SlideShare a Scribd company logo
CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7
Araling Panlipunan
Unang Markahan- Modyul 7:
Kapuluan: Dulot ay Kaunlaran
4
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Kapuluan: Dulot ay Kaunlaran
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________
Department of Education – Region V
Office Address: Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500
Telefax: 0917 178 1288
E-mail Address: region5@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Emma A. Jadie
Editor: Ma. Leilani R. Lorico, Mary Roselyn D. Berja
Tagasuri: Ana N. Calisura
Jerry P. Ramirez
Tagaguhit: Noel A. Perez
Tagalapat: Edsel D. Doctama
John Paul T. Dacillo
Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad
Francisco B. Bulalacao Jr.
Grace U. Rabelas
Ma. Leilani R. Lorico
Marites B.Tongco
4
Araling Panlipunan
Unang Markahan- Modyul 7:
Kapuluan: Dulot ay Kaunlaran
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito
ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan
ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng
kurikulum.
Ang modyul na it ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalaala, pantulong o estratihiyang
magagamit ng mga magulang o kung simumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mga mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong
mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat Gawain at pagsusulit. Inaasahan
naming na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat din ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makakaranas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mga mag-
aaral kahit wala sila sa paaralan.
1 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7
Mabibigyang pansin sa modyul na ito ang pagiging kapuluan ng
Pilipinas. Ang pagkakaroon ng malalaki at maliliit na pulo na
magkakahiwalay ay may mga kagandahang dulot sa ating bansa. Pero
sa isang banda, mayroon din itong di-kagandahang dulot.
Sa araling ito ay malalaman mo kung gaano ba kahalaga ang
pagiging isang kapuluan ng Pilipinas. Mauunawaan mo kung paano ba
nakatutulong sa pag-unlad ng isang bansa ang mga katangiang pisikal
nito?
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pang-unawa sa pagkakakilanlan ng bansa
ayon sa mga katangiang heograpikal gamit ang mapa.
Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang kasanayan sa paggamit ng
mapa sa pagtukoy ng iba’t ibang lalawigan at rehiyon ng bansa.
Pamantayan sa Pagkatuto
Pagkatapos mong basahin ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
Nakapagbibigay ng konklusyon tungkol sa kahalagahan ng mga
katangiang pisikal sa pag-unlad ng bansa.
Alamin
2 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel. Gawin ito
sa loob ng 5 minuto.
1. Ang _______________ ay isang anyong lupa na napapaligiran ng
anyong tubig.
A. arkipelago
B. pulo
C. kapatagan
D. bundok
2. Ang mga kapatagan ay angkop sa pagtatanim ng mga ________.
A. palay, mais, mani, tubo,
B. tabako, abaka, pili, strawberry
C. pechay, repolyo, kangkong, gabi
D. mangga, mahogany, narra, bakawan
3. Alin sa mga sumusunod ang maaring magsilbing panangga sa
mga bagyong dumarating sa ating bansa?
A. Matatarik na mga bangin
B. Mahahabang bulubundukin
C. Malalawak na mga kapatagan
D. Matataas at aktibong mga bulkan
4. Ang mga bulkan na bagaman ay mapanganib ay maaari ring
magsilbing _________ dahil sa angkin nitong kagandahan.
A. pasyalan
B. libingan
C. pahingahan
D. dausan ng konsyerto
5. Sa anong larangan maaaring makatulong sa pag-unlad ang mga
naggagandahang anyong tubig at anyong lupa ng Pilipinas?
A. turismo
B. kalusugan
C. edukasyon
D. kapayapaan
Subukin
3 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7
6. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig sa
Pilipinas ay may malaking ambag sa ________________.
A. Pagdami na populasyon ng bansa
B. Pagbagsak ng ekonomiya ng bansa
C. Pagtaas ng bilang ng krimen sa bansa
D. Pag-unlad ng bansa lalo na sa larangan ng turismo
7. Ano ang magandang naidulot ng pagiging masagana ng bansa sa
mga katangiang pisikal?
A. kahinaan
B. kaunlaran
C. kakulangan
D. kahirapan
8. Bakit maraming dayuhan ang pumupunta sa Pilipinas?
A. Dahil sa likas na kagandahan nito
B. Dahil maraming magagandang Pilipina dito
C. Dahil maraming malalaking gusali sa bansa
D. Dahil marami ang bilang ng populasyon sa Pilipinas
9. Paano mo mapapatunayan na ang Pilipinas ay isang arkipelago?
A. Maraming itong katubigan
B. May malalawak itong mga lugar
C. May malalaki itong kagubatan
D. Binubuo ito ng maraming pulo
10. Ano ang magandang epekto ng pagkakaroon natin ng
malawak na katubigan?
A. Ito ay maaaring maging daanan ng mga kalakal.
B. Ito ay mainam para sa pagbabangka o pagbibiyahe.
C. Ito ay maaaring pagkakitaan sa pamamagitan ng
pangingisda.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
4 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7
