SlideShare a Scribd company logo
1 of 88
CATCH-UP
FRIDAY
Panuto: Panoorin ang
bidyong (Too Quick To
Judge) at unawain nang
mabuti ang mensaheng
nais ipabatid nito.
https://youtu.be/Ji5CB0U
DFLQ?si=9u71B8YmFLOGb
5Qa
Panuto: Basahin ang maikling
kuwento. Habang binabasa ito ay
kunin ang mga mahahalagang
pangyayari sa bawat bahagi ng
banghay at balangkasin ito.
Sundin lamang ang gabay.
GABAY SA PAGBABALANGKAS:
Mahahalagang Pangyayari:
A.
B.
C.
D.
E.
Ang Kalupi
ni: Benjamin Pascual
Mataaas na ang araw nang
lumabas si Aling Marta sa bakuran ng
kanilang maliit na barung-barong.
Aliwalas ang kaniyang mukha: sa
kaniyang lubog na mga mata na
bahagyang pinagdilim ng kaniyang
malalagong kilay ay nakakintal ang
kagandahan ng kaaya-ayang umaga.
At sa kaniyang maninipis na labi, na
bahagyang pasok sa pagkakalapat at
maputla, ay naglalaro ang isang ngiti
ng kasiyahan. Araw ng pagtatapos ng
kaniyang anak na dalaga; sa gabing
iyon at tatanggapin nito ang diploma
bilang katunayang natapos niya ang
apat na taong inilagi sa mataas
na paaralan. Ang sandaling
pinakahihintay niya sa mahaba-haba
rin namang panahon ng pagpapaaral
ay dumating na: ang magkaroon ng
isang anak na nagtapos sa high
school ay hindi na isang maliit na gaya
niya. Sa mapangarapin niyang diwa
ay para niyang nakikita ang kaniyang
anak na dalaga sa isang kasuotang
puting-puti, kipkip ang ilang libro at
nakangiti patungo sa lalo pang mataas
na hangarin sa buhay, ang makatapos
sa kolehiyo, magpaunlad ng
kabuhayan at sumagana. Maaaring
balang araw ay magkaroon siya ng
mamanuganging may sinasabi rin
naman.
Nasa daan na siya, para pa niyang
naririnig ang matinis na halakhak ng
kaniyang anak na dalaga habang
paikot-ikot nitong isinusukat sa harap
ng salamin ang nabuburdahang puting
damit na isusuot sa kinagabihan.
Napangiti siyang muli.
Mamimili si Aling Marta. Bitbit ng
isang kamay ang isang pangnang
sisidlan ng kaniyang pamimilhing
uulamin. Habang nasa daan,
samantalang patungo sa pamilihang-
bayan ng Tondo, ay mataman niyang
iniisip ang mga bagay na kaniyang
pamimilhin.
Hindi pangkaraniwang araw ito at
kinakailangang magkaroon silang
mag-anak ng hindi pangkaraniwang
pananghalian. Bibili rin siya ng
garbansos. Gustong-gusto ng
magtatapos na anak ang minatamis
na garbansos. Mag-iikasiyam na nang
dumating siya sa pamilihan.
Sa labas pa lamang ay naririnig na
ang di-makamayaw na ingay na
nagbubuhat sa loob, ang ingay ng
mga magbabangos na pakanta pang
isinisigaw ang halaga ng kanilang
paninda, ang salit-salitang tawaran ng
mga mamimili. Linggo ng umaga at
ang palengke ay siksikan. Sa harapan
niya piniling magdaan. Ang lugar ng
magmamanok ay nasa dulo ng
pamilihan at sa panggitnang lagusan
siya daraan upang magdaan tuloy sa
tindahan ng mga tuyong paninda at
bumili ng mantika. . Nang dumating
siya sa panggitnang pasilyo at
umakmang hahakbang na papasok ay
siyang paglabas ng humahangos na
isang batang lalaki, na sa kanilang
pagbabangga ay muntik na niyang
ikabuwal. Ang siko ng bata at tumama
sa kanyang kaliwang dibdib.
“Ano ka ba?” bulyaw ni Aling
Marta. “Kay sikip na ng daraanan ay
patakbo ka pa kung lumabas!”
“Pasensiya na kayo, Ale,” sabi ng
bata. Hawak nito ang isang maliit na
bangos na tig-bebente, sa loob-loob ni
Aling Marta. Ang bata ay takot na
nakatingin sa kaniya. “Hindi ko ho
kayo sinasadya. Nagmamadali ho
ako, e.”
“Pasensya!” sabi ni Aling Marta.
“Kung lahat ng kawalang-ingat mo’y
pagpapasensyahan nang
pagpapasensyahan ay makakapatay
ka ng tao.” Agad siyang tumalikod at
tuluy-tuloy na pumasok. Paano’t
paanuman, naisip niya, ako ang huling
nakapangusap. Higit kong
daramdamin kung ako na itong
nagawan ng ‘di mabuti ay sa kaniya
pa manggagaling ang huling salita.
Mataman niyang inisip kung may iba
pang nakakita sa nangyari. Marahas
ang kaniyang pagkakapagsalita sa
bata at maaaring may kakilala siyang
nagdaraan na nakarinig ng kaniyang
mga sinabi. Dumating siya sa
tindahan ng mga tuyong paninda at
bumili ng isang kartong mantika.
“Tumataba yata kayo, Aling
Godyang,” ang bati niya sa may
kagulangan nang tindera na siya
niyang nakaugaliang bilhan.
Nakangiti siya at ang babae ay
ngumiti rin. Tila nga ho,” ani Aling
Godyang. “Tila ho nahihiyang ako sa
pagtitinda.” Natawa si Aling Marta at
pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng
kaniyang bestido upang magbayad.
“Bakit ho?” anito. “A, e, nawawala
ho ang aking pitaka,” wala sa loob na
sagot ni Aling Marta. “Ku, e, magkano
naman ang laman?” ang tanong nga
babae. Ang tanda niyang laman ng
kaniyang kalupi ay pitumpong piso na
siyang bigay na sahod ng kaniyang
asawa nang sinundang gabi, Sabado.
Ngunit aywan ba niya kung bakit
sa ‘di pa ma’y nakikiramay nang tono
ng nagtatanong ay nakapagpalaki ng
kaniyang loob upang sabihin, “E,
sandaan at sampung piso ho.”
Nanatili siya sa pagkakatayo nang
ilang saglit, wari’y tinakasan ng lakas,
nag-iisip ng mga nakaraang
pangyayari.
Mayamaya ay parang kidlat na
gumuhit sa kaniyang alaala ang
gusgusing batang kaniyang
nakabangga. Tumama ang siko nito
sa kaniyang dibdib, sa kaniyang
katawan! Dali-dali siyang tumalikod at
patakbong lumabas. Hindi pa marahil
iyon nakakalayo; may ilang sandali pa
lamang ang nakararaan. Inisip niya
kung ano ang kasuutan nito na maaari
niyang pagkakilanlan, ang tabas ng
