SlideShare a Scribd company logo
4


Ang Pilipinas ay Isang Bansa

Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Ang Pilipinas ay isang bansa
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito’y pagkakakitan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad”.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabras sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito
ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon, Pinagsumikapang matunton upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walanang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot ng kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Tagapamanihala: Natividad P. Bayubay, CESO VI
Pangalawang Tagapamanihala: Lodia P. Olavario, Ph.D.
Felix M. Famaran
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Palawan
Office Address: PEO Rd. Bancao Bancao, Puerto Princesa City
Telefax: (048) 433 6392
E-mail Address: palawan@deped.gov.ph
www.depedpalawan.com
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Virgie G. Cabanes
Editor: Herman L. Alvarez, Editha Cervantes
Tagasuri: Ronald Patrona
Tagaguhit: Kirby G. Ravina
Tagalapat: Philip M. Magura, Jessmark T. Castro
Tagapamahala: Natividad P. Bayubay, CESO VI
Loida P. Olavario, Ph. D..
Felix M. Famaran
Aurelia B. Marquez
Rodgie S. Demalinao
Pedro J. Dandal Jr.
Ariel P. Gaspay, Ph.D
1
4
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Pilipinas ay Isang Bansa
2
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan- 4 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Pilipinas ay Isang Bansa.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka. Kabilang sa unang
yunit ang tungkol sa sariling bansa na kinapapalooban ng mga aralin hinggil sa
kinalalagyan ng Pilipinas, mga uri ng hayop at halamang naririto, at maging ang
populasyon ng Pilipinas.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Mga Tala para sa Guro
Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang manggagamit sa paggabay sa
mag-aaral.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamiti ang modyul na ito. Kinakailangan din subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habaang isinasagawa ang mga gawain nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral;
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 4 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Aking Bansa.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
3
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat
mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul kung nakuha
mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari
mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksiyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa
iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Suriin
Sa seksiyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawain para sa malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
4
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
kung anong natutunan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa
Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
mga gawain sa modyul.
Sa katapusang modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian: Ito ang talaan ng lahat ng pinagkukunan
sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-alinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi, kaya mo ito!
Alamin
Panimula
Isang masayang bungad na pagbati sa iyong pagtuntong sa Ikaapat na
baitang! Sa Ikatlong baitang ay naipagmalaki mo ng pagiging bahagi ng rehiyong
kinabibilangan. Higit mo ngayong maipagmamalaki ang pagiging bahagi mo ng
bansang Pilipinas.
Bilang isang bata, ikaw ay nakakapaglaro, nakakapag-aral, at
nakapagpapahayag ng iyong nararamdaman. Nagagawa mong lahat ng ito dahil
naninirahan ka sa isang bansang malaya tulad ng Pilipinas.
Bakit ba sinasabing isang bansa ang Pilipinas? Iyan ang aalamin natin.
Mga Aralin at Saklaw ng Yunit
Arali 1 – Ang Pilipinas ay Isang Bansa
Sa araling ito, inaasahang matututuhan mo ng mga sumusunod:
1. Matatalakay ang konsepto ng bansa.
2. Mabubuo ang kahulugan ng bansa.
6
3. Maipapaliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa.
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa konsepto ng bansa.
Pamantayan sa Pagganap
Naipapaliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa.
Pamantayan sa Pagkatuto
Natatalakay ang konsepto ng bansa. (AP4AAB-Ia-1)
Subukin
Paunang Pagtataya
Sa bahaging ito ay matataya ang iyong pag-unang kaalaman,
kakayahan, at pag-unawa tungkol sa konsepto ng ating bansa.
