SlideShare a Scribd company logo
1 of 15
Download to read offline
Modyul para sa
Sariling Pagkatuto
Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Naipaliliwanag na ang bawat kasapi ng
komunidad ay may karapatan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Komite sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: Belen C. Ramilo
Editor: Lilia C. Perez
Tagasuri: Lilia C. Perez
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Elinette B. Dela Cruz
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Araling
Panlipunan
Ikaapat na Markahan
Modyul 1 para sa Sariling Pagkatuto
Bawat Kasapi ng Komunidad ay may
Karapatan
2
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 2 ng Modyul 1
para sa aralin Naipaliliwanag na ang bawat kasapi ng komunidad ay may karapatan!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng
modyul sa loob kahong ito:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 2 Modyul 1 ukol sa
pagpapaliwanag na ang bawat kasapi ng komunidad ay may karapatan!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.
MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
PAUNANG PAGSUBOK
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga mag-
aaral ay inaasahang:
A.naipaliliwanag na ang bawat kasapi ng
komunidad ay may karapatan; at
B. nasasabi na ang bawat kasapi ay may karapatan
na mabigyan ng paglilingkod/ serbisyo mula sa
komunidad.
Panuto: Punan ng angkop na letra ang bawat kahon
upang mabuo ang tamang sagot tungkol sa serbisyong
naibibigay ng komunidad para maipatupad ang
karapatan ng mga tao.
1. b b o Naggugupit ng buhok lalo na sa
mga lalaki.
2. r Tumutulong upang matutong bumasa,
sumulat at bumilang ang mga bata sa
paaralan.
3. d y Nagmamaneho ng tricycle, dyip, taxi
o bus. Naghahatid at sumusundo sa
mga tao sa kanilang pupuntahan.
4. s o Nangongolekta ng basura
upang mapanatiling malinis
ang komunidad
5. h y Lumilikha ng mga daan, tulay,
sasakyan o anumang makinarya.
BALIK-ARAL
ARALIN
Panuto: Isulat sa patlang ang Tama kung ang mga
namumuno at mga mamamayan ay nag-aambag sa
kaunlaran ng komunidad at Mali kung hindi.
_____1. Kung naglilingkod nang mahusay ang isang
pinuno magiging mapayapa ang buong komunidad,
magiging masipag ang mga mamamayan, may
pagbabago at kaunlaran.
_____2. Barangay Health Worker ang tumutulong sa
punong barangay at sa mga kagawad sa pagpapanatili
ng katahimikan at kaayusan ng komunidad.
_____3. Magkakaroon ng katahimikan ang buong
komunidad kung ang isang lider o pinuno ay mahusay na
ginagawa ang kanyang tungkulin.
_____4. Nagpapakita ng magandang katangian ng isang
pinuno kapag tumutulong sa mga tao lalo na sa oras ng
kalamidad.
_____5. Ang pagbibigay ng serbisyo sa mga kasapi ng
komunidad ay para lamang sa mga kakilalang tao.
Kilala ninyo ba ang mga taong nagbibigay serbisyo
sa inyong komunidad?
Pag-aralan natin ang mga taong nagbibigay
serbisyo sa komunidad. Sino-sino ang mga nasa
larawan?
May mga taong nagbibigay ng paglilingkod o
serbisyo sa ating komunidad upang matugunan at
maipatupad ang karapatan ng mga tao. Bawat kasapi
ng komunidad ay may karapatang mabigyan ng
paglilingkod at serbisyo.
Ang mga doktor o manggagamot at nars ay
nangangalaga sa mga maysakit sa ospital.
