3. Tingnan ang larawan sa
ibaba.
PAGGANYAK
Paano mo ito ilalarawan?
Kung aakyatin mo ang puno sa larawan
paano mo ito aakyatin?
4. PAGLALAHAD
Kulang ang isang pahayag kung
hindi ka nakapaglalarawan.
Kailangan mong mailarawan ang mga
bagay na iyong nakikita, naririnig,
naaamoy, natitikman at nahahawakan
upang higit na maging epektibo ang
iyong pagpapahayag. Bukod sa
nabanggit, maaari mo ring ilarawan
ang iyong mga ginagawa at ang
5. PAGTALAKAY
Basahin ang pangungusap sa ibaba.
1.Ang anak ni Aling Lita ay matapat.
2. Tapat maglingkod ang aming punong-
bayan.
Pansinin ang salitang may salungguhit.
Paano ito ginamit sa pangungusap?
Ano ang inilalarawan ng salitang may
salungguhit sa unang pangungusap? Sa
ikalawa?
6. SUBUKIN NATIN
Tukuyin kung ang salitang may
salungguhit ay pang-uri o pang-abay.
_________1.Masarap magluto ang aking
ina.
_________2.Masarap ang sopas.
_________3.Mabilis matuto si Joshua.
_________4.Mabilis ang kabayo ni Lito.
_________5. Si Boyet ay tapat na bata.
7. _________6.Tapat magmahal ang
binatang si Luis.
_________7.Madumi maglaro ang grupo
ni Brando.
_________8.Madumi ang damit ni Nena.
_________9.Malinis maglaba ang aming
labandera.
_________10. Malinis ang bahay namin.
8. PAGLALAHAT
Ang pang-uri ay ginagamit
upang ilarawan ang pangngalan.
Ang pang-abay ay ginagamit
upang ilarawan ang pandiwa, pang-
uri at kapwa pang-abay.