2. Basahin ang sumusunod na mga pangungusap.
1. Binabasa ni Cora ang kaniyang aklat gabi- gabi.
2. Sa Malacañang nakatira ang pangulo ng Pilipinas.
3. Maingat siyang naglakad upang hindi magising ang
kaniyang nanay.
3. Ang pang- abay ay mga salitang
naglalarawan o nagbibigay turing sa
pandiwa.
4.
5. 1. Ang pang- abay na pamanahon ay nagsasabi
kung kailan ginawa, ginagawa, o gagawin ang kilos
o pangyayari. Ito ay sumasagot sa tanong na
kailan.
Mga halimbawa:
Binabasa ni Cora ang kaniyang aklat gabi-gabi.
Kami ay manonood ng sine sa isang linggo.
6. 2. Pang- abay na panlunan mga salitang tumutukoy
sa pook na pinangyarihan, pinangyayarihan, o
pangyayarihan ng kilos o galaw. Ito ay sumasagot sa
tanong na saan.
Mga halimbawa:
Sa Malacañang nakatira ang pangulo ng Pilipinas.
Dapat tayong magtapon ng papel sa basurahan.
7. 3. Pang- abay na pamaraan mga salitang nagsasabi kung
paano ginawa, ginagawa, o gagawin ang kilos. Ito ay
sumasagot sa tanong na paano at karaniwang may
panandang nang at na.
Mga halimbawa:
Maingat siyang naglakad upang hindi magising ang
kanyang nanay.
Sumigaw nang malakas ang batang nasaktan.
8. Pagsasanay:
1. Tumakbo nang matulin ang hinahabol na bata.
2. Kaarawan ni Lolo Serafin noong Setyembre 17.
3. Pumasok kami sa Malinta Tunnel.
4. Kumain kami ng tanghalian sa Barrio Fiesta.
5. Maglalaro kami ng bowling sa Sabado.
6. Hihiram ako ng aklat sa aklatan mamaya.
7. Mabagal na naglakad ang batang tinatamad.
9. Mga sagot:
1. Pang- abay na pamaraan
2. Pang- abay na pamanahon
3. Pang- abay na panlunan
4. Pang- abay na panlunan
5. Pang- abay na pamanahon
6. Pang- abay na pamanahon
7. Pang- abay na pamaraan