MELC Aralin 13_Pagsukat ng Pambansang KitaRivera Arnel
This document discusses measuring national income in the Philippines. It defines key terms like gross national product (GNP) and gross domestic product (GDP) and explains how they are calculated. GNP refers to the total value of goods and services produced by Filipinos within and outside the country. GDP refers to the total value produced within the country's borders, including by foreign businesses. The National Economic and Development Authority (NEDA) is responsible for analyzing the national economy and releasing national income data collected by the Philippine Statistics Authority (PSA). National income measurement is important for understanding economic growth, setting development policies, and estimating individuals' standard of living.

The document provides information about levels in a game that teaches about industries in the Philippines. It asks the player to identify raw materials found on a farm, find the source of an item, and determine industry sub-sectors based on finished products. It then asks the player to guess the leading manufacturing industry in the country, elements found in pearls for mining, and mineral values. Further levels have the player sorting data by sector size and choosing the utility industry with largest demand. The game teaches about key industries through multiple choice questions and activities.
The document discusses key concepts related to measuring a country's national income and economic growth. It defines Gross National Product (GNP) and Gross Domestic Product (GDP), and explains how they are measured using the expenditure approach and income approach. It also distinguishes between nominal GNP (current prices) and real GNP (constant prices), using price indices to adjust for inflation. Overall, the document provides an overview of how economic statistics like GNP and GDP are calculated and used to analyze a nation's wealth and development over time in 3 sentences or less.

MGA SALIK NG PRODUKSYON - Grade 9 Araling Panlipunan.pptxsmarttvmagtalas
"SALIK NG PRODUKSIYON" ay tumutukoy sa mga pangunahing sangkap na kinakailangan sa produksiyon ng mga kalakal at serbisyo sa isang ekonomiya. Ang mga salik na ito ay kinabibilangan ng lupa, paggawa, puhunan, at kakayahan ng entreprenyur. Ang bawat salik ay may mahalagang papel sa produksiyon, kung saan ang lupa ay nagbibigay ng likas na yaman, ang paggawa ay tumutukoy sa lakas-paggawa ng tao, ang puhunan ay nagbibigay ng kapital at ang entreprenyur ay nagbibigay ng kasanayan sa pamamahala at pagsasagawa ng negosyo. Ang maingat na pagsasaliksik at pag-unawa sa mga salik ng produksiyon ay mahalaga sa pagpaplano at pagpapahusay ng ekonomiya ng isang bansa.
Tumutukoy rin ito sa mga pangunahing sangkap na kailangan sa proseso ng paggawa ng kalakal at serbisyo. Ang mga pangunahing salik na ito ay kinabibilangan ng lupa (land), paggawa (labor), puhunan (capital), at kaalaman o kasanayan ng entreprenyur (entrepreneurship). Ang lupa ay tumutukoy sa likas na yaman tulad ng lupain at mga likas na yaman, samantalang ang paggawa ay tumutukoy sa lakas-paggawa o kakayahan ng mga manggagawa. Ang puhunan ay nagpapakita ng mga pinansiyal na sangkap na ginagamit upang mag-produce ng mga kalakal at serbisyo, habang ang kaalaman ng entreprenyur ay tumutukoy sa kasanayan sa pamamahala ng produksiyon at pagnenegosyo.
Ang pag-unawa sa mga salik ng produksiyon ay mahalaga sa ekonomiya, dahil nakatutulong ito sa pagpaplano at pagsasagawa ng mga polisiya na makatutulong sa pag-unlad ng industriya at ekonomiya ng isang bansa.
PRODUKSYON
10-ALGERIA Group Tébessa :)
Members:
Mariella Alivio
Iyahn Miguel Brizuela
Peter Corres
John Paul Fadrilan
Angelica Islam
Mico Zaldivar
Argelene Tan
Nicole Sorio
Janet Robles
5. Ano ang ibig sabihin
ng PRODUKSIYON?
Ang produksiyon ay ang proseso ng
pagsasama ng iba’t-ibang material at di
material na bagay upang makagawa ng
produkto na maaring gamitin ng tao. Ito ay
ang paraan ng paggawa ng gamit o serbisyo
na may halaga at importansiya sa buhay ng
tao.
6. Ang lupa ay hindi lamang tumutukoy sa tinataniman ng
mga magsasaka o pinagtatayuan ng bahay. Kasama rin dito
ang lahat ng yamang likas sa ibabaw at ilalim nito, pati ang
mga yamang tubig, yamang mineral at yamang gubat.
Hindi tulad ng ibang salik, ang lupa ay may naiibang
katangian sapagkat ito ay fixed o takda ang bilang.
Samakatuwid, ang wastong paggamit ng lupa ay mahalaga.
