3. COHESIVE DEVICE
•ito ay nagpapatungkol sa mga salitang
nagsisilbing pananda upang hindi maging paulit-
ulit ang mga salita.
•ito ay mahalaga sa pagbibigay ng malinaw at
maayos na daloy ng mga kaisipan sa isang teksto.
5. REPERENSIYA
•ito ay paggamit ng mga salitang maaring
tumukoy o maging reperensiya ng paksang
pinag-uusapan sa pangungusap
•gumagamit ng panghalip bilang panandang
salita upang hindi paulit-ulit ang pangngalan.
6. DALAWANG URI NG REPERENSIYA
• ANAPORA
- tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa HULIHAN bilang pananda sa
pinalitang pangngalan sa unahan.
- kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung ano o sino ang
tinutukoy
Hal.
Aso ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay maaaring maging mabuting kaibigan.
Si Anna ay isang mabuting kaibigan. Siya ay maaasahan sa anumang oras
7. DALAWANG URI NG REPERENSIYA
• KATAPORA
- tumutukoy sa mga Panghalip na ginagamit sa UNAHAN bilang pananda sa
pinalitang pangngalan sa hulihan.
Hal.
1.Siya ay nagbibigay sa akin ng lakas upang ipagpatuloy ang aking nasimulan.
Siya ang una kong takbuhan kapag ako’y may problema. Si Hesus na aking
Karamay sa buhay.
8. Mga Panghalip
tumutukoy sa bagay, lugar at hayop tumutukoy sa tao
• ito - siya
• dito - sila
• doon - kanila
• iyon - kaniya
9. ELLIPSIS
• ito ay tumutukoy sa pagtitipid sa pagpapahayag.
• ang mga salita ay karaniwang inaalis upang maiwasan ang pag-uulit sa
isang pahayag subalit inaasahang maiintindihan dahil makatutulong ang
naunang pahayag.
Hal.
Nagpunta si Mario sa bayan. Si Mario ay bumili sa bayan.
Nagpunta si Mario sa bayan at bumili…
10. PANG-UGNAY
• ang pag-ugnay na pangatnig ay ginagamit upang pag-ugnayin ang
dalawang pangungusap.
• ito ay ginagamit upang maintindihan ang relasyon sa pagitan ng
mga pinag-ugnay.
Hal.
1. Magtatagumpay ang iyong plano sapagkat mabuti ang layunin nito.
2. Hindi ka makakarating sa iyong pupuntahan kung hindi mo
lilingunin ang mga taong tumulong sa iyo.
11. SUBSTITUSYON
• ito ay paggamit ng ibang salita na ipapalit sa halip na maulit ang salita.
Hal.
1. Nawala ko ang iyong ballpen. Palitan ko nalang ang iyong
ballpen.
Nawala ko ang iyong ballpen, papalitan ko nalang ng bago.
12. KOHESIYONG LEKSIKAL
A.Reiterasyon
-kung ang ginagawa o sinasabi ay inuulit ng ilang beses.
B. Kolokasyon
-mga salitang karaniwang magkapareha o may kaugnayan.
Hal.
Mayaman-mahirap
Masaya-malungkot
13. URI NG REITERASYON
1. Pag-uulit o Repetisyon
Hal.
Maraming manggagawa ang hindi nababayaran nang tama. Ang
mga manggagawang ito ay nagtatrabaho para sa kanilang pamilya.
14. URI NG REITERASYON
2. Pag-iisa-isa
Hal.
Marami akong kailangan para sa aking proyekto. Ang
mga ito ay bond paper, pandikit, gunting, colored
paper at illustration board.