Aralin
1
Kapuluan: Dulot ay
Kaunlaran
IMATCH MO KO
Pagtambalin ang hanay A sa hanay B. Isulat lamang ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel. Gawin ito sa loob ng 3 minuto.
A B
____1. Ito ay mataas na anyong lupa ngunit may A. talampas
butas sa gitna at naglalabas ng mainit na lava
____2. Ito ay anyong lupa na mas mababa kaysa sa B. pulo
bundok at bulkan.
____3. Ito ay patag o pantay at malawak na C. kapatagan
na anyong lupa
____4. Ito ay anyong lupa na napapaligiran ng tubig D. burol
____5. Isang anyong lupa na patag ang ibabaw E. bulkan
Balikan
5 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7
AH MAZE ME
Saan matatagpuan ang mga anyong tubig? Hanapin sa
pamamagitan ng isang maze. Bakatin ito gamit ang iyong kamay at
isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel. Gawin ito sa loob ng 2
minuto.
B
A C
Isa sa
pinakatanyag
na talon sa
bansa na
matatagpuan sa
Laguna.
1
May
malapulbos na
dalampasigan
at malakristal
na tubig.
Dinarayo ito ng
mga turista.
2
Kahanga-
hangang
talon sa
bansa na
matatagpuan
sa Mindanao.
3
Pagsanjan Falls
Boracay
Maria
Christina
Falls
6 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7
Basahin ang maikling tula. Gawin ito sa loob ng 3 minuto.
Tuklasin
1. Saan tungkol ang tula?
2. Ano-ano ang katangiang pisikal ng Pilipinas?
3. Paano mo maipagmamalaki ang mga katangiang pisikal ng
ating bansa?
4. Bakit mahalaga ang pagiging kapuluan ng Pilipinas?
Ngayon ay handa ka na para tumuklas ng panibagong
mga kaalaman. Pag-aralan ang sumusunod na impormasyon
tungkol sa mga katangian pisikal ng Pilipinas at ang
kahalagahan nito sa pag-unlad ng bansa upang masagot mo
ang mga katanungan.
KAPULUAN: DULOT AY KAUNLARAN
(By: Emma A. Jadie)
Pilipinas aking lupang sinilangan,
Ikaw ay mahal ng lahat ng sanlibutan;
Mga dayuhan sayo’y nagsipuntahan,
Sila’y nabighani sa likas mong kagandahan.
Pilipinas ika’y tinawag na kapuluan,
Taglay ang gandang pisikal na katangian;
Sa bawat puso ng iyong mamamayan,
Ipinagmamalaki ka kahit kanino man.
Pilipinas nasa sayo ang solusyon,
Problema sa bansa ikaw ang aahon;
Turismo, ekonomiya sayo nakatuon,
Kaunlaran mo, iyong ibabangon.
Pilipinas wala na ngang hahanapin pa
Sa lahat ng bansa, taglay mo’y kakaiba
Darating na salinlahi sa iyo’y umaasa
Naway kaligtasan mo ngayo’y ibigay na.
7 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7
Basahin at unawain ang mga impormasyon. Gawin ito sa loob ng 15
minuto.
Ano-ano ang katangiang pisikal ng bansa na maaari mong
ipagmalaki? Pagmasdan ang mapang pisikal ng Pilipinas.
Ang Pilipinas ay isang arkipelago. Ito ay binubuo ng malalaki at
maliliit na mga pulo at napapaligiran ng mga anyong tubig. Ang pagiging
arkipelago ng bansa ay may malaking pakinabang sa pag unlad nito.
Ang magihit 7 641 pulo ng Pilipinas ay nagbibigay rito ng marami
at mahabang dalampasigan. Marami ang maaaring maging daungan at
kanlungan. Nagbibigay din ito ng yamang dagat na may malaking
pakinabang sa kabuhayan. Ang bansa ay may iba’t-ibang anyong lupa
at sagana sa likas na yaman. Ang mga ito ang pinagkukunan ng
pangangailangan at ginagamit sa paglikha ng produkto. Mas
mauunawaan ito kung iisa-isahin ang kahalagahan ng mga katangiang
pisikal na taglay ng ating bansa.
Suriin
8 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7
Pag-aralan ang mga anyong lupa at anyong tubig at ang ilan sa
pakinabang ng mga ito na makikita sa talahanayan.
Anyong Lupa/Tubig Pakinabang
Kapatagan
talampas
Mahalaga ang mga kapatagan at
talampas dahil ang mga ito ang
malalaking taniman ng mga palay,
tubo, mais at marami pang iba.
Nagsisilbi ding itong pastulan ng
baka, kalabaw at kambing.
bulubundukin
Mahalaga ang mga bulubundukin
dahil ang mga ito ay nagsisilbing
panangga sa mga bagyo. Tulad ng
kapatagan, ito ay nagsisilbi ding
taniman at pastulan.
bulkan
Mataba ang lupa sa palibot ng
bulkan kaya’t mainam ito gawing
taniman. Ang mga lugar malapit
dito ay nagsisilbi ding atraksyon sa
mga turista tulad na lamang ng
Cagsawa sa lalawigan ng Albay sa
Bicol.
dalampasigan
ilog
lawa
talon
Ang mga anyong tubig na ito ay
ang pinagkukunan ng hipon,
talaba, isda at iba pa Malaking
tulong ito sa kabuhayan at
industriya ng pangingisda. Ang
talon ay maaaring mapagkunan ng
lakas enerhiya samantalang ang
mga dalampasigan naman ay
maaring gawing resort, pasyalan o
lugar para sa piknik.
Malaki ang biyayang dala ng katangiang pisikal ng Pilipinas dahil
sa nakukuhang pakinabang ng mga mamamayan mula sa kapaligiran
niya. Ano pa ba ang ibang pakinabang na maaaring makuha mula sa
pagiging hitik ng bansa sa likas na yaman?
9 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7
Isa ang turismo sa nagbibigay tulong sa pag-unlad ng Pilipinas.
Ang pagbisita ng mga turista sa mga pook pasyalan, banyaga man o
lokal na turista ay nagbibigay ng kita sa lokal na pamahalaan.
Tinatangkilik ng mga bisita ang mga mabibiling produkto, ligtas na mga
