SlideShare a Scribd company logo
1 of 95
“Matuto ka namang
magkusa dahil hindi ka na
bata!”
Panuto: Mag-isip ng mga pangyayari sa iyong buhay sa mga
nakaraang buwan at isipin kung mayroon kang ginawang kilos.
Ano ang kilos na iyong nagawa? Sagutin ang mga pampropesong
tanong.
Pamprosesong tanong:
1. Lahat ba ng nagawa mong kilos ay tama? oo o hindi, Bakit?
2. Kusa ba sa iyong kalooban ang kilos na iyong ginawa?
3. Binigyang pansin mo ba ang pananagutan mo sa kahihinatnan
ng pinili mong pasiya?
Kung mabibigyan ka ng isa pang pagkakataon, uulitin mo ba ang
parehas na
kilos? Oo o Hindi, Bakit?
•Kilos ng tao (Acts of Man)
•Makataong Kilos (Human Acts)
2 Uri ng Kilos ng Tao
Ang kilos ng tao ay may mga kilos na
nagaganap sa tao. Ito ay likas sa tao o
ayon sa kanyang kalikasan bilang tao at
hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob.
Ang kilos na ito ay masasabing walang
aspekto ng pagiging mabuti o masama –
kaya walang pananagutan ang tao kung
naisagawa ang isang kilos.
Kilos ng Tao (act of man)
•Ang mga bayolohikal at pisyolohikal na
kilos na nagaganap sa tao tulad ng
paghinga, pagtibok ng puso, pagkurap
ng mata, pagkaramdam ng sakit mula sa
sugat, paghikad at iba pa.
Halimbawa:
Tanong:
(1)Ano ang makataong kilos na ginawa ni
Billy?
(2)Mayroon bang pagkukusa si Billy na
gawin ang kilos na iyon? Oo o hindi,
Bakit?
(3)Nararapat ba ang ginawa ni Billy?
Bakit?
(4)Mayroon bang dapat panagutan si Billy
sa kanyang ikinilos? Ipaliwanag
Dahil sa pandemya, nagkaroon ng agarang pagsususpende ng
klase na nagtuloy-tuloy. Pati ikaapat na pagsusulit ay hindi na
natuloy at ang mga grado ay na compute sa pamamagitan ng
bagong transmutable table na ibinigay ng central office.
Pagkatapos mag compute ang guro nakita niya na si Armando ay
bumagsak sa Science. Sinabihan ng guro si Armando na
magkaroon siya ng karagdagang gawain para siya ay pumasa.
Binigyan siya ng guro ng 5 modyul sa science at sinabihan na
gagawin niya ito ng dalawang Linggo. Ngunit, dahil sa tinulungan
niya ang kanyang magulang sa harden hindi natapos ni Armando
ang dalawang modyul kaya ang kanyang ginawa ay pinasagutan
niya ito sa kanyang barkada na si Jerome. Bilang kabayaran sa
pagsagot ni Jerome sa dalawang modyul binigyan niya ito ng
Tanong:
(1) Ano ang makataong kilos na ginawa ni
Armando?
(2) Mayroon bang pagkukusa si Armando na gawin
ang kilos na iyon? Oo o hindi, Bakit?
(3) Nararapat ba ang ginawa ni Armando?Bakit?
(4) Mayroon bang dapat panagutan si Armando sa
kanyang ginawa? Ipaliwanag
(5) Mayroon bang dapat panagutan si Jerome sa
kanyang ginawa? Ipaliwanag
Gawi
• Ito ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at
naging bahagi na ng isang sistema ng buhay sa araw-
araw.
•Ito ang mga bagay na nakasanayan na gawin
•Ang gawi ay hindi kailanman nakapagpapawala ng
kapanagutan sa kahihinatnan ng makataong kilos.
B.Sagutan ang sumusunod na katanungan.
1. Ano-1. ano ang mga mahahalagang pangyayari sa
napanood?
2. Anong mga salik ang nakita mong nakaapekto sa kilos at
pananagutan ng tauhan?
3. Magbigay ng eksena kung saan ipinakita ang mga salik
na nakakaapekto sa makataong kilos.( kamangmangan,
gawi, takot masidhing damdamin,at karahasan)
3. Sa bawat kalagayan ng mga tauhan sa palabas,
nabawasan ba o naragdagan ang
kanilang pananagutan sa bawat kilos na kanilang ginawa?
Gamit ang grupo mula sa unang gawain, magkakaroon ng dula-dulaan o
presentasyon tungkol
sa sitwasyon kung saan may nasaktang:
a. Kapwa
b. Magulang
c. Guro
d. At iba pa
Ipakita sa presentasyon ang dahilan kung paano nakasakit ng damdamin at paano o
anong hakbang ang gagawin upang masolusyunan ang sitwasyon.
Kraytirya:
a. Nilalaman -50%
b. Kaugnayan sa Paksa -30%
c. Paggamit ng Angkop na Salita-20%
Kabuuang puntos 100%
Pumili ng isang Gawain
at sagutin ang tanong.
A. Balikan ninyo ang inyong Timeline sa inyong FB Account. Basahin ang
hindi n’yo makakalimutang post o comment o status.
Ano ang naging resulta nang inyong ginawang post o status at ano ang
inyong naging damdamin?
B. Alalahanin at ibuod ang iyong karanasan kung saan ay nakapagbitiw ka
na isang masakit na salita sa iyong kaklase o kaibigan. Ano ang naging
resulta ng iyong sinabi? Ano ang iyong naging damdamin?
C. Alalahanin at ibuod ang iyong karanasan kung saan ay nakagawa ka ng
isang kilos na nagdulot ng hindi maganda sa iyong kapwa. Ano ang naging
resulta nang iyong ginawa? Ano ang iyong nagingdamdamin?
(Isulat ito sa inyong notbuk at ipasa sa susunod na pagkikita
Mga salik na nakakaapekto sa paraan ng kilos
Layunin. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon
ang kilos-loob. Ito rin ay tumutukoy sa taong gumagawa ng kilos
(doer); hindi ito nakikita o nalalaman ng ibang tao dahil ito ay
personal sa taong gumagawa ng kilos. Ito ang pinakalayunin o
pinatutunguhan ng kilos. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang
mismong kilos ay hindi maaaring husgahan kung mabuti o masama
kung hindi nito isasaalang-alang ang layunin ng taong gumagawa
nito. Mahalagang tingnan ang kabuuang kilos na kasama ang layunin
ng tao na nagsasagawa nito. Ang pamantayan sa kabutihan ng
layunin ay kung iginagalang ng taong nagsasakilos ang dignidad ng
kaniyang kapuwa
Halimbawa, binigyan ni Tanya ng pagkain ang
kaniyang kamag-aral na walang baon. Ginawa
niya ito dahil nais niyang kumopya sa kaniyang
kaklase sa pagsusulit sa Matematika. Mabuti ba
ang layunin ng kilos? May paggalang ba ito sa
dignidad ng kamag-aral?
Paraan. Ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan o paraan
upang makamit ang layunin. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, may
nararapat na obheto ang kilos. Halimbawa, sa kilos na kumain,
ang obheto ay makakain. Ngunit kung kakain ka ng bato, ito ay
masama dahil hindi kinakain ang bato. Ang kilos ng uminom ay
may obheto na makainom. Ngunit kung iinom ka ng muriatic acid
ito ay masama dahil nakamamatay ito. Samakatuwid, ang paraan
ng kilos ay ang nararapat na kilos dahil ang kabutihan ng panlabas
na kilos ay ang nararapat na obheto nito
Ang bawat kilos ay may layunin. Ngunit paano
mo ba nahuhusgahan kung ang layunin mo ay
mabuti o masama? Halimbawa, sa pagsusulit,
ano ba ang layunin nito? Paano kung ang isang
mag-aaral ay mangopya ng sagot mula sa iba
dahil hindi siya nakapag-aral ng leksiyon?
Tingnan ang larawan sa ibaba.
Sirkumstansiya. Ito ay tumutukoy
sa isang kondisyon o kalagayan ng
kilos na nakababawas o
nakadaragdag sa kabutihan o
kasamaan ng isang kilos. Narito
ang iba’t ibang sirkumstansiya
Kahihinatnan. Ang lahat ng ginagawang
kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at
may kaakibat na pananagutan. Anuman
ang gawing kilos ay may kahihinatnan.
Mahalaga na masusing pag-isipan at
pagplanuhang mabuti ang anumang
isasagawang kilos dahil mayroon itong
katumbas na pananagutan na dapat
isaalang-alang. Kung minsan,
nagkakaroon ng suliranin sa pagpapasiya
dahil sa kawalan ng kaalaman kung ang
pinili niyang kilos ay mabuti o masama
_____1. Isang lalaking de-kotse, pinagagalitan ang isang
matandang drayber dahil sa hindi pagparada nang tama ng
kanyang dyip. Habang pinagsasalitaan nang hindi maganda ang
matandang drayber ay naroon sa tabi niya ang kaniyang paslit
na apo.
A. Panonoorin ko ang nangyayaring kaganapan.
B. Tatawag ako ng kinauukulan tulad ng barangay
tanod o pulis para mamagitan sa kanila.
C. Pupuntahan ko ang lalaki at ang matandang drayber.
Pagsasabihan ko sila na tumigil na.
D. Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kami sa
kaganapan.
.
