Tinalakay ng grupo ang kahulugan, kahalagahan, at layunin ng pagbasa bilang isang proseso ng pag-unawa sa nakasulat na wika. Ang pagbasa ay kinikilalang mahalaga sa paglinang ng kaalaman, imahinasyon, at mapanuri at malikhaing pag-iisip. Ayon sa mga eksperto, ang proseso ng pagbasa ay binubuo ng apat na hakbang: persepsyon, komprehensyon, reaksyon, at integrasyon.