tinutuluyan o hotel, magagandang pasilidad at maayos na serbisyo. Ito
ay nakapagbibigay din ng hanapbuhay sa lokal na mamamayan at
malaking tulong ito upang maragdagan ang bilang ng mayroong trabaho
sa bansa.
Ang pagdagsa ng turistang bumisita sa magagandang tanawin ng
bansa ay may epekto sa pag angat ng ekonomiya. Ito ay nakatutulong
upang lalo pang mapainam ang mga ipinapagawang imprastraktura at
ang pagsasaayos ng mga paliparan, mga daungan at terminal ng mga
bus. Ang nakakahalinang likas na yaman, ang mayamang kultura at ang
mainit na pagtanggap natin sa mga bisita ang dahilan kung bakit
binabalik balikan ng mga turista ang Pilipinas.
Tingnan ang presentasyon tungkol sa turismo para mas lubos na
maunawaan ang kahalagahan ng mga katangiang pisikal sa turismo.
TURISMO
mayaman na katubigan
na may mahaba at
mapuputing
dalampasigang maaaring
paliguan at pagkakitaan
katulad ng:
pangingisda
pagbabangka
pagbibiyahe
mga anyong lupa na may
pakinabang at kaagapay
sa pagsulong ng kaunlaran
gaya ng:
pagsasaka
transportasyon
10 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7
GAWAIN A: GUESS THAT SYMBOL
Palitan ang mga simbolo ng mga salitang katumbas nito upang mabuo
ang mga konseptong napag-aralan. Isulat ang mga konseptong nabuo
sa iyong sagutang papel. Gawin ito sa loob ng 5 minuto.
1. Ang Pilipinas ay isang __________.
2. Ito ay kilala rin sa tawag na_____________ o isang anyong lupa
na binubuo ng malalaki at maliliit na mga pulo.
3. Binubuo ang bansa ng malalawak na ___________, mahahabang
_____________, nakabibighaning mga __________ at bulkan,
napakagandang mga ______________ nakahihikayat na mga
__________ at __________ at malalaki at maliliit na mga
___________.
4. Malaki ang pakinabang ng bansa sa ____________ nito.
5. Maraming magagandang tanawing dulot ng _____________ ng
bansa ang dinarayo ng mga __________.
katangiang pisikal arkipelago
kapatagan turismo
kabundukan bulubundukin
talon dalampasigan
kapuluan pulo
Ilog turista
Pagyamanin
11 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7
GAWAIN B: PLUS OR MINUS POINT
Lagyan ng plus sign ( + ) kung ang kalagayan ay nagsasaad ng
kahalagahan ng katangiang pisikal ng Pilipinas minus sign ( ▬) kung
hindi. Ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel. Gawin ito sa loob ng 3
minuto.
_____1. Nakatira sa tabing-dagat ang mag-anak ni Mang Joselito. Araw-
araw siyang nanghuhuli ng isda upang may maibenta. Dahil
dito, napagtapos niya ang kaniyang mga anak sa pag-aaral.
_____2. Madalas daanan ng bagyo ang lugar nina Emma. Malapit sila
sa mga bukubundukin. Ang bahay nila ay ligtas dahil
nagsisilbing panangga sa bagyo ang mga bundok.
_____3. Maraming naninirahan sa may baybayin ngunit hindi ligtas sa
tuwing may nagbabadyang storm surge.
_____4. Ang inyong lugar ay may malawak na kapatagan. Maraming
mga magsasaka ang nagiginhawahan dito dahil mainam ito na
taniman ng palay .
_____5. Maganda ang Bulkan Mayon ngunit nagdadala ito ng panganib
sa tuwing pumuputok.
12 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7
GAWAIN A: FILL ME
Punan ang Fact Storming Web ng mga kahalagahan ng pagkakaroon ng
bansa ng iba’t ibang anyong kalupaan. Isulat ang sagot sa sagutang
papel. Gawin ito sa loob ng 5 minuto.
Isaisip
Kahalagahan
ng Kalupaan
2. Matataas na
kabundukan
3.
Magagandang
bulkan
4. Mahahabang
bulubundukin
1. Malalawak
na kapatagan
13 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7
GAWAIN B: LET ME ORGANIZE
Gamit ang graphic organizer isulat kung paano nakatutulong ang
mga anyong tubig sa pag-unlad ng Pilipinas. Isulat ang sagot sa
sagutang papel. Gawin ito sa loob ng 5 minuto.
Punan ng sariling paliwanag ang scroll upang maipakita ang iyong
pagpapahalaga sa mga katangiang pisikal na nakikita mo sa iyong
paligid o sariling lugar. Gawin ito sa loob ng 2 minuto.
Isagawa
KAHALAGAHAN NG ANYONG TUBIG
KABUHAYAN
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
TURISMO
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
____________________
IBA PANG KAHALAGAHAN
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
Bilang isang kabataang Pilipino ang aking magagawa para
mapahalagahan ang mga katangiang pisikal ng aking paligid ay
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
14 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7
A. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang
papel. Gawin ito sa loob ng 5 minuto.
1. Ano ang pangunahing pakinabang ng pagkakaroon ng Pilipinas ng
iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig?
A. Naging tanyag ang Pilipinas sa ibang bansa.
B. Naging maunlad ang bansa sa larangan ng turismo at
ekonomiya
C. Naging matao sa Pilipinas dahil maganda ang mga anyong
tubig at lupa
D. Naging mayaman ang Pilipinas dahil sa mga magagandang
tanawin
2. Ang mga ilog, dagat, lawa at iba pang anyong tubig ay nagsisilbing
_____________ ng mga Pilipino at mga turista lalo na kung tag-
init.
A. pasyalan, piknikan