_____2. Kayong magkaka-eskwela ay nasa paborito ninyong kainan. May pumasok na
binatilyo na hindi maikakailang may kapansanan sa paglalakad. Napansin mong
walang bakanteng lamesa at upuan para sa binatilyo na tila uhaw at gutom na.
A. Tatawagin ko siya para umupo nang sandali sa aming lamesa habang
naghihintay siya ng
malulugaran.
B. Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan at tawanan sa
aking mga ka-eskwela.
C. Tatawagin ko ang pansin ng isa sa mga service crew para maglaan ng lugar
para sa mga taong may
kapansanan.
D. Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyong may
kapansanan habang hindi pa siya
nakakahanap ng lugar sa kainan.
3. Bunga ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may kapanagutan ang
tao sa pagsasagawa nito.
A. Makataong kilos C. Sirkumstansya
B. Kahihinatnan D. Paninindigan
_____4. Ang kilos ay nagpakita ng pagkukusang kilos
A. Voluntary Act C. Imputable
B. Paninindigan D. Kilos ng Tao
_____5. Mga kilos na nagaganap sa tao, likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan
bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob.
A. Makataong kilos C. Voluntary Act
B. Kilos ng tao D. Kahihinatnan
_____6. Bakit kailangang isaalang-alang ang kapakanan ng kapuwa sa ating
pagkilos?
A. Ito ay tanda ng tunay na pananampalataya.
B. Sa pagbibigay sa kapuwa, tumatanggap din tayo.
C. Kung ano ang iyong ginawa ay maaaring gawin din sa iyo.
D. Lahat ng nabanggit.
7. Hindi maaaring sabihin sa isang taong
nagugutom na ipagdasal niya ang kanyang
pagdurusa. Kailangan ay
A. Manalangin ka rin upang maibsan
ang kanyang gutom.
B. Makiramay ka sa kanyang gutom na
nadarama.
C. May gawin ka upang maibsan ang
kanyang gutom.
D. Tumawag ng ibang taong maaaring
tumulong sa kanyang pagdurusa.
7_____8. Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang
direksyon ang isang tao?
A. Upang siya ay hindi maligaw.
B. Upang matanaw niya ang hinaharap.
C.Upang mayroon siyang gabay.
D. Upang magkaroon siya ng kasiyahan.
_____9. “Nag-iiwan tayo ng marka sa bawat kilos ng
kabutihang ating ginagawa.” Ano ang ibig sabihin nito?
A. Iginuguhit sa palad ng tao ang kanyang mga
ginagawa.
B. Nakikilala ang ginawang kabutihang ginagawa
natin sa ating kapwa.
C. Nararamdaman ng tao ang iyong kabutihan
_____10. Nakita mo ang iyong nakatatandang kapitbahay na pinapalo ang
kanilang pusa sa kadahilanang itinakbo nito ang pagkain nila na nasa hapag-
kainan.
A. Kukuhanin ko ang pusa at kakalingain ko ito sa aming tahanan.
B. Kukuhanan ko ng video ang pangyayari at ia-upload sa YouTube.
C. Aawatin ko ang aming kapitbahay bago pa niya lalo pang masaktan
ang pusa.
D. Papanoorin ko na lang ang pananakit ng matanda dahil maysala ang
pusa.
_____11. Isang mahirap na kapitbahay mo ang ooperahan at nangangailangan
ng dugo gaya ng “type” mo.
A. Magpakuha ka ng dugo at magpabili ng masarap at mamahaling
pagkain.
B. Magpakuha ng dugo sa pinakamababang halaga lang.
C. Magpakuha ka ng dugo ng walang anuman.
D. Pipiliin ang taong tutulungan.
.
_____12. May isang pasahero ng bus na buntis. Nakatayo siya dahil wala na
siyang maupuan.
A. Di mo papansinin .
B. Ibibigay mo sa buntis ang upuan mo.
C. Utusan ang katabi upang tumayo at ibigay ang kanyang upuan sa
buntis.
D. Magtulog-tulugan upang hindi mapansin ang buntis.
_____13. Nalaman mong mabaho ang hininga ng isa mong kaibigan. Ano ang
iyong gagawin?
A. Iiwasan ko siya.
B. Ikakalat ang nalaman sa ibang tao.
C. Kakausapin ko siya ng dahan-dahan tungkol sa problema niya.
D. Pagagalitan ko siya dahil hindi ito malinis sa katawan
_____14. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay halaga sa
isang kapwa?
A. Dapat umalis kaagad kung nag-uumpisa nang
magsalita ang isang tao.
B. Dapat makinig habang may nagsasalita.
C. Dapat sabayan ng pagtulog ang pakikinig sa
nagsasalita.
D. Dapat magsasalita rin kung may nagsasalita.
_____15. Nangopya si Cely sa katabi niya. Nahuli siya ng guro
at nagalit sa kanya. Ano ang kanyang dapat gawin?
A. Iiyak at magsumbong sa magulang.
B. Humingi ng paumanhin at mangakong di na ito
uulitin.
_____16. Nakabatay sa bigat ng kagustuhan o
pagkukusa
A. Kilos ng tao C. Bigat (degree)
B. Makataong kilos D. Paninindigan
_____17. Nasa ilalim ng kaalaman at kalayaan na
tinatamasa
A. Degree of Willfulness o Voluntariness
B. Ang Kautusang Walang pasubali ni
Immanuel Kant
C. Paninindigan
D. Ang Gintong Aral (The Golden Rule)
18. Ang pagtulong sa kapuwa ay itinuturing na mabuting kilos. Alin sa
sumusunod ang nagpapakita ng mas mataas na pagpapahalaga?
A. Ang pagtulong sa kapuwa ay daan upang tulungan ka rin nila.
B. Ang pagtulong sa kapuwa ay nakapagbibigay kasiyahan sa
sarili.
C. Ang pagtulong sa kapuwa ay pagtugon sa tawag na
maglingkod.
D. Ang pagtulong sa iba ay bunsod ng pakikisama.
_____19. Tinulak ka ng iyong kaklase habang tumatawa ang iba. Galit
sila sa iyo. Ano ang gagawin mo?
A. Kakausapin sila ng mahinahon upang malaman ang
problema.
B. Lalayo na lang at kimkimin ang galit.
C. Hahanap ng panahon upang makapag-usap.
D. Magsusumbong sa mga barkada.
20. Ang kanal sa inyong barangay ay barado kaya’t tuwing uulan ay umaagos ang tubig sa
kalsada. Libre ka kung Sabado at Linggo sa anumang gawain. Ano ang mabuti mong gawin?
A. I-report sa Kapitan ng Barangay ang tungkol dito.
B. Simulan ang pag-aalis ng bara sa tapat ng bahay mo.
C. Kausapin ang mga kabataan at pagtulong- tulungang alisin ang bara.
D. Hayaang makita ito ng mga kinauukulan at sila ang gumawa ng paraan.
_____21. Alin sa sumusunod na halimbawa ang hindi madaraig na kamangmangan?
A. Pagliban ng isang estudyante na ang dahilan ay wala siya noong nagbigay ng
takdang-aralin ang
kanilang-guro.
B. Hindi pagsuot ni Mabel ng kaniyang ID kaya hindi siya pinapasok.
C. Pagpasiya ng isang estudyante na pumasok sa klase kahit pa laging huli sa
pagpasok ang kanilang
guro.
D. Pag-uwi ng maaga ni Pedro dahil sa may emergency meeting ang mga guro ng
araw na iyon.
_____22. Alin sa mga ito ang kilos na bawas ang pananagutan dahil
sa takot?
A. Ang pagnanakaw ng kotse.
B. Ang pag-iingat ng isang doctor sa pag-oopera.
C. Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit.
D. Ang pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok.
_____23. Alin sa sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi
mapananagutan ang kilos dahil sa karahasan?
A. Dahil sa malakas na impluwensiya sa kilos
B. Dahil sa kahinaan ng isang tao
C. Dahil hindi kayang maapektuhan ang isip
D. Dahil hindi kayang mapektuhan ang kilos-loob
24. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?
A. Panliligaw sa crush.
B. Pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko.
C. Pagsugod sa bahay ng kaalitan.
D. Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na markang nakuha.
_____25. Alin sa mga ito ang hindi maituturing na gawi?
A. Paglilinis ng ilong C. Pagsusugal
B. Pagpasok nang maaga D. Maalimpungatan sa gabi
_____26. Ang paggawa ng tama o mali ay nangangailangan ng mapanuring pag-
iisip. Ano
ang maselan na tagapagturo ng tama at mabuti?
A. kaibigan C. kayamanan
B. karanasan D. katanyagan
27. Bakit kinakailangang isaalang-alang ang kapakanan ng kapuwa sa
ating pagkilos?
A. Ito ay tanda ng tunay na pananampalataya.
B. Sa pagbibigay sa kapuwa, tumatanggap din tayo.
C. Kung ano ang iyong ginawa ay maaaring gawin din sa iyo.
D. Lahat ng nabanggit.
_____28. Ang pagtulong sa kapuwa ay itinuturing na mabuting kilos. Alin
sa sumusunod ang nagpapakita ng mas mataas na pagpapahalaga?
A. Ang pagtulong sa kapuwa ay daan upang tulungan ka rin nila.
