SlideShare a Scribd company logo
Ang Kahon at Ang Mga Kwento Ng Mga
Lumang Laruan
Isang araw, may isang kayumanggi at walang lamang kahon ang naiwan sa isang
sulok ng tindahan. Maya-maya’y may isang lolong nagdikit ng papel sa kahong
walang laman. Hindi mabasa ng kahon ang nakasulat pero sabi ng kahon sa sarili,
“Salamat at mayroon pa pala akong silbi kahit isang basurahan”. Dati kasi siyang
kahon ng sigarilyo.
Dumaan ang ilang araw, isang kasambahay ang naglagay ng isang manikang
madumi ang damit at ang dilaw na buhok ay di pantay ang gupit. Natuwa ang
kahon dahil nagkaroon na siya ng laman, isang basurang manika.
“Kumusta, manika?” ang bungad na bati ni Kahon. “Sa hitsura mo’y parang
pinaglaruan ka yata ng batang sa iyo’y umampon.”
“Uy, kaibigan. Maigi ngang nandito ako sa loob mo,” sagot ni Manika. “Kung
alam mo lang ang aking kwento, pihadong pati ikaw’y manlulumo.”
“Tutal, dalawa lang naman tayo, makikinig ako sa kwento mo,” ngiti ni Kahon.
“O sige. Ako’y isang magandang manika noong una. Gintong mais ang aking
buhok at mabango ang damit kong kulay pula. Madami ang sa akin ay
nagbakasakali ngunit sabihin nating mayamang bata ang nagmay-ari. Ang hindi
ko lang inaasahan, mayroon siyang panget na ugali. Kaming mga laruan ay hindi
iniingatan at madalas gawan ng kalokohan. Biruin mong ilublob ako sa putikan
at gupitin ang buhok kong ginintuan. Hay, nasayang lang ang aking ganda sa
isang batang hindi marunong magpahalaga.”
“Masaklap pala ang iyong sinapit sa isang batang ugali’y malupit,” yun na lang
ang sinabi ni Kahon sa kanyang unang bisita.
Ilang araw ang lumipas, may amang naglagay naman ng isang asul na robot sa
kahon.
“Kamusta, Robot,” sabay na bati nina Kahon at Manika.
“Hay, eto, nakakahiya na ang hitsura. Bali ang isang kamay at lagyan man ng
baterya ay di na gumagana. Ano pa nga ba, isa na akong basura!” dismayadong
sagot ni Robot.
“Makikinig kami sa kwento mo, tutal tatlo lang naman tayo,” ang paunlak ni
Kahon.
“O, sige. Ganito yun. Ako’y isang robot na modelo ng isang sikat na robot sa
telebisyon. Binili ako ng isang mabait na tatay para sa kanyang bunsong anak.
Tuwang-tuwa sa akin ang bunso, pero naiinggit naman sa kanya ang panganay na
kapatid. Minsang naglalaro si bunso, nakiusap ang kuya niya na hiramin ako pero
naging madamot ito. Nainis ang mas matanda kaya bigla akong hinaltak sa kanya.
Pinag-agawan nila ako at parehong ayaw magpatalo.”
“Hay, may mga bata talagang dapat dinidisiplina,” sambit ni Manika.
“Oo nga. Ang nangyari, nahulog ako sa semento, nabali ang kamay at nabasag
pa ang lagayan ng baterya. Nang malaman ng ama, pinalo pareho ang dalawang
bata at ako’y itinapon na lang. Ang sabi ng ama, kayong dalawa ay dapat
nagbibigayan. Itatapon ko na lang ang robot upang kalimutan ang ugaling
karamutan. At hindi ako bibili ng anumang laruan, hangga’t di ninyo natututunan
ang magbigayan ng anumang kagamitan,” ang malungkot na salaysay ni Robot.
“Sabagay, dapat talagang nagbibigayan ang bawat isa, lalo na sa pamilya,” ang
sabi na lang nina Manika at Kahon sa isa’t isa.
Kinabukasan, isang binata naman ang naglagay sa kahon ng isang magara at