B. dausan ng miting
C. tapunan ng basura
D. dausan ng konsyerto
3. Piliin ang mga pangunahing dahilan kung bakit naaakit ang mga
turista na pumunta at manirahan sa ating bansa?
I. Dahil sa mga likas na yaman ng Pilipinas
II. Dahil sa mga katangiang pisikal ng Pilipinas
III. Dahil sa natural na kagandahan ng Pilipinas
IV. Dahil sa mayamang kultura at tradisyon ng Pilipinas
A. I at II
B. I, II at III
C. II at III
D. I, II, III at IV
Tayahin
15 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7
4. Sa paanong paraan nakatutulong ang mahahabang bulubundukin
sa mga taong nakatira malapit dito?
A. Nagsisilbing taguan kapag may dumarating na mga kalaban
B. Nagsisilbing tirahan ng mga taong walang matirikan ng
bahay
C. Nagsisilbing taguan ng mga tao laban sa mga mababangis
na hayop.
D. Nagsisilbing panangga sa mga bagyo ang mahahabang
bulubundukin
5. Kung bubuo ka ng konklusiyon tungkol sa kaugnayan ng
kaunlaran ng bansa at ng katangiang pisikal ng Pilipinas bilang
isang kapuluan, ano ang maaari mong mabuo?
A. Ang kaunlaran ay nakasalalay sa likas na kapaligiran.
B. Likas na kagandahan ng Pilipinas ang pagiging kapuluan.
C. Ang pagiging kapuluan ng Pilipinas ay nagdudulot ng
kaunlaran.
D. Ang pagiging kapuluan ng Pilipinas dulot ay magandang
kalakalan.
16 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7
B. Ibigay ang kahalagahan ng sumusunod na mga katangiang pisikal
sa pag-unlad ng bansa. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Gawin
ito sa loob ng 5 minuto.
1. Malatsokolateng bulubundukin
2. Mabuhanging dalampasigan
3. Bulkang perpekto ang hugis
4. Rumaragasang tubig sa talon
5. Malawak na kapatagan
Katangiang Pisikal
Kahalagahan
Kahalagahan
Kahalagahan
Kahalagahan
Kahalagahan
17 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7
Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng isang lugar sa inyong
pamayanan na dinarayo ng ibang tao mula sa mga kalapit na barangay.
Lagyan ito ng sarili mong pamagat. Kulayan, pagandahin at iguhit ito sa
isang malinis na puting papel. Sa ibaba nito, isulat kung paano ito
nakatutulong sa pag-unlad ng sariling lugar.
Tingnan ang rubrik sa ibaba bilang iyong gabay sa pagguhit.
RUBRIK PARA SA POSTER
Pamantayan Pinakamahusay
(4)
Mahusay
(3)
Malilinang Pa
(2)
Nagsisimula Pa
(1)
Puntos
Mensahe
(30)
Napakahusay ng
nabuong mensahe
at naaayon sa tema
ang poster
May kahusayan
ang mensahe ng
nabuong poster
Di masyadong
malinaw ang
mensahe ng
poster at di
masyadong
naaayon sa tema
Di-nagawang
maipahayag ang
nais ipahatid na
mensahe
Pagsunod sa
mga
panuntunan
(20)
Lubusang nasunod
ang mga
panuntunan itinakda
sa pagguhit ng
poster
May isa o
dalawang
panunutunang
itinakda ang
hindi nasunod
Maraming
panunutunang
itinakda ang
hindi nasunod
Di-nasunod ang
mga panuntunan
itinakda sa
pagguhit ng
poster
Kalinisan ng
Gawa
(20)
Napakalinis at
madaling
maunawaan ang
poster na iginuhit
Malinis at
madaling
maunawaan ang
poster na iginuhit
May kaguluhang
ipinakita sa
poster na
naiguhit
Magulo ang
naiguhit na
poster
Kabuuang
presentasyon
(30)
Lubos na
nakapukaw ng
atraksiyon sa
nagmamasid ng
poster
Nakapukaw nga
atraksiyon
May kaunting
bahagi lamang
ang nakapukaw
ng atraksiyon
Di-nakapukaw
ng atraksiyon sa
nagmamasid ng
poster
Kabuuang Puntos 100%
Karagdagang Gawain
18 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7
Susi sa Pagwawasto
SUBUKIN
1.
B
2.
A
3.
B
4.
A
5.
A
6.
D
7.
B
8.
A
9.
D
10.
D
BALIKAN
A.
1.
E
2.
D
3.
C
4.
B
5.
A
B.
1.
B
2.
A
3.
C
TUKLASIN
Pagbasa
at
pag-unawa
sa
tula
PAYAMANIN
A.
Guess
that
Symbol
1.
kapuluan
2.
arkipelago
3.
kapatagan,
bulubundukin,
kabundukan,
dalampasigan,
ilog,
talon,
pulo
4.
turismo,
5.
katangiang
pisikal
,
turista,
bansa
B.
Plus
Minus
Point
1.
+
2.
+
3.
▬
4.
+
5.
▬
TAYAHIN
A
1.
B
2.
A
3.
D
4.
D
5.
C
B.
1.panangga
sa
bagyo
2.pasyalan/libangan/
pahingahan
3.
pasyalan
4.Languyan/
libangan/
pasyalan/
tanawin/
planta
ng
kuryente
5.
taniman/sakahan
ISAISIP
Gawain
A
A.
FILL
ME
1.
taniman,
daanan/transportasyon
2.
pasyalan/
libangan/pastolan
ng
hayop
3.
pasyalan,
taniman
4.
panangga
sa
bagyo,
pahingahan,
taniman,
pasyalan
Gawain
B
LET
ME
ORGANIZE
Kabuhayan-
ang
mga
katubigan
maaaring
pagkakitaan
katulad
ng:
pangingisda,
pagbabangka,
pagbibiyahe,
pasyalan
at
ruta
ng
kalakalan
Turismo
-
Dahil
sa
katangiang
pisikal
ng
Pilipinas
taglay
nito
ang
mga
likas
na
kagandahan
na
dahilan
upang
dayuhin
ng
mga
turista.
Ito
ay
dagdag
kita
sa
lokal
na
pamahalaan
dahil
sa
pagbayad
sa
serbisyo
ng
pinupuntahang
lugar,
pagbili
ng
lokal
na
produkto
at
pagkain
at
paglago
ng
lokal
na
negosyo.
Maari
ring
makilala
ang
lokal
na
turismo
sa
bansa
at
maging
sa
ibang
bansa.
Iba
pang
Kahalagahan
Answers
may
vary
(Accept
possible
answers)
ISAGAWA
(accept
possible
answers)
19 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7
Sanggunian
Learner’s Material, pp. 108–114 K to 12, AP4AAB-Ii-j-12; AP4AAB-Ij-13
20 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