mukha, ang gupit, ang tindig. Sa
labas, sa harap ng palengke na
kinaroroonan ng ilang tindahang maliit
at mangilan-ngilang mamimili at
panakaw na nagtitinda ng gulay,
ay nagpalinga-linga siya. Patakbo uli
siyang lumakad, sa harap ng mga
bilao ng gulay na halos mayapakan na
niya sa pagmamadali, at sa gawing
dulo ng posisyon, na ‘di-kalayuan sa
natatanaw niyang karatig na outpost
ng mga pulis, ay nakita niya ang
kaniyang hinahanap.
Nakatayo ito sa harap ng isang bilao
ng kangkong at sa malas niya ay
tumatawad. Hindi siya maaaring
magkamali; ang wakwak na kamiseta
nito at ang mahabang pantalon na
wari’y salawal ding ginagamit ng
kaniyang ama ay sapat nang
palatandaan upang ito ay madaling
makilala. At ang hawak nitong bangos
na tig-bebente. Maliksi siyang lumapit
at binatak ang bata sa leeg. “Nakita rin
kita!” ang sabi niyang humihingal.
“Ikaw ang dumukot ng pitaka ko, ano?
Huwag kang magkakaila!” Tiyakan
ang kaniyang pagkakapagsalita; ibig
niyang sa pagkalito ng bata sa pag-
aapuhap ng isasagot ay masukol
niyang buong-buo. Ngunit ang bata ay
mahinahong sumagot: “Ano hong
pitaka?” ang sabi. “Wala ho akong
kinukuha sa inyong pitaka.” “Anong
wala!” pasinghal na sabi ni Aling
Marta. “Ikaw nga ang dumukot ng
pitaka ko at wala nang iba.
Kunwa pa’y binangga mo ‘ko, ano,
ha? Magaling, magaling ang sistema
ninyong iyan. Kikita nga kayo rito sa
palengke!” Marami nang nakapaligid
sa kanila, mga batang nagtitinda,
lalaki at babaeng mamimili. Hinigpitan
ni Aling Marta ang pagkakahawk sa
leeg ng bata at ito’y pilit na iniharap sa
kababaihan. “Aba, kangina ba
namang pumapasok ako sa palengke,
e banggain ako,” sabi niya. “Nang
magbabayad ako ng pinamili ko’t
kapain ko ang bulsa ko, e wala nang
laman!” !” “Ang mabuti ho’y ipapulis
ninyo,” sabing nakalabi ng isang
babaieng nakikinig.
“Talagang dito ho sa palengke’y
maraming naglipanang batang gaya
niyan.”
“Tena,” sabi ni Aling Marta sa bata.
“Sumama ka sa akin.” “ Bakit ho, saan
ninyo ‘ko dadalhin?” “Saan sa akala
mo?” sabi ni Aling Marta na pinisil
ang leeg ng bata. “Ibibigay kita sa
pulis. Ipabibilanggo kita kapag ‘di mo
inilabas ang dinukot mo sa akin.”
Pilit na nagwawala ang bata;
ipinamulsa niya ang hawak na bangos
upang dalawang-kamayin ang
pag-aalis sa mabutong daliri ni Aling
Marta na tila kawad sa pagkakasakal
sa kanyiang leeg. May luha nang
nakapamintana sa kaniyang mga
mata at ang uhog at laway ay sabay
na umaagos sa kaniyang leeg. Buhat
sa likuran ng mga nanonood ay
lumapit ang isang pulis at tanod sa
mga pagkakataong tulad niyon, at
nang ito ay malapit ay sinimulan ni
Aling Marta ang pagsusumbong.
“Nasiguro ko hong siya dahil sa nang
ako’y kaniyang banggain, e
naramdaman ko ang kaniyang kamay
sa aking bulsa” patapos niyang
pagsusumbong.
“Hindi ko lang ho naino kaagad
pagka’t akoy nagmamadali.”
Tiningnang matagal ng pulis ang bata,
ang maruming saplot at ang
nagmamapasa-duming katawan,
pagkatapos ay patiyad na naupo sa
harap nito at sinimulang mangapkap.
Sa bulsa ng bata, na sa pagdating
ng pulis ay tuluyan nang umiiyak, ay
lumabas ang isang maruming
panyolito, basa ng uhog at tadtad ng
sulsi, diyes sentimos na papel at ang
tig-bebenteng bangos. “Natitiyak ho
ba ninyong talaga na siya ang
dumukot ng inyong pitaka?” tanong ng
pulis kay Aling Marta.
“Siya ho at wala nang iba,” sagot ni
Aling Marta. “Saan mo dinala ang
dinukot mo sa aleng ito?” mabalasik
na tanong ng pulis sa bata. “Magsabi
ka ng totoo, kung ‘di ay dadalhin kita.”
“Wala ho akong dinukot na maski ano
sa kaniya,” sisiguk-sigok na sagot ng
bata.
“Maski kapkapan!” sabad ni Aling
Marta. “Ano pa ang kakapkapin namin
sa iyo kung ang pitaka ko, e naipasa
mo na sa kapwa mo mandurukot! O,
ano, hindi ba ganoon kayong mga
tekas kung lumakad, isa-isa, dala-
dalawa, tatlu-tatlo! Ku, ang mabuti ho
yata, Mamang Pulis, e ituloy na natin
iyan sa kuwartel. Baka roon matutong
matakot iyan at magsabi ng totoo.”
Tumindig ang pulis. “Hindi natin
kara-karaka madadala ito nang
walang ebidensya. Kinakailangang
kahit paano’y magkaroon tayo ng
maihaharap na katibayang siya nga
ang dumukot ng inyong kuwarta.
Papaano ho kung hindi siya?”
“E, ano pang ebidensya ang
hinahanap mo?” sabi ni Aling Marta na
nakalimutan ang pamumupo. “Sinabi
ko nang binangga ako nang pasadya,
na naramdaman ko ang kaniyang
kamay sa aking bulsa. Ano pa?”
Sa bata nakatingin ang pulis na
wari’y nag-iisip ng dapat gawin. Maya-
maya, muling naupo at dumukot ng
isang lapis at isang maliit na
kuwaderno sa kaniyang bulsa. “Ano
ang pangalan mo?” ang tanong niya
sa bata. “Andres Reyes po.”
“Saan ka nakatira?” ang muling
tanong ng pulis. Lumingon ang bata
sa kaniyang paligid, inisa-isa ang mga
mukhang nakatunghay sa kaniya.
“Wala ho kaming bahay,” ang sagot.
“Ang tatay ko ho, e may sakit at kami
ho, kung minsan, ay sa bahay ng
Tiyang Ines ko nakatira, sa
Blumentritt. Kung minsan naman ho, e
sa mga lola ko sa Quiapo at kung
minsan, e sa bahay ng kapatid ng
nanay ko rito sa Tondo. Inutusan nga
lang ho niya ‘kong bumili ng ulam,
para mamayang tanghali.
“Samakatuwid ay dito kayong mag-
ama nakatira ngayon sa Tondo?” ang
tanong ng pulis. “Oho,” ang sagot ng
bata, “pero hindi ko nga lang ho alam
ang kalye at numero ng bahay dahil
sa noong makalawa lang kami lumipat
at saka hindi ho ako marunong
bumasa, e.”
