This document discusses cause and effect and provides examples. It defines cause as the reason or explanation for events, and effect as the outcome or result of an event. It lists words that indicate cause like "because" and "since" and words that indicate effect like "therefore" and "consequently." Examples are provided of causes and their effects, like Juan falling in the canal because he wasn't looking where he was walking. The document instructs to think of causes for given effects and write sentences combining them.
This document discusses cause and effect and provides examples. It defines cause as the reason or explanation for events, and effect as the outcome or result of an event. It lists words that indicate cause like "because" and "since" and words that indicate effect like "therefore" and "consequently." Examples are provided of causes and their effects, like Juan falling in the canal because he wasn't looking where he was walking. The document instructs to think of causes for given effects and write sentences combining them.
A daily lesson log dll is a standard template that covers a week's worth of lessons in one tabular format. The use of a DLL supports teachers in upholding quality education standards and helps them plan lessons efficiently and effectively.
4. Basahin ang Paghandaan natin
Ang Pilipinas ay isang bansang tropikal
kaya nakararanas lamang ito ng dalawang
uri ng panahon- ang tag-araw at tag-ulan.
Dahil sa ganitong klima, basketbol ang
karaniwang larong kinahihiligan ng mga
Pilipino anumang edad. Laganap ang
pagtangkilik sa larong ito lalo na ng
kabataan.
Taliwas naman ito sa nakahiligang
skating ni Michael Chrstian Martinez
5.
6. Karangalan Mula sa Niyebe
Nakilala si Michael Christian Martinez sa
larong skating nang nakapasok siya sa
Winter Olympics noong taong 2014. siya ang
kauna-unahang figure skater sa Pilipinas at
sa Timog-silangang Asya.
Hindi madali ang larong ito para kay
Michael. Ang larong skating ay kilala sa
malalamig na bansa dahil sa niyebe rito.
Kaya mistulang namangha ang buong
mundo kay Michael sa ipinakita niyang
husay at galing sa nasabing sport kahit na
walang taglamig o winter season sa Pilipinas.
7. Naging papalaisipan sa marami kung
paano siya nakapagsanay nang husto dahil
walang niyebe sa Pilipinas. Bukod pa sa
malaking halaga ang kailangan para sa
gastusin kaugnay ng isport na ito. Ngunit
nalalagpasan ito ni Michael at kaniyang ina.
Buong- buo ang suporta ng ina sa anak.
8. Malaki ang papel ng isang sikat na mall
kay Michael at sa isport niyang skating. Dito
siya nagsimula. Bata pa si Michael ay
nakararanas siya ng asthmatic bronchitis
ngunit kahit na nagdudulot nang masamang
epekto ang lamig mula sa skating rink ay
hindi niya ito ininda. Nakatulong pa nga ito
kay Michael dahil bumuti ang kaniyang
kondisyon kaya naman hinayaan na siya ng
kaniyang ina na dito niya ibuhos ang
kaniyang panahon.
9. “Taon-taong bumubuti ang aking
kalusugan, kaya tuluyang sinuportahan ng
aking ina ang aking skating. Maigi pang
gumastos ng pera sa pag-skating kaysa sa
ospital,” ang pahayag ni Michael.
Marami nang kompetisyong sinalihan si
Michael sa ibang bansa. Pinalad din naman
siyang manalo sa ilang kompetisyong ito.
Karangalan ang dala niya para sa ating
bansa.
10. Dumating ang panahon na kailangang
magsanay ni Michael. Kailangan niyang
paghandaan ang isang malaking
kompetisyong international. Itinuturing niya
na pinakamalaking laban niya ito bilang
skater.
Kailangan nila ng malaking halaga para
sa pagsasanay na gagawin sa ibang bansa.
“Huwag kang mag-alala, Anak.
Makakasali ka sa Sochi Winter Olympics.
Isasanla muna natin ang ating bahay.
Huwag mong alalahanin ito. Matutubos din
natin ang bahay na ito.
11. Magtiwala ka lang sa kakayahan
mo at sa Diyos, higit sa lahat. Paghusayan
mo para sa iyo, para sa ating pamilya, at
para sa ating bansa,” ang mahabang
pahayag ng ina ni Michael.
May mabubuting puso rin ang nag-
sponsor sa kinakaharap na ito ni Michael at
ng kaniyang pamilya, ito ang Philippine
Retail and Development Corporation, na
nagmamay-ari ng skating rink sa bansa at
Philippine Skating Union.