More Related Content

What's hot

EPP Q1 Aralin 1-5.pptx
EPP Q1 Aralin 1-5.pptxEPP Q1 Aralin 1-5.pptx
EPP Q1 Aralin 1-5.pptx
Lea Camacho
 
Filipino 5 Grade 5 1st Quarter Yunit 1 Week 1 Day 1 to 5
Filipino 5 Grade 5 1st Quarter Yunit 1 Week 1  Day 1 to 5Filipino 5 Grade 5 1st Quarter Yunit 1 Week 1  Day 1 to 5
Filipino 5 Grade 5 1st Quarter Yunit 1 Week 1 Day 1 to 5
DepEd - San Carlos City (Pangasinan)
 
Ang Komunidad
Ang KomunidadAng Komunidad
Ang Komunidad
RitchenMadura
 
Aralin 3 mga pakinabang na pang ekonomiko ng mga likas na yaman
Aralin 3 mga pakinabang na pang ekonomiko ng mga likas na yamanAralin 3 mga pakinabang na pang ekonomiko ng mga likas na yaman
Aralin 3 mga pakinabang na pang ekonomiko ng mga likas na yaman
EDITHA HONRADEZ
 
1st...panghalip pamatlig
1st...panghalip  pamatlig1st...panghalip  pamatlig
1st...panghalip pamatlig
chelliemitchie
 
Filipino - Sanhi at Bunga
Filipino - Sanhi at BungaFilipino - Sanhi at Bunga
Filipino - Sanhi at Bunga
Jan Lee Nagal
 
K TO 12 GRADE 4 IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 4 IKALAWANG  LAGUMANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 4 IKALAWANG  LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 4 IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT
LiGhT ArOhL
 
Ang Watawat ng Pilipinas
Ang Watawat ng PilipinasAng Watawat ng Pilipinas
Ang Watawat ng Pilipinas
MAILYNVIODOR1
 
Distansiya at Lokasyon
Distansiya at LokasyonDistansiya at Lokasyon
Distansiya at Lokasyon
RitchenMadura
 
Filipino 6 dlp 10 mga pangyayari, pagsunud-sunurin natin
Filipino 6 dlp 10   mga pangyayari, pagsunud-sunurin natinFilipino 6 dlp 10   mga pangyayari, pagsunud-sunurin natin
Filipino 6 dlp 10 mga pangyayari, pagsunud-sunurin natin
Alice Failano
 
Pangangalaga sa Kapaligiran ng Aking Komunidad
Pangangalaga sa Kapaligiran ng Aking KomunidadPangangalaga sa Kapaligiran ng Aking Komunidad
Pangangalaga sa Kapaligiran ng Aking Komunidad
JessaMarieVeloria1
 
EPP-HE-TUNGKULIN SA SARILI.pdf
EPP-HE-TUNGKULIN SA SARILI.pdfEPP-HE-TUNGKULIN SA SARILI.pdf
EPP-HE-TUNGKULIN SA SARILI.pdf
Jay Cris Miguel
 
Filipino 3 Yunit III Aralin 1 Pagtukoy ng Tambalang Salita
Filipino 3 Yunit III Aralin 1 Pagtukoy ng Tambalang SalitaFilipino 3 Yunit III Aralin 1 Pagtukoy ng Tambalang Salita
Filipino 3 Yunit III Aralin 1 Pagtukoy ng Tambalang Salita
Desiree Mangundayao
 
Filipino 6 dlp 8 pagbibigay ng maaaring kalabasan
Filipino 6 dlp 8   pagbibigay ng maaaring kalabasanFilipino 6 dlp 8   pagbibigay ng maaaring kalabasan
Filipino 6 dlp 8 pagbibigay ng maaaring kalabasan
Alice Failano
 