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang tawag sa lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may
magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung kaya makikita ang iisa o pare-
parehong wika, pamana, relihiyon at lahi?
A. Teritoryo B. Bansa C. Pamahalaan D. Lalawigan
2. Ano ang tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang himpapawid
at kalawakan sa itaas nito.
A. Teritoryo B. Bansa C. Lalawigan D. Mundo
3. Ano ang samahan o organisasyong pulitikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao
na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong
lipunan?
A. Bansa B. Pamahalaan C. Departamento D. Organisasyon
7
4. Alin ang tumutukoy sa kalayaang magpatupad ng mga programang hindi
pinakikialaman ng ibang bansa?
A. Soberanya B. Tao C. Pamahalaan D. Bansa
5. Sino ang mga grupong naninirahan sa loob ng isang teritoryo na bumubuo ng
populasyon ng bansa?
A. Pamahalaan B. Tao C. Soberanya D. Bansa
6. Anu-ano ang mga salik ng isang lugar para masabing isa itong bansa?
A. May tao C. May tao, teritoryo, at pamahalaan
B. May tao at teritoryo D. May tao. teritoryo, pamahalaan, at soberanya
7. Alin sa mga sumusunod ang nagsasabi ng isang lugar para maituring na isang
bansa?
A. May mga mamamayang naninirahan sa bansa.
B. Pinamamahalaan ng iba pang bansa.
C. May iba’t ibang wika, pamana, at lahi.
D. May magkakaibang pananampalataya.
8. Ilang isla ang bumubuo sa sariling teritoryo ng Pilipinas?
A. Mahigit sa 7,000 isla C. Mahigit sa 7,200 isla
B. Mahigit sa 7,100 isla D. Mahigit sa 7,300 isla
9. Ito ay mga pangungusap na nagsasabi ng katangian ng isang lugar para
maituring na isang bansa. Alin ang HINDI kabilang?
A. May sariling pamahalaan.
B. May sariling teritoryo na tumutukoy sa lupain at katubigan kasama na ang
himpapawid at kalawakan sa itaas nito.
C. May mga mamamayang naninirahan sa bansa.
D. May iba pang bansa na namamahala dito.
10.Alin dito ang HINDI kabilang sa mga elemento upang maituring na bansa ang
isang lugar?
A. Tao B. Teritoryo C. Pamahalaan D. Bansa
8
Balikan
Panuto: Tukuyin at lagyan ng tsek (/) ang loob ng kahon kung ang larawan ay
nagpapakita ng elemento ng pagkabansa at ekis (X) naman kung hindi.
1. 3.
2. 4.
Ilang puntos ang nakuha mo sa iyong unang pagtataya? Huwag
kang mag-alala dahil ang lahat ng mga katanungan na ito ay iyong
masasagot kapag natapos mo ang modyul para sa unang aralin sa unang
markahan. Halika na at simulan mo na ang iyong paglalakbay!
9
5.
Tuklasin
Gawain A: Tuklasin Natin Ang Iyong Galing!
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga titik na bubuo sa bawat larawan.
1. 2.
Masaya ka ba sa nakuha mong puntos sa gawaing ito? May natutunan ka
ba sa mga elemento ng pagkabansa? Sa mga susunod na gawain mas
mapapalalim mo ang iyong kaalaman sa konsepto ng bansa.
10
3. 4.
Gawain B: Gumuhit ka!
Panuto: Iguhit ang saranggola sa ibaba. Isulat sa mga bilang ang mga elementong
dapat mayroon ang isang lugar para matawag itong bansa.
Magaling! Nalampasan mo ang iyong unang pagsubok. Mas
mapapayaman ang iyong kaalaman sa mga susunod na gawain.
OTA TOYREITOR
MALPAHAANA RANBESOAY
11
Suriin
Gawain: Sarili Mo, Suriin Mo Kabahagi Ka Nito!
Panuto: Basahin at unawain mo ng tekstong ito tungkol sa pagiging bahagi mo sa
bansang Pilipinas. Higit na magpapaliwanag sa iyong isipan ang pagtalakay sa
konsepto ng bansa at maipagmamalaki ang pagiging bahagi mo sa bansang
Pilipinas.
ANG PILIPINAS AY ISANG BANSA
Ang bansa ay isang lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao
na may magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung kaya makikita ang iisa o
pare-parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi.
Maituturing na bansa ang isang bansa kung ito ay binubuo ng apat na
elemento ng pagkabansa – tao, teritoryo, pamahalaan at ganap na kalayaan o
soberanya.
SOBERANYA O GANAP NA KALAYAAN
Ang soberanya o ganap na kalayaan ay
tumutukoy sa kapangyarihan ng pamahalaang
namamahala sa kanyang nasasakupan.
Tumutukoy rin ito sa kalayaang magpatupad ng
mga programa nang hindi pinakikialaman ng
ibang bansa.
TAO
Ang tao ay tumutukoy sa grupong naninirahan sa loob
ng isang teritoryo na bumubuo ng populasyon ng bansa.
TERITORYO
Ang teritoryo ay tumutukoy sa lawak ng lupain at
katubigan, kasama na ang himpapawid at kalawakan sa itaas
nito. Ito ang tinitirahan ng tao at pinamumunuan ng
pamahalaan.
PAMAHALAAN
Ang pamahalaan ay isang samahan o
organisasyong politikal na itinataguyod ng mga
grupo ng tao na naglalayong magtatag ng
kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong
lipunan.
12
Dalawa ang anyo ng soberanya – panloob at panlabas. Ang panloob na
soberanya ay ang pangangalaga sa sariling kalayaan. Ang panlabas naman ay ang
pagkikilala ng ibang bansa sa kalayaang ito.
Hindi maituturing na bansa ang isang bansa kung may isa o higit pang kulang
sa alinman sa apat na binanggit na elemento o katangian. Sa kasalukuyan, may
mahigit 200 bansa ang nagtataglay ng apat na elemento ng pagiging ganap na
bansa. Kabilang ang Pilipinas sa mga bansang ito. Ilan pang lugar sa mundo na
maituturing na bansa ay ang United States of America, Australia, United Kingdom,
Saudi Arabia, at China.
Ngayon lagi mong isaisip at isapuso na ikaw ay kabahagi ng bansang Pilipinas
na ating ginagalawan mayroon kang kalayaan, na ipapahayag mo ang iyong sariling
nararamdaman, nakakalaro ka ayon sa sarili mong kagustuhan, nagagawa mo ang
mga gusto mo dahil nakatira ka sa bansang malaya. Sa palagay
mo,maipagmamalaki mo ba na kabahagi ka ng bansang Pilipinas?
Pamprosesong tanong:
1. Ano ang kahulugan ng bansa?
2. Ano-ano ang katangian o elemento ng isang lugar para masabing isa itong
bansa?
3. Bakit maituturing na isang bansa ang Pilipinas?
4. Ano ang naramdaman mo ng malaman mong kabahagi ka ng bansang
malaya?
5. Bilang isang mag-aaral, Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa ating
bansang Pilipinas?
Mayroon ka bang natutunan sa iyong binasa? Maaari mo bang ibahagi ang
iyong nakuhang kaalaman? Sa susunod na gawain ay pagyayamanin mo ang
iyong kaisipan sa mga kaalamang makukuha sa tekstong iyong babasahin.
Sa iyong nabasang teksto ay natutunan mo ang mga Elemento upang maging
isang bansa ang isang lugar.
13
Pagyamanin
Gawain A: Unawain at Buuin Mo!
Panuto: Punan ang patlang sa loob ng puzzle upang mabuo ang mga salita. Isulat
sa papel ang tamang sagot.
1.
2.
3.
4.
5.
Gawain B: Alam Ko ‘To!
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang bilang ng pangungusap na
nagpapatunay na ang Pilipinas ay isang bansa. Isulat sa sagutang papel.
1. May mahigit na 100 milyong tao ang naninirahan sa Pilipinas.
2. Ang Pilipinas ay hindi maaaring pakialaman ng ibang bansa.
3. Ang Pilipinas ay may sariling teritoryo na binubuo ng mahigit sa 7, 107 na isla.
4. May pamahalaan ang Pilipinas na tumutugon sa mga pangangailangan ng
mga mamamayan.
Ang mga gawaing nakapaloob dito ay lilinang at hahasa sa iyong isipan.
Handa ka na ba?
14
5. Ang mga Pilipino ay gumagamit ng iba’t-ibang wika.
6. Ang tao ay isang pangkat na naninirahan sa isang teritoryo.
7. Ang sakop ng isang teritoryo ay lawak ng lupain lamang.
8. Ang soberanya ay kapangyarihan ng pamahalaan na mamahala sa kanyang
nasasakupan.
9. Apat ang anyo ng soberanya.
10. Ang pamahalaan ay isang organisasyong politikal na nagtataguyod ng tao
upang magtatag ng kaayusan at sibilisadong lipunan.
Isaisip
Gawain A: Tula Ko, Unawain Mo!
Panuto: Basahin ang maikling tula. Bilugan ang mga salitang nagpapatunay na ang
Pilipinas ay isang bansa.
Pilipinas, Isang Bansa
Ni Ynnos Azaban
Pilipinas, isang bansa
Tao’y tunay na malaya
Mayroong namamahala
May sariling Teritoryo
Para talaga sa tao.
15
Gawain B: Kaisipan Mo ay Paunlarin!
Panuto: Isulat sa sarili mong pagpapakahulugan sa isang bansa at ang mga dahilan
kung bakit isang bansa ang Pilipinas. Dugtungan upang mabuo ito.
Ang isang bansa ay
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________________________________________.
Isang bansa ang Pilipinas dahil ____________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.
Isagawa
Gawain A: Tanong Ko, Iguhit Mo!
Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang sinasabi ng pangungusap ay
tama at malungkot na mukha kung mali. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
_______ 1. Ang Pilipinas ay isang bansa.
_______ 2. Hindi malaya ang Pilipinas kaya hindi ito isang bansa.
_______ 3. Tao, teritoryo at pamahalaan lamang ang kailangan para maging isang
bansa.
_______ 4. Ang Pilipinas ay maituturing na isang bansa dahil ito ay malaya, may
sariling teritoryo, pamahalaan at may mga mamamayan.
_______ 5. Ang lugar na pinakikialaman ng ibang bansa at walang sariling
pamahalaan ay hindi maituturing na bansa.
16
_______ 6. Nagagawa kong maglaro dahil malaya ang bansa ko.
_______7. Walang naninirahan na mamamayan sa isang bansa.
_______8. May sariling teritoryo na tumutukoy sa lupain at katubigan kasama na
ang himpapawid at kalawakan sa itaas nito.