Ang walang-kawawaang tanong at
sagot na naririnig ni Aling Marta ay
nakabagot sa kaniyang pandinig; sa
palagay ba niya ay para silang walang
mararating. Lumalaon ay dumarami
ang tao sa paligid at ang pulis na
umuusig ay tila siyang-siya sa
kaniyang pagtatanong at pagsusulat
sa kuwaderno. Nakaramdam siya ng
pagkainis.
“Ang mabuti ho yata, e dalhin na
natin iyan kung dadalhin,” sabi niya.
“Pinagkakaguluhan lamang tayo ng
mga tao rito ay wala namang
nangyayari. Kung hindi naman ninyo
kaya ay sabihin ninyo at tatawag ako
ng ibang pulis.”
“Hirap sa inyo ay sabad kayo nang
sabad, e,” sabi ng pulis. “Buweno,
kung gusto n’yong dalhin ngayon din
ang batang ito, pati kayo ay sumama
sa akin sa kuwartel. Doon n’yo sabihin
ang gusto n’yong sabihin at doon n’yo
gawin ang gusto n’yong gawin.”
Inakbayan nito ang bata at inilakad
patungo sa outpost, kasunod ang
hindi umiimik na si Aling Marta at ang
isang hugos na tao na ang ilan ay
ngingti-ngiti habang silang tatlo ay
minamasdan.
Sa harap ng outpost ay huminto ang
pulis. “Maghintay kayo rito sandali at
tatawag ako sa kuwartel para pahalili,”
sabi sa kaniya at pumasok. Naiwan
siya sa harap ng bata, na ngayon ay
tila maamong kordero sa
pagkakatungo, sisiguk-sigok, nilalaro
ng mga payat na daliri ang ulo ng
tangang bangos. Luminga-linga siya.
Tanghali na; iilan-ilan na lamang ang
nakikita niyang pumapasok sa
palengke. Inisip niya kung ilang oras
pa ang kinakailangan niyang
paghintay bago siya makauwi: dalawa,
tatlo o maaaring sa hapon na.
Naalaala niya ang kaniyang anak na
dalagang magtatapos, ang kaniyang
asawa na kaipala ay naiinip na sa
paghihintay; at para niyang naririnig
ang sasabihin nito kung siya’y uuwi na
walang dalang anuman, walang dala
at walang pera. Nagsiklab ang poot sa
kaniya na kangina pa nagpupuyos sa
kainyang dibdib; may kung anong
sumulak sa kanyang ulo; mandi’y
gagahanip ang tingin niya sa batang
kaharap. Hinawakan niya ito sa isang
bisig at sa pagdidilim ng kaniyang
paningin ay pabalingat niyan pinipilit
sa likod.
“Tinamaan ka ng lintik na bata ka!”
sabi niyang pinanginginigan ng laman.
“Kung walang binabaing pulis na
makapagpapaamin sa iyo, e ako, ako
ang gagawa ng ikaaamin mo! Saan
mo dinala ang dinukot mo sa ‘kin?
Saan? Saan?”
Napahiyaw ang bata sa sakit; ang
bisig nito ay halos napaabot ni Aling
Marta sa kaniyang balikat sa likod.
Ang mga nanonood ay para-parang
nangapatdan ng dila upang
makapagsalita ng pagtutol. Ang
kaliwang kamay ni Aling Marta ay
pakabig na nakapaikot sa baba ng
bata; sinapo ito ng bata ng kaniyang
kamay at nang mailapit sa kaniyang
bibig ay buong panggigigil na kinagat.
Hindi niya gustong tumakbo; halos
mabali ang kaniyang siko at ang nais
lamang niya ay makaalpas sa
matitigas na bisig ni Aling Marta;
ngunit ngayon, nang siya ay bitiwan
ng nasaktang si Aling Marta at
makalayong papaurong, ay naalala
niya ang kalayaan, kalayaan kay Aling
Marta at sa dumarakip na pulis, at siya
ay humanap ng malulusutan at nang
makakita ay walang lingod-likod na
tumakbo, patungo sa ibayo ng
maluwang na daan.
Bahagya na niyang narinig ang
mahahayap na salitang nagbubuhat
sa humahabol na si Aling Marta; ang
sigaw ng pulis at ang sumunod na
tilian ng mga babae; bahagya nang
umabot sa kaniyang pandinig ang
malakas na busina ng isang
humahagibis na sasakyan.
Sa isang sandali ay nagdilim sa
kaniya ang buong paligid at sa
pagmumulat na muli ng kaniyang
paningin, sa pagbabalik ng kaniyang
ulirat, ay wala siyang nakita kundi ang
madidilim na anino ng mga mukhang
nakatunghay sa kaniyang lupaypay at
duguang katawan.
Hindi umimik si Aling Marta habang
minamasdan ang bata. Maputla ang
kulay ng kaniyang mukha ay aywan
ba niya at pati siya ay tila pinanawan
ng lakas. Malamig na pawis ang
gumigiti sa kaniyang noo at ang tuhod
niya ay parang nangangalog. Hindi
siya makapag-angat ng paningin;
sa palagay ba niya ay sa kaniya
nakatuon ang paningin ng lahat at siya
ay binubuntunan ng sisi. Bakit ba ako
manganganino sa kanila? Pinipilit
niyang usalin sa sarili, Ginawa ko
lamang ang dapat gawin ninuman at
nalalaman ng lahat na ang nangyaring
ito’y pagbabayad lamang ng bata sa
kaniyang nagawang kasalanan.
Ang pulis ay nakabalik na sa
outpost at sa isang ospital na
tumatawag. Ang bata ay
napagtulungan ng ilan na buhatin sa
bangketa upang doon pagyamanin at
ipaghintay ng ambulansiya kung aabot
pa. Ang kalahati ng kainyang katawan,
ang dakong ibaba, ay natatakpan ng
diyaryo at ang gulanit niyang kamiseta
ay tuluyan nang nawalat sa kaniyang
katawan. Makailang sandali pa,
pagdating ng pulis, ay pamuling
nagmulat ito ng paningin at ang mga
mata ay ipinako sa maputlang mukha
ni Aling Marta.
“Maski kapkapan n’yo ako, e wala
kayong makukuha sa akin,” sabing
pagatul-gatol ng nilalabasan ng dugo
sa ilong. “Hindi ko kinuha ang inyong
pitaka.”
May kung anong malamig ang
naramdaman ni Aling Martang
gumapang sa kaniyang katawan; ang
bata ay pilit na nagsasabi ng kaniyang
pahimakas. Ilang sandali pa ay
lumungayngay ang ulo nito at nang
pulsuhan ng isang naroroon ay
marahan itong napailing. Patay na,
naisaloob ni Aling Marta sa kaniyang
sarili.
“Patay na ang dumukot ng kuwarta
ninyo,” matabang na sabi ng pulis sa
kaniya. Nakatayo ito sa kaniyang tabi
at hawak na naman ang kaniyang
kuwaderno at lapis. “Siguro matutuwa
