Arah Pertumbuhan
Transformasi Hati
Tahap Pertumbuhan
Sarana Transformasi
Tahap Pertumbuhan
Wesley's 3-Strand
Intentionality is being
deliberative on purpose.
It is having and following a plan:
It is knowing where to take people and how to help them get there.
(BOBBY HARRINGTON & GREG WIENS, Becoming a Disciple Maker)
Pemuridan untuk digital native adalah panggilan bagi murid Kristus pada era digital ini. Digital native tanpa pemuridan alkitabiah adalah ancaman bagi masa depan gereja.
An exponential problem requires an exponential solution (BRYAN JARBOE).
An exponential people requires an exponential disciples.
An exponential harvest requires an exponential laborers.
Amanat Agung
Prinsip Timotius
Pelipatgandaan Barnabas
Spiritual Generations
Produksi vs Reproduksi
A PowerPoint-based retreat I led in November, 2002 for a parish Pastoral Council. It utilizes a current excplanation of the rights and responsibilities of laypeople in the Catholic Church as well as the basic material of "Who Moved My Cheese?"
Semua orang Kristen dilahirkan kembali untuk berbuah banyak dan memuliakan Tuhan. Tuhan menginginkan & menolong kita menghasilkan kehidupan yang berbuah, namun banyak anak Tuhan tidak mengerti tindakan-Nya sehingga keliru menilai dan menolak cara-cara Tuhan dalam membuatnya terjadi.
Karena itu kita perlu memahami tentang Disiplin Tuhan.
Arah Pertumbuhan
Transformasi Hati
Tahap Pertumbuhan
Sarana Transformasi
Tahap Pertumbuhan
Wesley's 3-Strand
Intentionality is being
deliberative on purpose.
It is having and following a plan:
It is knowing where to take people and how to help them get there.
(BOBBY HARRINGTON & GREG WIENS, Becoming a Disciple Maker)
Pemuridan untuk digital native adalah panggilan bagi murid Kristus pada era digital ini. Digital native tanpa pemuridan alkitabiah adalah ancaman bagi masa depan gereja.
An exponential problem requires an exponential solution (BRYAN JARBOE).
An exponential people requires an exponential disciples.
An exponential harvest requires an exponential laborers.
Amanat Agung
Prinsip Timotius
Pelipatgandaan Barnabas
Spiritual Generations
Produksi vs Reproduksi
A PowerPoint-based retreat I led in November, 2002 for a parish Pastoral Council. It utilizes a current excplanation of the rights and responsibilities of laypeople in the Catholic Church as well as the basic material of "Who Moved My Cheese?"
Semua orang Kristen dilahirkan kembali untuk berbuah banyak dan memuliakan Tuhan. Tuhan menginginkan & menolong kita menghasilkan kehidupan yang berbuah, namun banyak anak Tuhan tidak mengerti tindakan-Nya sehingga keliru menilai dan menolak cara-cara Tuhan dalam membuatnya terjadi.
Karena itu kita perlu memahami tentang Disiplin Tuhan.
Si Esteban ay karariwang tao na tulad natin. Ngunit siyay puspos ng Espiritu Santo. Niluwalhati niya ang Diyos sa kanyang buhay. Sa kabila ang kanyang pagsubok nanatili pa rin siyang tapat hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay.
Ang buhay ni Esteban ay dapat na maging kuwento rin ng ating buhay na sa bawat araw ay puspusin nawa tayo ng Panginoon ng Kanyang Espiritu upang magawa natin ang Gawain Niya na iniatang sa atin. At manatili tayong tapat sa pananampalataya hanggang sa wakas.
2. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
PambungadUpang lumago, dapat nating gamitin ang mga pangunahing
pamamaraan sa pagyabong na ibinibigay ng Diyos sa atin.
Ito ay ang
panalangin
pag-aaral,
paglilingkod at pakikisalamuha
ang pagtanggap
ng mga sakramento.
3. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Pambungad
Ang buhay-Kristiyano ay kagaya ng isang
gulong na may tatlong bahagi:
rayos
gitna
panlabas na gilid
4. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang panlabas na gilid:
a)Ito ang bahagi ng gulong na lumalapat sa daan.
Sinasagisag nito ang pang-araw-araw na
pamumuhay-Kristiyano, kung saan natin
nararanasan ang mga katotohanan ng buhay.
5. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang gitna:
Ito ang bahagi ng gulong kung saan
nagmumula ang lakas papunta sa gilid. Ito ang
humahawak sa gulong. Sinasagisag nito ang
ating Panginoong Hesukristo, na siyang dapat
na sentro ng ating buhay. Ang lakas ay ang
kapangyarihan ng Espiritu Santo.
6. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang mga rayos:
Dinadala nito ang lakas at direksiyon mula sa
gitna patungo sa gilid. Ang mga rayos ay
sumasagisag sa mga paraan kung paano
natin maidudugtong ang buhay natin kay
Kristo upang ito ay mapagbago ng kanyang
kapangyarihan at pamamahala.
7. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang mga rayos:
Ang limang rayos ay ang mga paraan upang
lumago tayo sa Espiritu Santo: ang panalangin
at pag-aaral, paglilingkod at pakikisalamuha,
at ang mga sakramento.
8. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang PANALANGIN AT PAGAARAL
Ang unang paraan ay ang panalangin.
Pangunahin ito upang magkaroon tayo at
mapanatili natin ang malalim, mapagmahal at
personal na ugnayan sa Diyos. Ang
matagumpay na buhay-panalangin ay binubuo
ng tatlong mahahalagang prinsipyo:
9. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang PANALANGIN AT PAGAARAL
Ang panalangin ay dapat maging tapat.
Magpasiyang maglalaan ng panahon para sa Panginoon araw-
araw.
Gumamit ng pormat ng panalangin bilang panimula.
-Gamitin ang ACTS: Pagsamba (Adoration),pagsisisi
(Contrition), Pasasasalamat (Thanksgiving) at Paghiling
(Supplication)
-Gumamit ng pang-araw-araw na gabay (Hal. In His Steps).
10. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang PANALANGIN AT PAGAARAL
Pagpasiyahan ang mga detalye:
-Kailan? Magpasiya kung anong oras sa maghapon
magdadasal.
-Saan? (Matt.6:6) Pumili ng lugar kung saan kayo hindi
magagambala.
-Gaano katagal? Magsimula sa 5 hanggang 10 minutos, at
saka unti- unting patagalin ito.
11. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang PANALANGIN AT PAGAARAL
Dapat na may pag-aakay ng Espiritu Santo
ang ating panalangin.
Ang mga nakatakdang panalangin ay makatutulong
ngunit hindi dapat maging walang buhay at mekanikal
ito.
Maging bukas sa pagbabago ng pormat ng pagdadasal
ayon sa udyok ng Espiritu.
12. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang PANALANGIN AT PAGAARAL
Dapat na nakasentro ang ating panalangin
sa ugnayan natin kay Hesus.
Ang panalangin ay isang paraan patungo sa isang layunin,
hindi isang layunin mismo. Hindi natin nilalayong “basta
magdasal” o “makapagdasal nang mabuti”, kundi ang
lumago sa ating ugnayan sa Panginoon.
13. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang PANALANGIN AT PAGAARAL
Maaring malimitahan tayo ng mga pamamaraan,
bagamat maaring makatulong ito. Ang panalangin
ay tutoo namang napakasimple lamang. Ito ay
binuo lamang ng ating pagbibigay ng
pagmamahal sa Diyos at ang pagtanggap ng
pagmamahal niya sa atin.
14. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang PANALANGIN AT PAGAARAL
Huwag pag-isipang mabuti ang panalangin kundi
ang Panginoon. Sa panalangin, nakikipag-usap tayo
sa Diyos at nagsasalita siya sa atin.
15. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang PANALANGIN AT PAGAARAL
Ang pangalawang paraan ay ang pag-aaral. Ito
ay isang kinukusang pagbibigay ng kaisipan,
hindi sa isang mapag-isip at akademikong
gawain kundi sa isang malawak na proseso ng
mas pag-unawa sa Diyos upang mahalin at
mapaglingkuran siya.
May tatlong paraan kung paano natin mas
matututunan ang tungkol sa Diyos.
16. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang PANALANGIN AT PAGAARAL
Pagbabasa at pagninilay sa Bibliya.
Ito ay ang pinakaimportanteng paraan upang mas makilala
natin ang Diyos at ang plano niya para sa atin sapagkat ang
Bibliya ay siyang salita ng Diyos. Itinuturo nito sa atin kung
sino ang Diyos, ano ang kanyang ginawa, at ano ang nais
niyang gawin natin.
17. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang PANALANGIN AT PAGAARAL
Kailangan nating magbasa ng Bibliya araw-araw.
Magsimula sa 10 hanggang 15 minuto at unti-unting
patagalin ito. Kusang pag-aralan ang mga piling
bahagi ng Bibliya laluna ang mga Ebanghelyo.