_______9. Ako ay bata kaya hindi ako kabahagi ng isang bansa.
______10. Ipinagmamalaki ko na isa akong batang Pilipino na may malayang
bansa.
Gawain B. Larawan Ko, Iguhit at Kulayan Mo!
Panuto: Ang bandila ng Pilipinas ay isang simbolo ng bansa. Iguhit ang bandila sa
papel at kulayan ng wastong kulay ng bandila ng Pilipinas.
Magaling! Binabati kita nagawa mo ang iyong mga gawain. Marami ka
bang natutunan tungkol sa ating bansang Pilipinas? Ngayon tayahin natin ang
iyong kaalaman na natutuhan sa Unang Linggo ng iyong
pag-aaral.
17
Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat ang sagot sa iyong kwadernong pang-aktibiti.
1. Anong lugar o teritoryo na may naninirahang grupo ng tao na may
magkakatulad na kulturang pinanggalingan.
A. Bansa
B. Tao
C. Teritoryo
D. Pamahalaan
2. Ito ay isang samahang politikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao na
naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong
lipunan.
A. Bansa
B. Teritoryo
C. Soberanya
D. Pamahalaan
3. Alin sa mga sumusunod na lugar ang hindi maituturing na isang bansa?
A. Australia
B. China
C. Pilipinas
D. Palawan
4. Bakit hindi maituturing na bansa ang isang lugar?
A. Kung may isa o higit pang kulang sa alinman sa apat na elemento o
katangian.
B. Kung hindi nagkakasundu-sundo ang bawat mamamayan ng isang lugar.
C. Kung kulang ang mga mamamayan na namamahala sa pamahalaan.
D. Kung magkakaroon ng pagkainggit ang bawat isa.
5. Aling pangungusap ang nagpapatunay na ang Pilipinas ay isang bansa?
A. Ang Pilipinas ay maaaring pakialaman ng ibang bansa.
B. May pamahalaan ang Pilipinas na tumutugon sa mga pangangailangan ng
mga mamamayan.
C. Ang mga Pilipino ay gumagamit ng iisang wika lamang.
D. Ang Pilipinas ay pinapamahalaan ng ibang bansa.
6. Ito ay tumutukoy sa grupong naninirahan sa loob ng isang teritoryo na
bumubuo sa populasyon ng bansa.
A. Soberanya
B. Pamahalaan
C. Tao
D. Teritoryo
7. Ano ang apat na elemento upang maituturing na bansa ang Pilipinas?
A. tao, bansa, teritoryo, wika
B. tao, teritoryo, pamahalaan, bansa
C. tao, teritoryo, pamahalaan, soberanya
D. tao, teritoryo, soberanya, bansa
18
8. Ito ay tumutukoy sa kalayaang magpatupad ng mga programang hindi
pinakikialaman ng ibang bansa?
A. Tao
B. Soberanya
C. Pamahalaan
D. Teritoryo
9. Ang ______________ ay tinitirahan ng tao at pinamumunuan ng pamahalaan.
Tumutukoy din sa lawak ng lupain at katubigan kasama ang himpapawid at
kalawakan.
A. Teritoryo
B. Soberanya
C. Pamahalaan
D. Tao
10.Ilang isla ang bumubuo sa sariling teritoryo ng Pilipinas?
A. Mahigit sa 7 000 isla c. Mahigit sa 7 200 isla
B. Mahigit sa 7 100 isla d. Mahigit sa 7 300 isla
Karagdagang Gawain
Panuto: Punan ng tamang kasagutan ang concept organizer. Ilagay mo ang mga
elemento ng ating bansa. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel.
2.
3.
4.
1.
ELEMENTO
19
Susi sa Pagwawasto
Subukin-
Paunang
Pagtataya
1.B
2.A
3.B
4.A
5.B
6.D
7.A
8.B
9.D
10.D
Tuklasin
Gawain
A
1.TAO
2.PAMAHALAAN
3.TERITORYO
4.SOBERANYA
Gawain
B
Tao
Pamahalaan
Teritoryo
Soberanya
Balikan
1.
/
2.
x
3.
/
4.
/
5.
x
Suriin
Pamprosesong
Tanong
1.
Ang
bansa
ay
isang
lugar
o
teritoryo
na
may
naninirahang
mga
grupo
ng
tao
na
may
magkakatulad
na
kulturang
pinanggalingan
kung
kaya
makikita
ang
iisa
o
pare-parehong
wika,
pamana,
relihiyon
at
lahi.
2.
Tao,
Teritoryo,
soberanya,
pamahalaan
3.
Dahil
mayroon
tayong
apat
na
elemento
4.
Masaya
(may
iba’t-ibang
sagot
ang
mga
bata).
5.
Igalang
at
mahalin
ang
mga
simbolo
ng
bansa
(tanggapin
ang
iba
pang
sagot
ang
mga
bata).
20
Pagyamanin
Gawain
A:
1.
Teritoryo
2.
Tao
3.
Bansa
4.
Pamahalaan
5.
Soberanya
Pagyamanin
Gawain
B:
1,2,3,4,5,6,8,10
Isaisip
Gawain
A
1.
Tao
2.
Malaya
3.
Namamahala
4.
Teritoryo
Isaisip
Gawain
B:
-
Ang
isang
bansa
ay
isang
lugar
o
teritoryo
na
may
naninirahang
mga
grupo
ng
tao
na
may
magkakatulad
na
kulturang
pinanggalingan
kung
kaya
makikita
ang
iisa
o
pare-parehong
wika,
pamana,
relihiyon
at
lahi.
-
Isang
bansa
ang
Pilipinas
dahil
ito
ay
binubuo
ng
apat
na
elemento
ng
pagkabansa
na
sumusunod
tao,
teritoryo,
pamahalaan
at
soberanya.
Tayahin
1.
A
2.
D
3.
D
4.
A
5.
B
6.
C
7.
C
8.
B
9.
A
10.
B
Karagdagang
Gawain
Tao
Teritoryo
Soberanya
Pamahalaan
Isagawa
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
21
Sanggunian:
A. AKLAT
Araling Panlipunan IV
TG-pp. 1-4 LM –pp.2-7
22
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education – SDO Palawan
Curriculum Implementation Division Office
2nd
Floor Deped Palawan Building
Telephone no. (048) 433-3292
Learning Resources Management Section
LRMS Building, PEO Compound
Telephone np. (048) 434-0099