na kayo niyan.”
“Sa palagay kaya ninyo ay may
sasagutin ako sa nangyari?” tanong ni
Aling Marta. “Wala naman sa palagay
ko,” sagot ng pulis. “Kung may
mananagot niyan ay walang iba kundi
ang pobreng tsuper. Wala rin kayong
sasagutin sa pagpapalibing. Tsuper na
rin ang mananagot niyan.” May himig
pangungutya ang tinig ng pulis.
“Makaaalis na po ako?” tanong ni
Aling Marta.
“Maaari na,” sabi ng pulis.
“Lamang ay kinakailangang iwan
ninyo sa akin ang inyong pangalan at
direksiyon ng inyong bahay upang
kung mangailangan ng kaunting pag-
aayos ay mahingan namin kayo ng
ulat.”
Ibinigay ni Aling Marta ang
kaniyang pangalan at tinitirhan at
pagkatapos ay tuwid ang tinging
lumayo sa karamihan. Para pa siyang
nanghihina at magulung-magulo ang
kaniyang isip; Sali-salimuot na
alalahanin ang nagsasalimbayan sa
kaniyang diwa. Lumalakad siya
ngayon na walang-tiyak na
patutunguhan. Naalala niya ang
kaniyang anak na ga-graduate, ang
ulam na dapat niyang iuwi na, sana’y
naiuwi na, at ang nananalim,
nangungutyang mga mata ng
kaniyang asawa sa sandaling
malaman nito ang pagkawala ng pera.
Magtatanong iyon, magagalit,
hanggang siya ay mapipilitang
sumagot. Magpapalitan sila ng
mahahayap na pangungusap, sisihan,
tungayawan, at ang anak niyang ga-
graduate ay magpapalahaw ng
panangis hanggang sa sila ay
puntahan at payapain ng mga
kapitbahay. Katakut-takot na gulo at
kahihiyan! Sa loob-loob ni Aling Marta,
at hindi sinasadya ay muling nadako
ang pinag-uulapang diwa sa bangkay
ng batang natatakpan ng diyaryo, na
siyang pinagmulan ng lahat.
Kung ‘di sa tinamaan ng lintik na
iyan ay hindi ako masusuot sa
suliraning ito, usal niya sa sarili.
Kasi’y imbi, walang-pinag-aralan,
maruming palaboy ng kapalarang
umaasa sa taba ng iba. Mabuti nga sa
kanya!
Kinakailangan niyang kumilos,
umisip ng paraan. Kinakailangang
kahit papaano’y makapag-uwi siya ng
pananghalian. Pagkakain ng kaniyang
asawa ay malamig na ang kukote nito
at saka niya sasabihin ang pagkawala
ng pera. Maaaring magalit ito at
ipamukha sa kaniya, tulad ng madalas
sabihin nito, na ang lahat ay dahil sa
malabis niyang paghahangad na
makapagpadala ng labis na salaping
ipamimili, upang makapamburot at
maipamata sa kapwa na sila ay hindi
naghihirap, ngunit ang lahat ay titiisin
niya, hindi siya kikibo. Ililingid din niya
ang nangyayaring sakuna sa bata;
ayaw ng kaniyang asawa ng iskandalo
at anuman pangangatwirang gawin
niya ay siya rin ang sisisihin nito sa
dakong huli; at kung sakali’t darating
ang pulis na kukuha ng ulat ay
lilihiman niya ito. At tungkol sa ulam,
mangungutang siya ng pera sa
tindahan ni Aling Godyang, at iyon ang
kaniyang ipamimili; nasabi niya rito na
ang nawala niyang pera ay sandaan
at sampung piso at ang halagang iyon
ay napakalaki na upang ang lima o
sampung piso ay ipagkait nito sa
kaniya bilang panakip. Hindi iyon
makapaghihindi. May ngiti ng
kasiyahang naglalaro sa maninipis na
labi ni Aling Marta nang ipihit niya ang
kaniyang mga paa patungong
pamilihan.
Tanghali na nang siya ay umuwi.
Sa daan pa lamang, bago siya
pumasok ng tarangkahan, ay
natatanaw na niya ang kaniyang anak
na dalaga na nakapamintana sa
kanilang barung-barong. Nakangiti ito
at siya ang minamasdan, ngunit nang
malapit na siya at makita ang
kaniyang dala ay napakunot-noo,
lumingon sa loob ng kabahayan at
may tinawag. Sumungaw ang payat
na mukha ng kaniyang asawa.
“Saan ka kumuha ng ipinamili mo
niyan, Nanay?” ang sabi ng anak na
na ga-graduate. “A, e,” hindi
hindi magkandatutong sagot ni Aling
Marta. “Saan pa kundi sa aking
pitaka.” Nagkatinginan ang mag-ama.
“Ngunit, Marta,” ang sabi ng kaniyang
asawa, “ang pitaka mo, e naiwan mo!
Kanginang bago ka umalis ay kinuha
ko iyon sa bulsa ng iyong bestidong
nakasabit at kumuha ako ng pambili
tabako, pero nakalimutan kong isauli.
Saan ka kumuha ng pinamili mo
niyan?”
Biglang-bigla, anaki’y kidlat na
gumuhit sa karimlan, nagbalik sa
gunita ni Aling Marta ang larawan ng
isang batang payat, duguan ang
katawan at natatakpan ng diyaryo, at
para niyang narinig ang mahina at
gumagaralgal na tinig nito: Maski
kapkapan ninyo ako, e wala kayong
makukuha sa ‘kin. Saglit siyang
natigilan sa pagpanhik sa hagdanan;
para siyang pinangangapusan ng
hininga at sa palagay ba niya ay
umiikot ang kaniyang buong paligid; at
bago siya tuluyang nawalan ng ulirat
ay wala siyang narinig kundi ang
papanaog na yabag ng kaniyang
asawa’t anak, at papaliit, lumalabong
salitang: Bakit kaya? Bakit kaya?
umiikot ang kaniyang buong paligid; at
bago siya tuluyang nawalan ng ulirat
ay wala siyang narinig kundi ang
papanaog na yabag ng kaniyang
asawa’t anak, at papaliit, lumalabong
salitang: Bakit kaya? Bakit kaya?
1. Balikan at buuin muli ang kuwento
gamit ang mga naitalang
mahahalagang pangyayari.
2. Kung titingnan ang buong larawan
ng kuwento, anong pangkalahatan o
sentral na mensahe ang ipinakikita
nito?
3. Anong pinakamahalagang
pangyayari sa kuwento ang nagbigay
ng malaking pagbabago sa iyong
pananaw?
4. Paano nakatutulong ang mga
pangyayari upang maunawaan mo
ang kuwento?
5. Paano nakakatulong ang mga
pampanitikang pamamaraan sa tema
ng kuwento?
6. Anong mga katotohanan sa buhay
ang ipinahihiwatig ng kuwentong “Ang
Kalupi”? Paano mo haharapin sa
pang-araw-araw na pamumuhay ang
mga katotohanang ito?