B. Ang pagtulong sa kapuwa ay nakapagbibigay kasiyahan sa
sarili.
C. Ang pagtulong sa kapuwa ay pagtugon sa tawag na
maglingkod.
D. Ang pagtulong sa iba ay bunsod ng pakikisama
29. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang
kilos?
A. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa
sarili o disiplina.
B. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng
kalayaan at kilos-loob.
C. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang
proseso ng pag-iisip at pamimili
30. Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakahuling
hakbang na iyong gagawin?
A. Isaisip ang mga posibilidad
B. Maghanap ng ibang kaalaman
C. Umasa at magtiwala sa Diyos
D. Tingnan ang kalooban
_____31. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng
makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
A. Isip at Kilos-loob
B. Intensiyon at Layunin
C. Paghuhusga at Pagpili
D. Sanhi at Bunga
32. Habang naglalakad sa mall si Mary Rose ay nakakita siya
ng sapatos. Matagal na niyang gustong magkaroon ng
ganoong klaseng sapatos. Tumigil siya sandali at nag-isip
kung saan siya kukuha ng pera upang mabili ito. Nasa anong
yugto ng makataong kilos si Mary Rose?
A. Intensiyon ng layunin
B. Nais ng layunin
C. Pagkaunawa sa layunin
D. Praktikal na paghuhusga sa pagpili
33. Gamit ang halimbawa sa bilang 2. Pinag-isipan ni Mary
Rose ang iba’t ibang paraan upang mabili niya ang sapatos?
Hihingi ba siya ng pera sa kaniyang magulang, mag-iipon o
magnanakaw ng pera upang mabili ito. Nasaan na kayang
yugto ng kilos si Mary Rose?
A. Intensiyon ng layunin
B. Pagkaunawa sa layunin
C. Paghuhusga sa nais makamtan
D. Masusing pagsusuri ng paraan
34. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti
at masamang naidudulot ng pasiya?
A. Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa
pang-araw-araw na buhay.
B. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang
magkaroon siya ng mabuting kilos.
C. Dahil ang bawat kilos ay may batayan,
dahilan, at pananagutan.
D. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng
kaseguruhan sa kaniyang pagpili.
36. Alin sa sumusunod ang unang dapat
gawing hakbang sa moral na pagpapasiya?
A. Tingnan ang kalooban
B. Magkalap ng patunay
C. Isaisip ang posibilidad
D. Maghanap ng ibang kaalaman
37. Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano
kaya ang pinakahuling hakbang na iyong
gagawin?
A. Isaisip ang mga posibilidad
B. Maghanap ng ibang kaalaman
C. Umasa at magtiwala sa Diyos
D. Tingnan ang kalooban
Niyaya si Alfred ng kaniyang mga kamag-aral na huwag pumasok at
pumunta na lamang sa isang computer shop. Hindi kaagad sumagot
ng oo si Alfred bagkus ito ay kaniyang pinag-isipang mabuti kung ito
ba ay tama o mali at ano ang sakaling magiging epekto nito kung
sakaling sumama siya. Anong proseso ng pakikinig ang ginamit ni
Alfred?
A. Isaisip ang mga posibilidad
B. Maghanap ng ibang kaalaman
C. Tingnan ang kalooban
D. Magkalap ng patunay
. Kung sa iyong pagpapasiya ay sinuri mo
ang iyong konsensiya at binibigyang halaga
mo kung ang iyong pasiya,
makapagpapasaya sa iyo o hindi. Anong
bahagi kaya ito ng Hakbang sa Moral na
Pagpapasiya?
A. Magkalap ng patunay
B. Maghanap ng ibang kaalaman
C. Tingnan ang kalooban
D. Umasa at magtiwala sa Diyos
40. Sa tuwing dumarating sa buhay ni Amir ang
pagpapasiya palagi niyang tinatanong
ang kaniyang sarili kung ito ba ang nais ng Diyos o naaayon
sa Kaniyang kautusan?
Sa iyong palagay, nasaan kayang bahagi ng hakbang ng
pagpapasiya si Amir?
A. Tingnan ang kalooban
B. Isaisip ang posibilidad
C. Maghanap ng ibang kaalaman
D. Umasa at magtiwala sa Diyos
41. Malapit na ang iyong kaarawan. Pinaghandaan mo ang araw na iyon na
bibilhin mo ang cellphone na gustong-gusto mo bilang regalo sa iyong sarili.
Subalit nalaman mo na kulang ang perang pambayad sa kuryente ng iyong
ina. Anong bahagi ng Hakbang sa Moral na Pagpapasiya ang paiiralin sa
sitwasyong ito?
A. Isaisip ang mga posibilidad
B. Tingnan ang kalooban
C. Magsagawa ng pasiya
D. Maghanap ng ibang kaalaman
_____42. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga salik sa
pagpapasya?
A. Impormasyon C. Damdamin
B. Sitwasyon D. Payo
43. Sa hindi inaasahang pangyayari, ang inyong pamilya ay
dumaranas ng matinding pagsubok sa buhay. Ginawa na
lahat ng makakaya ng pamilya upang maligtas ang buhay
ng iyong kapatid dahil sa matinding sakit na kanyang
dinaranas ngayon. Awang-awa ka sa iyong kapatid at gusto
mong makatulong subalit wala kang magawa. Anong
proseso ng pakikinig ang dapat gamitin ng pamilya?
A. Magsagawa ng pasiya
B. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos
C. Magkalap ng patunay
D. Isaisip ang mga posibilidad
44. Kung ikaw ay naguguluhan sa iyong pagpapasya
dahil sa nagtutunggaliang katwiran sa iyong isipan,
maaaring:
A. Huwag ka nang gumawa ng pasya.
B. Konsultahin ang iyong magulang, kapatid,
guro, o pari, pastor o ministro.
C. Gayahin ang pasya ng iba.
D. Ituloy pa rin ang pasya at bahala na ang
resulta at epekto nito.
45. Sa gitna ng suliranin, pagsubok at alalahanin,
mahalagang magkaroon ng kapanatagan ng loob at tamang
pagpapasya. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng
wastong pagharap sa suliranin?
A. Hindi papansinin ang problema
B. Humingi ng payo sa nakakatanda
C. Umiyak na lamang dahil sa problema
D. Manalangin sa Panginoon upang maliwanagan
ang isipan
_____46. Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na
nagsasabi ng ating katangian.
A. pasiya
B. kilos
C. kakayahan
D. damdamin
47. Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang
makataong kilos ayon sa etika ni Sto.
Tomas de Aquino?
A. Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at
maling kilos.
B. Sapagkat nakapagpapasiya ito nang naaayon
sa tamang katwiran.
C. Sapagkat malayang patungo ito sa layunin na
pinag-isipan.
D. Sapagkat napatutunayan nito ang sariling
kilos kung ito ay mabuti o masama
48. Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay
humusga at mag-utos, ano naman ang papel ng
kilos-loob?
A. Umunawa at magsuri ng
impormasyon.
B. Tumungo sa layunin o intensiyon ng
isip.
C. Tumulong sa kilos ng isang tao.
D. Gumabay sa pagsasagawa ng kilos
49. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng sirkumstansya?
A. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan kung saan ang kilos na ginawa
ay
nakaaapekto sa kabutihan.
B. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na nakabatay kung saan nakatuon ang
kilos-loob.
C. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang
kilos.
D. Ito ay nakapagpapabago sa halaga ng isang kilos.
_____50. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Layunin?
A. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos.
B. Ito ang pinakatunguhin ng kilos.
C. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan ng kilos.
D. Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.
Tayahin ang Iyong Pag-unawa
Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong
naunawaan, sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:
1. Ano-ano ang yugto ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
2. Ano ang kahulugan ng mabuting pagpapasiya?
3. Paano nakatutulong sa tao ang pagsasagawa ng mabuting pagpapasiya?
Ipaliwanag.
4. Bakit kailangan ang paglalaan ng sapat na panahon bago magsagawa ng pasiya?
5. Ano ang iyong pagkaunawa tungkol sa proseso ng pakikinig?
6. Sa iyong palagay, makatutulong ba ito sa isang kabataang katulad mo sa
pagsasagawa ng mabuting pasiya? Ipaliwanag.
7. Ano-ano ang hakbang ng proseso ng pakikinig. Ipaliwanag ang bawat isa

