11. Ang lahat ng
ito ay aming
samo’t
dalangin, sa
ngalan ni
Kristo na
aming
Panginoon.
Amen
12.
13. Pagbabahaginan
1.Sa narinig ninyong awit,
sinu-sino ang bumubuo ng
pamayanan, komunidad o
community?
2.Ano ang pamayanan?
3.Paano ka nakikibahagi sa
iyong pamayanan na
kinabibilangan?
14. Noon panahon ni Hesus ay mayroon ng
pamayanan o mga mamamayang
mananampalataya na nagtitipun-tipon sa
isang pook na tinatawag na sambahan o
simbahan. Ano ang simbahan?
15. Ang salitang SIMBAHAN
–ay mula sa salitang
EKKLESIA na ang ibig
sabihin ay BAYANG
HINIRANG NG DIYOS
UPANG MAGKATIPON
at siya ring tinatawag
natin ngayong IGLESIA.”
(KPK 1355)
23. Pagbisita ng mga
maysakit sa bahay at
ospital
Sa kanya lumalapit
ang mga tao kapag
may problema
Siya lamang ang
nakakaalam ng tungkol
sa parokya.
Sa pari inilalapit ng
mga tao ang kanilang
pangangailangan.
24. Ang mga tao ay dumadalo lamang ng
misa at tumatanggap lamang ng mga
sakramento
25. TANONG-TALAKAYAN:
1.Anong mga salita ang gagamitin ng
pari para ilarawan ang kanyang mga
parokyano?
2.Anong mga salita ang gagamitin ng
mga tao para ilarawan ang kanilang
pari?
3.Kung tatanungin mo ang mga kasapi
ng parokyang ito, “SINO ANG
SIMBAHAN?”, paano kaya nila ito
sasagutin?
26. Ang ganitong uri ng pagkasimbahan
ay humahadlang sa aktibong
pakikilahok ng mga tao.
27. Noong 1962-1965, si
Juan XXIII ay
nagpatawag ng Konseho
ng Vaticano para sa
pagpapanibago ng
Simbahan – para sa
“aggiornamento”
28. Hinikayat ng
Ikalawang Konsilyo
Batikano ang
aktibong pakikilahok
ng laiko sa
simbahan. Ang lahat
ng binyagan, ang
bumubuo ng isang
bayan ng Diyos.
29. Noong panahon ng
Vatican II, may
pagkilos din sa
pagkakaroon ng
higit ng
demokrasya sa
mundo, nais ng
mga tao na mas
magkaroon ng
pananagutan sa
kanilang buhay.
30. Nagkaroon ang
mga tao ng higit
na kamalayan sa
pagiging
simbahan kung
saan nagkaroon ng
pag-ako
ang mga laiko sa
simbahan
34. Ano ang limitasyon sa
antas ng CHURCH OF
HELPERS?
Ang limitasyon ng antas
na ito ay ang saloobin ng
“PAGTULONG”
May hangganan ito
Pari pa rin ang sentro
at ang pagmamando ay
sa kanya pa rin
nagmumula
35. Ano ang limitasyon sa
antas ng CHURCH OF
HELPERS?
Ang papel ng layko
ay isang
kasangkapan sa
kamay ng hayrarkiya
at dahil dito ay para
siyang “pinahabang
kamay”
36. Ang mga tao ay kikilos lamang kapag sila’y
hinilingan; maghintay lamang ang mga tao
hangga’t sila ay sabihan. Titigil ang mga tao sa
pagtulong kapag hindi na sila napapansin ng
pari.
37. Sa antas na ito, ang misyon ay nanatiling
nakaikot pa rin kay Father at di pa naaako ng
binyagan ang kanilang kasarinlan bilang
simbahan kaya’t di pa rin nila nayayakap ang
kanilang misyon bilang simbahan.
38. Sa pari pa rin umaasa ang mga tao at
kung susuriin ang mga tao ay kanyang
mga katulong.
41. Nakikita ang unti-unting pagkamulat ng
simbahan sa bagong pang-unawa ng
pagka-simbahan ay maaaring may
bagong anyo.
42. Ang antas na ito ng pagkasimbahan ay may
kaakibat na masasakit na karanasan subalit
puno pa rin ito ng pag-asa. Ang sakit ay
bahagi ng paglago.