Ang guro ay nagtuturo sa mga mag-aaral upang
matutong bumasa, sumulat, magbilang at maging
mabuting tao sa komunidad.
Ang mga bumbero ay alerto sa pagtulong kung may
sunog.
May iba pang mga nagbibigay serbisyo sa
komunidad tulad ng pulis, dentista, abogado, Kapitan ng
Barangay, Barangay Tanod, Barangay Health Worker,
social worker, drayber, tagalinis ng kalye at basurero.
MGA PAGSASANAY
Mga Tanong:
1. Sino-sino ang mga nagbibigay serbisyo sa ating
komunidad?
2. Ano-ano ang mga paglilingkod o serbisyong ibinibigay
ng mga kasapi ng komunidad upang matugunan ang
karapatan ng mga tao?
Pagsasanay 1
Panuto: Sino ang tinutukoy na nagbibigay ng paglilingkod
o serbisyo sa komunidad upang matugunan ang
karapatan ng mga tao? Bilugan ang tamang sagot.
1. Ang mga (pulis, security guard) ay nagbibigay ng
serbisyo upang mapanatili ang kaayusan ng isang
komunidad.
2. Kinukuha ng mga (social worker, barangay tanod) ang
batang pakalat-kalat sa kalye.
3. Ang mga (doktor at nars, dentista at barangay health
worker) ay nangangalaga sa mga maysakit sa ospital.
4. Ang mga (magulang, guro) ay nagtuturo sa mga
mag-aaral upang matutong bumasa, sumulat at
bumilang sa paaralan.
5. Ang (barangay tanod, bumbero) ay alerto sa
pagtulong kung may sunog.
Pagsasanay 2
Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung
nagpapakita ng tamang paglilingkod o serbisyo sa
komunidad upang matugunan ang karapatan ng mga
tao at malungkot na mukha kung hindi.
______1. Magtinda sa presyo na abot-kaya.
______2. Pagbibigay ng mga libreng gamot at bakuna sa
mamamayan.
______3. Huwag pansinin ang mga masasamang loob sa
komunidad.
______4. Tinitiyak na maging ligtas at payapa ang mga
tao sa komunidad.
______5. Pinipili ang kilalang taong tutulungan.
Pagsasanay 3
Panuto: Basahin ang tugma. Isaayos ang mga
pinaghalo-halong mga letra upang mabuo ang tamang
sagot. Sino ang tinutukoy na kasapi ng komunidad na
nagbibigay ng paglilingkod o serbisyo upang matugunan
ang karapatan ng mga tao?
1. g a n g a g m o t m a ______________________
Kung kayo’y may sakit at may karamdaman
Dahil kay sipag n’yo umula’t umaraw
Huwag mahihiyang sa aki’y dumalaw
Kayo’y gagamutin ko at aalagaan.
2. u r o g ______________________
Kung tawagin ako’y pangalawang ina o ama
Nitong mga batang palaging kasama
Nagtuturo ako hanggang makakaya
Upang ang bukas mo ay maging maganda.
PAGLALAHAT
3. b o a g a o d ______________________
Kung di magkasundo at may problema
Kung ang pag-aari’y inagaw ng iba
Ako ang magtatanggol ‘pag inaapi ka
Katarungan para sa iyo makukuha na.
4. a r y d r e b ______________________
Ihahatid kita kung saan mo gusto
Uminit man o umulan di ka maaano
Ligtas kang darating sigurado ako
Dahil maingat ako sa pagmamaneho.
5. n i n e h e y o r ______________________
Daan, tulay, sasakyan, o anumang makinarya
Sa aking talino ay nalilikha.
Hatid kong serbisyo para sa mamamayan at bansa
Nagpapabilis at nagpapagaan ng buhay ng madla.
Panuto: Punan ng tamang sagot ang patlang upang
mabuo ang pangungusap.
Ang natutuhan ko sa araling ito ay tungkol sa mga
karapatan ng kasapi ng komunidad na ________________
______________________________________________________.
PAGPAPAHALAGA
Panuto: Tingnan ang mga larawan sa loob ng kahon.
Pumili ng isang taong nagbibigay ng paglilingkod o