More Related Content

Similar to Catch Up Friday for 2nd week of February

Similar to Catch Up Friday for 2nd week of February (9)

Ang Kahon at Ang Mga Kwento Ng Mga Lumang Laruan.docx
Ang Kahon at Ang Mga Kwento Ng Mga Lumang Laruan.docxAng Kahon at Ang Mga Kwento Ng Mga Lumang Laruan.docx
Ang Kahon at Ang Mga Kwento Ng Mga Lumang Laruan.docx
 
FILIPINO-10-GROUP-1-reporting (1).pptx
FILIPINO-10-GROUP-1-reporting (1).pptxFILIPINO-10-GROUP-1-reporting (1).pptx
FILIPINO-10-GROUP-1-reporting (1).pptx
 
Felix the great
Felix the greatFelix the great
Felix the great
 
Longing Bliss First Draft.docx
Longing Bliss First Draft.docxLonging Bliss First Draft.docx
Longing Bliss First Draft.docx
 
FINAL-FEATURE-WRITING.pptx
FINAL-FEATURE-WRITING.pptxFINAL-FEATURE-WRITING.pptx
FINAL-FEATURE-WRITING.pptx
 
Impeng negro ni rogelio sikat
Impeng negro ni rogelio sikatImpeng negro ni rogelio sikat
Impeng negro ni rogelio sikat
 
Ap modyul
Ap modyulAp modyul
Ap modyul
 
AUDIO TRANSCRIPTION (1st week)
AUDIO TRANSCRIPTION (1st week)AUDIO TRANSCRIPTION (1st week)
AUDIO TRANSCRIPTION (1st week)
 
Aanhin nino
Aanhin ninoAanhin nino
Aanhin nino
 

Recently uploaded (7)

uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptxuri ng pelikula filipinofor  greade vi.pptx
uri ng pelikula filipinofor greade vi.pptx
 
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINTESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
ESP-QUARTER-4-GRADE-10-MODULE-3-POWERPOINT
 
ThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public schoolThanksgivingMass for Grade School -public school
ThanksgivingMass for Grade School -public school
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
 
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 FilipinoPagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
Pagbasa-at-Pananaliksik ng grade 11 Filipino
 
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptxLesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
 
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
ANG PAGBASA GAMIT ANG MARUNGKO APPROACH.
 