43. Ang isa sa mga tukso para sa mga
taong naririto sa antas na ito ay
magbalik na lamang sa dati.
44. Pagbubuod:
Sa antas na ito ng pagka-simbahan,
natututunan na ng mga tao na makibahagi sa
buhay-parokya at ito’y nagbubunsod sa kanila
ng magtanong kung bakit ganito ang sitwasyon
sa parokya.
45. Hindi nila basta na lamang tinatanggap
agad ang mga bagay nang hindi muna
nagtatanong at dahil dito’y maaaring
magkaroon ng tensyon sa grupo.
46. Isa itong mahirap na antas na
maaaring pagdaanan dahil hindi rin
naman agad handa ang mga
kasagutan sa kanilang katanungan.
47. Nakikita ng lider sa parokya na
medyo mahirap ang antas na ito dahil
ang kanilang awtoridad ay tinatanong.
48. Ang mismong pagtatanong ay umaakay sa
mga tao sa mas malalim na pagkaunawa sa
pagiging simbahan at sa papel na
ginagampanan nila dito.
51. Katangian:
Ang mga tao’y
ministers sa sarili
nilang larangan hindi
lamang dahil sa
tumutugon sila sa
paanyaya ni Father
o ng kanilang
coordinator kundi
naniniwala sila, na
sila ay tinawag ni
Kristo upang sundan
siya at paglingkuran
ang kaniyang bayan.
52. Tinanggap na ng mga tao ang
personal na panawagan ni Kristo tungo
sa pagpapanibago at pananagutan.
53. Handa na rin ang mga taon
sumailalim sa mga pagsasanay
na kinakailangan.
54. PAGKAKAIBA NG CHURCH OF HELPERS at
CHURCH OF MINISTERS
Church of Helpers
ang mga tao ay kumikilos
lamang kung sila ay
pinagsasabihan
ginagawa nila ang
kanilang tungkulin bilang
pabor kay Father o sa
kanilang lider ng grupo.
Kapag nawala na ang
mga taong ito, nawawala
na rin sila
Church of Ministers
may sariling kusa ang
mga tao sa kanilang
paglilingkod
gagawin nila ang
kanilang gawain kahit pa
wala si lider dahil ito
ang kanilang ministri.
Bunga ng binyag kaya
sila aktibong nakikilahok
sa buhay-simbahan
55. Church of Helpers
kapag may
kapalpakan, di nila
aakuin ang
responsibilidad dahil
tagatulong lang
naman sila
trabaho lamang ang
tingin sa kanilang
ginagawang
paglilingkod
Church of Ministers
pinananagutan nila
ang kanilang
ginagawa anuman
ang mangyari
ipinapalagay na
isang bokasyon ang
kanilang ginagawa
56. Ano ang pagkakaiba sa pamamaraan ng
pakikitungo ng isang pari/coordinator/lider sa
isang laiko na itinuturing niyang isang
tagatulong? O isang minister?
Church of Helpers
isang relasyon na
parang boss at empleyado
tagagawa lamang sila
maliit na gawain
lamang ang kanilang
gingawa
Church of Ministers
mas malapit ang relasyon; hindi
kinakailangang maging mahigpit
sa pakikitungo sa isang
minister; partner sa misyon
bahagi sila ng pagpaplano, ng
pagdedesisyon, ng
implementasyon at pagtatasa
malaking resposibilidad ang
inaatang sa kanila
57. PAGBUBUOD:
1.Marami sa mga tao
ang nagsasabalikat na
ngayon ng
responsibilidad para
sa parokya. Hindi na
lamang nila sinasabi
kundi tunay na nilang
pinaniniwalaan na
“TAYO ANG
SIMBAHAN”.
58. 2. Ang mga
mapagtalagang
Kristiyanong ito ay mga
part-time leaders ng
parokya. Handa silang
sumailalaim ng
pagsasanay para higit pa
nilang maunawaan ang
kanilang papel na
ginagampanan sa
simbahan at
maipagpatuloy ito nang
mas epektibo.
59. 3.Ang mga lider na
ito ay may
personal na
pagtatalaga kay
Kristo at tinanggap
nila anuman ang
hinging
pagsasakripisyo ng
pagtatalagang ito.
60. Ano pa ang kulang sa antas na ito?
Para saan ang
parokya?