More Related Content

Similar to ESP modyul 5 and 6 Q1 2nd quarter kilos.pptx

modyul-7-no-video-Mga-Yugto-ng-Makataong-Kilos-at-mga-Hakbang-sa-Moral-na-Pag...
modyul-7-no-video-Mga-Yugto-ng-Makataong-Kilos-at-mga-Hakbang-sa-Moral-na-Pag...modyul-7-no-video-Mga-Yugto-ng-Makataong-Kilos-at-mga-Hakbang-sa-Moral-na-Pag...
modyul-7-no-video-Mga-Yugto-ng-Makataong-Kilos-at-mga-Hakbang-sa-Moral-na-Pag...JohnClarkPGregorio
 
First-Quarter-Week-2-ESP.pptx
First-Quarter-Week-2-ESP.pptxFirst-Quarter-Week-2-ESP.pptx
First-Quarter-Week-2-ESP.pptxMarivicYang1
 
Modyul-7-Layunin-Paraan-at-Sirkumstansya-ang-Makataong-Kilos.pptx
Modyul-7-Layunin-Paraan-at-Sirkumstansya-ang-Makataong-Kilos.pptxModyul-7-Layunin-Paraan-at-Sirkumstansya-ang-Makataong-Kilos.pptx
Modyul-7-Layunin-Paraan-at-Sirkumstansya-ang-Makataong-Kilos.pptxMaryGraceSepida1
 
MODYUL 8 LAYUNIN, PARAAN AT SIRKUMSTANSYA.pptx
MODYUL 8 LAYUNIN, PARAAN AT SIRKUMSTANSYA.pptxMODYUL 8 LAYUNIN, PARAAN AT SIRKUMSTANSYA.pptx
MODYUL 8 LAYUNIN, PARAAN AT SIRKUMSTANSYA.pptxJovieAnnUrbiztondoPo
 
esp 7 2nd quarter assessment.docx
esp 7 2nd quarter assessment.docxesp 7 2nd quarter assessment.docx
esp 7 2nd quarter assessment.docxCRISTANALONZO
 
Esp aralin 5 yunit 1 FORTITUDE
Esp aralin 5 yunit 1 FORTITUDEEsp aralin 5 yunit 1 FORTITUDE
Esp aralin 5 yunit 1 FORTITUDEcye castro
 
ESP 10 Q1 WK1.pptx
ESP 10 Q1 WK1.pptxESP 10 Q1 WK1.pptx
ESP 10 Q1 WK1.pptxArlynAyag1
 
PPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptx
PPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptxPPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptx
PPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptxJulia Valenciano
 
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdfmodyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdfMaCristinaPazcoguinP
 
Grade 7 Isip at Kilos-loob
Grade 7 Isip at Kilos-loobGrade 7 Isip at Kilos-loob
Grade 7 Isip at Kilos-loobBridget Rosales
 
EsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdf
EsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdfEsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdf
EsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdfDonJamesVillaro1
 

Similar to ESP modyul 5 and 6 Q1 2nd quarter kilos.pptx (20)

modyul-7-no-video-Mga-Yugto-ng-Makataong-Kilos-at-mga-Hakbang-sa-Moral-na-Pag...
modyul-7-no-video-Mga-Yugto-ng-Makataong-Kilos-at-mga-Hakbang-sa-Moral-na-Pag...modyul-7-no-video-Mga-Yugto-ng-Makataong-Kilos-at-mga-Hakbang-sa-Moral-na-Pag...
modyul-7-no-video-Mga-Yugto-ng-Makataong-Kilos-at-mga-Hakbang-sa-Moral-na-Pag...
 
M2 L2.pptx
M2 L2.pptxM2 L2.pptx
M2 L2.pptx
 
First-Quarter-Week-2-ESP.pptx
First-Quarter-Week-2-ESP.pptxFirst-Quarter-Week-2-ESP.pptx
First-Quarter-Week-2-ESP.pptx
 
Modyul-7-Layunin-Paraan-at-Sirkumstansya-ang-Makataong-Kilos.pptx
Modyul-7-Layunin-Paraan-at-Sirkumstansya-ang-Makataong-Kilos.pptxModyul-7-Layunin-Paraan-at-Sirkumstansya-ang-Makataong-Kilos.pptx
Modyul-7-Layunin-Paraan-at-Sirkumstansya-ang-Makataong-Kilos.pptx
 
ppt.pptx
ppt.pptxppt.pptx
ppt.pptx
 
MODYUL 8 LAYUNIN, PARAAN AT SIRKUMSTANSYA.pptx
MODYUL 8 LAYUNIN, PARAAN AT SIRKUMSTANSYA.pptxMODYUL 8 LAYUNIN, PARAAN AT SIRKUMSTANSYA.pptx
MODYUL 8 LAYUNIN, PARAAN AT SIRKUMSTANSYA.pptx
 
ep8pkmk.pptx
ep8pkmk.pptxep8pkmk.pptx
ep8pkmk.pptx
 
esp 7 2nd quarter assessment.docx
esp 7 2nd quarter assessment.docxesp 7 2nd quarter assessment.docx
esp 7 2nd quarter assessment.docx
 
1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx
 
1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx
 
1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx1ST PT ESP 10.docx
1ST PT ESP 10.docx
 
Esp aralin 5 yunit 1 FORTITUDE
Esp aralin 5 yunit 1 FORTITUDEEsp aralin 5 yunit 1 FORTITUDE
Esp aralin 5 yunit 1 FORTITUDE
 
ESP 10 Q1 WK1.pptx
ESP 10 Q1 WK1.pptxESP 10 Q1 WK1.pptx
ESP 10 Q1 WK1.pptx
 
ESP MODYUL-13
ESP MODYUL-13ESP MODYUL-13
ESP MODYUL-13
 
PPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptx
PPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptxPPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptx
PPT_ESP 10_Mod 4_EP 5.pptx
 