Catch Up Friday for 2nd week of February

  • 2. Panuto: Panoorin ang bidyong (Too Quick To Judge) at unawain nang mabuti ang mensaheng nais ipabatid nito.
  • 4. Panuto: Basahin ang maikling kuwento. Habang binabasa ito ay kunin ang mga mahahalagang pangyayari sa bawat bahagi ng banghay at balangkasin ito. Sundin lamang ang gabay.
  • 5. GABAY SA PAGBABALANGKAS: Mahahalagang Pangyayari: A. B. C. D. E.
  • 7. Mataaas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barung-barong. Aliwalas ang kaniyang mukha: sa kaniyang lubog na mga mata na bahagyang pinagdilim ng kaniyang malalagong kilay ay nakakintal ang kagandahan ng kaaya-ayang umaga.
  • 8. At sa kaniyang maninipis na labi, na bahagyang pasok sa pagkakalapat at maputla, ay naglalaro ang isang ngiti ng kasiyahan. Araw ng pagtatapos ng kaniyang anak na dalaga; sa gabing iyon at tatanggapin nito ang diploma bilang katunayang natapos niya ang apat na taong inilagi sa mataas
  • 9. na paaralan. Ang sandaling pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin namang panahon ng pagpapaaral ay dumating na: ang magkaroon ng isang anak na nagtapos sa high school ay hindi na isang maliit na gaya niya. Sa mapangarapin niyang diwa ay para niyang nakikita ang kaniyang
  • 10. anak na dalaga sa isang kasuotang puting-puti, kipkip ang ilang libro at nakangiti patungo sa lalo pang mataas na hangarin sa buhay, ang makatapos sa kolehiyo, magpaunlad ng kabuhayan at sumagana. Maaaring balang araw ay magkaroon siya ng mamanuganging may sinasabi rin naman.
  • 11. Nasa daan na siya, para pa niyang naririnig ang matinis na halakhak ng kaniyang anak na dalaga habang paikot-ikot nitong isinusukat sa harap ng salamin ang nabuburdahang puting damit na isusuot sa kinagabihan. Napangiti siyang muli.
  • 12. Mamimili si Aling Marta. Bitbit ng isang kamay ang isang pangnang sisidlan ng kaniyang pamimilhing uulamin. Habang nasa daan, samantalang patungo sa pamilihang- bayan ng Tondo, ay mataman niyang iniisip ang mga bagay na kaniyang pamimilhin.
  • 13. Hindi pangkaraniwang araw ito at kinakailangang magkaroon silang mag-anak ng hindi pangkaraniwang pananghalian. Bibili rin siya ng garbansos. Gustong-gusto ng magtatapos na anak ang minatamis na garbansos. Mag-iikasiyam na nang dumating siya sa pamilihan.
  • 14. Sa labas pa lamang ay naririnig na ang di-makamayaw na ingay na nagbubuhat sa loob, ang ingay ng mga magbabangos na pakanta pang isinisigaw ang halaga ng kanilang paninda, ang salit-salitang tawaran ng mga mamimili. Linggo ng umaga at ang palengke ay siksikan. Sa harapan
  • 15. niya piniling magdaan. Ang lugar ng magmamanok ay nasa dulo ng pamilihan at sa panggitnang lagusan siya daraan upang magdaan tuloy sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng mantika. . Nang dumating siya sa panggitnang pasilyo at umakmang hahakbang na papasok ay
  • 16. siyang paglabas ng humahangos na isang batang lalaki, na sa kanilang pagbabangga ay muntik na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata at tumama sa kanyang kaliwang dibdib. “Ano ka ba?” bulyaw ni Aling Marta. “Kay sikip na ng daraanan ay
  • 17. patakbo ka pa kung lumabas!” “Pasensiya na kayo, Ale,” sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos na tig-bebente, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kaniya. “Hindi ko ho kayo sinasadya. Nagmamadali ho ako, e.”
  • 18. “Pasensya!” sabi ni Aling Marta. “Kung lahat ng kawalang-ingat mo’y pagpapasensyahan nang pagpapasensyahan ay makakapatay ka ng tao.” Agad siyang tumalikod at tuluy-tuloy na pumasok. Paano’t paanuman, naisip niya, ako ang huling nakapangusap. Higit kong
  • 19. daramdamin kung ako na itong nagawan ng ‘di mabuti ay sa kaniya pa manggagaling ang huling salita. Mataman niyang inisip kung may iba pang nakakita sa nangyari. Marahas ang kaniyang pagkakapagsalita sa bata at maaaring may kakilala siyang nagdaraan na nakarinig ng kaniyang
  • 20. mga sinabi. Dumating siya sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng isang kartong mantika. “Tumataba yata kayo, Aling Godyang,” ang bati niya sa may kagulangan nang tindera na siya niyang nakaugaliang bilhan.
  • 21. Nakangiti siya at ang babae ay ngumiti rin. Tila nga ho,” ani Aling Godyang. “Tila ho nahihiyang ako sa pagtitinda.” Natawa si Aling Marta at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kaniyang bestido upang magbayad. “Bakit ho?” anito. “A, e, nawawala
  • 22. ho ang aking pitaka,” wala sa loob na sagot ni Aling Marta. “Ku, e, magkano naman ang laman?” ang tanong nga babae. Ang tanda niyang laman ng kaniyang kalupi ay pitumpong piso na siyang bigay na sahod ng kaniyang asawa nang sinundang gabi, Sabado. Ngunit aywan ba niya kung bakit
  • 23. sa ‘di pa ma’y nakikiramay nang tono ng nagtatanong ay nakapagpalaki ng kaniyang loob upang sabihin, “E, sandaan at sampung piso ho.” Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari’y tinakasan ng lakas, nag-iisip ng mga nakaraang pangyayari.
  • 24. Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kaniyang alaala ang gusgusing batang kaniyang nakabangga. Tumama ang siko nito sa kaniyang dibdib, sa kaniyang katawan! Dali-dali siyang tumalikod at patakbong lumabas. Hindi pa marahil iyon nakakalayo; may ilang sandali pa
  • 25. lamang ang nakararaan. Inisip niya kung ano ang kasuutan nito na maaari niyang pagkakilanlan, ang tabas ng mukha, ang gupit, ang tindig. Sa labas, sa harap ng palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang maliit at mangilan-ngilang mamimili at panakaw na nagtitinda ng gulay,
  • 26. ay nagpalinga-linga siya. Patakbo uli siyang lumakad, sa harap ng mga bilao ng gulay na halos mayapakan na niya sa pagmamadali, at sa gawing dulo ng posisyon, na ‘di-kalayuan sa natatanaw niyang karatig na outpost ng mga pulis, ay nakita niya ang kaniyang hinahanap.
  • 27. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Hindi siya maaaring magkamali; ang wakwak na kamiseta nito at ang mahabang pantalon na wari’y salawal ding ginagamit ng kaniyang ama ay sapat nang palatandaan upang ito ay madaling
  • 28. makilala. At ang hawak nitong bangos na tig-bebente. Maliksi siyang lumapit at binatak ang bata sa leeg. “Nakita rin kita!” ang sabi niyang humihingal. “Ikaw ang dumukot ng pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!” Tiyakan ang kaniyang pagkakapagsalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-
  • 29. aapuhap ng isasagot ay masukol niyang buong-buo. Ngunit ang bata ay mahinahong sumagot: “Ano hong pitaka?” ang sabi. “Wala ho akong kinukuha sa inyong pitaka.” “Anong wala!” pasinghal na sabi ni Aling Marta. “Ikaw nga ang dumukot ng pitaka ko at wala nang iba.
  • 30. Kunwa pa’y binangga mo ‘ko, ano, ha? Magaling, magaling ang sistema ninyong iyan. Kikita nga kayo rito sa palengke!” Marami nang nakapaligid sa kanila, mga batang nagtitinda, lalaki at babaeng mamimili. Hinigpitan ni Aling Marta ang pagkakahawk sa leeg ng bata at ito’y pilit na iniharap sa
  • 31. kababaihan. “Aba, kangina ba namang pumapasok ako sa palengke, e banggain ako,” sabi niya. “Nang magbabayad ako ng pinamili ko’t kapain ko ang bulsa ko, e wala nang laman!” !” “Ang mabuti ho’y ipapulis ninyo,” sabing nakalabi ng isang babaieng nakikinig.