Ano ang dahilan
bakit may
parokya?
62. Bakit po kaya ganito lang ang porsyento ng
mga naglilingkod sa simbahan? Mga taong
pumapasok sa simbahan?
Nasaan ang mas nakararami?
63. Unang dahilan ay praktikal
Dahil napakalaki ng Simbahang Katoliko na
imposibleng magawa ng mga binyagang
Katoliko na makipag-ugnayan sa isa’t isa na
parang magkakapatid.
65. Ikatlong dahilan ay teolohikal
Dahil hindi natin alam kung ANO ANG
IBIG SABIHIN NG PAGIGING
SIMBAHAN.
66. Ang SIMBAHAN ay isang grupo ng taong
sumasampalataya, nagmamalasakit sa isa’t isa,
nagninilay sa Salita ng Diyos, nagtataguyod ng
katarungan at kapayapaan.
67. Ang pagiging simbahan ay pagpapahayag at
pagsasabuhay ng ating pananampalataya kung saan
man tayo nakatuntong, kung saan man tayo nakatira.
Ang pagiging simbahan ay nakaugat sa ating pang-
araw-araw na buhay.
ITO ANG IBIG ITAGUGOD NG BEC.
70. Ito ay tinatawang ring PARTICIPATORY CHURCH
dahil ang bawa’t kasapi ng simbahan ay malayang
nakikibahagi sa buhay ng komunidad at karanasan
ng pagiging simbahan
71. PAGBUBUOD:
1.Ang batayang
istruktura ng simbahan
ay ang BEC. Ang
pagiging simbahan ay
nadarama at
nararanasan din
maging sa antas ng
kapitbahayan. Ang
lahat ay inaanyayahan
na maging bahagi ng
isa sa mga komunidad
na ito.
73. 3.Ang lahat ng
Kristiyano ay
tinatawagang
tumugon sa
pangangailangan
ng iba ayon sa
kakayanan at
kakayahan ng
bawat isa.
74. Malayang Talakayan
1. Gamit ang inyong mga sariling salita,
ilarawan ang BEC?
2. Paano makatutulong ang BEC sa inyong
Komunidad?
3. Paano kayo makatutulong upang magkaroon ng
BEC O mapalakas ang BEC sa inyong lugar?
75.
76. Lumang Anyo ng Simbahan
• Isang malaking sambayanan o bayan
• Hindi nagkakilala at walang pag-uugnay
ang mga kasapi (kanya-kanya, bahala ka na
sa sarili)
• Ang mga pari at madre lang ang kumikilos
at nakikilahok sa misyon at gawain ng
Simbahan
77. Ang mga layko o karaniwang kasapi ay
walang responsibilidad . (Limitado sa
mandated organizations ang
pakikilahok)
Walang paki-alam sa problemang
panlipunan - hanggang dasal lang.
Ang karamihan, Kristiano sa ngalan
lang.
79. 1962-1965, ipinagdaos ang
Vatican II
Ito ang pagtitipon ng mga Obispo at
namumuno nga Simbahan sa Roma na
ipinatawag ni Pope John XXIII.
Ang Vatican II ay nanawagan ng
pagbabago sa Simbahan sa harap ng
pagbabago sa mundo.
80. • Sa constitution ng Simbahan na
pinamagatang “Lumen Gentium” mayroong
pananaw ang Vatican II ukol sa Simbahang
pinagbago.
• Ito ang Simbahan na sambayanan ng Dios na
ang mga kasapi (kabilang na dito ang mga
layko) ay nagkaugnay at nagkakaisa –
puno ng Espirito Santo nakikilahok at
nagpapatuloy sa misyon ni Cristo:
bilang propeta, pari at hari.
81. Sa konstitusyon sa Simbahan sa
modernong mundo (Gaudium et
Spes), ang misyon ng Simbahan ay
hindi lang spiritual kundi sa larangan
din ng sosyal, political, economic at
cultural.
82. Ang Simbahan ay kikilos para sa
ikakabuti sa lahat at hindi para sa
pansariling kapakanan.
• Ito ang pananaw ng pinagbagong
Simbahan na inumpisahan ng Vatican
II.
83. • Pagkatapos ng Vatican II, nangyari ang
pagtanggap at pagpatupad nitong
pananaw.
