POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
BATAYANG EDUKASYON 04-panimulang lektura.pptx
1. BATAYANG EDUKASYON 04
Mga Babasahin Hinggil sa
Kasaysayan ng Pilipinas
Gil D. Ramos, MaHisto
General Education Section
Social Science Department, Cavite State University
kulay_1217@yahoo.com; 0917.3021.755
2. PANIMULA
KASAYSAYAN
“talaan at kronolohiya ng nakalipas na pangyayari, petsa at pangalan ng mga
taong namatay na at mga lugar na pinangyarihan ng mga nabanggit na pangyayari
“SANAYSAY NA NAGSASAYSAY, NA ISINASAYSAY DAHIL MAY saysay ITO PARA SA
NAGSASAYSAY”
SANAYSAY
NAGSASAYSAY
SAYSAY
ISINASAYSAY
TAO, PANGYAYARI, LUGAR, KARANASAN, ATIBA PA
Politika, ekonomiya, kultura, lipunan, agham, relihiyon
3. MGA BABASAHIN HINGGIL SA
KASASAYSAYAN NG PILIPINAS
DESKRIPSIYON:
Sinusuri ng kurso ang kasaysayan ng Pilipinas mula sa iba’t-ibang perspektiba sa
pamamagitan ng piling primaryang batis na nagmula sa iba’t-ibang disiplina at
genre.
Binibigyan ng oportunidad ang mga mag-aaral na masuri ang karanasan ng may-
akda at mga pangunahing argumento, mapaghambing ang iba’t-ibang pananaw,
matukoy kung may pagkiling, at masuri ang mga ebidensiyang inilatag sa
dokumento
Mapaunlad ang kamalayang pangkasaysayan at mapanuri ng mga mag-aaral upang
sila ay maging mahusay, madaling maintindihan, magkaroon ng malawak na pag-
iisip, at maging Matapat at responsableng mamamayan.
4. Inaasahang Matututunan
Sa Pagtatapos ng kurso, magagawa ng mga mag-aaral na:
Magkaroon ng ebalwasyon sa kredibilidad, awtentisidad, at pinanggagalingan ng
primaryang batis
Masuri ang konteksto , nilalaman at perspektiba ng iba’t-ibang uri ng primaryang
batis
Malaman ang ambag ng iba’t-ibang uri ng primaryang batis sa pag-unawa ng
kasaysayan ng Pilipinas
Mapaunlad ang kasanayang kritikal at mapanuri sa pamamagitan ng pagkakalantad
sa mga primaryang batis
Maipakita ang kakayahang gumamit ng mga primaryang batis upang makapagbigay
ng katwiran, pabor o kontra sa isang partikular na isyu.
5. Epektibong maipahayag sa pamamagitan ng iba’t-ibang paraan at genre, ang
kanilang pagsusuri sa kasaysayan ng isang partikular na pangyayari o isyu na
makatutulong sa iba na maunawaan ang piling paksa.
Makapagmungkahi ng mga rekomendasyon /solusyon sa mga napapanahong
problema batay sakanilang pag-unawa sa ugat ng dahilan at paghahanda sa
maaaring mangyari sa kinabukasan.
Mapamalas ang kakayahang makaganap bilang isang pangkat at makapag-ambag sa
isang pangkatang gawain
Maipakita ang interes sa lokal na kasaysayan at malasakit sa pagpapapalaganap at
preserbasyon ng pamanang pambansa at pangkultura.
6. Ag CMO Blg.20, Seryeng 2013
Nilalayon ng kurso na maipakita sa mag-aaral ang iba’t-ibang bahagi ng
kasaysayan ng Pilipinas sa pananaw ng mga saksi.
Primaryang batis = nakasulat, pasalita, biswal, audio visual, digital
Sekondoryang batis i.e. aklat
Pasalitang kasaysayan (metodo)
Lokal/Pampook na kasaysayan
Pambansa/nasyunal na kasaysayan
Historyograpiya
Historyador