More Related Content

Similar to ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf

KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdfKPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
JohnnyJrAbalos1
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
RenzZapata1
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
JenniferTamesaOliqui
 
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
OLIVESAMSON2
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
rufinodelacruz3
 
Ap 8 quarter 1 module 6
Ap 8 quarter 1 module 6Ap 8 quarter 1 module 6
Ap 8 quarter 1 module 6
RegieMadayag2
 
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfFonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
NoelPiedad
 
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
OLIVERRAMOS29
 
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdf
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdfKPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdf
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdf
JohnnyJrAbalos1
 
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdfKPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
JohnnyJrAbalos1
 
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
charmaignegarcia
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
rufinodelacruz3
 
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdfFILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
RaeMarcEnriquez
 
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdfKPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
JohnnyJrAbalos1
 
F11_Q1_MODULE_1.pdf
F11_Q1_MODULE_1.pdfF11_Q1_MODULE_1.pdf
F11_Q1_MODULE_1.pdf
AldrinDeocares
 
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
PrincessJemimaNaingu2
 
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdfKPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
JohnnyJrAbalos1
 
CLMD4A_APG4.pdf
CLMD4A_APG4.pdfCLMD4A_APG4.pdf
CLMD4A_APG4.pdf
Jermer Tabones
 
AP-8-QUARTER-2-MODULE-6.pdf
AP-8-QUARTER-2-MODULE-6.pdfAP-8-QUARTER-2-MODULE-6.pdf
AP-8-QUARTER-2-MODULE-6.pdf
John Paul Natividad
 
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptxKomunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
rufinodelacruz3
 

Similar to ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf (20)

KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdfKPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
 
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
 
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
 
Ap 8 quarter 1 module 6
Ap 8 quarter 1 module 6Ap 8 quarter 1 module 6
Ap 8 quarter 1 module 6
 
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdfFonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
Fonollera-G9-Q4-W4 (1).pdf
 
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
 
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdf
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdfKPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdf
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdf
 
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdfKPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
 
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
 
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdfFILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
 
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdfKPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
 
F11_Q1_MODULE_1.pdf
F11_Q1_MODULE_1.pdfF11_Q1_MODULE_1.pdf
F11_Q1_MODULE_1.pdf
 
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
 
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdfKPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
KPWKP_Q1_Module1 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 1.pdf
 
CLMD4A_APG4.pdf
CLMD4A_APG4.pdfCLMD4A_APG4.pdf
CLMD4A_APG4.pdf
 
AP-8-QUARTER-2-MODULE-6.pdf
AP-8-QUARTER-2-MODULE-6.pdfAP-8-QUARTER-2-MODULE-6.pdf
AP-8-QUARTER-2-MODULE-6.pdf
 
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptxKomunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
Komunikasyan at Pananaliksik 11_Q1_Module 5 final for student.pptx
 

ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf

  • 2. Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Ang Pilipinas ay isang bansa Unang Edisyon, 2020 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad”. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabras sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon, Pinagsumikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walanang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot ng kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Tagapamanihala: Natividad P. Bayubay, CESO VI Pangalawang Tagapamanihala: Lodia P. Olavario, Ph.D. Felix M. Famaran Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Palawan Office Address: PEO Rd. Bancao Bancao, Puerto Princesa City Telefax: (048) 433 6392 E-mail Address: palawan@deped.gov.ph www.depedpalawan.com Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Virgie G. Cabanes Editor: Herman L. Alvarez, Editha Cervantes Tagasuri: Ronald Patrona Tagaguhit: Kirby G. Ravina Tagalapat: Philip M. Magura, Jessmark T. Castro Tagapamahala: Natividad P. Bayubay, CESO VI Loida P. Olavario, Ph. D.. Felix M. Famaran Aurelia B. Marquez Rodgie S. Demalinao Pedro J. Dandal Jr. Ariel P. Gaspay, Ph.D
  • 3. 1 4 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 1: Ang Pilipinas ay Isang Bansa
  • 4. 2 Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan- 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Pilipinas ay Isang Bansa. Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka. Kabilang sa unang yunit ang tungkol sa sariling bansa na kinapapalooban ng mga aralin hinggil sa kinalalagyan ng Pilipinas, mga uri ng hayop at halamang naririto, at maging ang populasyon ng Pilipinas. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Mga Tala para sa Guro Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang manggagamit sa paggabay sa mag-aaral. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamiti ang modyul na ito. Kinakailangan din subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habaang isinasagawa ang mga gawain nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral; Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Aking Bansa. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
  • 5. 3 Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksiyon. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksiyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawain para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang- unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
  • 6. 4 Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutunan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusang modyul na ito, makikita mo rin ang: Sanggunian: Ito ang talaan ng lahat ng pinagkukunan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
  • 7. 5 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-alinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi, kaya mo ito! Alamin Panimula Isang masayang bungad na pagbati sa iyong pagtuntong sa Ikaapat na baitang! Sa Ikatlong baitang ay naipagmalaki mo ng pagiging bahagi ng rehiyong kinabibilangan. Higit mo ngayong maipagmamalaki ang pagiging bahagi mo ng bansang Pilipinas. Bilang isang bata, ikaw ay nakakapaglaro, nakakapag-aral, at nakapagpapahayag ng iyong nararamdaman. Nagagawa mong lahat ng ito dahil naninirahan ka sa isang bansang malaya tulad ng Pilipinas. Bakit ba sinasabing isang bansa ang Pilipinas? Iyan ang aalamin natin. Mga Aralin at Saklaw ng Yunit Arali 1 – Ang Pilipinas ay Isang Bansa Sa araling ito, inaasahang matututuhan mo ng mga sumusunod: 1. Matatalakay ang konsepto ng bansa. 2. Mabubuo ang kahulugan ng bansa.
  • 8. 6 3. Maipapaliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa sa konsepto ng bansa. Pamantayan sa Pagganap Naipapaliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa. Pamantayan sa Pagkatuto Natatalakay ang konsepto ng bansa. (AP4AAB-Ia-1) Subukin Paunang Pagtataya Sa bahaging ito ay matataya ang iyong pag-unang kaalaman, kakayahan, at pag-unawa tungkol sa konsepto ng ating bansa. Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ang tawag sa lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung kaya makikita ang iisa o pare- parehong wika, pamana, relihiyon at lahi? A. Teritoryo B. Bansa C. Pamahalaan D. Lalawigan 2. Ano ang tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at kalawakan sa itaas nito. A. Teritoryo B. Bansa C. Lalawigan D. Mundo 3. Ano ang samahan o organisasyong pulitikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan? A. Bansa B. Pamahalaan C. Departamento D. Organisasyon
  • 9. 7 4. Alin ang tumutukoy sa kalayaang magpatupad ng mga programang hindi pinakikialaman ng ibang bansa? A. Soberanya B. Tao C. Pamahalaan D. Bansa 5. Sino ang mga grupong naninirahan sa loob ng isang teritoryo na bumubuo ng populasyon ng bansa? A. Pamahalaan B. Tao C. Soberanya D. Bansa 6. Anu-ano ang mga salik ng isang lugar para masabing isa itong bansa? A. May tao C. May tao, teritoryo, at pamahalaan B. May tao at teritoryo D. May tao. teritoryo, pamahalaan, at soberanya 7. Alin sa mga sumusunod ang nagsasabi ng isang lugar para maituring na isang bansa? A. May mga mamamayang naninirahan sa bansa. B. Pinamamahalaan ng iba pang bansa. C. May iba’t ibang wika, pamana, at lahi. D. May magkakaibang pananampalataya. 8. Ilang isla ang bumubuo sa sariling teritoryo ng Pilipinas? A. Mahigit sa 7,000 isla C. Mahigit sa 7,200 isla B. Mahigit sa 7,100 isla D. Mahigit sa 7,300 isla 9. Ito ay mga pangungusap na nagsasabi ng katangian ng isang lugar para maituring na isang bansa. Alin ang HINDI kabilang? A. May sariling pamahalaan. B. May sariling teritoryo na tumutukoy sa lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at kalawakan sa itaas nito. C. May mga mamamayang naninirahan sa bansa. D. May iba pang bansa na namamahala dito. 10.Alin dito ang HINDI kabilang sa mga elemento upang maituring na bansa ang isang lugar? A. Tao B. Teritoryo C. Pamahalaan D. Bansa