• Ito ay maituring na isang paglalakbay
tungo sa pinagbagong Simbahan.
• Hindi madali ang pagtupad ng isang
konsilyo. Kailangan ng isang siglo.
• Ang pagpatupad nito ay isinagawa sa iba’t
ibang bansa, rehiyon, diocese, parokya at
sa mga kapitbahayan at munting
sambayan sa loob ng parokya.
84.
85. Kaya pagkatapos ng Vatican II noong
1965, umusbong ang mga BEC sa
Brazil at Pilipinas.
Ngayon lumalaganap na ang BEC sa
lahat ng dako nga mundo – Asia,
African, Latin American, North
American, at ilang bansa sa Europa.
86. • Sa Pilipinas, nagsimula ang pagtatag ng
BEC sa Mindanao noon pang 1968
• Ito ay isinulong ng MSPC (Mindanao Sulu
Pastoral Conference) noong 1971.
• May iilang mga parokya at diocese sa
Visayas at sa Luzon na nagtaguyod ng BEC
sa ilalim ng Batas Militar. Ngunit hindi pa
ito katanggap-tanggap sa karamihang
diocese at parokya noong panahon.
87. Ang BEC ay tinanggap na
pangunahing programa sa
pagbabago ng Simbahan sa
buong Pilipinas noong 1991 sa
PCP II.
88. Noon 1991, idinaraos ang PCP II ay
may pagbabago an ninanais para sa
Simbahan sa Pilipinas. At ang
pagbabago ay maipatupad sa
pamamagitan ng mga BEC.
89. Dahil sa PCP II lumakas ang
pagsumikap na maitatag at
mapalawak ang BEC sa buong
Pilipinas.
90. .
“Dapat masigabong itaguyod ang
Saligang Mga Sambayanan ng Iglesya
na nasa ilalim ng iba’t ibang mga pangalan at anyo-
mga BCC, maliliit na sambayanang Kristiyano, maliliit
na pamayanang pananampalataya, mga pamayanan
ng tipan -
alang-alang sa lubos na pagsasabuhay sa mala-
Kristiyanong bokasyon sa mga lugar sa kalunsuran at
lalawigan.”
91. HISTORY OF BASIC ECCLESIAL COMMUNITIES
IN THE DIOCESE OF KALOOKAN
Noong 1971 nag-umpisa ang paunti-unting
pagtatatag ng Basic Christian Communities sa
urban poor areas in Manila.
Ang Basic Christian Community-Community
Organizing (BCC-CO) ay dinala ng mga
missionaries mula sa Mindanao at Visayas
bilang pastoral thrust para sa Ebanghelisasyon.
92. Ito ay nag-umpisa sa Bagong Barrio na may
sumusunod na konteksto:
ikalawang pinakamalaking squatter colony
sa greater (next to Tondo)
Karanasan ng sobrang kahirapan at
paghihirap: maraming namamatay na mga
bata dahil sa malnutrisyon, gutom, lahat
ng klase ng bisyo, tambakan ng mga
pinapatay, gulo at away, kawalan ng
trabaho, kawalan ng pag-asa at iba’t-ibang
klase ng mental illness, kawalan ng
kapayapaan.
93. Pinapalibutan ng 50 factories na umaakit ng
mga workers mula sa iba’t ibang lugar subalit
hindi pa rin kayang makapagbigay ng trabaho.
Ang mga mahihirap na pamilya ay sapilitang
mamuhay sa pinakamababang uri ng
pagdarahop
Pinakamataas na problema ay ang pag-aari ng
lupa tinitirakan ng bahay. Kung kaya’t lagging
may banta sa demolition at ejection.
94. In 1975, Birhen ng Lourdes Parish was
offered to the Oblates of Mary Immaculate
(OMI) with Fr. Romeo Villanueva, OMI as its
first parish priest.
Faced with the arduous mission of building
God’s kingdom in a dejected area that has
long writhed from material and spiritual
desertion, the parish priest along with other
religious working in the area, studied and
analyzed the condition of Bagong Barrio.
95. Their analysis led to the adoption of the
Basic Christian Community-Community
Organizing Program as the primary thrust
for evangelization.
At the initial stage:
Street masses were conducted to attract
people;
provided homilies in freedom, justice,
peace, and love.