makintab na itim na kotse-kotsehan.
“Kamusta, Kaibigan,” ang bati nina Manika at Robot, “Maligayang pagdating sa
basurahan.”
“Eto, malungkot, ” matamlay na sagot ng bagong dating.
“Ha? Anong ikinalulungkot mo? Sa hitsura mo, ika’y bagong-bago, ano ba ang
kwento, kaming tatlo ay makikinig sa ‘yo,” ani Kahon.
“Ganito kasi yun. Hindi bata ang bumili sa akin. Isang binatang mahilig bumili
ng laruang sasakyan pero hindi naman niya nilalaruan. Itinatago sa istante, ayaw
maalibukan, walang pakinabang. Bumili nang bumili pero pandisplay lang. Hay,
gusto kong sabihin sa kanya, ako’y isang laruan. Tanging hiling ko’y may batang
ngingiti habang ako’y pinaglalaruan.”
“Pero anong nangyari at napunta ka dito?” tanong ni Manika.
“Ang binata kasi ay sa ibang bansa na maninirahan, pinili niya ang
pinakamagaganda niyang laruang-sasakyan upang dalhin sa ibang bayan. At
akong hindi napili, heto, napunta sa isang basurahan.”
“Iyan ang isang pinakamasaklap na mangyari sa isang laruan, ang hindi man lang
mahawakan ng isang bata,” nanghihinayang na nasabi ni Robot.
Sumunod na araw, isang dalaga ang naglagay ng isang laruang oso sa kahon.
“Maligayang pagdating sa iyo, laruang oso,” sabay-sabay na bati nina Manika,
Robot, Kotse-kotsehan at Kahon.
“Uy, marami na pala kayo dito, salamat naman at hindi na ako mag-iisa,” wika
ng kadarating na kulay rosas na laruan.
“Apat pa lang naman kaming nagkukuwentuhan, ikaw ba, pwede ka bang
kahuntahan?” sambit ni Kahon.
“Aba’y oo naman, ganito ang aking karanasan. Ako’y isang laruang nagsilbing
kaibigan. Isang dalagita ang sa akin ay bumili at mga sikreto niya’y sa akin lang
sinasabi. Nakakatuwa naman at ako’y kanyang inalagaan. Ilang taon din kaming
naging magkakwentuhan, pero..” napalitan ng lungkot ang mukha ni Laruang
Oso.
“O, bakit, akala ko ba’y masaya ang iyong karanasan,” tanong ni Robot.
“Nagtataka nga ako kung bakit ako inilagay dito. Basta sabi niya sa akin, dalaga
na siya. Matanda na raw siya para sa kagaya ko, kung kaya’t ako’y kanyang
pakakawalan. Bulong niya’y may makapulot sa aking bata na ituturing din akong
kaibigan.”
“Mabuti naman at hindi naman pala masama ang iyong karanasan, may dahilan
naman pala ang iyong naging kalaro,” ang sabi ni Kotse-kotsehan.
Lumipas pa ang mga araw at malapit nang mapuno ang kahong dating walang
laman na naging basurahan. Parati kasing may naglalagay ng mga kung anu-
anong basura sa kanya. Iba-ibang laruan. Iba-ibang kulay. Iba-ibang hugis. May
bolang kupas at sombrero ng mangkukulam na butas. May espadang patpat at
may lumang trumpo. May laruang bus, gitara at barko. Mayroon pa ngang mga
damit ng diwata, nars at sundalo. Lahat ay may mga baong kwento.
Ang huling nagdagdag ng basura ay ang lolong naglagay sa kahon sa isang sulok
ng tindahan. Ang kanyang inilagay ay mga bareta ng luwad.
“Uy, may mga kakaibang bagay na nadagdag sa basurahan,” ang bungad ni
Manika.
“Kami ay mga basurang laruan, pero kayo ba ay ano?” tanong ni Robot.
“Sabon ba kayong ayaw bumula?” tanong ni Kotse-kotsehan.
“Baka naman kending hindi mabili,” wika ni Robot.