12. Natupad ang pangarap ni Michael
na makasali sa Sochi Olympics. Hindi
man siya nanalo, umabot naman
siya sa final round ng Men’s figure
skating category. Pinatunayan ni
Michael na kapag masipag,
matiyaga, masigasig, at may
determinasyon, kayang-kayang
makipagtagisan ng Pilipino sa ibang
lahi, kahit na walang niyebe sa
Pilipinas.
14. Talakayin ang Pag-usapan Natin
Talasalitaan: Ibigay ang kahulugan ng mga salita
at gamitin ito sa pangungusap.
skating
niyebe
namangha
palaisipan
suporta
ibuhos
isasanla
sponsor
matutubos
determinasyon
15. Ano ang magandang
dulot ng pagiging
masipag, matiyaga,
masigasig at
pagkakaroon ng
determinasyon sa buhay?
17. 1. Bata pa si Michael nang makahiligan niya
ang ________
2.Kahit na nakararanas ng ______________
ipinagpatuloy pa rin ni Michael ang skating
3. Nakabuti sa _________ ni Michael ang lamig
ng skating rink.
4. Ang ___________ ay ang kompetisyong
itinuring ni Michael na pinakamalaking laban
niya bilang skater.
5. Kayang-kayang makipagtagisan ng Pilipino
kapag ___________, ________, ____________, at
_____________________.
Pasagutan ang Pag-unawa sa Binasa. Buuin ang
pangungusap sa bawat bilang. Punan ang patlang ng
angkop na salita. Isalat ang mga sagot sa iyong
kuwaderno.
18. Kailanan ng Pangngalan
Nagagamit nang wasto ang mga
pangngalan at panghalip sa
pagtalakay tungkol sa sarili,sa mga
tao,hayop, lugar,bagay at pangyayari
sa paligid
DAY 2
19. Ano ang naging bunga ng
pagiging masipag ng isang
bata?
Paano nakamit ni Michael ang
kanyang pangarap na
makasali sa Sochi Olympics?
DAY 2
20. Magsagawa ng laro na “The
boat is sinking”
Ipakita o ipapangkat ang
sarili ayon sa sasabihing
bilang.
21. Talakayin ang tatlong uri ng kailanan ng
pangngalan sa PAG-ARALAN NATIN sa pahina
20.”
23. Ano ang panghalip panaklaw?
Talakayin ito at magbigay ng
mga halimbawa ng
pangungusap gamit ang mga
panghalip panaklaw at ipatukoy
ang ginamit sa mga mag-aaral.
Hal. Nagdiwang ang madla
dahil sa nakamit na tagumpay ni
Kyrie Verzosa sa ginanap na Miss
International sa Japan.
24. Panghalip na Panaklaw – ay panghalip na
panghalili sa sinasaklaw na bilang o dami.
Halimbawa:
balang pulos bawat isa kailanman isa
panay madla lahat magkano man isa pa
anuman pawang balana bawat isa iba
sinuman ninuman kaninuman saanman
Ang panghalip na panaklaw ay tiyakan kung
naglalahad ng kaisahan o nagsasaad ng dami o
kalahatan; di-tiyakan kung binubuo ng paghalip
na pananong at pangatnig na man.
25. Gamitin ang mga kailanan ng pangngalang sa
pangungusap at panghalip panaklaw tungkol
sa pagpapanatili ng kalinisan sa paaralan.
Pangkat 1- dula dulaan
Pangkat 2– balita
Pangkat 3- tula
Pangkat 4- debate
28. Ano ang kahalagahan ng
wastong paggamit ng
mga kailanan ng
pangngalan at panghalip
panaklaw sa pagbuo ng
isang pangungusap?
29. Ano-ano ang tatlong uri
ng kailanan ng
pangngalan? Magbigay
ng halimbaw ng mga ito.
30. Piliin ang kailanan ng pangngalang may salungguhit. Isulat
ang sagot sa iyong kuwaderno.
1.Matapat na naglilingkod ang dama sa palasyo.
2. Mahal na mahal siya ng magkapatid na prinsesa.
3. Maging ang hukbo ng mga kawal ay labis ang paggalang sa damang
ito.
4. May isa pang kapatid ang daman a kasingbait din niya.
5. Naglilingkod naman ito sa kabataan bilang guro.
6. Ang mga mag-aaral na tinuturuan niya ay masisigasig na mag-
aaral.
7. Ang kambal na anak ng kapatid ng dama ay maliliit pa.
8. Inaalagan ito ng kanilang mga magulang.
9. May magandang samahan at pagsusunuran ang sambayanan.
10. Labis itong ikinatuwa ng hari at reyna.
31. DAY 3
• Kailanan ng Pangngalan
• Pagbabahagi ng
pangyayaring nasaksiha o
naobserbahan
32. • Ano-ano ang tatlong uri ng
kailanan ng pangngalan?
