Ride the Storm: Navigating Through Unstable Periods / Katerina Rudko (Belka G...
Awit ng MANHS.docx
1. Awit ng MANHS
I
Sumilang sa giting at punyagi ng aming mga pinuno
Saluntian at dalisay na paanan ng bundok Siera Madre
Dakong pinagtagpo ang dunong at lantay na kalikasan
Sumibol ang tanglaw sa aming payak na kaisipan.
II
Taglay ang adhikaing humubog ng mga kabataang
May pangarap mabuhay na marangal at may kakayanan
Sinusulong ang dangal sa paggawa at akmang karunungan
Upang harapin ang hamon ng buhay at ng pamayanan.
Koro Pambansang Mataas na Paaralan ng Maria Aurora (MANHS)
Sintang paaralang sa amin ay humubog at kumalinga
Sa puso mo at diwa’y wala ng dadakila’t tunay na pagpapala
Itatanghal at ipagbubunyi ang iyong pangalang maydangal
Sintang paaralang tunay naming tagumpay at minamahal.
III
Bantayog mo at ningning higit naming tinatanaw
Saang dako man ng mundo kami ihatid ng tagumpay
Sa puso nami’y mananatili kaalamang naibigay
Tangkilik sa iyo aming paaralan lubos at walang humpay.