“O kaya tsokolateng luma na at inaamag,” hula naman ng ibang mga laruan.
“Mga kaibigan, kami ng aking mga kasamahan ay maituturing ding laruan,” sagot
ni Puting Luwad. “Ang tawag sa amin ay Luwad.”
“Luwad, anong luwad?” nagtataka na din si Kahon.
“Mga simple lang kami kung tutuusin. Isang bulag na bata ang sa amin ay
nagmay-ari. Nabulag daw sa paglalaro ng mga walis-tingting. Ang batang bulag
ay naging malulungkutin at nawalan ng tiwala sa sarili,” simulang kwento naman
ng Berdeng Luwad.
“Mabuti na lang at iniregalo kami sa kanya ng kanyang lolo. At ang dalawa’y
parati na ngang nagsama sa paghulma sa amin ng kung anu-anong hugis. Pati nga
kami’y namamangha sa kanilang ginagawa,” nakangiting salaysay naman ni
Kahel na Luwad.
“Kami marahil ang naging paraan upang mabuksan ang angking kakayahan ng
batang bulag. Dahil nawalan ng paningin, pinagana niya ang kanyang malawak
na imahinasyon. Nakabuo siya ng iba-ibang hugis at iba-ibang bagay base sa
kanyang nahahawakan. Naging mahusay na mahusay siya at noon lang
nanumbalik ang tiwala niya sa sarili. Alam ninyo bang isa na siya ngayong
mahusay na alagad ng sining?” pagmamalaki naman ni Lilang Luwad.
“Sining? Ano naman ang sining? Laruan din ba iyun?” tanong ulit ni Kahon.
“Ang Sining ay tumutukoy sa anumang kasanayan kung saan ipinapakita ng isang
tao ang kagandahan sa kanyang paligid base sa kanyang nararamdam, nakikita,
naririnig, naaamoy, at nararanasan. Alam ninyo bang ang batang bulag ngayon
ay isa ng tanyag na iskultor at makata?” nakangiting sabi ni Abong Luwad.
“Nakakabilib naman. Sana ay may makapulot sa atin na mga batang malilibang
at matututo sa atin.” Iyun na lang ang nasambit ng mga lumang laruan sa loob ng
kahon.
Nasa gayon silang pagkukuwentuhan nang tuluyang isinara ng lolo ang
kayumangging kahon. Natakot ang mga laruan dahil alam nilang sa Bundok ng
Basura ang kanilang pupuntahan. Sabay-sabay silang nagdasal.
“Sana ay mapulot kami ng mga batang hangad ay kasiyahan at paglilibang. Mga
batang matututo sa amin ng pagkakaibigan at pagbibigayan. Mga batang ngingiti
at matutuwa kapag kami ay nahawakan. At nawa’y magmulat sa kanilang
imahinasyon upang kuminang ang kanilang mga talento. Mga batang mag-aalaga,
mag-iingat, magpapahalaga at magmamahal sa aming mga laruan at ituturing
kaming mahalagang parte ng kanilang kabataan.”
Mahaba ang nilakbay ng kahon. Ang mga lumang laruan naman ay mistulang
mga batang naglalaro sa loob nito. Nag-umpugan. Tumambling. Nagbungguan.
Nagpabalentong. Napataas. Napababa. Pabalikwas-balikwas. Bumabali-
baligtad. Nawala sa isip nila ang pag-aalala sa pupuntahang Bundok ng Basura.
Hanggang ang kahon ay nakarating sa isang trak ng puno rin ng mga kahong
kagaya niya. At ngayon lang niya nabasa ang nakasulat.
“Kahon ng Kasiyahan, Panahon ng Pagbibigayan. Laruan Para sa Bahay-
Ampunan.”
At muling napangiti si Kahon. At sa isip niya’y gumuhit ang masayang larawan
ng mga batang sabik sa laruan at mga laruang sabik sa pagmamahal ng mga
kabataan.
++++++++++
Munting lahok sa Kwentong Pambata sa Saranggola Blog Awards
Share this:
 Twitter
 Facebook

