang nagpapakahulugan sa isang iskrip. Siya ang nag-i-interpret ng iskrip mula sa pagpapasya sa itsura ng tagpuan, damit o kasuotan ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan. 4. iskrip - ang nagsisilbing kaluluwa ng isang dula. Ang lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip kaya naman walang dula kapag walang iskrip. Sa iskrip nakikita ang banghay ng isang dula. 5. manonood - ang nagbibigay – halaga sa dula . Ang karaniwang target ng pagtatanghal ng dula ay ang mga manonood.
  • 9.
    6. tanghalan -ay tumutukoy sa lugar kung saan napagpasyahang itanghal ang isang dula. Ang tanghalan ay maaaring isang kalsada, isang silid, o isang tahanan na napili upang pagtanghalan ng dula. 7. tema - ang pinakapaksa ng isang dula. Naiintindihan ng mga manonood ang palabas base na rin sa tulong ng pagtatagpi-tagpi ng mga sitwasyon, pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari at pag- aarte ng mga aktor sa tanghalan. Ipinalalabas ang tunay na emosyon ng mga aktor sa tulong ng malinaw na pagkakabigay ng tema ng dula.
  • 10.
    Sangkap ng Dula: 1.kakalasan 2.kalutasan 3.kasukdulan 4.saglitsa kasiglahan 5.sulyap sa suliranin 6.tagpuan 7.tauhan 8.tunggalian