  • 10. 8 Balikan Panuto: Tukuyin at lagyan ng tsek (/) ang loob ng kahon kung ang larawan ay nagpapakita ng elemento ng pagkabansa at ekis (X) naman kung hindi. 1. 3. 2. 4. Ilang puntos ang nakuha mo sa iyong unang pagtataya? Huwag kang mag-alala dahil ang lahat ng mga katanungan na ito ay iyong masasagot kapag natapos mo ang modyul para sa unang aralin sa unang markahan. Halika na at simulan mo na ang iyong paglalakbay!
  • 11. 9 5. Tuklasin Gawain A: Tuklasin Natin Ang Iyong Galing! Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga titik na bubuo sa bawat larawan. 1. 2. Masaya ka ba sa nakuha mong puntos sa gawaing ito? May natutunan ka ba sa mga elemento ng pagkabansa? Sa mga susunod na gawain mas mapapalalim mo ang iyong kaalaman sa konsepto ng bansa.
  • 12. 10 3. 4. Gawain B: Gumuhit ka! Panuto: Iguhit ang saranggola sa ibaba. Isulat sa mga bilang ang mga elementong dapat mayroon ang isang lugar para matawag itong bansa. Magaling! Nalampasan mo ang iyong unang pagsubok. Mas mapapayaman ang iyong kaalaman sa mga susunod na gawain. OTA TOYREITOR MALPAHAANA RANBESOAY
  • 13. 11 Suriin Gawain: Sarili Mo, Suriin Mo Kabahagi Ka Nito! Panuto: Basahin at unawain mo ng tekstong ito tungkol sa pagiging bahagi mo sa bansang Pilipinas. Higit na magpapaliwanag sa iyong isipan ang pagtalakay sa konsepto ng bansa at maipagmamalaki ang pagiging bahagi mo sa bansang Pilipinas. ANG PILIPINAS AY ISANG BANSA Ang bansa ay isang lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung kaya makikita ang iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi. Maituturing na bansa ang isang bansa kung ito ay binubuo ng apat na elemento ng pagkabansa – tao, teritoryo, pamahalaan at ganap na kalayaan o soberanya. SOBERANYA O GANAP NA KALAYAAN Ang soberanya o ganap na kalayaan ay tumutukoy sa kapangyarihan ng pamahalaang namamahala sa kanyang nasasakupan. Tumutukoy rin ito sa kalayaang magpatupad ng mga programa nang hindi pinakikialaman ng ibang bansa. TAO Ang tao ay tumutukoy sa grupong naninirahan sa loob ng isang teritoryo na bumubuo ng populasyon ng bansa. TERITORYO Ang teritoryo ay tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan, kasama na ang himpapawid at kalawakan sa itaas nito. Ito ang tinitirahan ng tao at pinamumunuan ng pamahalaan. PAMAHALAAN Ang pamahalaan ay isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan.
  • 14. 12 Dalawa ang anyo ng soberanya – panloob at panlabas. Ang panloob na soberanya ay ang pangangalaga sa sariling kalayaan. Ang panlabas naman ay ang pagkikilala ng ibang bansa sa kalayaang ito. Hindi maituturing na bansa ang isang bansa kung may isa o higit pang kulang sa alinman sa apat na binanggit na elemento o katangian. Sa kasalukuyan, may mahigit 200 bansa ang nagtataglay ng apat na elemento ng pagiging ganap na bansa. Kabilang ang Pilipinas sa mga bansang ito. Ilan pang lugar sa mundo na maituturing na bansa ay ang United States of America, Australia, United Kingdom, Saudi Arabia, at China. Ngayon lagi mong isaisip at isapuso na ikaw ay kabahagi ng bansang Pilipinas na ating ginagalawan mayroon kang kalayaan, na ipapahayag mo ang iyong sariling nararamdaman, nakakalaro ka ayon sa sarili mong kagustuhan, nagagawa mo ang mga gusto mo dahil nakatira ka sa bansang malaya. Sa palagay mo,maipagmamalaki mo ba na kabahagi ka ng bansang Pilipinas? Pamprosesong tanong: 1. Ano ang kahulugan ng bansa? 2. Ano-ano ang katangian o elemento ng isang lugar para masabing isa itong bansa? 3. Bakit maituturing na isang bansa ang Pilipinas? 4. Ano ang naramdaman mo ng malaman mong kabahagi ka ng bansang malaya? 5. Bilang isang mag-aaral, Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa ating bansang Pilipinas? Mayroon ka bang natutunan sa iyong binasa? Maaari mo bang ibahagi ang iyong nakuhang kaalaman? Sa susunod na gawain ay pagyayamanin mo ang iyong kaisipan sa mga kaalamang makukuha sa tekstong iyong babasahin. Sa iyong nabasang teksto ay natutunan mo ang mga Elemento upang maging isang bansa ang isang lugar.
  • 15. 13 Pagyamanin Gawain A: Unawain at Buuin Mo! Panuto: Punan ang patlang sa loob ng puzzle upang mabuo ang mga salita. Isulat sa papel ang tamang sagot. 1. 2. 3. 4. 5. Gawain B: Alam Ko ‘To! Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang bilang ng pangungusap na nagpapatunay na ang Pilipinas ay isang bansa. Isulat sa sagutang papel. 1. May mahigit na 100 milyong tao ang naninirahan sa Pilipinas. 2. Ang Pilipinas ay hindi maaaring pakialaman ng ibang bansa. 3. Ang Pilipinas ay may sariling teritoryo na binubuo ng mahigit sa 7, 107 na isla. 4. May pamahalaan ang Pilipinas na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan. Ang mga gawaing nakapaloob dito ay lilinang at hahasa sa iyong isipan. Handa ka na ba?