Related
Ang Project ni MEcoyNobyembre 21, 2012In "Kwentong Pambata"
Alas Sais Ng HaponOktubre 15, 2013In "Kwentong Pambata"
Ang Mahiwagang Pluma at ang Paghahanap sa Bagong DaigdigPebrero 13, 2013In "Mga Kw

More Related Content

Featured

Product Design Trends in 2024 | Teenage Engineerings
Product Design Trends in 2024 | Teenage EngineeringsProduct Design Trends in 2024 | Teenage Engineerings
Product Design Trends in 2024 | Teenage Engineerings
Pixeldarts
 
How Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental Health
How Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental HealthHow Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental Health
How Race, Age and Gender Shape Attitudes Towards Mental Health
ThinkNow
 
AI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdf
AI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdfAI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdf
AI Trends in Creative Operations 2024 by Artwork Flow.pdf
marketingartwork
 
Skeleton Culture Code
Skeleton Culture CodeSkeleton Culture Code
Skeleton Culture Code
Skeleton Technologies
 
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
PEPSICO Presentation to CAGNY Conference Feb 2024
Neil Kimberley
 
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
Content Methodology: A Best Practices Report (Webinar)
contently
 
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
How to Prepare For a Successful Job Search for 2024
Albert Qian
 
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie InsightsSocial Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Social Media Marketing Trends 2024 // The Global Indie Insights
Kurio // The Social Media Age(ncy)
 
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Trends In Paid Search: Navigating The Digital Landscape In 2024
Search Engine Journal
 
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
5 Public speaking tips from TED - Visualized summary
SpeakerHub
 
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
ChatGPT and the Future of Work - Clark Boyd
Clark Boyd
 
Getting into the tech field. what next
Getting into the tech field. what next Getting into the tech field. what next
Getting into the tech field. what next
Tessa Mero
 
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search IntentGoogle's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Google's Just Not That Into You: Understanding Core Updates & Search Intent
Lily Ray
 
How to have difficult conversations
How to have difficult conversations How to have difficult conversations
How to have difficult conversations
Rajiv Jayarajah, MAppComm, ACC
 
Introduction to Data Science
Introduction to Data ScienceIntroduction to Data Science
Introduction to Data Science
Christy Abraham Joy
 
Time Management & Productivity - Best Practices
Time Management & Productivity -  Best PracticesTime Management & Productivity -  Best Practices
Time Management & Productivity - Best Practices
Vit Horky
 
The six step guide to practical project management
The six step guide to practical project managementThe six step guide to practical project management
The six step guide to practical project management
MindGenius
 
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
RachelPearson36
 
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
Unlocking the Power of ChatGPT and AI in Testing - A Real-World Look, present...
Applitools
 
12 Ways to Increase Your Influence at Work
12 Ways to Increase Your Influence at Work12 Ways to Increase Your Influence at Work
12 Ways to Increase Your Influence at Work
GetSmarter
 
Featured (20)