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdfmodyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
modyul9mmmmmmnangmaingatnapaghuhusga.pdf
 
PAGSUSURI NG MAKATAONG KILOS.pptx
PAGSUSURI NG MAKATAONG KILOS.pptxPAGSUSURI NG MAKATAONG KILOS.pptx
PAGSUSURI NG MAKATAONG KILOS.pptx
 
Grade 7 Isip at Kilos-loob
Grade 7 Isip at Kilos-loobGrade 7 Isip at Kilos-loob
Grade 7 Isip at Kilos-loob
 
ESP 10 - Q2 - module 7.pptx
ESP 10 - Q2 - module 7.pptxESP 10 - Q2 - module 7.pptx
ESP 10 - Q2 - module 7.pptx
 
EsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdf
EsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdfEsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdf
EsP DLL 10 Mod5-8 Rose.pdf
 

More from VanessaCabang1

vdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptx
vdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptxvdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptx
vdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptxVanessaCabang1
 
angpagmamahalsabayan-230519031618-880447ea.pptx
angpagmamahalsabayan-230519031618-880447ea.pptxangpagmamahalsabayan-230519031618-880447ea.pptx
angpagmamahalsabayan-230519031618-880447ea.pptxVanessaCabang1
 
vdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptx
vdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptxvdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptx
vdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptxVanessaCabang1
 
Grade-12-Module-2.pptx catch up friday shs
Grade-12-Module-2.pptx catch up friday shsGrade-12-Module-2.pptx catch up friday shs
Grade-12-Module-2.pptx catch up friday shsVanessaCabang1
 
vdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan (1).pptx
vdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan (1).pptxvdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan (1).pptx
vdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan (1).pptxVanessaCabang1
 
prepare vegetable dishes. ppt. cookery 12
prepare vegetable dishes. ppt. cookery 12prepare vegetable dishes. ppt. cookery 12
prepare vegetable dishes. ppt. cookery 12VanessaCabang1
 
Ang Pagmamahal sa Diyos.pptx esp 10 3rd quarter
Ang Pagmamahal sa Diyos.pptx esp 10 3rd quarterAng Pagmamahal sa Diyos.pptx esp 10 3rd quarter
Ang Pagmamahal sa Diyos.pptx esp 10 3rd quarterVanessaCabang1
 
vdocuments.mx_prepare-and-cook-poultry-and-game-meats.pptx
vdocuments.mx_prepare-and-cook-poultry-and-game-meats.pptxvdocuments.mx_prepare-and-cook-poultry-and-game-meats.pptx
vdocuments.mx_prepare-and-cook-poultry-and-game-meats.pptxVanessaCabang1
 
PREPARE SANDWICH FOR PRESENTATION AND PLATING
PREPARE SANDWICH FOR PRESENTATION AND PLATINGPREPARE SANDWICH FOR PRESENTATION AND PLATING
PREPARE SANDWICH FOR PRESENTATION AND PLATINGVanessaCabang1
 

More from VanessaCabang1 (9)

vdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptx
vdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptxvdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptx
vdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptx
 
angpagmamahalsabayan-230519031618-880447ea.pptx
angpagmamahalsabayan-230519031618-880447ea.pptxangpagmamahalsabayan-230519031618-880447ea.pptx
angpagmamahalsabayan-230519031618-880447ea.pptx
 
vdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptx
vdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptxvdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptx
vdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan.pptx
 
Grade-12-Module-2.pptx catch up friday shs
Grade-12-Module-2.pptx catch up friday shsGrade-12-Module-2.pptx catch up friday shs
Grade-12-Module-2.pptx catch up friday shs
 
vdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan (1).pptx
vdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan (1).pptxvdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan (1).pptx
vdocuments.mx_modyul-10-pagmamahal-sa-bayan (1).pptx
 
prepare vegetable dishes. ppt. cookery 12
prepare vegetable dishes. ppt. cookery 12prepare vegetable dishes. ppt. cookery 12
prepare vegetable dishes. ppt. cookery 12
 
Ang Pagmamahal sa Diyos.pptx esp 10 3rd quarter
Ang Pagmamahal sa Diyos.pptx esp 10 3rd quarterAng Pagmamahal sa Diyos.pptx esp 10 3rd quarter
Ang Pagmamahal sa Diyos.pptx esp 10 3rd quarter
 
vdocuments.mx_prepare-and-cook-poultry-and-game-meats.pptx
vdocuments.mx_prepare-and-cook-poultry-and-game-meats.pptxvdocuments.mx_prepare-and-cook-poultry-and-game-meats.pptx
vdocuments.mx_prepare-and-cook-poultry-and-game-meats.pptx
 
PREPARE SANDWICH FOR PRESENTATION AND PLATING
PREPARE SANDWICH FOR PRESENTATION AND PLATINGPREPARE SANDWICH FOR PRESENTATION AND PLATING
PREPARE SANDWICH FOR PRESENTATION AND PLATING
 

Recently uploaded

Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxjobellejulianosalang
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxsmileydainty
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdfEdbrianMarkMApostol
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...mtmedel20in0037
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptxcherrypastoral
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxKristineMolina10
 
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptxGrade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptxmesibasan
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxtambanillodaniel3
 
MATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
MATHEMATICS 3.pptx present ing math treeMATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
MATHEMATICS 3.pptx present ing math treeronapacibe55
 
Edukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docx
Edukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docxEdukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docx
Edukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docxLADYALTHEATAHAD
 
Aralin 1.pptx.nnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn
Aralin 1.pptx.nnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnAralin 1.pptx.nnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn
Aralin 1.pptx.nnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnCindyManual1
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxRanjellAllainBayonaT
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxlevyandhrei14
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...mtmedel20in0037
 

Recently uploaded (20)

Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
 
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptxGrade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
 
MATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
MATHEMATICS 3.pptx present ing math treeMATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
MATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
 
Edukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docx
Edukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docxEdukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docx
Edukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docx
 
Aralin 1.pptx.nnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn
Aralin 1.pptx.nnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnAralin 1.pptx.nnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn
Aralin 1.pptx.nnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
 