  • 16. 14 5. Ang mga Pilipino ay gumagamit ng iba’t-ibang wika. 6. Ang tao ay isang pangkat na naninirahan sa isang teritoryo. 7. Ang sakop ng isang teritoryo ay lawak ng lupain lamang. 8. Ang soberanya ay kapangyarihan ng pamahalaan na mamahala sa kanyang nasasakupan. 9. Apat ang anyo ng soberanya. 10. Ang pamahalaan ay isang organisasyong politikal na nagtataguyod ng tao upang magtatag ng kaayusan at sibilisadong lipunan. Isaisip Gawain A: Tula Ko, Unawain Mo! Panuto: Basahin ang maikling tula. Bilugan ang mga salitang nagpapatunay na ang Pilipinas ay isang bansa. Pilipinas, Isang Bansa Ni Ynnos Azaban Pilipinas, isang bansa Tao’y tunay na malaya Mayroong namamahala May sariling Teritoryo Para talaga sa tao.
  • 17. 15 Gawain B: Kaisipan Mo ay Paunlarin! Panuto: Isulat sa sarili mong pagpapakahulugan sa isang bansa at ang mga dahilan kung bakit isang bansa ang Pilipinas. Dugtungan upang mabuo ito. Ang isang bansa ay ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ _______________________________________________. Isang bansa ang Pilipinas dahil ____________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________. Isagawa Gawain A: Tanong Ko, Iguhit Mo! Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang sinasabi ng pangungusap ay tama at malungkot na mukha kung mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel. _______ 1. Ang Pilipinas ay isang bansa. _______ 2. Hindi malaya ang Pilipinas kaya hindi ito isang bansa. _______ 3. Tao, teritoryo at pamahalaan lamang ang kailangan para maging isang bansa. _______ 4. Ang Pilipinas ay maituturing na isang bansa dahil ito ay malaya, may sariling teritoryo, pamahalaan at may mga mamamayan. _______ 5. Ang lugar na pinakikialaman ng ibang bansa at walang sariling pamahalaan ay hindi maituturing na bansa.
  • 18. 16 _______ 6. Nagagawa kong maglaro dahil malaya ang bansa ko. _______7. Walang naninirahan na mamamayan sa isang bansa. _______8. May sariling teritoryo na tumutukoy sa lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at kalawakan sa itaas nito. _______9. Ako ay bata kaya hindi ako kabahagi ng isang bansa. ______10. Ipinagmamalaki ko na isa akong batang Pilipino na may malayang bansa. Gawain B. Larawan Ko, Iguhit at Kulayan Mo! Panuto: Ang bandila ng Pilipinas ay isang simbolo ng bansa. Iguhit ang bandila sa papel at kulayan ng wastong kulay ng bandila ng Pilipinas. Magaling! Binabati kita nagawa mo ang iyong mga gawain. Marami ka bang natutunan tungkol sa ating bansang Pilipinas? Ngayon tayahin natin ang iyong kaalaman na natutuhan sa Unang Linggo ng iyong pag-aaral.
  • 19. 17 Tayahin Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong kwadernong pang-aktibiti. 1. Anong lugar o teritoryo na may naninirahang grupo ng tao na may magkakatulad na kulturang pinanggalingan. A. Bansa B. Tao C. Teritoryo D. Pamahalaan 2. Ito ay isang samahang politikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan. A. Bansa B. Teritoryo C. Soberanya D. Pamahalaan 3. Alin sa mga sumusunod na lugar ang hindi maituturing na isang bansa? A. Australia B. China C. Pilipinas D. Palawan 4. Bakit hindi maituturing na bansa ang isang lugar? A. Kung may isa o higit pang kulang sa alinman sa apat na elemento o katangian. B. Kung hindi nagkakasundu-sundo ang bawat mamamayan ng isang lugar. C. Kung kulang ang mga mamamayan na namamahala sa pamahalaan. D. Kung magkakaroon ng pagkainggit ang bawat isa. 5. Aling pangungusap ang nagpapatunay na ang Pilipinas ay isang bansa? A. Ang Pilipinas ay maaaring pakialaman ng ibang bansa. B. May pamahalaan ang Pilipinas na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan. C. Ang mga Pilipino ay gumagamit ng iisang wika lamang. D. Ang Pilipinas ay pinapamahalaan ng ibang bansa. 6. Ito ay tumutukoy sa grupong naninirahan sa loob ng isang teritoryo na bumubuo sa populasyon ng bansa. A. Soberanya B. Pamahalaan C. Tao D. Teritoryo 7. Ano ang apat na elemento upang maituturing na bansa ang Pilipinas? A. tao, bansa, teritoryo, wika B. tao, teritoryo, pamahalaan, bansa C. tao, teritoryo, pamahalaan, soberanya D. tao, teritoryo, soberanya, bansa
  • 20. 18 8. Ito ay tumutukoy sa kalayaang magpatupad ng mga programang hindi pinakikialaman ng ibang bansa? A. Tao B. Soberanya C. Pamahalaan D. Teritoryo 9. Ang ______________ ay tinitirahan ng tao at pinamumunuan ng pamahalaan. Tumutukoy din sa lawak ng lupain at katubigan kasama ang himpapawid at kalawakan. A. Teritoryo B. Soberanya C. Pamahalaan D. Tao 10.Ilang isla ang bumubuo sa sariling teritoryo ng Pilipinas? A. Mahigit sa 7 000 isla c. Mahigit sa 7 200 isla B. Mahigit sa 7 100 isla d. Mahigit sa 7 300 isla Karagdagang Gawain Panuto: Punan ng tamang kasagutan ang concept organizer. Ilagay mo ang mga elemento ng ating bansa. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel. 2. 3. 4. 1. ELEMENTO
  • 23. 21 Sanggunian: A. AKLAT Araling Panlipunan IV TG-pp. 1-4 LM –pp.2-7
  • 24. 22 For inquiries or feedback, please write or call: Department of Education – SDO Palawan Curriculum Implementation Division Office 2nd Floor Deped Palawan Building Telephone no. (048) 433-3292 Learning Resources Management Section LRMS Building, PEO Compound Telephone np. (048) 434-0099