serbisyo sa komunidad upang matugunan ang karapatan
ng mga tao. Sumulat ng isang liham pasasalamat bilang
pagpapahalaga sa kanilang serbisyo.
Mahal kong ________________,
Maraming salamat po sa _________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________.
Gumagalang,
__________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Mahalaga na ang bawat kasapi ng komunidad
ay may karapatan na mabigyan ng paglilingkod o
serbisyo upang matugunan ang karapatan ng mga tao.
Piliin sa loob ng kahon ang letra ng tamang sagot. Isulat
sa patlang.
A. pulis C. guro E. barbero
B. negosyante D. doktor F. inhenyero
____1. Ako ang nagbebenta, bumibili o gumagawa ng
mga produkto. Nagbibigay rin ako ng serbisyo sa
tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho sa
kanila.
____2. Ako ang nangangalaga sa katahimikan at
kaayusan sa paligid. Hinuhuli ko rin ang mga hindi
sumusunod sa batas.
____3. Ako ang tumitingin sa kalusugan ng mga
mamamayan sa komunidad. Ginagamot at
inaalam ko ang sakit ng mga taong lumalapit sa
akin.
____4. Ako ang nagtuturo sa mga bata upang matutong
bumasa, sumulat at magbilang. Tinuturuan ko rin
silang maging mabuting tao sa komunidad.
____5. Ako ang nangunguna sa paggawa ng mga gusali,
tulay at daan para may matirhan at madaanan
ang mga tao.
SUSI SA PAGWAWASTO
Paunang
Pagsubok
Balik-aral
1.
Tama
2.
Tama
3.
Tama
4.
Tama
5.
Mali
Pagsasanay
1
1.
pulis
2.
social
worker
3.
doktor
at
nars
4.
guro
5.
bumbero
Panapos
na
Pagsusulit
1.
B
2.
A
3.
D
4.
C
5.
F
Pagsasanay
2
1.
manggagamot
2.
guro
3.
abogado
4.
drayber
5.
inhenyero
Sanggunian
Books
Araling Panlipunan 2 Kagamitan ng Mag-aaral pp. 215-218.
Marasigan, Emily. Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 2, Phoenix
Publishing House, Inc. Karapatang-ari 2015.
Antonio, E., Banlaygas, E. and Lagarto, J. Kayamanan 2 Batayan at
Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan, Rex Printing Company, Inc.
Binagong Edisyon 2017
Internet Sites
https://www.google.com/search?q=picture+of+filipino+nurse&tbm=isch&ved=2ahUKEwj9oZeDkcXq
AhWFy4sBHVueAlsQ2cCegQIABAA&oq=picture+of+filipino+nurse&gs_lcp=CgNpbWcQAzIGCAAQCBA
eOgYIABAHEB46CAgAEAgQBxAeUJTrAVi__AFg5v4BaABwAHgAgAHEAYgBkgeSAQM3LjKYAQCgAQGq
AQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=hacJX73LAoWXr7wP27yK2AU&bih=608&biw=1366&rlz=1C1
SQJL_enPH856PH857#imgrc=E99oWdoc4iFCuM
https://www.google.com/search?q=picture+of+filipino+doctor&tbm=isch&ved=2ahUKEwjl_I3qksXq
AhVDGKYKHchzASYQ2-
cCegQIABAA&oq=picture+of+filipino+doctor&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECCMQJzoCCAA6BAgAEEM6Bgg
AEAcQHjoICAAQBxAFEB46CAgAEAgQBxAeULSdAljfrAJgj7MCaABwAHgAgAH_AYgB1geSAQU2LjIuMZg
BAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=aakJX6WkFMOwmAXI54WwAg&bih=608&biw=13
49&rlz=1C1SQJL_enPH856PH857&hl=en-GB#imgrc=xASFkh9ZizzU8M
https://www.google.com/search?q=picture+of+filipino+fireman&tbm=isch&ved=2ahUKEwir9cH9ksX
qAhV3wIsBHSHMDOkQ2-
cCegQIABAA&oq=picture+of+filipino+fireman&gs_lcp=CgNpbWcQAzIGCAAQCBAeOgQIIxAnOgIIAFC7
sANYqsUDYJ7JA2gAcAB4AIABaYgBkgiSAQQxMi4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei
=kqkJX6vkAfeAr7wPoZizyA4&bih=608&biw=1349&rlz=1C1SQJL_enPH856PH857&hl=en-
GB#imgrc=nHezQ6QMh5INqM