Mga tula at awit
Mga tula at awitMga tula at awit
Mga tula at awit
Sabrina Par
 
Mga panahon at kalamidad sa aking komunidad
Mga panahon at kalamidad sa aking komunidadMga panahon at kalamidad sa aking komunidad
Mga panahon at kalamidad sa aking komunidad
Pinoy Homeschooling
 
Mga uri ng panahon science 3
Mga uri ng panahon science 3Mga uri ng panahon science 3
Mga uri ng panahon science 3
whengguyflores
 
Filipino Grade 4 1st Quarter Week 1
Filipino Grade 4 1st Quarter Week 1Filipino Grade 4 1st Quarter Week 1
Filipino Grade 4 1st Quarter Week 1
DepEd - San Carlos City (Pangasinan)
 
Tambalang Salita.pptx
Tambalang Salita.pptxTambalang Salita.pptx
Tambalang Salita.pptx
DaizeDelfin
 

What's hot (20)

EPP Q1 Aralin 1-5.pptx
EPP Q1 Aralin 1-5.pptxEPP Q1 Aralin 1-5.pptx
EPP Q1 Aralin 1-5.pptx
 
Filipino 5 Grade 5 1st Quarter Yunit 1 Week 1 Day 1 to 5
Filipino 5 Grade 5 1st Quarter Yunit 1 Week 1  Day 1 to 5Filipino 5 Grade 5 1st Quarter Yunit 1 Week 1  Day 1 to 5
Filipino 5 Grade 5 1st Quarter Yunit 1 Week 1 Day 1 to 5
 
Ang Komunidad
Ang KomunidadAng Komunidad
Ang Komunidad
 
Aralin 3 mga pakinabang na pang ekonomiko ng mga likas na yaman
Aralin 3 mga pakinabang na pang ekonomiko ng mga likas na yamanAralin 3 mga pakinabang na pang ekonomiko ng mga likas na yaman
Aralin 3 mga pakinabang na pang ekonomiko ng mga likas na yaman
 
1st...panghalip pamatlig
1st...panghalip  pamatlig1st...panghalip  pamatlig
1st...panghalip pamatlig
 
Filipino - Sanhi at Bunga
Filipino - Sanhi at BungaFilipino - Sanhi at Bunga
Filipino - Sanhi at Bunga
 
K TO 12 GRADE 4 IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 4 IKALAWANG  LAGUMANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 4 IKALAWANG  LAGUMANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 4 IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT
 
Ang Watawat ng Pilipinas
Ang Watawat ng PilipinasAng Watawat ng Pilipinas
Ang Watawat ng Pilipinas
 
Distansiya at Lokasyon
Distansiya at LokasyonDistansiya at Lokasyon
Distansiya at Lokasyon
 
Filipino 6 dlp 10 mga pangyayari, pagsunud-sunurin natin
Filipino 6 dlp 10   mga pangyayari, pagsunud-sunurin natinFilipino 6 dlp 10   mga pangyayari, pagsunud-sunurin natin
Filipino 6 dlp 10 mga pangyayari, pagsunud-sunurin natin
 
Pangangalaga sa Kapaligiran ng Aking Komunidad
Pangangalaga sa Kapaligiran ng Aking KomunidadPangangalaga sa Kapaligiran ng Aking Komunidad
Pangangalaga sa Kapaligiran ng Aking Komunidad
 
EPP-HE-TUNGKULIN SA SARILI.pdf
EPP-HE-TUNGKULIN SA SARILI.pdfEPP-HE-TUNGKULIN SA SARILI.pdf
EPP-HE-TUNGKULIN SA SARILI.pdf
 
Filipino 3 Yunit III Aralin 1 Pagtukoy ng Tambalang Salita
Filipino 3 Yunit III Aralin 1 Pagtukoy ng Tambalang SalitaFilipino 3 Yunit III Aralin 1 Pagtukoy ng Tambalang Salita
Filipino 3 Yunit III Aralin 1 Pagtukoy ng Tambalang Salita
 
Filipino 6 dlp 8 pagbibigay ng maaaring kalabasan
Filipino 6 dlp 8   pagbibigay ng maaaring kalabasanFilipino 6 dlp 8   pagbibigay ng maaaring kalabasan
Filipino 6 dlp 8 pagbibigay ng maaaring kalabasan
 
Mga tula at awit
Mga tula at awitMga tula at awit
Mga tula at awit
 
Mga panahon at kalamidad sa aking komunidad
Mga panahon at kalamidad sa aking komunidadMga panahon at kalamidad sa aking komunidad
Mga panahon at kalamidad sa aking komunidad
 
Mga uri ng panahon science 3
Mga uri ng panahon science 3Mga uri ng panahon science 3
Mga uri ng panahon science 3
 
ESP module
ESP module ESP module
ESP module
 
Filipino Grade 4 1st Quarter Week 1
Filipino Grade 4 1st Quarter Week 1Filipino Grade 4 1st Quarter Week 1
Filipino Grade 4 1st Quarter Week 1
 
Tambalang Salita.pptx
Tambalang Salita.pptxTambalang Salita.pptx
Tambalang Salita.pptx
 

Similar to AP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdf

AP4_Q2_Mod3_Mga Hamong Pangkabuhayan sa.PDF
AP4_Q2_Mod3_Mga Hamong Pangkabuhayan sa.PDFAP4_Q2_Mod3_Mga Hamong Pangkabuhayan sa.PDF
AP4_Q2_Mod3_Mga Hamong Pangkabuhayan sa.PDF
yrrallarry
 
AP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdf
AP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdfAP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdf
AP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdf
josefadrilan2
 
AP4_q1_mod5_HeograpiyangTaglayBiyayangTunay-v2.pdf
AP4_q1_mod5_HeograpiyangTaglayBiyayangTunay-v2.pdfAP4_q1_mod5_HeograpiyangTaglayBiyayangTunay-v2.pdf
AP4_q1_mod5_HeograpiyangTaglayBiyayangTunay-v2.pdf
Angelika B.
 