• Magbigay ng halimbawa ng
bawat isa.
• Ano ang kahulugan ng
panghalip panaklaw?
33. • Bilang pangganyak na gawain,
basahin sa klase ang sumusunod na
pangungusap, saka sila mag-uunahan
sagutin ang mga ito sa kanilang show
me board.
• 1.Masayang nagkukuwentuhan ang
magkakaklase sa loob ng kanilang
silid-aralan.
• 2.Si Maria ay mabuting ina.
• 3.Nagtungo kahapon sa bukid ang
mag-pinsan upang magtanim ng
palay.
34. • Talakayin ang mga sagot ng mag-
aaral. Ipasulat sa pisara ang mga
tamang sagot.
• Mula sa kasagutan ng mga mag-aaral
ay talakayin na rin ang mga kailanan
ng pangngalang ginamit at papunan
ang talahanayan. bilang halimbawa
sa susunod na gawain.
Isahan Dalawahan Maramihan
magkakaklase
ina
magpinsan
35. Gawin ang PAGSIKAPAN NATIN C. Talakayin ang
kasagutan ng mga mag-aaral matapos nilang sagutan
ang gawain.
36. • Magsagawa ng pangkatang Gawain
bilang pangganyak sa aralin.
• Basahin ang pangungusap at
ipatukoy kung anong uri ng kailanan
ng pangngalan o panghalip
panaklaw na ginamit sa
pangungusap. Mag-uunahan ang
bawat pangkat na maisulat ito sa
kanilang show me board.
37. Makapal na sweater ang suot ng
magpipinsan dahil malamig ang
panahon sa Lungsod ng Baguio.
Sagot
Magpipinsan - Maramihan
40. • Anuman ang iyong edad.
Sagot
Anuman- Panaklaw
• Sinuman ang iyong kasama
Sagot
Sinuman- Panaklaw
41. Gawin ang PAGSIKAPAN NATIN D.
Sipiin sa iyong kuwaderno ang
talahanayan sa ibaba. Pagkatapos,
punan ito ng kailanan ng pangngalan.
Isahan Dalawahan Maramihan
1.ama
2.kapatid
3.bata
4.guro
5.kalaro
42. • Sa iyong palagay, bakit
mahalaga na matukoy ang
bawat kailanan ng
pangngalan na ginagamit sa
pangungusap?
43. • Ano-ano ang mga kailanan ng
pangngalan?
• Ano ang panghalip
panaklaw?
47. Ano ang pinakapaborito
mong pelikula?
Bakit mo ito paborito?
Ano ang nagustuhan mo sa
pelikulang ito?
Hingan ang mga mag-aaral
ng kanilang kasagutan
upang makuha ang interes
nila sa aralin.
48. Magpanood ng isang maikling pelikula sa mga
bata.
Ipanood ang “Si Buboy ang Masipag na
Bubuyog”
-Ipaskel sa pisara ang pamagat ng pelikulang
panonuorin
-Pag-usapan ang pamagat
-Ano ang pamagat ng pelikula
-Gamit ang prediction chart, ano ang mga
tanong na nais ninyong masagot sa pelikulang
papanuorin?
Tanong Huling sagot Tunay na sagot
50. PAGNILAYAN NATIN:
Magbigay ng halimbawa
upang higit na mapatunayan
ang kahalagahan ng
kasipagan sa buhay ng isang
tao.
Tumawag ng mga mag-aaral
na magbahagi ng kanilang
sagot.
51. PAG-ALABIN NATIN
GABAYAN ANG MGA MAG-AARAL UPANG
MAKAGAWA NG ISLOGAN NA NAGPAPAKITA NG
PAGMAMALASAKIT SA PAMAYANAN. GAMITIN
ANG RUBRIK SA PAGMAMARKA NG NATAPOS NA
ISLOGAN.
52. Ano ang magadang
naidudulot ng pagiging
masipag na bata?
Paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan ng napanuod na pelikula
53. Paano mailalarawan ng wasto ang
mga tauhan at tagpuan?
Sagot:
Upang mailarawan ng wasto ang
mga tauhan at tagpuan, kailangan
ng masusing panonood sa pelikulang
pinapanood at upang lubos din
maunawaan ang kuwentong
pinapanood.
54. Gawin Natin 1
a.Sinu-sino ang mga tauhan
sa napanuod ninyo sa
pelikula?
b.Ilarawan ang mga tauhan.
c.Saan ang tagpuan ng
pelikula?
d.Ilarawan ang tagpuan.