More Related Content

Similar to Araling panlipuan modyul 3 chapter 12 G10

Bisaya araling panlipunan grade 2
Bisaya araling panlipunan grade 2Bisaya araling panlipunan grade 2
Bisaya araling panlipunan grade 2Carlo Precioso
 
ESP 9 Module 2 (Session 1)
ESP 9 Module 2 (Session 1)ESP 9 Module 2 (Session 1)
ESP 9 Module 2 (Session 1)andrelyn diaz
 
AP6-q1wk2_mod2_KilusangPropagandaatKatipunan.pdf
AP6-q1wk2_mod2_KilusangPropagandaatKatipunan.pdfAP6-q1wk2_mod2_KilusangPropagandaatKatipunan.pdf
AP6-q1wk2_mod2_KilusangPropagandaatKatipunan.pdfjosefadrilan2
 
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayan
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayanMay 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayan
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayanjaibongs
 
power point presentation. for grade- 2
power point presentation.  for grade-  2power point presentation.  for grade-  2
power point presentation. for grade- 2JonilynUbaldo1
 
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdfap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdfWynxLegitimacy
 
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdf
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdfesp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdf
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdfMaryGraceSepida1
 
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)OLIVERRAMOS29
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7Manuel Dinlayan
 
AP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docxAP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docx23december78
 
AP4_Q2_Mod3_Mga Hamong Pangkabuhayan sa.PDF
AP4_Q2_Mod3_Mga Hamong Pangkabuhayan sa.PDFAP4_Q2_Mod3_Mga Hamong Pangkabuhayan sa.PDF
AP4_Q2_Mod3_Mga Hamong Pangkabuhayan sa.PDFyrrallarry
 
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
AP10_Q~3.PDF.docx
AP10_Q~3.PDF.docxAP10_Q~3.PDF.docx
AP10_Q~3.PDF.docxglaisa3
 
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdfKPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdfJohnnyJrAbalos1
 
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdfKPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdfJohnnyJrAbalos1
 

Similar to Araling panlipuan modyul 3 chapter 12 G10 (20)

2 ap lm tag u1
2 ap lm tag u12 ap lm tag u1
2 ap lm tag u1
 
Bisaya araling panlipunan grade 2
Bisaya araling panlipunan grade 2Bisaya araling panlipunan grade 2
Bisaya araling panlipunan grade 2
 
ESP 9 Module 2 (Session 1)
ESP 9 Module 2 (Session 1)ESP 9 Module 2 (Session 1)
ESP 9 Module 2 (Session 1)
 
AP6-q1wk2_mod2_KilusangPropagandaatKatipunan.pdf
AP6-q1wk2_mod2_KilusangPropagandaatKatipunan.pdfAP6-q1wk2_mod2_KilusangPropagandaatKatipunan.pdf
AP6-q1wk2_mod2_KilusangPropagandaatKatipunan.pdf
 
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayan
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayanMay 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayan
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayan
 
power point presentation. for grade- 2
power point presentation.  for grade-  2power point presentation.  for grade-  2
power point presentation. for grade- 2
 
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdfap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
 
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdf
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdfesp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdf
esp9_q1_mod07_tulong-mo-tulong-ko-ang-sasagip-sa-mundo_v2.pdf
 
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
 
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7Edukasyon  sa Pagpapakatao   Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Grade 7
 
ArP9_Q1_W1.pdf
ArP9_Q1_W1.pdfArP9_Q1_W1.pdf
ArP9_Q1_W1.pdf
 
AP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docxAP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docx
 
AP4_Q2_Mod3_Mga Hamong Pangkabuhayan sa.PDF
AP4_Q2_Mod3_Mga Hamong Pangkabuhayan sa.PDFAP4_Q2_Mod3_Mga Hamong Pangkabuhayan sa.PDF
AP4_Q2_Mod3_Mga Hamong Pangkabuhayan sa.PDF
 
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
 
AP10_Q~3.PDF.docx
AP10_Q~3.PDF.docxAP10_Q~3.PDF.docx
AP10_Q~3.PDF.docx
 
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdfKPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
KPWKP_Q1_Module7 Gamit ng Wika sa Lipunan 2.pdf
 
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
 
2 ap lm tag u1
2 ap lm tag u12 ap lm tag u1
2 ap lm tag u1
 
2 ap lm tag u1
2 ap lm tag u12 ap lm tag u1
2 ap lm tag u1
 
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdfKPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
KPWKP_Q1_Module8 Paraan ng Paggamit ng Wika sa Lipunan.pdf
 

Recently uploaded

Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangerekimdavidmerana03
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxRosemarieGaring
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALHerlynJanMarieJuelo2
 
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxmgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxKimberlyValdez19
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxZERos7
 
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxPAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxmaryjoydoles2415
 