LUPA
7. Ang mga likas na yaman at mga hilaw na sangkap ay hindi
magiging kapakipakinabang kung hindi gagamitin at gagawing
produkto. Nangangahulugan ito na kailangan ang mga
manggagawa sa transpormasyon ng mga hilaw na materyales
sa pagbuo ng tapos na produkto o serbisyo. Ang lakas-
paggawa ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksiyon
ng kalakal o serbisyo.
PAGGAWA
8. 1. White Collar Job
- ang mga manggagawang may kakayahang
mental.
-Mas ginagamit ng manggagawang may
kakayahang mental ang kanilang isip kaysa sa
lakas ng katawan sa paggawa.
-Halimbawa ng mga ito ay ang mga doctor,
abogado, inhinyero, at iba pa.
-Ang katawagang white-collar ay unang
ipinakilala ni Upton Sinclair, isang Amerikanong
manunulat noong 1919.
Dalawang uri ang lakas-paggawa
9. 2. Blue Collar Job
- ay ang mga manggagawang may kakayahang pisikal.
- Mas ginagamit naman nila ang lakas ng katawan kaysa sa
isip sa paggawa .
- halimbawa nito ang mga karpintero, drayber, magsasaka
at iba pa sahod o sweldo ang tawag sa pakinabang ng
manggagawa sa ipinagkaloob na paglilingkod.
- Ang mga manggagawa ay may malaking ginagampanan sa
ating pang-araw-araw na pamumuhay sapagkat ang
kanilang paggawa ng produkto at serbisyo ang
tumutustos sa ating pangangailangan.
Dalawang uri ang lakas-paggawa
10. Ang kapital ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang
produkto. Mas magiging mabilis ang paggawa kung may mga
makinarya o kasangkapang gagamitin ang mga manggagawa.
Ang mga kagamitang ito na gawa ng tao sa paglikha ng
panibagong kalakal ay matatawag na halimbawa ng kapital.
Ang kapitaL ay maaari ring iugnay sa salapi at imprastraktura
tulad ng mga gusali, kalsada, tulay pati na ang mga sasakyan.
KAPITAL
11. Itinuturing na pang-apat na salik ng produksiyon ang
entrepreneurship. Ito ay tumutukoy sa kakayahan at
kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo. Ang
entrepreneur ang tagapag-ugnay ng naunang mga salik ng
produksiyon upang makabuo ng produkto at serbisyo. Siya rin
ang nag-oorganisa, nagkokontrol at nakikipagsapalaran sa
mga desisyon sa mga bagay na makaaapekto sa produksiyon.
Taglay ng isang entrepreneur ang pag-iisip na omit malikhain,
puno ng inobasyon at handa sa pagbabago.
ENTREPRENEURSHIP
12. Ayon kay Joseph Schumpeter, isang ekonomista ng ika-
20 siglo, napakahalaga ng inobasyon para sa isang
entrepreneur. Ipinaliwanag niya na ang inobasyon o
patuloy na pagbabago ng entrepreneur sa kaniyang
produkto at serbisyo ay susi sa pagtamo ng pagsulong
ng isang bansa.
Mga katangian na dapat taglayin upang maging matagumpay na
entrepreneur:
1. kakayahan sa pangangasiwa ng negosyo
2. matalas na pakiramdam hinggil sa pagbabago sa pamilihan
3. May lakas ng loob na humarap at makipagsapalaran sa
kahihinatnan ng negosyo
13. Tubo o profit
- ay tumutukoy sa kita ng isang
entrepreneur. Ito ay kita ng entrepreneur
matapos magtagumpay sa
pakikipagsapalaran sa negosyo.
Sinasabing hindi nakatitiyak ang
entrepreneur sa kanyang tubo dahil hindi
pa niya alam ang kahihinatnan ng
kaniyang pagnenegosyo.
14. Ang produksiyon ang tumutugon sa ating
pangangailangan. Kung walang produksyon ay wala
rin tayong produkto at serbisyo na ikokonsumo. Ang
mga salik na lupa, paggawa, kapital at
entrepreneurship ay may malaking bahaging
ginagampanan sa prosesong ito. Kapag ang mga salik
na ito ay nag-ugnay-ugnay, ito ay magdudulot ng mga
produkto at serbisyo na tutugon sa ating pang-
arawaraw na pangangailangan.
TANDAAN:
15. Pangkatang Gawain
Panuto: Sagutin ang graphic organizer tungkol sa mga salik ng
produksiyon. Sagutin ang mga pamprosesong tanong sa ibaba. Isulat
ang sagot sa sagutang papel. Pumili ng lider na siyang mag-ulat sa
klase
16. PAMPROSESONG TANONG
1. Ano ang mga salik ng produksiyon at paano ito
nakakaapekto sa pang-araw- araw na pamumuhay ng
tao?
2. Bakit mahalaga ang ginagampanan ng bawat salik
sa proseso ng produksiyon?
3. Sa iyong palagay, alin sa mga salik ang
pinakamahalaga sa proseso ng produksiyon?
Pangatwiran ang sagot.