Ang Kahon at Ang Mga Kwento Ng Mga Lumang Laruan.docx

  • 1. Ang Kahon at Ang Mga Kwento Ng Mga Lumang Laruan Isang araw, may isang kayumanggi at walang lamang kahon ang naiwan sa isang sulok ng tindahan. Maya-maya’y may isang lolong nagdikit ng papel sa kahong walang laman. Hindi mabasa ng kahon ang nakasulat pero sabi ng kahon sa sarili, “Salamat at mayroon pa pala akong silbi kahit isang basurahan”. Dati kasi siyang kahon ng sigarilyo. Dumaan ang ilang araw, isang kasambahay ang naglagay ng isang manikang madumi ang damit at ang dilaw na buhok ay di pantay ang gupit. Natuwa ang kahon dahil nagkaroon na siya ng laman, isang basurang manika. “Kumusta, manika?” ang bungad na bati ni Kahon. “Sa hitsura mo’y parang pinaglaruan ka yata ng batang sa iyo’y umampon.” “Uy, kaibigan. Maigi ngang nandito ako sa loob mo,” sagot ni Manika. “Kung alam mo lang ang aking kwento, pihadong pati ikaw’y manlulumo.” “Tutal, dalawa lang naman tayo, makikinig ako sa kwento mo,” ngiti ni Kahon. “O sige. Ako’y isang magandang manika noong una. Gintong mais ang aking buhok at mabango ang damit kong kulay pula. Madami ang sa akin ay nagbakasakali ngunit sabihin nating mayamang bata ang nagmay-ari. Ang hindi ko lang inaasahan, mayroon siyang panget na ugali. Kaming mga laruan ay hindi iniingatan at madalas gawan ng kalokohan. Biruin mong ilublob ako sa putikan at gupitin ang buhok kong ginintuan. Hay, nasayang lang ang aking ganda sa isang batang hindi marunong magpahalaga.” “Masaklap pala ang iyong sinapit sa isang batang ugali’y malupit,” yun na lang ang sinabi ni Kahon sa kanyang unang bisita. Ilang araw ang lumipas, may amang naglagay naman ng isang asul na robot sa kahon. “Kamusta, Robot,” sabay na bati nina Kahon at Manika.
  • 2. “Hay, eto, nakakahiya na ang hitsura. Bali ang isang kamay at lagyan man ng baterya ay di na gumagana. Ano pa nga ba, isa na akong basura!” dismayadong sagot ni Robot. “Makikinig kami sa kwento mo, tutal tatlo lang naman tayo,” ang paunlak ni Kahon. “O, sige. Ganito yun. Ako’y isang robot na modelo ng isang sikat na robot sa telebisyon. Binili ako ng isang mabait na tatay para sa kanyang bunsong anak. Tuwang-tuwa sa akin ang bunso, pero naiinggit naman sa kanya ang panganay na kapatid. Minsang naglalaro si bunso, nakiusap ang kuya niya na hiramin ako pero naging madamot ito. Nainis ang mas matanda kaya bigla akong hinaltak sa kanya. Pinag-agawan nila ako at parehong ayaw magpatalo.” “Hay, may mga bata talagang dapat dinidisiplina,” sambit ni Manika. “Oo nga. Ang nangyari, nahulog ako sa semento, nabali ang kamay at nabasag pa ang lagayan ng baterya. Nang malaman ng ama, pinalo pareho ang dalawang bata at ako’y itinapon na lang. Ang sabi ng ama, kayong dalawa ay dapat nagbibigayan. Itatapon ko na lang ang robot upang kalimutan ang ugaling karamutan. At hindi ako bibili ng anumang laruan, hangga’t di ninyo natututunan ang magbigayan ng anumang kagamitan,” ang malungkot na salaysay ni Robot. “Sabagay, dapat talagang nagbibigayan ang bawat isa, lalo na sa pamilya,” ang sabi na lang nina Manika at Kahon sa isa’t isa. Kinabukasan, isang binata naman ang naglagay sa kahon ng isang magara at makintab na itim na kotse-kotsehan. “Kamusta, Kaibigan,” ang bati nina Manika at Robot, “Maligayang pagdating sa basurahan.” “Eto, malungkot, ” matamlay na sagot ng bagong dating. “Ha? Anong ikinalulungkot mo? Sa hitsura mo, ika’y bagong-bago, ano ba ang kwento, kaming tatlo ay makikinig sa ‘yo,” ani Kahon.