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....ryannioda32
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasRonalynGatelaCajudo
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxjudilynmateo2
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxlevyandhrei14
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxpagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxChristineJaneWaquizM
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxEduardoReyBatuigas2
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYYamAltib
 
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxAng Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxmaryjoyrobis2
 
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxBatas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxDanicaAndoyoDuhali
 

Recently uploaded (20)

Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
 
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptxmgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pptx
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
 
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxPAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
 
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
 
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptxIBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
IBAT IBANG URI NG NEGOSYO Presentation.pptx
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxpagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAYQ4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
 
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxAng Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
 
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxBatas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
 

Araling panlipuan modyul 3 chapter 12 G10

  • 2. Araling Panlipunan – Ikalawang Baitang Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Naipaliliwanag na ang bawat kasapi ng komunidad ay may karapatan Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may- akda. Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig. Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig Komite sa Pagsulat ng Modyul Manunulat: Belen C. Ramilo Editor: Lilia C. Perez Tagasuri: Lilia C. Perez Tagaguhit: Edison P. Clet Tagalapat: Elinette B. Dela Cruz Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin OIC-Schools Division Superintendent Aurelio G. Alfonso EdD OIC-Assistant Schools Division Superintendent Victor M. Javeña EdD Chief, School Governance and Operations Division and OIC-Chief, Curriculum Implementation Division Education Program Supervisors Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE) Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP) Bernard R. Balitao (AP/HUMSS) Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS) Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports) Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM) Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang) Perlita M. Ignacio PhD (EsP) Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE) Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
  • 3. Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan Modyul 1 para sa Sariling Pagkatuto Bawat Kasapi ng Komunidad ay may Karapatan 2
  • 4. Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 2 ng Modyul 1 para sa aralin Naipaliliwanag na ang bawat kasapi ng komunidad ay may karapatan! Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul sa loob kahong ito: Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala at estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
  • 5. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 2 Modyul 1 ukol sa pagpapaliwanag na ang bawat kasapi ng komunidad ay may karapatan! Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. MGA INAASAHAN Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul. PAUNANG PAGSUBOK Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa paksa. BALIK-ARAL Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga naunang paksa. ARALIN Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang pampagkatuto. MGA PAGSASANAY Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na dapat sagutin ng mga mag-aaral. PAGLALAHAT Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang-halaga. PAGPAPAHALAGA Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga. PANAPOS NA PAGSUSULIT Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