Gawing layuning mabasa ang buong Bibliya.
18. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang PANALANGIN AT PAGAARAL
Pagbabasa ng mga lathalain ng simbahan
at iba pang aklat na espiritwal.
Matapos basahin kung ano ang sinabi ng Diyos
tungkol sa kanya sa Bibliya, maari nating basahin
naman kung ano ang sinulat ng tao tungkol sa Diyos.
19. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang PANALANGIN AT PAGAARAL
Kasama dito ang pag-aaral ng Katesismo ng Simbahang
Katoliko, at pagbabasa ng mga ensiklikal (Hal. Lumen
Fidei), pangaral na apostoliko (Hal. Evangelii Gaudium),
mga espiritwal na aklat, magasin, artikulo, atbp. Natatangi
ang Katesismo na mas magtuturo sa atin tungkol sa ating
pananampalatayang Katoliko.
20. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang PANALANGIN AT PAGAARAL
Pagdalo sa mga pagtuturo at pakikinig sa pangangaral.
Ang CFC ay may mga programa para sa pagtuturo at
pormasyon.Kasama dito ang mga retiro upang
pagyamanin ang pagsasama ng mag-asawa (Marriage
Enrichment Retreats).
21. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang PANALANGIN AT PAGAARAL
Ang salita ng Diyos ay sinasambit sa misa kung
Linggo sa mga homilya, mga kumperensya ng
parokya, atbp.
Simulang ugaliin ang pagsusulat ng mga tala.
22. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang PANALANGIN AT PAGAARAL
Sa tradisyong Katoliko, ang pamamagitan ni Maria
at ng mga Santo ay isang makapangyarihang gamit
ng panalangin. “Ang mga panalangin ng Birheng
Maria sa kanyang Fiat at Magnificat ay nagpapakita
ng kagandahang- loob sa pag-aalay ng kanyang
buong sarili nang may pananampalataya”
(CCC 2622).
23. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang PANALANGIN AT PAGAARAL
Ang debosyon kay Maria at sa mga Santo ay bahagi
ng tradisyong Katoliko. Ang pagbabasa ng mga aklat
tungkol sa buhay ng mahal na Birheng Maria at ng
mga santo ay isa ring mabuting paraan upang
maunawaan kung paano gumagalaw ang Espiritu
Santo sa ating buhay.
24. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang PAGLILINGKOD at PAKIKISALAMUHA
Ang pangatlong paraan ay ang paglilingkod.
Si Hesus, sa pamamagitan ng Espiritu Santo ay
gumagalaw sa atin hindi lamang para sa ating
personal na pag-unlad, kundi upang ihanda tayo
para sa epektibong paglilingkod sa kanya at sa
kanyang bayan.
25. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang PAGLILINGKOD at PAKIKISALAMUHA
Dapat tayong magkaroon ng mapaglingkod na
kaisipan upang makita nating ang ating buhay
ay nakalaan sa gawain ng Diyos.
Dapat tayong magkaroon ng
puso ng isang lingkod
(Mat. 20:26-28).
26. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang PAGLILINGKOD at PAKIKISALAMUHA
a)Habang inuuna natin ang Panginoon sa ating buhay,
tinatawagan niya tayo na abutin din ang iba.
b)Tinutulungan tayo ng paglilingkod na lumago dahil sa ito ay
nakatuon sa mahalagang saloobin sa sarili at sa ating kalayaan.
Ang paglilingkod sa iba ay isang pagpapakababa.
27. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang PAGLILINGKOD at PAKIKISALAMUHA
Maraming paraan ng paglilingkod na maari nating gawin:
Maari tayong maglingkod sa Diyos sa paraan ng ating
pamumuhay: sa araw-araw na pagdadasal at pagbabasa ng
Bibliya; sa pagpapakabuti at paggawa ng kabanalan.
28. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang PAGLILINGKOD at PAKIKISALAMUHA
Naglilingkod din tayo sa paggawa ng mga
pangunahing responsibilidad na ibinibigay ng Diyos
sa ating pang-araw-araw na buhay, hal. pagtupad ng
ating tungkulin bilang magulang, kabiyak,
empleyado, atbp
29. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang PAGLILINGKOD at PAKIKISALAMUHA
Makapaglilingkod tayo sa iba sa pagkilala at paggamit ng
mga oportunidad na makapagsilbi sa araw-araw nating
buhay, hal. pag-aalok na makisakay ang iba, pagdalaw sa
maysakit, pagtulong sa pag-aalaga sa mga anak ng iba,
pagiging bukas ng ating mga tahanan para sa iba, atbp.
30. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang PAGLILINGKOD at PAKIKISALAMUHA
Naglilingkod tayo sa pag-aalay ng sarili at ng ating
mga pag-aari – panahon, talento at yaman – para sa
gawain ng Diyos.
31. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang PAGLILINGKOD at PAKIKISALAMUHA
Paggawa ng mabuti (Santiago 2: 14-17).
Pagsuporta sa pamamagitan ng panalangin at pinansyal na
kontribusyon sa mga tunay na Kristiyanong ministeryo na
nagpapalaganap ng ebanghelyo.
Paghanap ng mga pagkakataong makapagbigay ng ating
panahon at lakas upang regular na makapagsilbi sa isang
pangkat na Kristiyano, gaya ng Couples for Christ.
32. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang PAGLILINGKOD at PAKIKISALAMUHA
Ang ikaapat na paraan ay ang
pakikisalamuha. Kasama dito ang halos
lahat na ginagawa ng mga Kristiyano nang
sama-sama. Ito ay pagpapatibay sa isang
espiritwal na katotohanang na tayo ay
magkakapatid at nabibilang
sa iisang pamilya.
33. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang PAGLILINGKOD at PAKIKISALAMUHA
Hindi tayo nagiging Kristiyano sa sarili lamang. Dapat na kaugnay
tayo ng iba upang maranasan natin ang kaganapan ng
Kristiyanong pamumuhay. Hindi ito isang opsiyonal o ekstrang
gawain lamang. Kailangan natin ang suporta ng iba. Kailangan
natin ang kanilang talino at lakas. Kailangan nating sama-samang
gumawa.
34. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang PAGLILINGKOD at PAKIKISALAMUHA
Mararanasan natin ang pagkikisalamuhang Kristiyano sa
ilang paraan: pagsamba sa liturhiya, pulong panalangin,
kumperensya; pagsasama-sama para sa pagtuturo at
pormasyon; paglilingkod nang magkakasama (kagaya ng
service team sa CLP na ito); at mga pagtitipong sosyal.
35. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang PAGLILINGKOD at PAKIKISALAMUHA
Mararanasan natin ang Kristiyanong
pagkikisalamuhang ito sa Couples for Christ. Sa isang
linggo, ipapaliwanag natin kung ano ang CFC, ano
ang kanyang pananaw at misyon at kung ano ang
ginagawa nito.
36. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Mga SAKRAMENTO
Ang ikalima at pinakamahalagang gamit para sa
paglago sa Espiritu Santo ng mga Katoliko ay
ang regular na pagtanggap ng mga sakramento
lalo na ang
Sakramento ng Kumpisal at
ang Sakramento ng Banal na Komunyon.
37. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Mga SAKRAMENTO
Mayroong pitong sakramento:
Binyag, Kumpil, Kumpisal, Eukaristiya o
Komunyon, Kasal, Pagpapari, at
Pagpapahid ng Langis sa may sakit.
Ang pitong sakramento ay itinatag ni Kristo at ibinigay
sa simbahan upang igawad sa tao.
Sila ay mahalaga para sa ating pagliligtas.
38. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Mga SAKRAMENTO
Layunin ng mga sakramento na
pabanalin ang tao,
itatag ang katawan ni Kristo,
at magbigay ng pagsamba sa Diyos.
Ang mga sakramento ay nagbibigay ng
grasyang nagpapabanal.
39. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Mga SAKRAMENTO
Ang mga mag-asawa ay dapat na nakatanggap na ng mga
sakramento ng Binyag, Kumpil, at Kasal.
Bagamat ang mga sakramento ng Kumpisal at Komunyon ay
hinihingi lamang sa mga Katoliko nang minsan sa isang taon,
kailangang pagsikapan nating gawin ito nang mas malimit
hanggat maari.
40. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang PANGWAKAS
Ang CLP na ito, ang inyong pagtatalaga kay Kristo,
ang panalangin sa inyo para sa kapangyarihan ng
Espiritu Santo – ang lahat ng ito ay panimula
lamang ng isang kasiya-siyang bagong buhay.
Tayo ay mga “sanggol kay Kristo” at kailangan pa
nating lumago. Mangyayari ito kung gagamitin
natin ang limang mga paraang ibinibigay ng Diyos.
41. PAGLAGO SA ESPIRITU
Ikasampung Sesyon
Ang PANGWAKAS
Kung kayo ay
magiging tapat,
lalago kayo sa Espiritu Santo at
mas pagpapalain ang inyong
buhay pampamilya.