  • 3. “Ganito kasi yun. Hindi bata ang bumili sa akin. Isang binatang mahilig bumili ng laruang sasakyan pero hindi naman niya nilalaruan. Itinatago sa istante, ayaw maalibukan, walang pakinabang. Bumili nang bumili pero pandisplay lang. Hay, gusto kong sabihin sa kanya, ako’y isang laruan. Tanging hiling ko’y may batang ngingiti habang ako’y pinaglalaruan.” “Pero anong nangyari at napunta ka dito?” tanong ni Manika. “Ang binata kasi ay sa ibang bansa na maninirahan, pinili niya ang pinakamagaganda niyang laruang-sasakyan upang dalhin sa ibang bayan. At akong hindi napili, heto, napunta sa isang basurahan.” “Iyan ang isang pinakamasaklap na mangyari sa isang laruan, ang hindi man lang mahawakan ng isang bata,” nanghihinayang na nasabi ni Robot. Sumunod na araw, isang dalaga ang naglagay ng isang laruang oso sa kahon. “Maligayang pagdating sa iyo, laruang oso,” sabay-sabay na bati nina Manika, Robot, Kotse-kotsehan at Kahon. “Uy, marami na pala kayo dito, salamat naman at hindi na ako mag-iisa,” wika ng kadarating na kulay rosas na laruan. “Apat pa lang naman kaming nagkukuwentuhan, ikaw ba, pwede ka bang kahuntahan?” sambit ni Kahon. “Aba’y oo naman, ganito ang aking karanasan. Ako’y isang laruang nagsilbing kaibigan. Isang dalagita ang sa akin ay bumili at mga sikreto niya’y sa akin lang sinasabi. Nakakatuwa naman at ako’y kanyang inalagaan. Ilang taon din kaming naging magkakwentuhan, pero..” napalitan ng lungkot ang mukha ni Laruang Oso. “O, bakit, akala ko ba’y masaya ang iyong karanasan,” tanong ni Robot. “Nagtataka nga ako kung bakit ako inilagay dito. Basta sabi niya sa akin, dalaga na siya. Matanda na raw siya para sa kagaya ko, kung kaya’t ako’y kanyang pakakawalan. Bulong niya’y may makapulot sa aking bata na ituturing din akong kaibigan.”
  • 4. “Mabuti naman at hindi naman pala masama ang iyong karanasan, may dahilan naman pala ang iyong naging kalaro,” ang sabi ni Kotse-kotsehan. Lumipas pa ang mga araw at malapit nang mapuno ang kahong dating walang laman na naging basurahan. Parati kasing may naglalagay ng mga kung anu- anong basura sa kanya. Iba-ibang laruan. Iba-ibang kulay. Iba-ibang hugis. May bolang kupas at sombrero ng mangkukulam na butas. May espadang patpat at may lumang trumpo. May laruang bus, gitara at barko. Mayroon pa ngang mga damit ng diwata, nars at sundalo. Lahat ay may mga baong kwento. Ang huling nagdagdag ng basura ay ang lolong naglagay sa kahon sa isang sulok ng tindahan. Ang kanyang inilagay ay mga bareta ng luwad. “Uy, may mga kakaibang bagay na nadagdag sa basurahan,” ang bungad ni Manika. “Kami ay mga basurang laruan, pero kayo ba ay ano?” tanong ni Robot. “Sabon ba kayong ayaw bumula?” tanong ni Kotse-kotsehan. “Baka naman kending hindi mabili,” wika ni Robot. “O kaya tsokolateng luma na at inaamag,” hula naman ng ibang mga laruan. “Mga kaibigan, kami ng aking mga kasamahan ay maituturing