3. Ang pariralang pang- abay ay
naglalarawan ng pandiwa, pang- uri, o
kapuwa pang- abay. Sinasagot nito ang mga
tanong na paano, saan, bakit, o kailan.
4. Mga halimbawa:
1. Natulog siya nang may talukbong. (paano)
2. Nagtago siya sa ilalim ng mesa. (saan)
3. Umuwi na siya upang magpalit ng damit. (bakit)
4. Nagtrabaho siya mula umaga hanggang gabi.
(kailan)
6. Ang pariralang pang- abay na pamanahon
ay naglalarawan kung kailan naganap,
nagaganap, o magaganap ang isang
pangyayari, kilos, o gawain.
7. Mga halimbawa:
1. Namasyal kami noong nakaraang Sabado.
2. Nasagot ko ang pagsusulit sa loob ng isang oras.
3. Bago maghatinggabi ay nakauwi na sila.
9. Pagsasanay
1. Ang mga mag- aaral ay pumapasok sa paaralan araw-araw.
2. Kami ay manonood ng sine sa isang linggo.
3. Maglalaro kami ng bowling sa Sabado.
4. Hihiram ako ng aklat sa aklatan mamaya.
5. Kami ay nagro-rosarya gabi- gabi.
6. Bumili ako kahapon ng bagong laruan.
7. Tuwing umaga ay naglalakad ang mag- anak sa parke.
10. Pagsasanay
1. Ang mga mag- aaral ay pumapasok sa paaralan araw-
araw.
2. Kami ay manonood ng sine sa isang linggo.
3. Maglalaro kami ng bowling sa Sabado.
4. Hihiram ako ng aklat sa aklatan mamaya.
5. Kami ay nagro-rosarya gabi- gabi.
6. Bumili ako kahapon ng bagong laruan.
7. Tuwing umaga ay naglalakad ang mag- anak sa parke.