  • 32. “Talagang dito ho sa palengke’y maraming naglipanang batang gaya niyan.” “Tena,” sabi ni Aling Marta sa bata. “Sumama ka sa akin.” “ Bakit ho, saan ninyo ‘ko dadalhin?” “Saan sa akala mo?” sabi ni Aling Marta na pinisil
  • 33. ang leeg ng bata. “Ibibigay kita sa pulis. Ipabibilanggo kita kapag ‘di mo inilabas ang dinukot mo sa akin.” Pilit na nagwawala ang bata; ipinamulsa niya ang hawak na bangos upang dalawang-kamayin ang
  • 34. pag-aalis sa mabutong daliri ni Aling Marta na tila kawad sa pagkakasakal sa kanyiang leeg. May luha nang nakapamintana sa kaniyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kaniyang leeg. Buhat sa likuran ng mga nanonood ay lumapit ang isang pulis at tanod sa
  • 35. mga pagkakataong tulad niyon, at nang ito ay malapit ay sinimulan ni Aling Marta ang pagsusumbong. “Nasiguro ko hong siya dahil sa nang ako’y kaniyang banggain, e naramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking bulsa” patapos niyang pagsusumbong.
  • 36. “Hindi ko lang ho naino kaagad pagka’t akoy nagmamadali.” Tiningnang matagal ng pulis ang bata, ang maruming saplot at ang nagmamapasa-duming katawan, pagkatapos ay patiyad na naupo sa harap nito at sinimulang mangapkap. Sa bulsa ng bata, na sa pagdating
  • 37. ng pulis ay tuluyan nang umiiyak, ay lumabas ang isang maruming panyolito, basa ng uhog at tadtad ng sulsi, diyes sentimos na papel at ang tig-bebenteng bangos. “Natitiyak ho ba ninyong talaga na siya ang dumukot ng inyong pitaka?” tanong ng pulis kay Aling Marta.
  • 38. “Siya ho at wala nang iba,” sagot ni Aling Marta. “Saan mo dinala ang dinukot mo sa aleng ito?” mabalasik na tanong ng pulis sa bata. “Magsabi ka ng totoo, kung ‘di ay dadalhin kita.” “Wala ho akong dinukot na maski ano sa kaniya,” sisiguk-sigok na sagot ng bata.
  • 39. “Maski kapkapan!” sabad ni Aling Marta. “Ano pa ang kakapkapin namin sa iyo kung ang pitaka ko, e naipasa mo na sa kapwa mo mandurukot! O, ano, hindi ba ganoon kayong mga tekas kung lumakad, isa-isa, dala- dalawa, tatlu-tatlo! Ku, ang mabuti ho yata, Mamang Pulis, e ituloy na natin
  • 40. iyan sa kuwartel. Baka roon matutong matakot iyan at magsabi ng totoo.” Tumindig ang pulis. “Hindi natin kara-karaka madadala ito nang walang ebidensya. Kinakailangang kahit paano’y magkaroon tayo ng maihaharap na katibayang siya nga
  • 41. ang dumukot ng inyong kuwarta. Papaano ho kung hindi siya?” “E, ano pang ebidensya ang hinahanap mo?” sabi ni Aling Marta na nakalimutan ang pamumupo. “Sinabi ko nang binangga ako nang pasadya, na naramdaman ko ang kaniyang
  • 42. kamay sa aking bulsa. Ano pa?” Sa bata nakatingin ang pulis na wari’y nag-iisip ng dapat gawin. Maya- maya, muling naupo at dumukot ng isang lapis at isang maliit na kuwaderno sa kaniyang bulsa. “Ano ang pangalan mo?” ang tanong niya
  • 43. sa bata. “Andres Reyes po.” “Saan ka nakatira?” ang muling tanong ng pulis. Lumingon ang bata sa kaniyang paligid, inisa-isa ang mga mukhang nakatunghay sa kaniya. “Wala ho kaming bahay,” ang sagot. “Ang tatay ko ho, e may sakit at kami
  • 44. ho, kung minsan, ay sa bahay ng Tiyang Ines ko nakatira, sa Blumentritt. Kung minsan naman ho, e sa mga lola ko sa Quiapo at kung minsan, e sa bahay ng kapatid ng nanay ko rito sa Tondo. Inutusan nga lang ho niya ‘kong bumili ng ulam, para mamayang tanghali.
  • 45. “Samakatuwid ay dito kayong mag- ama nakatira ngayon sa Tondo?” ang tanong ng pulis. “Oho,” ang sagot ng bata, “pero hindi ko nga lang ho alam ang kalye at numero ng bahay dahil sa noong makalawa lang kami lumipat at saka hindi ho ako marunong bumasa, e.”
  • 46. Ang walang-kawawaang tanong at sagot na naririnig ni Aling Marta ay nakabagot sa kaniyang pandinig; sa palagay ba niya ay para silang walang mararating. Lumalaon ay dumarami ang tao sa paligid at ang pulis na umuusig ay tila siyang-siya sa kaniyang pagtatanong at pagsusulat
  • 47. sa kuwaderno. Nakaramdam siya ng pagkainis. “Ang mabuti ho yata, e dalhin na natin iyan kung dadalhin,” sabi niya. “Pinagkakaguluhan lamang tayo ng mga tao rito ay wala namang nangyayari. Kung hindi naman ninyo
  • 48. kaya ay sabihin ninyo at tatawag ako ng ibang pulis.” “Hirap sa inyo ay sabad kayo nang sabad, e,” sabi ng pulis. “Buweno, kung gusto n’yong dalhin ngayon din ang batang ito, pati kayo ay sumama sa akin sa kuwartel. Doon n’yo sabihin
  • 49. ang gusto n’yong sabihin at doon n’yo gawin ang gusto n’yong gawin.” Inakbayan nito ang bata at inilakad patungo sa outpost, kasunod ang hindi umiimik na si Aling Marta at ang isang hugos na tao na ang ilan ay ngingti-ngiti habang silang tatlo ay minamasdan.
  • 50. Sa harap ng outpost ay huminto ang pulis. “Maghintay kayo rito sandali at tatawag ako sa kuwartel para pahalili,” sabi sa kaniya at pumasok. Naiwan siya sa harap ng bata, na ngayon ay tila maamong kordero sa pagkakatungo, sisiguk-sigok, nilalaro ng mga payat na daliri ang ulo ng
  • 51. tangang bangos. Luminga-linga siya. Tanghali na; iilan-ilan na lamang ang nakikita niyang pumapasok sa palengke. Inisip niya kung ilang oras pa ang kinakailangan niyang paghintay bago siya makauwi: dalawa, tatlo o maaaring sa hapon na. Naalaala niya ang kaniyang anak na
  • 52. dalagang magtatapos, ang kaniyang asawa na kaipala ay naiinip na sa paghihintay; at para niyang naririnig ang sasabihin nito kung siya’y uuwi na walang dalang anuman, walang dala at walang pera. Nagsiklab ang poot sa kaniya na kangina pa nagpupuyos sa kainyang dibdib; may kung anong
  • 53. sumulak sa kanyang ulo; mandi’y gagahanip ang tingin niya sa batang kaharap. Hinawakan niya ito sa isang bisig at sa pagdidilim ng kaniyang paningin ay pabalingat niyan pinipilit sa likod. “Tinamaan ka ng lintik na bata ka!”
  • 54. sabi niyang pinanginginigan ng laman. “Kung walang binabaing pulis na makapagpapaamin sa iyo, e ako, ako ang gagawa ng ikaaamin mo! Saan mo dinala ang dinukot mo sa ‘kin? Saan? Saan?” Napahiyaw ang bata sa sakit; ang
  • 55. bisig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa kaniyang balikat sa likod. Ang mga nanonood ay para-parang nangapatdan ng dila upang makapagsalita ng pagtutol. Ang kaliwang kamay ni Aling Marta ay pakabig na nakapaikot sa baba ng bata; sinapo ito ng bata ng kaniyang
  • 56. kamay at nang mailapit sa kaniyang bibig ay buong panggigigil na kinagat. Hindi niya gustong tumakbo; halos mabali ang kaniyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa matitigas na bisig ni Aling Marta; ngunit ngayon, nang siya ay bitiwan
  • 57. ng nasaktang si Aling Marta at makalayong papaurong, ay naalala niya ang kalayaan, kalayaan kay Aling Marta at sa dumarakip na pulis, at siya ay humanap ng malulusutan at nang makakita ay walang lingod-likod na tumakbo, patungo sa ibayo ng maluwang na daan.
  • 58. Bahagya na niyang narinig ang mahahayap na salitang nagbubuhat sa humahabol na si Aling Marta; ang sigaw ng pulis at ang sumunod na tilian ng mga babae; bahagya nang umabot sa kaniyang pandinig ang malakas na busina ng isang humahagibis na sasakyan.
  • 59. Sa isang sandali ay nagdilim sa kaniya ang buong paligid at sa pagmumulat na muli ng kaniyang paningin, sa pagbabalik ng kaniyang ulirat, ay wala siyang nakita kundi ang madidilim na anino ng mga mukhang nakatunghay sa kaniyang lupaypay at duguang katawan.