ding laruan,” sagot ni Puting Luwad. “Ang tawag sa amin ay Luwad.” “Luwad, anong luwad?” nagtataka na din si Kahon. “Mga simple lang kami kung tutuusin. Isang bulag na bata ang sa amin ay nagmay-ari. Nabulag daw sa paglalaro ng mga walis-tingting. Ang batang bulag ay naging malulungkutin at nawalan ng tiwala sa sarili,” simulang kwento naman ng Berdeng Luwad. “Mabuti na lang at iniregalo kami sa kanya ng kanyang lolo. At ang dalawa’y parati na ngang nagsama sa paghulma sa amin ng kung anu-anong hugis. Pati nga
  • 5. kami’y namamangha sa kanilang ginagawa,” nakangiting salaysay naman ni Kahel na Luwad. “Kami marahil ang naging paraan upang mabuksan ang angking kakayahan ng batang bulag. Dahil nawalan ng paningin, pinagana niya ang kanyang malawak na imahinasyon. Nakabuo siya ng iba-ibang hugis at iba-ibang bagay base sa kanyang nahahawakan. Naging mahusay na mahusay siya at noon lang nanumbalik ang tiwala niya sa sarili. Alam ninyo bang isa na siya ngayong mahusay na alagad ng sining?” pagmamalaki naman ni Lilang Luwad. “Sining? Ano naman ang sining? Laruan din ba iyun?” tanong ulit ni Kahon. “Ang Sining ay tumutukoy sa anumang kasanayan kung saan ipinapakita ng isang tao ang kagandahan sa kanyang paligid base sa kanyang nararamdam, nakikita, naririnig, naaamoy, at nararanasan. Alam ninyo bang ang batang bulag ngayon ay isa ng tanyag na iskultor at makata?” nakangiting sabi ni Abong Luwad. “Nakakabilib naman. Sana ay may makapulot sa atin na mga batang malilibang at matututo sa atin.” Iyun na lang ang nasambit ng mga lumang laruan sa loob ng kahon. Nasa gayon silang pagkukuwentuhan nang tuluyang isinara ng lolo ang kayumangging kahon. Natakot ang mga laruan dahil alam nilang sa Bundok ng Basura ang kanilang pupuntahan. Sabay-sabay silang nagdasal. “Sana ay mapulot kami ng mga batang hangad ay kasiyahan at paglilibang. Mga batang matututo sa amin ng pagkakaibigan at pagbibigayan. Mga batang ngingiti at matutuwa kapag kami ay nahawakan. At nawa’y magmulat sa kanilang imahinasyon upang kuminang ang kanilang mga talento. Mga batang mag-aalaga, mag-iingat, magpapahalaga at magmamahal sa aming mga laruan at ituturing kaming mahalagang parte ng kanilang kabataan.” Mahaba ang nilakbay ng kahon. Ang mga lumang laruan naman ay mistulang mga batang naglalaro sa loob nito. Nag-umpugan. Tumambling. Nagbungguan. Nagpabalentong. Napataas. Napababa. Pabalikwas-balikwas. Bumabali- baligtad. Nawala sa isip nila ang pag-aalala sa pupuntahang Bundok ng Basura.
  • 6. Hanggang ang kahon ay nakarating sa isang trak ng puno rin ng mga kahong kagaya niya. At ngayon lang niya nabasa ang nakasulat. “Kahon ng Kasiyahan, Panahon ng Pagbibigayan. Laruan Para sa Bahay- Ampunan.” At muling napangiti si Kahon. At sa isip niya’y gumuhit ang masayang larawan ng mga batang sabik sa laruan at mga laruang sabik sa pagmamahal ng mga kabataan. ++++++++++ Munting lahok sa Kwentong Pambata sa Saranggola Blog Awards Share this:  Twitter  Facebook  Related Ang Project ni MEcoyNobyembre 21, 2012In "Kwentong Pambata" Alas Sais Ng HaponOktubre 15, 2013In "Kwentong Pambata" Ang Mahiwagang Pluma at ang Paghahanap sa Bagong DaigdigPebrero 13, 2013In "Mga Kw