AP4_Q2_Mod1_ Pakinabang Pang-ekonomiko ng Likas na Yaman ng Pilipinas.pdf
AP4_Q2_Mod1_ Pakinabang Pang-ekonomiko ng Likas na Yaman ng Pilipinas.pdfAP4_Q2_Mod1_ Pakinabang Pang-ekonomiko ng Likas na Yaman ng Pilipinas.pdf
AP4_Q2_Mod1_ Pakinabang Pang-ekonomiko ng Likas na Yaman ng Pilipinas.pdf
yrrallarry
 
AP7_Q1_Module-4_ImplikasyonngLikasnaYamansaPamumuhayngmgaAsyano_v2.pdf
AP7_Q1_Module-4_ImplikasyonngLikasnaYamansaPamumuhayngmgaAsyano_v2.pdfAP7_Q1_Module-4_ImplikasyonngLikasnaYamansaPamumuhayngmgaAsyano_v2.pdf
AP7_Q1_Module-4_ImplikasyonngLikasnaYamansaPamumuhayngmgaAsyano_v2.pdf
RoselynAnnPineda
 
AP7_Q1_Module-6_KomposisyonngPopulasyonatKahalagahanngYamangTaosaAsya.pdf
AP7_Q1_Module-6_KomposisyonngPopulasyonatKahalagahanngYamangTaosaAsya.pdfAP7_Q1_Module-6_KomposisyonngPopulasyonatKahalagahanngYamangTaosaAsya.pdf
AP7_Q1_Module-6_KomposisyonngPopulasyonatKahalagahanngYamangTaosaAsya.pdf
RoselynAnnPineda
 
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdfAP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
VANESSA647350
 
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdfAP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
FranciscoVelasquezJr1
 
AP7_Q1_Module-5_PangangalagasaTimbangnaKalagayangEkolohikongAsya.pdf
AP7_Q1_Module-5_PangangalagasaTimbangnaKalagayangEkolohikongAsya.pdfAP7_Q1_Module-5_PangangalagasaTimbangnaKalagayangEkolohikongAsya.pdf
AP7_Q1_Module-5_PangangalagasaTimbangnaKalagayangEkolohikongAsya.pdf
RoselynAnnPineda
 
AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdf
AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdfAP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdf
AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdf
josefadrilan2
 
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdfARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
KristineDelaCruz50
 
AP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdf
AP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdfAP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdf
AP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdf
DianaRoseDelaCruz6
 
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayan
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayanMay 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayan
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayan
jaibongs
 
AP5-q1wk2-modyul2-Pinagmulan-ng-Pilipinas.pdf
AP5-q1wk2-modyul2-Pinagmulan-ng-Pilipinas.pdfAP5-q1wk2-modyul2-Pinagmulan-ng-Pilipinas.pdf
AP5-q1wk2-modyul2-Pinagmulan-ng-Pilipinas.pdf
josefadrilan2
 
Ap 4 lm q1
Ap 4 lm q1Ap 4 lm q1
Ap 4 lm q1
EDITHA HONRADEZ
 
Ap 4 lm q1
Ap 4 lm q1Ap 4 lm q1
Ap 4 lm q1
EDITHA HONRADEZ
 
-Suliranin sa sektor ng Agrikultura.docx
-Suliranin sa sektor ng Agrikultura.docx-Suliranin sa sektor ng Agrikultura.docx
-Suliranin sa sektor ng Agrikultura.docx
nalynGuantiaAsturias
 
Filipino
FilipinoFilipino
Ap10 q1 mod2_mga-isyung-pangkapaligiran_v2 pdf
Ap10 q1 mod2_mga-isyung-pangkapaligiran_v2 pdfAp10 q1 mod2_mga-isyung-pangkapaligiran_v2 pdf
Ap10 q1 mod2_mga-isyung-pangkapaligiran_v2 pdf
JenoGono4
 
K-Worksheet-Q1_W8.docx
K-Worksheet-Q1_W8.docxK-Worksheet-Q1_W8.docx
K-Worksheet-Q1_W8.docx
NaToyLalongisip
 

Similar to AP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdf (20)

AP4_Q2_Mod3_Mga Hamong Pangkabuhayan sa.PDF
AP4_Q2_Mod3_Mga Hamong Pangkabuhayan sa.PDFAP4_Q2_Mod3_Mga Hamong Pangkabuhayan sa.PDF
AP4_Q2_Mod3_Mga Hamong Pangkabuhayan sa.PDF
 
AP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdf
AP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdfAP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdf
AP5q1wk1-modyul1-Kaugnayan-ng-Lokasyon-sa-paghubog-ng-Kasaysayan.pdf
 
AP4_q1_mod5_HeograpiyangTaglayBiyayangTunay-v2.pdf
AP4_q1_mod5_HeograpiyangTaglayBiyayangTunay-v2.pdfAP4_q1_mod5_HeograpiyangTaglayBiyayangTunay-v2.pdf
AP4_q1_mod5_HeograpiyangTaglayBiyayangTunay-v2.pdf
 