  • 60. Hindi umimik si Aling Marta habang minamasdan ang bata. Maputla ang kulay ng kaniyang mukha ay aywan ba niya at pati siya ay tila pinanawan ng lakas. Malamig na pawis ang gumigiti sa kaniyang noo at ang tuhod niya ay parang nangangalog. Hindi siya makapag-angat ng paningin;
  • 61. sa palagay ba niya ay sa kaniya nakatuon ang paningin ng lahat at siya ay binubuntunan ng sisi. Bakit ba ako manganganino sa kanila? Pinipilit niyang usalin sa sarili, Ginawa ko lamang ang dapat gawin ninuman at nalalaman ng lahat na ang nangyaring ito’y pagbabayad lamang ng bata sa
  • 62. kaniyang nagawang kasalanan. Ang pulis ay nakabalik na sa outpost at sa isang ospital na tumatawag. Ang bata ay napagtulungan ng ilan na buhatin sa bangketa upang doon pagyamanin at ipaghintay ng ambulansiya kung aabot
  • 63. pa. Ang kalahati ng kainyang katawan, ang dakong ibaba, ay natatakpan ng diyaryo at ang gulanit niyang kamiseta ay tuluyan nang nawalat sa kaniyang katawan. Makailang sandali pa, pagdating ng pulis, ay pamuling nagmulat ito ng paningin at ang mga mata ay ipinako sa maputlang mukha
  • 64. ni Aling Marta. “Maski kapkapan n’yo ako, e wala kayong makukuha sa akin,” sabing pagatul-gatol ng nilalabasan ng dugo sa ilong. “Hindi ko kinuha ang inyong pitaka.”
  • 65. May kung anong malamig ang naramdaman ni Aling Martang gumapang sa kaniyang katawan; ang bata ay pilit na nagsasabi ng kaniyang pahimakas. Ilang sandali pa ay lumungayngay ang ulo nito at nang pulsuhan ng isang naroroon ay marahan itong napailing. Patay na,
  • 66. naisaloob ni Aling Marta sa kaniyang sarili. “Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo,” matabang na sabi ng pulis sa kaniya. Nakatayo ito sa kaniyang tabi at hawak na naman ang kaniyang kuwaderno at lapis. “Siguro matutuwa
  • 67. na kayo niyan.” “Sa palagay kaya ninyo ay may sasagutin ako sa nangyari?” tanong ni Aling Marta. “Wala naman sa palagay ko,” sagot ng pulis. “Kung may mananagot niyan ay walang iba kundi ang pobreng tsuper. Wala rin kayong
  • 68. sasagutin sa pagpapalibing. Tsuper na rin ang mananagot niyan.” May himig pangungutya ang tinig ng pulis. “Makaaalis na po ako?” tanong ni Aling Marta. “Maaari na,” sabi ng pulis. “Lamang ay kinakailangang iwan
  • 69. ninyo sa akin ang inyong pangalan at direksiyon ng inyong bahay upang kung mangailangan ng kaunting pag- aayos ay mahingan namin kayo ng ulat.” Ibinigay ni Aling Marta ang kaniyang pangalan at tinitirhan at
  • 70. pagkatapos ay tuwid ang tinging lumayo sa karamihan. Para pa siyang nanghihina at magulung-magulo ang kaniyang isip; Sali-salimuot na alalahanin ang nagsasalimbayan sa kaniyang diwa. Lumalakad siya ngayon na walang-tiyak na patutunguhan. Naalala niya ang
  • 71. kaniyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat niyang iuwi na, sana’y naiuwi na, at ang nananalim, nangungutyang mga mata ng kaniyang asawa sa sandaling malaman nito ang pagkawala ng pera. Magtatanong iyon, magagalit, hanggang siya ay mapipilitang
  • 72. sumagot. Magpapalitan sila ng mahahayap na pangungusap, sisihan, tungayawan, at ang anak niyang ga- graduate ay magpapalahaw ng panangis hanggang sa sila ay puntahan at payapain ng mga kapitbahay. Katakut-takot na gulo at kahihiyan! Sa loob-loob ni Aling Marta,
  • 73. at hindi sinasadya ay muling nadako ang pinag-uulapang diwa sa bangkay ng batang natatakpan ng diyaryo, na siyang pinagmulan ng lahat. Kung ‘di sa tinamaan ng lintik na iyan ay hindi ako masusuot sa suliraning ito, usal niya sa sarili.
  • 74. Kasi’y imbi, walang-pinag-aralan, maruming palaboy ng kapalarang umaasa sa taba ng iba. Mabuti nga sa kanya! Kinakailangan niyang kumilos, umisip ng paraan. Kinakailangang kahit papaano’y makapag-uwi siya ng
  • 75. pananghalian. Pagkakain ng kaniyang asawa ay malamig na ang kukote nito at saka niya sasabihin ang pagkawala ng pera. Maaaring magalit ito at ipamukha sa kaniya, tulad ng madalas sabihin nito, na ang lahat ay dahil sa malabis niyang paghahangad na makapagpadala ng labis na salaping
  • 76. ipamimili, upang makapamburot at maipamata sa kapwa na sila ay hindi naghihirap, ngunit ang lahat ay titiisin niya, hindi siya kikibo. Ililingid din niya ang nangyayaring sakuna sa bata; ayaw ng kaniyang asawa ng iskandalo at anuman pangangatwirang gawin niya ay siya rin ang sisisihin nito sa
  • 77. dakong huli; at kung sakali’t darating ang pulis na kukuha ng ulat ay lilihiman niya ito. At tungkol sa ulam, mangungutang siya ng pera sa tindahan ni Aling Godyang, at iyon ang kaniyang ipamimili; nasabi niya rito na ang nawala niyang pera ay sandaan at sampung piso at ang halagang iyon
  • 78. ay napakalaki na upang ang lima o sampung piso ay ipagkait nito sa kaniya bilang panakip. Hindi iyon makapaghihindi. May ngiti ng kasiyahang naglalaro sa maninipis na labi ni Aling Marta nang ipihit niya ang kaniyang mga paa patungong pamilihan.
  • 79. Tanghali na nang siya ay umuwi. Sa daan pa lamang, bago siya pumasok ng tarangkahan, ay natatanaw na niya ang kaniyang anak na dalaga na nakapamintana sa kanilang barung-barong. Nakangiti ito at siya ang minamasdan, ngunit nang malapit na siya at makita ang
  • 80. kaniyang dala ay napakunot-noo, lumingon sa loob ng kabahayan at may tinawag. Sumungaw ang payat na mukha ng kaniyang asawa. “Saan ka kumuha ng ipinamili mo niyan, Nanay?” ang sabi ng anak na na ga-graduate. “A, e,” hindi
  • 81. hindi magkandatutong sagot ni Aling Marta. “Saan pa kundi sa aking pitaka.” Nagkatinginan ang mag-ama. “Ngunit, Marta,” ang sabi ng kaniyang asawa, “ang pitaka mo, e naiwan mo! Kanginang bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa bulsa ng iyong bestidong nakasabit at kumuha ako ng pambili
  • 82. tabako, pero nakalimutan kong isauli. Saan ka kumuha ng pinamili mo niyan?” Biglang-bigla, anaki’y kidlat na gumuhit sa karimlan, nagbalik sa gunita ni Aling Marta ang larawan ng isang batang payat, duguan ang
  • 83. katawan at natatakpan ng diyaryo, at para niyang narinig ang mahina at gumagaralgal na tinig nito: Maski kapkapan ninyo ako, e wala kayong makukuha sa ‘kin. Saglit siyang natigilan sa pagpanhik sa hagdanan; para siyang pinangangapusan ng hininga at sa palagay ba niya ay
  • 84. umiikot ang kaniyang buong paligid; at bago siya tuluyang nawalan ng ulirat ay wala siyang narinig kundi ang papanaog na yabag ng kaniyang asawa’t anak, at papaliit, lumalabong salitang: Bakit kaya? Bakit kaya?
  • 85. umiikot ang kaniyang buong paligid; at bago siya tuluyang nawalan ng ulirat ay wala siyang narinig kundi ang papanaog na yabag ng kaniyang asawa’t anak, at papaliit, lumalabong salitang: Bakit kaya? Bakit kaya?
  • 86. 1. Balikan at buuin muli ang kuwento gamit ang mga naitalang mahahalagang pangyayari. 2. Kung titingnan ang buong larawan ng kuwento, anong pangkalahatan o sentral na mensahe ang ipinakikita nito?
  • 87. 3. Anong pinakamahalagang pangyayari sa kuwento ang nagbigay ng malaking pagbabago sa iyong pananaw? 4. Paano nakatutulong ang mga pangyayari upang maunawaan mo ang kuwento?
  • 88. 5. Paano nakakatulong ang mga pampanitikang pamamaraan sa tema ng kuwento? 6. Anong mga katotohanan sa buhay ang ipinahihiwatig ng kuwentong “Ang Kalupi”? Paano mo haharapin sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mga katotohanang ito?