ESP modyul 5 and 6 Q1 2nd quarter kilos.pptx

  • 1.
  • 2.
  • 3. “Matuto ka namang magkusa dahil hindi ka na bata!”
  • 4. Panuto: Mag-isip ng mga pangyayari sa iyong buhay sa mga nakaraang buwan at isipin kung mayroon kang ginawang kilos. Ano ang kilos na iyong nagawa? Sagutin ang mga pampropesong tanong. Pamprosesong tanong: 1. Lahat ba ng nagawa mong kilos ay tama? oo o hindi, Bakit? 2. Kusa ba sa iyong kalooban ang kilos na iyong ginawa? 3. Binigyang pansin mo ba ang pananagutan mo sa kahihinatnan ng pinili mong pasiya? Kung mabibigyan ka ng isa pang pagkakataon, uulitin mo ba ang parehas na kilos? Oo o Hindi, Bakit?
  • 5.
  • 6.
  • 7.
  • 8.
  • 9.
  • 10.
  • 11. •Kilos ng tao (Acts of Man) •Makataong Kilos (Human Acts) 2 Uri ng Kilos ng Tao
  • 12. Ang kilos ng tao ay may mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay likas sa tao o ayon sa kanyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob. Ang kilos na ito ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama – kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa ang isang kilos. Kilos ng Tao (act of man)
  • 13. •Ang mga bayolohikal at pisyolohikal na kilos na nagaganap sa tao tulad ng paghinga, pagtibok ng puso, pagkurap ng mata, pagkaramdam ng sakit mula sa sugat, paghikad at iba pa. Halimbawa:
  • 14.
  • 15.
  • 16.
  • 17.
  • 18.
  • 19.
  • 20.
  • 21.
  • 22.
  • 23. Tanong: (1)Ano ang makataong kilos na ginawa ni Billy? (2)Mayroon bang pagkukusa si Billy na gawin ang kilos na iyon? Oo o hindi, Bakit? (3)Nararapat ba ang ginawa ni Billy? Bakit? (4)Mayroon bang dapat panagutan si Billy sa kanyang ikinilos? Ipaliwanag
  • 24. Dahil sa pandemya, nagkaroon ng agarang pagsususpende ng klase na nagtuloy-tuloy. Pati ikaapat na pagsusulit ay hindi na natuloy at ang mga grado ay na compute sa pamamagitan ng bagong transmutable table na ibinigay ng central office. Pagkatapos mag compute ang guro nakita niya na si Armando ay bumagsak sa Science. Sinabihan ng guro si Armando na magkaroon siya ng karagdagang gawain para siya ay pumasa. Binigyan siya ng guro ng 5 modyul sa science at sinabihan na gagawin niya ito ng dalawang Linggo. Ngunit, dahil sa tinulungan niya ang kanyang magulang sa harden hindi natapos ni Armando ang dalawang modyul kaya ang kanyang ginawa ay pinasagutan niya ito sa kanyang barkada na si Jerome. Bilang kabayaran sa pagsagot ni Jerome sa dalawang modyul binigyan niya ito ng
  • 25. Tanong: (1) Ano ang makataong kilos na ginawa ni Armando? (2) Mayroon bang pagkukusa si Armando na gawin ang kilos na iyon? Oo o hindi, Bakit? (3) Nararapat ba ang ginawa ni Armando?Bakit? (4) Mayroon bang dapat panagutan si Armando sa kanyang ginawa? Ipaliwanag (5) Mayroon bang dapat panagutan si Jerome sa kanyang ginawa? Ipaliwanag
  • 26.
  • 27.
  • 28. Gawi • Ito ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng isang sistema ng buhay sa araw- araw. •Ito ang mga bagay na nakasanayan na gawin •Ang gawi ay hindi kailanman nakapagpapawala ng kapanagutan sa kahihinatnan ng makataong kilos.
  • 29.
  • 30.
  • 31. B.Sagutan ang sumusunod na katanungan. 1. Ano-1. ano ang mga mahahalagang pangyayari sa napanood? 2. Anong mga salik ang nakita mong nakaapekto sa kilos at pananagutan ng tauhan? 3. Magbigay ng eksena kung saan ipinakita ang mga salik na nakakaapekto sa makataong kilos.( kamangmangan, gawi, takot masidhing damdamin,at karahasan) 3. Sa bawat kalagayan ng mga tauhan sa palabas, nabawasan ba o naragdagan ang kanilang pananagutan sa bawat kilos na kanilang ginawa?
  • 32.
  • 33.
  • 34.
  • 35.
  • 36.
  • 37.
  • 38. Gamit ang grupo mula sa unang gawain, magkakaroon ng dula-dulaan o presentasyon tungkol sa sitwasyon kung saan may nasaktang: a. Kapwa b. Magulang c. Guro d. At iba pa Ipakita sa presentasyon ang dahilan kung paano nakasakit ng damdamin at paano o anong hakbang ang gagawin upang masolusyunan ang sitwasyon. Kraytirya: a. Nilalaman -50% b. Kaugnayan sa Paksa -30% c. Paggamit ng Angkop na Salita-20% Kabuuang puntos 100%
  • 39. Pumili ng isang Gawain at sagutin ang tanong. A. Balikan ninyo ang inyong Timeline sa inyong FB Account. Basahin ang hindi n’yo makakalimutang post o comment o status. Ano ang naging resulta nang inyong ginawang post o status at ano ang inyong naging damdamin? B. Alalahanin at ibuod ang iyong karanasan kung saan ay nakapagbitiw ka na isang masakit na salita sa iyong kaklase o kaibigan. Ano ang naging resulta ng iyong sinabi? Ano ang iyong naging damdamin? C. Alalahanin at ibuod ang iyong karanasan kung saan ay nakagawa ka ng isang kilos na nagdulot ng hindi maganda sa iyong kapwa. Ano ang naging resulta nang iyong ginawa? Ano ang iyong nagingdamdamin? (Isulat ito sa inyong notbuk at ipasa sa susunod na pagkikita
  • 40. Mga salik na nakakaapekto sa paraan ng kilos Layunin. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob. Ito rin ay tumutukoy sa taong gumagawa ng kilos (doer); hindi ito nakikita o nalalaman ng ibang tao dahil ito ay personal sa taong gumagawa ng kilos. Ito ang pinakalayunin o pinatutunguhan ng kilos. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang mismong kilos ay hindi maaaring husgahan kung mabuti o masama kung hindi nito isasaalang-alang ang layunin ng taong gumagawa nito. Mahalagang tingnan ang kabuuang kilos na kasama ang layunin ng tao na nagsasagawa nito. Ang pamantayan sa kabutihan ng layunin ay kung iginagalang ng taong nagsasakilos ang dignidad ng kaniyang kapuwa
  • 41. Halimbawa, binigyan ni Tanya ng pagkain ang kaniyang kamag-aral na walang baon. Ginawa niya ito dahil nais niyang kumopya sa kaniyang kaklase sa pagsusulit sa Matematika. Mabuti ba ang layunin ng kilos? May paggalang ba ito sa dignidad ng kamag-aral?
  • 42. Paraan. Ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, may nararapat na obheto ang kilos. Halimbawa, sa kilos na kumain, ang obheto ay makakain. Ngunit kung kakain ka ng bato, ito ay masama dahil hindi kinakain ang bato. Ang kilos ng uminom ay may obheto na makainom. Ngunit kung iinom ka ng muriatic acid ito ay masama dahil nakamamatay ito. Samakatuwid, ang paraan ng kilos ay ang nararapat na kilos dahil ang kabutihan ng panlabas na kilos ay ang nararapat na obheto nito
  • 43. Ang bawat kilos ay may layunin. Ngunit paano mo ba nahuhusgahan kung ang layunin mo ay mabuti o masama? Halimbawa, sa pagsusulit, ano ba ang layunin nito? Paano kung ang isang mag-aaral ay mangopya ng sagot mula sa iba dahil hindi siya nakapag-aral ng leksiyon? Tingnan ang larawan sa ibaba.
  • 44.
  • 45.
  • 46. Sirkumstansiya. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos. Narito ang iba’t ibang sirkumstansiya
  • 47.
  • 48.
  • 49.
  • 50.
  • 51.
  • 52. Kahihinatnan. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at may kaakibat na pananagutan. Anuman ang gawing kilos ay may kahihinatnan. Mahalaga na masusing pag-isipan at pagplanuhang mabuti ang anumang isasagawang kilos dahil mayroon itong katumbas na pananagutan na dapat isaalang-alang. Kung minsan, nagkakaroon ng suliranin sa pagpapasiya dahil sa kawalan ng kaalaman kung ang pinili niyang kilos ay mabuti o masama
  • 53.
  • 54.
  • 55.
  • 56.
  • 57.
  • 58.
  • 59.
  • 60.
  • 61.
  • 62.
  • 63. _____1. Isang lalaking de-kotse, pinagagalitan ang isang matandang drayber dahil sa hindi pagparada nang tama ng kanyang dyip. Habang pinagsasalitaan nang hindi maganda ang matandang drayber ay naroon sa tabi niya ang kaniyang paslit na apo. A. Panonoorin ko ang nangyayaring kaganapan. B. Tatawag ako ng kinauukulan tulad ng barangay tanod o pulis para mamagitan sa kanila. C. Pupuntahan ko ang lalaki at ang matandang drayber. Pagsasabihan ko sila na tumigil na. D. Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kami sa kaganapan.