  • 6. MGA INAASAHAN PAUNANG PAGSUBOK Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga mag- aaral ay inaasahang: A.naipaliliwanag na ang bawat kasapi ng komunidad ay may karapatan; at B. nasasabi na ang bawat kasapi ay may karapatan na mabigyan ng paglilingkod/ serbisyo mula sa komunidad. Panuto: Punan ng angkop na letra ang bawat kahon upang mabuo ang tamang sagot tungkol sa serbisyong naibibigay ng komunidad para maipatupad ang karapatan ng mga tao. 1. b b o Naggugupit ng buhok lalo na sa mga lalaki. 2. r Tumutulong upang matutong bumasa, sumulat at bumilang ang mga bata sa paaralan. 3. d y Nagmamaneho ng tricycle, dyip, taxi o bus. Naghahatid at sumusundo sa mga tao sa kanilang pupuntahan. 4. s o Nangongolekta ng basura upang mapanatiling malinis ang komunidad 5. h y Lumilikha ng mga daan, tulay, sasakyan o anumang makinarya.
  • 7. BALIK-ARAL ARALIN Panuto: Isulat sa patlang ang Tama kung ang mga namumuno at mga mamamayan ay nag-aambag sa kaunlaran ng komunidad at Mali kung hindi. _____1. Kung naglilingkod nang mahusay ang isang pinuno magiging mapayapa ang buong komunidad, magiging masipag ang mga mamamayan, may pagbabago at kaunlaran. _____2. Barangay Health Worker ang tumutulong sa punong barangay at sa mga kagawad sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan ng komunidad. _____3. Magkakaroon ng katahimikan ang buong komunidad kung ang isang lider o pinuno ay mahusay na ginagawa ang kanyang tungkulin. _____4. Nagpapakita ng magandang katangian ng isang pinuno kapag tumutulong sa mga tao lalo na sa oras ng kalamidad. _____5. Ang pagbibigay ng serbisyo sa mga kasapi ng komunidad ay para lamang sa mga kakilalang tao. Kilala ninyo ba ang mga taong nagbibigay serbisyo sa inyong komunidad? Pag-aralan natin ang mga taong nagbibigay serbisyo sa komunidad. Sino-sino ang mga nasa larawan?
  • 8. May mga taong nagbibigay ng paglilingkod o serbisyo sa ating komunidad upang matugunan at maipatupad ang karapatan ng mga tao. Bawat kasapi ng komunidad ay may karapatang mabigyan ng paglilingkod at serbisyo. Ang mga doktor o manggagamot at nars ay nangangalaga sa mga maysakit sa ospital. Ang guro ay nagtuturo sa mga mag-aaral upang matutong bumasa, sumulat, magbilang at maging mabuting tao sa komunidad. Ang mga bumbero ay alerto sa pagtulong kung may sunog. May iba pang mga nagbibigay serbisyo sa komunidad tulad ng pulis, dentista, abogado, Kapitan ng Barangay, Barangay Tanod, Barangay Health Worker, social worker, drayber, tagalinis ng kalye at basurero.
  • 9. MGA PAGSASANAY Mga Tanong: 1. Sino-sino ang mga nagbibigay serbisyo sa ating komunidad? 2. Ano-ano ang mga paglilingkod o serbisyong ibinibigay ng mga kasapi ng komunidad upang matugunan ang karapatan ng mga tao? Pagsasanay 1 Panuto: Sino ang tinutukoy na nagbibigay ng paglilingkod o serbisyo sa komunidad upang matugunan ang karapatan ng mga tao? Bilugan ang tamang sagot. 1. Ang mga (pulis, security guard) ay nagbibigay ng serbisyo upang mapanatili ang kaayusan ng isang komunidad. 2. Kinukuha ng mga (social worker, barangay tanod) ang batang pakalat-kalat sa kalye. 3. Ang mga (doktor at nars, dentista at barangay health worker) ay nangangalaga sa mga maysakit sa ospital. 4. Ang mga (magulang, guro) ay nagtuturo sa mga mag-aaral upang matutong bumasa, sumulat at bumilang sa paaralan. 5. Ang (barangay tanod, bumbero) ay alerto sa pagtulong kung may sunog.
  • 10. Pagsasanay 2 Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung nagpapakita ng tamang paglilingkod o serbisyo sa komunidad upang matugunan ang karapatan ng mga tao at malungkot na mukha kung hindi. ______1. Magtinda sa presyo na abot-kaya. ______2. Pagbibigay ng mga libreng gamot at bakuna sa mamamayan. ______3. Huwag pansinin ang mga masasamang loob sa komunidad. ______4. Tinitiyak na maging ligtas at payapa ang mga tao sa komunidad. ______5. Pinipili ang kilalang taong tutulungan. Pagsasanay 3 Panuto: Basahin ang tugma. Isaayos ang mga pinaghalo-halong mga letra upang mabuo ang tamang sagot. Sino ang tinutukoy na kasapi ng komunidad na nagbibigay ng paglilingkod o serbisyo upang matugunan ang karapatan ng mga tao? 1. g a n g a g m o t m a ______________________ Kung kayo’y may sakit at may karamdaman Dahil kay sipag n’yo umula’t umaraw Huwag mahihiyang sa aki’y dumalaw Kayo’y gagamutin ko at aalagaan. 2. u r o g ______________________ Kung tawagin ako’y pangalawang ina o ama Nitong mga batang palaging kasama Nagtuturo ako hanggang makakaya Upang ang bukas mo ay maging maganda.