96. The Gospel was presented creatively
through dramatization and the Passion of
Christ was contextualized to suit the need
of the people drew large crowds at mass.
Spotting and tapping of potential leaders
were also done at the same time. The
leaders were also provided with basic
leadership formations.
97. In 1976, the leaders were sent to seminars
and courses on community organizing with
the Lay Formation Institute where Fr.
Villanueva was one of the convenors.
Ang pari at mga leaders ay bumabad at
nakisangkot sa mga areas kung kaya’t
mas lalong naunawaan ng mga tao kung
ano ang ibig sabihin ng BEC.
98. The BCC nights during fiestas and the BCC
members visiting the families of the dead who
were not their relation, brought the people closer.
Simula ng 1980, kumalat na ang diwa ng BEC
bilang pinagmumulan ng kalakasan at pag-asa.
Karamihan sa mga ito ay pinasimulan sa
pamamagitan ng inspirasyon sa mga misyonero at
pari mula sa Mindanao at mga seminarista mula sa
Maryhill School of Theology.
99.
100. Ang BEC ay itinuturing na bagong
anyo ng Simbahang Katoliko
Ang BEC ay ang Simbahan mismo na
matagpuan sa kapitbahayan,
barangay o subdivision
101. Sa BEC ang Simbahan ay mararanasan
na tunay na komunidad o
sambayanan ng mga alagad –
nagkakaisa at lumalahok sa misyon ni
Kristo bilang sambayanang mala-pari,
mala-propeta, mala-hari – ang Iglesya
ng maralita
102. Ang pagbabago nga Simbahan na
siyang hangarin ng Vatican II at PCP
II ay nakasalalay sa pagpalago ng
BEC sa mga diocese at lahat ng
dako sa bawat parokya.
103. Kaya sinabi ni John Paul II na ang
BEC ay ang tanda na ang Simbahan ay
buhay na buhay at ito ang nagiging pag-asa
sa bagong sibilisasyon ng pag-ibig.
104. Ang Pananaw ng PCP II sa BEC:
Sila ay nagsumikap na mamumuhay bilang
mga komunidad o sambayanan ng mga alagad
ni Kristo na nagkakaugnay at nagkakaisa at
lumalahok sa misyon ng panginoon- sa
pakikinig at pagpahayag ng salita ng Dios, sa
pagsasamba at pagdadasal at sa paglilingkod
sa kapwa – lalo na sa nangangailangan at
mahihirap.
105. Ang parokya ay nagiging ugnayan ng mga
Munting Sambayanang Kristiano.
106. 4 Tanda ng B.E.C.
Magka-
kapitbahay
Nakaugat
sa Salita
ng Diyos
Pagkilos o
aksyon
Nakaugnay
sa Kalakhang
Simbahan
107. May iba’t ibang anyo ang BEC o MSK
• Nakasentro sa Kapilya – ang mga
Katoliko sa barangay, sitio o
subdivision ay nagtitipon sa kapilya
para sa pagsasamba at
pagpahayag sa salita ng Dios.
108. • Mayroon ding mga malalaking komunidad na
pinaghatihati sa mas maliit na mga grupo o
family grouping o selda (8-15 pamilya na
magkakapitbahay) na nagtitipon sa mga
bahay. Ang mga maliit na grupo o selda ay
nagkakaugnay at nagtitipon sa kapilya tuwing
may misa o asembliya.
• Mayroon ding mga family grouping o selda na
walang kapilya at ang lahat na pagtitipon ay
sa mga bahay-bahay.
110. Ayon sa PCP II, ang mga kasapi ng
LOMAs ay dapat at
sa kanilang kapitbahay sa
loob ng BEC
Kailangan ang kanilang
111. • Ang mga LOMAs ay may mga gawain
at katangiang parang BEC – pero hindi
sila BEC. May sariling layunin at
structure (trans-parochial).
• Ang BEC ay hindi organization o
renewal movement gaya ng LOMAs
112. Basic Community - maliit na komunidad o
sambayanan na ang kasapi ay magkalapit ang
tirahan – mga ka-barangay at kapitbahay.
Ecclesial – Ang BEC ay Simbahan mismo – na
maranasan sa barangay at kapitbahayan. Bahagi
ng parokya at nasa-ilalim ng autoridad ng kura
paroko at parish council.