  • 64. . _____2. Kayong magkaka-eskwela ay nasa paborito ninyong kainan. May pumasok na binatilyo na hindi maikakailang may kapansanan sa paglalakad. Napansin mong walang bakanteng lamesa at upuan para sa binatilyo na tila uhaw at gutom na. A. Tatawagin ko siya para umupo nang sandali sa aming lamesa habang naghihintay siya ng malulugaran. B. Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan at tawanan sa aking mga ka-eskwela. C. Tatawagin ko ang pansin ng isa sa mga service crew para maglaan ng lugar para sa mga taong may kapansanan. D. Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyong may kapansanan habang hindi pa siya nakakahanap ng lugar sa kainan.
  • 65. 3. Bunga ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito. A. Makataong kilos C. Sirkumstansya B. Kahihinatnan D. Paninindigan _____4. Ang kilos ay nagpakita ng pagkukusang kilos A. Voluntary Act C. Imputable B. Paninindigan D. Kilos ng Tao _____5. Mga kilos na nagaganap sa tao, likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob. A. Makataong kilos C. Voluntary Act B. Kilos ng tao D. Kahihinatnan _____6. Bakit kailangang isaalang-alang ang kapakanan ng kapuwa sa ating pagkilos? A. Ito ay tanda ng tunay na pananampalataya. B. Sa pagbibigay sa kapuwa, tumatanggap din tayo. C. Kung ano ang iyong ginawa ay maaaring gawin din sa iyo. D. Lahat ng nabanggit.
  • 66. 7. Hindi maaaring sabihin sa isang taong nagugutom na ipagdasal niya ang kanyang pagdurusa. Kailangan ay A. Manalangin ka rin upang maibsan ang kanyang gutom. B. Makiramay ka sa kanyang gutom na nadarama. C. May gawin ka upang maibsan ang kanyang gutom. D. Tumawag ng ibang taong maaaring tumulong sa kanyang pagdurusa.
  • 67. 7_____8. Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang direksyon ang isang tao? A. Upang siya ay hindi maligaw. B. Upang matanaw niya ang hinaharap. C.Upang mayroon siyang gabay. D. Upang magkaroon siya ng kasiyahan. _____9. “Nag-iiwan tayo ng marka sa bawat kilos ng kabutihang ating ginagawa.” Ano ang ibig sabihin nito? A. Iginuguhit sa palad ng tao ang kanyang mga ginagawa. B. Nakikilala ang ginawang kabutihang ginagawa natin sa ating kapwa. C. Nararamdaman ng tao ang iyong kabutihan
  • 68. _____10. Nakita mo ang iyong nakatatandang kapitbahay na pinapalo ang kanilang pusa sa kadahilanang itinakbo nito ang pagkain nila na nasa hapag- kainan. A. Kukuhanin ko ang pusa at kakalingain ko ito sa aming tahanan. B. Kukuhanan ko ng video ang pangyayari at ia-upload sa YouTube. C. Aawatin ko ang aming kapitbahay bago pa niya lalo pang masaktan ang pusa. D. Papanoorin ko na lang ang pananakit ng matanda dahil maysala ang pusa. _____11. Isang mahirap na kapitbahay mo ang ooperahan at nangangailangan ng dugo gaya ng “type” mo. A. Magpakuha ka ng dugo at magpabili ng masarap at mamahaling pagkain. B. Magpakuha ng dugo sa pinakamababang halaga lang. C. Magpakuha ka ng dugo ng walang anuman. D. Pipiliin ang taong tutulungan.
  • 69. . _____12. May isang pasahero ng bus na buntis. Nakatayo siya dahil wala na siyang maupuan. A. Di mo papansinin . B. Ibibigay mo sa buntis ang upuan mo. C. Utusan ang katabi upang tumayo at ibigay ang kanyang upuan sa buntis. D. Magtulog-tulugan upang hindi mapansin ang buntis. _____13. Nalaman mong mabaho ang hininga ng isa mong kaibigan. Ano ang iyong gagawin? A. Iiwasan ko siya. B. Ikakalat ang nalaman sa ibang tao. C. Kakausapin ko siya ng dahan-dahan tungkol sa problema niya. D. Pagagalitan ko siya dahil hindi ito malinis sa katawan
  • 70. _____14. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay halaga sa isang kapwa? A. Dapat umalis kaagad kung nag-uumpisa nang magsalita ang isang tao. B. Dapat makinig habang may nagsasalita. C. Dapat sabayan ng pagtulog ang pakikinig sa nagsasalita. D. Dapat magsasalita rin kung may nagsasalita. _____15. Nangopya si Cely sa katabi niya. Nahuli siya ng guro at nagalit sa kanya. Ano ang kanyang dapat gawin? A. Iiyak at magsumbong sa magulang. B. Humingi ng paumanhin at mangakong di na ito uulitin.
  • 71. _____16. Nakabatay sa bigat ng kagustuhan o pagkukusa A. Kilos ng tao C. Bigat (degree) B. Makataong kilos D. Paninindigan _____17. Nasa ilalim ng kaalaman at kalayaan na tinatamasa A. Degree of Willfulness o Voluntariness B. Ang Kautusang Walang pasubali ni Immanuel Kant C. Paninindigan D. Ang Gintong Aral (The Golden Rule)
  • 72. 18. Ang pagtulong sa kapuwa ay itinuturing na mabuting kilos. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mas mataas na pagpapahalaga? A. Ang pagtulong sa kapuwa ay daan upang tulungan ka rin nila. B. Ang pagtulong sa kapuwa ay nakapagbibigay kasiyahan sa sarili. C. Ang pagtulong sa kapuwa ay pagtugon sa tawag na maglingkod. D. Ang pagtulong sa iba ay bunsod ng pakikisama. _____19. Tinulak ka ng iyong kaklase habang tumatawa ang iba. Galit sila sa iyo. Ano ang gagawin mo? A. Kakausapin sila ng mahinahon upang malaman ang problema. B. Lalayo na lang at kimkimin ang galit. C. Hahanap ng panahon upang makapag-usap. D. Magsusumbong sa mga barkada.
  • 73. 20. Ang kanal sa inyong barangay ay barado kaya’t tuwing uulan ay umaagos ang tubig sa kalsada. Libre ka kung Sabado at Linggo sa anumang gawain. Ano ang mabuti mong gawin? A. I-report sa Kapitan ng Barangay ang tungkol dito. B. Simulan ang pag-aalis ng bara sa tapat ng bahay mo. C. Kausapin ang mga kabataan at pagtulong- tulungang alisin ang bara. D. Hayaang makita ito ng mga kinauukulan at sila ang gumawa ng paraan. _____21. Alin sa sumusunod na halimbawa ang hindi madaraig na kamangmangan? A. Pagliban ng isang estudyante na ang dahilan ay wala siya noong nagbigay ng takdang-aralin ang kanilang-guro. B. Hindi pagsuot ni Mabel ng kaniyang ID kaya hindi siya pinapasok. C. Pagpasiya ng isang estudyante na pumasok sa klase kahit pa laging huli sa pagpasok ang kanilang guro. D. Pag-uwi ng maaga ni Pedro dahil sa may emergency meeting ang mga guro ng araw na iyon.
  • 74. _____22. Alin sa mga ito ang kilos na bawas ang pananagutan dahil sa takot? A. Ang pagnanakaw ng kotse. B. Ang pag-iingat ng isang doctor sa pag-oopera. C. Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit. D. Ang pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok. _____23. Alin sa sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapananagutan ang kilos dahil sa karahasan? A. Dahil sa malakas na impluwensiya sa kilos B. Dahil sa kahinaan ng isang tao C. Dahil hindi kayang maapektuhan ang isip D. Dahil hindi kayang mapektuhan ang kilos-loob
  • 75. 24. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin? A. Panliligaw sa crush. B. Pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko. C. Pagsugod sa bahay ng kaalitan. D. Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na markang nakuha. _____25. Alin sa mga ito ang hindi maituturing na gawi? A. Paglilinis ng ilong C. Pagsusugal B. Pagpasok nang maaga D. Maalimpungatan sa gabi _____26. Ang paggawa ng tama o mali ay nangangailangan ng mapanuring pag- iisip. Ano ang maselan na tagapagturo ng tama at mabuti? A. kaibigan C. kayamanan B. karanasan D. katanyagan
  • 76. 27. Bakit kinakailangang isaalang-alang ang kapakanan ng kapuwa sa ating pagkilos? A. Ito ay tanda ng tunay na pananampalataya. B. Sa pagbibigay sa kapuwa, tumatanggap din tayo. C. Kung ano ang iyong ginawa ay maaaring gawin din sa iyo. D. Lahat ng nabanggit. _____28. Ang pagtulong sa kapuwa ay itinuturing na mabuting kilos. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mas mataas na pagpapahalaga? A. Ang pagtulong sa kapuwa ay daan upang tulungan ka rin nila. B. Ang pagtulong sa kapuwa ay nakapagbibigay kasiyahan sa sarili. C. Ang pagtulong sa kapuwa ay pagtugon sa tawag na maglingkod. D. Ang pagtulong sa iba ay bunsod ng pakikisama
