Sex o Gender?
Likas na angkin ng tao mula nang siya ay isiliang.
Hindi nababago, pare-pareho ang anyo sa lahat ng lipunan sa lahat ng bansa sa buong mundo.
Hindi likas na taglay ng tao mula sa pagkasilang.
Naiimpluwensiyahan/ itinatakda ng lipunan.
Nagbabago, iba-iba ang anyo sa lahat ng lipunan sa lahat ng bansa sa buong mundo.
Mga kaguro sa Araling Panlipunan isinishare ko po sa inyo ang first quarter module para sa Grade 10 Kontemporaryong Isyu dahil karamihan wala pang reference at hindi tayo nakaattend ng training for G 10 kontemporaryong isyu. sana makatulong ito sa inyo. ATB/2017

1. Ang Gender at Sexuality
Araling Panlipunan 10 - 3rd Quarter | Topic 3 Part 1
Prepared by: Eddie San Z. Peñalosa
2. Ang gender ay tumutukoy sa mga
katangian, gampanin, at pag – uugali na
kaakibat ng pagiging isang lalaki o babae ng
isang tao. Ito ay natututuhan, nakukuha,
napag – aaralan, at nahuhubog sa
pamamagitan ng kultura at mga
panlipunang institusyon tulad ng pamilya,
gobyerno, paaralan, relihiyon, at media.
3. Pangkaraniwan na ang kasarian ay
tumutukoy sa biyolohikal na kaibahan ng
lalaki at babae, samantalang ang gender ay
sa pangkulturang kategorya (cultural
category).
4. Samantala, ang sexuality
(sekswalidad) ay tumutukoy sa seksuwal na
oryentasyon ng isang tao o sa kaniyang
seksuwal na atraksiyon sa iba at sa
kaniyang kapasidad na tumugon dito.
5. Bagama’t may malaking kaugnayan
sa gender at sex (kasarian), ang sexuality
ay sinasabing hindi awtomatikong itinatakda
ng mga ito. Ang ilan sa mga salik ng
pagkakaroon ng isang uri ng seksuwalidad
ay ang kultura, pagpapalaki (upbringing),
impluwensiya ng mga kaibigan, at media.
7. Uri ng Sexuality
Kung ang sex o kasarian ay mauuri
lamang sa dalawa – lalaki at babae, ang
sexuality ay sinasabing komplikado at may
maraming uri.
Atraksiyon sa isang uri ng kasarian.
O Heterosexual
O Homosexual
Atraksiyon sa iba’t ibang uri ng kasarian.
O Bisexual
O Pansexual
Walang seksuwal na atraksiyon sa kanino man.
8. Uri ng Sexuality
Atraksiyon sa isang uri ng kasarian.
O Heterosexual
Ang heterosexuality ay isang atraksiyong seksuwal sa
miyembro ng opposite sex (hindi kabaro). Ang pangkaraniwang
halimbawa nito ay ang atraksiyon ng isang tuwid (straight) na
lalaki sa isang tuwid (straight) na babae at vice – versa.
9. Uri ng Sexuality
Atraksiyon sa isang uri ng kasarian.
O Homosexual
Ang homosexuality naman ay ang atraksiyong seksuwal sa
miyembro ng kaparehong kasarian (same sex). Dito kabilang ang
gay (bakla) o yaong mga lalaking may atraksiyong seksuwal sa
kaparehong lalaki, at lesbian (tomboy) o yaong mga babaeng may
atraksiyon sa kaparehong babae.
10. Uri ng Sexuality
Atraksiyon sa iba’t ibang uri ng kasarian.
O Bisexual
Ang bisexuality o ang atraksiyong seksuwal sa kaparehong
kasarian at sa miyembro ng opposite sex (hindi kabaro). Ang
bisexual ay tumutukoy sa naaakit sa babae o lalaki, o sumasali sa
heterosexual at homosexual na gawain.
11. Uri ng Sexuality
Atraksiyon sa iba’t ibang uri ng kasarian.
O Pansexual
Ang pansexuality o omnisexuality naman ay yaong
atraksiyong seksuwal sa ano mang kasarian. Itinuturing ng mga
nagpapakilalang pansexual na sila ay gender-blind at hindi raw
mahalaga ang gender at kasarian sa atraksiyong seksuwal. Mas
malawak ang pansexuality kaysa bisexuality sa sentidong ang
mga pansexual ay bukas sa pakikipagrelasyon sa mga hindi tuwid
(straight) na lalaki o babae.
12. Uri ng Sexuality
Walang seksuwal na atraksiyon sa kanino man.
May tinatawag ding asexuality o ang kawalan ng atraksiyong
seksuwal kanino man. Ang mga asexual ay hindi aktibo sa
gawaing seksuwal (sexually inactive) o walang suksuwal na
pagnanasa.