9. Mga Paraan sa Pagpapahayag ng Masidhing Damdamin
1. Pag-uulit ng pang-uri- Ang karaniwang antas ng
pang-uri ay inuuulit lamang.
2. Paggamit ng mga panlapi- Idinadagdag sa pang-
uri ang mga panlapi gaya ng napaka-, pinaka-,
pagka-, nag-an, kay, ka-an, upang mapasidhi ang
pasukdol na katangian ng pang-uri.
3. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga katagang
ubod, sakdal, hari, lubha,lubos, walang kasing-, at
iba pa.
10. Dagdag kaalaman:
Sa pagpapasidhi ng damdamin, maaari ring gamitin ang mga
sumusunod:
1. Sa pamamagitan ng pagpapasidhi ng anyo ng pandiwa
gaya
ng pagdadagdag ng panlaping nag/magpaka- at pagpapalit
ng panlaping um sa magpaka.
Hal. Magpakahusay - humusay
2. Paggamit ng pangungusap na walang paksa.
Hal. Ang tapang!
Sugod!
11.
12.
13.
14.
15.
16. Layunin:
Nasusuri ang mga elemento ng elehiya batay sa:
(F9PB-IIIb-c-51 )
- Tema
- Mga tauhan
- Tagpuan
- Mga mahihiwatigang kaugalian o tradisyon
- Wikang ginamit
- Pahiwatig o simbolo
- Damdamin
Naisusulat ang isang anekdota o liham na nangangaral;
isang halimbawang elehiya; (F9PU-IIIa-53 )
17. Performance task
Bilang pagwawakas na Gawain, ikaw ay susulat ng sarili mong elehiya na
ipaparinig mo sa harap ng klase.
Sitwasyon: Ipagpalagay mo na ikaw ay isang malapit na kaibigan ng isang
sundalong nasawi sa digmaan sa Mindanao. Nais mong bigyan ng
parangal ang kaniyang mga kabutihang nagawa sa kaniyang pamilya, sa
mga kaibigan, sa kapuwa-tao at sa bayan sa pamamagitan ng pagiging
bahagi ng neucrologic al service. Bibigkasin mo ang tulang elehiya
tungkol sa kaniya.
Pamantayan:
1.Mabisa at angkop ang mga salitang ginagamit,
2.Malikhain at masining ang pagbigkas ng isinulat,
3.May angkop na lakas at himig ang tinig.
4.Dama ang tunay na damdamin sa ginagampanang bahagi