ANG PILIPINAS SA ILALIM NG MGA ESPANYOL
Pinamamahalaan ng Espanya ang Pilipinas sa pamamagitan
ng pagsasanib ng Simbahan at Estado, at nagturo sila ng
mga bagong paniniwala, institusyon at mga pamamaraan sa
iba’t ibang aspeto ng pamumuhay ng mga tao tulad ng
politika, ekonomiya, at relihiyon. Kahit na naging epektibo
at positibo ang naging resulta ng mga ito para sa Espanya,
nagdulot naman ang mga ito ng kahirapan sa karamihan ng
mga mamamayan, maliban sa iilang miyembro ng uring
maharlika.
Ang mga maharlika, na sa bandang huli ay naging bagong uri na
tinatawag na principalia ay nakinabang sa pamahalaang
Espanyol at napabilang sa bagong kaayusan sa kolonya, mabuti
man o masama para sa kanila.
MINISTERIO DE ULTRAMAR
Ang ministerio na namamahala ng mga
kolonya sa ngalan ng Hari ng Espanya.
Gobernador-Heneral
Namumuno ng kolonya sa ngalan
ng Hari ng Espanya.
ROYAL AUDIENCIA
Tinatag noong 1583 para magbigay
ng katarungan sa mga naagrabyado
ALCALDE-MAYOR
Tawag sa gobernador ng probinsya na tinalaga
ng gobernador-heneral.
GOBERNADORCILLO
Pinuno ng Bayan.
AYUNTAMIENTO
Pamahalaang Lungsod
Residencia at Visitador
Ang dalawang institusyon na ito ay pinadala upang
mapigilan ang pang-aabuso ng mataas na opisyal na
Espanyol sa mga kolonya.
ENCOMIENDA
Mga lupang ipinamahagi sa
mga Espanyol na tumulong
sa pananakop ng isang
lupain bilang gantipala sa
kanilang serbisyo.
Polo y’ Servicio
Sapilitang pagtatrabaho ng mga kalalakihang Pilipino
nasa edad 16 hanggang 60
TRIBUTO
Buwis na ipinataw ng mga
Espanyol sa lahat ng Pilipino.
KALAKALANG GALLEON
Isang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas, Mexico
at Espanya na nagtagal sa loob ng 250 na taon.
MONOPOLYO
Itinatag ng pamahalaan upang magkaroon
pinagkakakitaan ang gobyernong kolonyal
ng Pilipinas.
JOSE BASCO Y VARGAS
KOMPANYANG ROYAL
Itinatag noong 1785 para maitaguyod ang
kaunlaran sa Pilipinas.
Samahang Pang-ekonomiya ng mga
Kaibigan ng Bansa
Ito ay tinatag sa utos ng hari upang matatag ng
isang samahan na may kakayahan na makapagbigay
ng makabuluhang ideya.
Ang Pilipinas sa Ilalim ng mga Espanyol

Ang Pilipinas sa Ilalim ng mga Espanyol