  • 11. PAGLALAHAT 3. b o a g a o d ______________________ Kung di magkasundo at may problema Kung ang pag-aari’y inagaw ng iba Ako ang magtatanggol ‘pag inaapi ka Katarungan para sa iyo makukuha na. 4. a r y d r e b ______________________ Ihahatid kita kung saan mo gusto Uminit man o umulan di ka maaano Ligtas kang darating sigurado ako Dahil maingat ako sa pagmamaneho. 5. n i n e h e y o r ______________________ Daan, tulay, sasakyan, o anumang makinarya Sa aking talino ay nalilikha. Hatid kong serbisyo para sa mamamayan at bansa Nagpapabilis at nagpapagaan ng buhay ng madla. Panuto: Punan ng tamang sagot ang patlang upang mabuo ang pangungusap. Ang natutuhan ko sa araling ito ay tungkol sa mga karapatan ng kasapi ng komunidad na ________________ ______________________________________________________.
  • 12. PAGPAPAHALAGA Panuto: Tingnan ang mga larawan sa loob ng kahon. Pumili ng isang taong nagbibigay ng paglilingkod o serbisyo sa komunidad upang matugunan ang karapatan ng mga tao. Sumulat ng isang liham pasasalamat bilang pagpapahalaga sa kanilang serbisyo. Mahal kong ________________, Maraming salamat po sa _________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________. Gumagalang, __________________
  • 13. PANAPOS NA PAGSUSULIT Panuto: Mahalaga na ang bawat kasapi ng komunidad ay may karapatan na mabigyan ng paglilingkod o serbisyo upang matugunan ang karapatan ng mga tao. Piliin sa loob ng kahon ang letra ng tamang sagot. Isulat sa patlang. A. pulis C. guro E. barbero B. negosyante D. doktor F. inhenyero ____1. Ako ang nagbebenta, bumibili o gumagawa ng mga produkto. Nagbibigay rin ako ng serbisyo sa tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho sa kanila. ____2. Ako ang nangangalaga sa katahimikan at kaayusan sa paligid. Hinuhuli ko rin ang mga hindi sumusunod sa batas. ____3. Ako ang tumitingin sa kalusugan ng mga mamamayan sa komunidad. Ginagamot at inaalam ko ang sakit ng mga taong lumalapit sa akin. ____4. Ako ang nagtuturo sa mga bata upang matutong bumasa, sumulat at magbilang. Tinuturuan ko rin silang maging mabuting tao sa komunidad. ____5. Ako ang nangunguna sa paggawa ng mga gusali, tulay at daan para may matirhan at madaanan ang mga tao.
  • 15. Sanggunian Books Araling Panlipunan 2 Kagamitan ng Mag-aaral pp. 215-218. Marasigan, Emily. Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 2, Phoenix Publishing House, Inc. Karapatang-ari 2015. Antonio, E., Banlaygas, E. and Lagarto, J. Kayamanan 2 Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan, Rex Printing Company, Inc. Binagong Edisyon 2017 Internet Sites https://www.google.com/search?q=picture+of+filipino+nurse&tbm=isch&ved=2ahUKEwj9oZeDkcXq AhWFy4sBHVueAlsQ2cCegQIABAA&oq=picture+of+filipino+nurse&gs_lcp=CgNpbWcQAzIGCAAQCBA eOgYIABAHEB46CAgAEAgQBxAeUJTrAVi__AFg5v4BaABwAHgAgAHEAYgBkgeSAQM3LjKYAQCgAQGq AQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=hacJX73LAoWXr7wP27yK2AU&bih=608&biw=1366&rlz=1C1 SQJL_enPH856PH857#imgrc=E99oWdoc4iFCuM https://www.google.com/search?q=picture+of+filipino+doctor&tbm=isch&ved=2ahUKEwjl_I3qksXq AhVDGKYKHchzASYQ2- cCegQIABAA&oq=picture+of+filipino+doctor&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECCMQJzoCCAA6BAgAEEM6Bgg AEAcQHjoICAAQBxAFEB46CAgAEAgQBxAeULSdAljfrAJgj7MCaABwAHgAgAH_AYgB1geSAQU2LjIuMZg BAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=aakJX6WkFMOwmAXI54WwAg&bih=608&biw=13 49&rlz=1C1SQJL_enPH856PH857&hl=en-GB#imgrc=xASFkh9ZizzU8M https://www.google.com/search?q=picture+of+filipino+fireman&tbm=isch&ved=2ahUKEwir9cH9ksX qAhV3wIsBHSHMDOkQ2- cCegQIABAA&oq=picture+of+filipino+fireman&gs_lcp=CgNpbWcQAzIGCAAQCBAeOgQIIxAnOgIIAFC7 sANYqsUDYJ7JA2gAcAB4AIABaYgBkgiSAQQxMi4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei =kqkJX6vkAfeAr7wPoZizyA4&bih=608&biw=1349&rlz=1C1SQJL_enPH856PH857&hl=en- GB#imgrc=nHezQ6QMh5INqM