Ang modyul na ito ay nakatuon sa sosyo-kultural at pampolitikang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino, na mahalaga sa pagbuo ng ating pagka-Pilipino. Nilalaman nito ang mga ritwal, tradisyon, pamahalaan, at pamumuhay ng mga ninuno, tulad ng barangay at sultanato, pati na rin ang mga batas na kanilang sinunod. Ang mga mag-aaral ay inaasahang masusuri at maipapahayag ang kahalagahan ng mga aspetong ito sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas.