2. Matagal na nating ginagamit ang wikang
Filipino, hindi ngalang natin ito gaanong
ginagamit bilang midyum sa mga akademiko at
teknikal na usapin.
Bunga na rin ng edukasyong
kanluranin, kailangan pa nating patunayan na
kaya nitong maging midyum sa talastasang
akademiko. Ayon kay Zeus Salazar, ang paggamit
ng wikang Filipino ay patunay lamang ng
kasapatan sa mga nangangailangan nito, dahil
dito nagsimula ang pagdududa sa kakayahan ng
ating wika at dahil dito ang pagkakaroon ng
kaalaman sa Ingles ay itinuturing na karunungan.
3. Maaari ring batayang pang-ekonomiya
ang bagay na ito sapagkat kung gusto mong
matutong mag-Ingles ay kailangan mo pang
magbayad kumpara sa ating wika na
nagmumukhang walang class sapagkat hindi
mo na kailangang mag-aral upang matutunan
ito.
Hindi na natin kailangang tanungin ang
ating sarili kung may tiwala at pagtanggap
tayo sa sarili nating wika at kung ibabaling pa
natin sa karanasang kolonyal ay talgang
walang mangyayari.
5. Nakabatay sa kapasidad ng pagpapayaman ng
wika sa kakayahan nitong kumatawan sa mga
karanasang luwal sa lipunan tulad ng, lumikha ng
salita sa mga dayuhang
salita, manghiram,magbanyuhay at umangkin ng
bagong salita at kaalaman.
Marami na ring pananaliksik ang nagtala sa
bisa ng wikang filipino sa pagtuturo at napatunayan
na nakakakuha ng mataas na marka ang mga mag-
aaral na gumagamit ng wikang Filipino.
6. Sa karanasan ng mga guro, nakita nila ang bilis
at pagkatuto at pagsasalin sa praktika ng aktwal na
ibinabahagi ng ating wika. Ayon kay
Salazar, mainam na tangggapin ang wikang Filipino
at pag-ukulan ng ng sikap ang pagpapayaman nito.