  • 77. 29. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos? A. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina. B. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob. C. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili
  • 78. 30. Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakahuling hakbang na iyong gagawin? A. Isaisip ang mga posibilidad B. Maghanap ng ibang kaalaman C. Umasa at magtiwala sa Diyos D. Tingnan ang kalooban _____31. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino? A. Isip at Kilos-loob B. Intensiyon at Layunin C. Paghuhusga at Pagpili D. Sanhi at Bunga
  • 79. 32. Habang naglalakad sa mall si Mary Rose ay nakakita siya ng sapatos. Matagal na niyang gustong magkaroon ng ganoong klaseng sapatos. Tumigil siya sandali at nag-isip kung saan siya kukuha ng pera upang mabili ito. Nasa anong yugto ng makataong kilos si Mary Rose? A. Intensiyon ng layunin B. Nais ng layunin C. Pagkaunawa sa layunin D. Praktikal na paghuhusga sa pagpili
  • 80. 33. Gamit ang halimbawa sa bilang 2. Pinag-isipan ni Mary Rose ang iba’t ibang paraan upang mabili niya ang sapatos? Hihingi ba siya ng pera sa kaniyang magulang, mag-iipon o magnanakaw ng pera upang mabili ito. Nasaan na kayang yugto ng kilos si Mary Rose? A. Intensiyon ng layunin B. Pagkaunawa sa layunin C. Paghuhusga sa nais makamtan D. Masusing pagsusuri ng paraan
  • 81. 34. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasiya? A. Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay. B. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos. C. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan. D. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kaseguruhan sa kaniyang pagpili.
  • 82. 36. Alin sa sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya? A. Tingnan ang kalooban B. Magkalap ng patunay C. Isaisip ang posibilidad D. Maghanap ng ibang kaalaman
  • 83. 37. Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakahuling hakbang na iyong gagawin? A. Isaisip ang mga posibilidad B. Maghanap ng ibang kaalaman C. Umasa at magtiwala sa Diyos D. Tingnan ang kalooban
  • 84. Niyaya si Alfred ng kaniyang mga kamag-aral na huwag pumasok at pumunta na lamang sa isang computer shop. Hindi kaagad sumagot ng oo si Alfred bagkus ito ay kaniyang pinag-isipang mabuti kung ito ba ay tama o mali at ano ang sakaling magiging epekto nito kung sakaling sumama siya. Anong proseso ng pakikinig ang ginamit ni Alfred? A. Isaisip ang mga posibilidad B. Maghanap ng ibang kaalaman C. Tingnan ang kalooban D. Magkalap ng patunay
  • 85. . Kung sa iyong pagpapasiya ay sinuri mo ang iyong konsensiya at binibigyang halaga mo kung ang iyong pasiya, makapagpapasaya sa iyo o hindi. Anong bahagi kaya ito ng Hakbang sa Moral na Pagpapasiya? A. Magkalap ng patunay B. Maghanap ng ibang kaalaman C. Tingnan ang kalooban D. Umasa at magtiwala sa Diyos
  • 86. 40. Sa tuwing dumarating sa buhay ni Amir ang pagpapasiya palagi niyang tinatanong ang kaniyang sarili kung ito ba ang nais ng Diyos o naaayon sa Kaniyang kautusan? Sa iyong palagay, nasaan kayang bahagi ng hakbang ng pagpapasiya si Amir? A. Tingnan ang kalooban B. Isaisip ang posibilidad C. Maghanap ng ibang kaalaman D. Umasa at magtiwala sa Diyos
  • 87. 41. Malapit na ang iyong kaarawan. Pinaghandaan mo ang araw na iyon na bibilhin mo ang cellphone na gustong-gusto mo bilang regalo sa iyong sarili. Subalit nalaman mo na kulang ang perang pambayad sa kuryente ng iyong ina. Anong bahagi ng Hakbang sa Moral na Pagpapasiya ang paiiralin sa sitwasyong ito? A. Isaisip ang mga posibilidad B. Tingnan ang kalooban C. Magsagawa ng pasiya D. Maghanap ng ibang kaalaman _____42. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga salik sa pagpapasya? A. Impormasyon C. Damdamin B. Sitwasyon D. Payo
  • 88. 43. Sa hindi inaasahang pangyayari, ang inyong pamilya ay dumaranas ng matinding pagsubok sa buhay. Ginawa na lahat ng makakaya ng pamilya upang maligtas ang buhay ng iyong kapatid dahil sa matinding sakit na kanyang dinaranas ngayon. Awang-awa ka sa iyong kapatid at gusto mong makatulong subalit wala kang magawa. Anong proseso ng pakikinig ang dapat gamitin ng pamilya? A. Magsagawa ng pasiya B. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos C. Magkalap ng patunay D. Isaisip ang mga posibilidad
  • 89. 44. Kung ikaw ay naguguluhan sa iyong pagpapasya dahil sa nagtutunggaliang katwiran sa iyong isipan, maaaring: A. Huwag ka nang gumawa ng pasya. B. Konsultahin ang iyong magulang, kapatid, guro, o pari, pastor o ministro. C. Gayahin ang pasya ng iba. D. Ituloy pa rin ang pasya at bahala na ang resulta at epekto nito.
  • 90. 45. Sa gitna ng suliranin, pagsubok at alalahanin, mahalagang magkaroon ng kapanatagan ng loob at tamang pagpapasya. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng wastong pagharap sa suliranin? A. Hindi papansinin ang problema B. Humingi ng payo sa nakakatanda C. Umiyak na lamang dahil sa problema D. Manalangin sa Panginoon upang maliwanagan ang isipan _____46. Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian. A. pasiya B. kilos C. kakayahan D. damdamin
  • 91. 47. Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang makataong kilos ayon sa etika ni Sto. Tomas de Aquino? A. Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos. B. Sapagkat nakapagpapasiya ito nang naaayon sa tamang katwiran. C. Sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan. D. Sapagkat napatutunayan nito ang sariling kilos kung ito ay mabuti o masama
  • 92. 48. Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman ang papel ng kilos-loob? A. Umunawa at magsuri ng impormasyon. B. Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip. C. Tumulong sa kilos ng isang tao. D. Gumabay sa pagsasagawa ng kilos
  • 93. 49. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng sirkumstansya? A. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan kung saan ang kilos na ginawa ay nakaaapekto sa kabutihan. B. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob. C. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos. D. Ito ay nakapagpapabago sa halaga ng isang kilos. _____50. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Layunin? A. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos. B. Ito ang pinakatunguhin ng kilos. C. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan ng kilos. D. Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.
  • 94.
  • 95. Tayahin ang Iyong Pag-unawa Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong naunawaan, sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno: 1. Ano-ano ang yugto ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino? 2. Ano ang kahulugan ng mabuting pagpapasiya? 3. Paano nakatutulong sa tao ang pagsasagawa ng mabuting pagpapasiya? Ipaliwanag. 4. Bakit kailangan ang paglalaan ng sapat na panahon bago magsagawa ng pasiya? 5. Ano ang iyong pagkaunawa tungkol sa proseso ng pakikinig? 6. Sa iyong palagay, makatutulong ba ito sa isang kabataang katulad mo sa pagsasagawa ng mabuting pasiya? Ipaliwanag. 7. Ano-ano ang hakbang ng proseso ng pakikinig. Ipaliwanag ang bawat isa

Editor's Notes

  1. Sagutan ng mga salik na naaayon sa bawat sitwasyon. 1. Minabuti niyang aminin ang kasalanan kahit ito ay hindi totoo upang mailigtas ang kanyang anak. (takot) 2. Likas sa kanya ang pagtulong kaya naman nang makita niya ang batang nag-aagaw buhay siya ay agad tumulong kahit ito ay delikado. (kamangmangan) 3. Naitago ng ama ang anak sa isang selda dahil sa kapanabikan nitong makasama ang kanyang minamahal na anak. (masidhing damdamin) 4. Nagsinungaling siya sa kanyang mga binitiwang salita upang akuin ang lahat. (takot) 5. Pilit niyang binuksan ang kaso sa pagmamahal niya sa ama na linisin ang pangalan nito. (masidhing damdamin)