AP4_Q2_Mod1_ Pakinabang Pang-ekonomiko ng Likas na Yaman ng Pilipinas.pdf
AP4_Q2_Mod1_ Pakinabang Pang-ekonomiko ng Likas na Yaman ng Pilipinas.pdfAP4_Q2_Mod1_ Pakinabang Pang-ekonomiko ng Likas na Yaman ng Pilipinas.pdf
AP4_Q2_Mod1_ Pakinabang Pang-ekonomiko ng Likas na Yaman ng Pilipinas.pdf
 
AP7_Q1_Module-4_ImplikasyonngLikasnaYamansaPamumuhayngmgaAsyano_v2.pdf
AP7_Q1_Module-4_ImplikasyonngLikasnaYamansaPamumuhayngmgaAsyano_v2.pdfAP7_Q1_Module-4_ImplikasyonngLikasnaYamansaPamumuhayngmgaAsyano_v2.pdf
AP7_Q1_Module-4_ImplikasyonngLikasnaYamansaPamumuhayngmgaAsyano_v2.pdf
 
AP7_Q1_Module-6_KomposisyonngPopulasyonatKahalagahanngYamangTaosaAsya.pdf
AP7_Q1_Module-6_KomposisyonngPopulasyonatKahalagahanngYamangTaosaAsya.pdfAP7_Q1_Module-6_KomposisyonngPopulasyonatKahalagahanngYamangTaosaAsya.pdf
AP7_Q1_Module-6_KomposisyonngPopulasyonatKahalagahanngYamangTaosaAsya.pdf
 
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdfAP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
 
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdfAP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
AP4_q1_mod1_IsangBansaAngPilipinas,IsigawNangMalakas!_v2.pdf
 
AP7_Q1_Module-5_PangangalagasaTimbangnaKalagayangEkolohikongAsya.pdf
AP7_Q1_Module-5_PangangalagasaTimbangnaKalagayangEkolohikongAsya.pdfAP7_Q1_Module-5_PangangalagasaTimbangnaKalagayangEkolohikongAsya.pdf
AP7_Q1_Module-5_PangangalagasaTimbangnaKalagayangEkolohikongAsya.pdf
 
AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdf
AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdfAP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdf
AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdf
 
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdfARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
ARPA 4-Q1-Mod-1-ANG-PILIPINAS-AY-ISANG-BANSA for printing.pdf
 
AP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdf
AP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdfAP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdf
AP-4_Q1_W1_Mod1_Ang-Pilipinas-ay-Isang-Bansa (1).pdf
 
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayan
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayanMay 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayan
May 28 ap10 q4 mod4_papel ng mamamayan
 
AP5-q1wk2-modyul2-Pinagmulan-ng-Pilipinas.pdf
AP5-q1wk2-modyul2-Pinagmulan-ng-Pilipinas.pdfAP5-q1wk2-modyul2-Pinagmulan-ng-Pilipinas.pdf
AP5-q1wk2-modyul2-Pinagmulan-ng-Pilipinas.pdf
 
Ap 4 lm q1
Ap 4 lm q1Ap 4 lm q1
Ap 4 lm q1
 
Ap 4 lm q1
Ap 4 lm q1Ap 4 lm q1
Ap 4 lm q1
 
-Suliranin sa sektor ng Agrikultura.docx
-Suliranin sa sektor ng Agrikultura.docx-Suliranin sa sektor ng Agrikultura.docx
-Suliranin sa sektor ng Agrikultura.docx
 
Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
Ap10 q1 mod2_mga-isyung-pangkapaligiran_v2 pdf
Ap10 q1 mod2_mga-isyung-pangkapaligiran_v2 pdfAp10 q1 mod2_mga-isyung-pangkapaligiran_v2 pdf
Ap10 q1 mod2_mga-isyung-pangkapaligiran_v2 pdf
 
K-Worksheet-Q1_W8.docx
K-Worksheet-Q1_W8.docxK-Worksheet-Q1_W8.docx
K-Worksheet-Q1_W8.docx
 

More from Angelika B.

E-Governance in Africa From Theory to Action a Handbook on icts for Local Gov...
E-Governance in Africa From Theory to Action a Handbook on icts for Local Gov...E-Governance in Africa From Theory to Action a Handbook on icts for Local Gov...
E-Governance in Africa From Theory to Action a Handbook on icts for Local Gov...
Angelika B.
 
Computer Viruses and Malware by John Aycock (auth.) (z-lib.org).pdf
Computer Viruses and Malware by John Aycock (auth.) (z-lib.org).pdfComputer Viruses and Malware by John Aycock (auth.) (z-lib.org).pdf
Computer Viruses and Malware by John Aycock (auth.) (z-lib.org).pdf
Angelika B.
 
globalization.pptx
globalization.pptxglobalization.pptx
globalization.pptx
Angelika B.
 
AP4_q1_mod6_LagingHanda_v2.pdf
AP4_q1_mod6_LagingHanda_v2.pdfAP4_q1_mod6_LagingHanda_v2.pdf
AP4_q1_mod6_LagingHanda_v2.pdf
Angelika B.
 
grade-6-q1-m2-div.pdf
grade-6-q1-m2-div.pdfgrade-6-q1-m2-div.pdf
grade-6-q1-m2-div.pdf
Angelika B.
 
grade-6-q1-m1-div.pdf
grade-6-q1-m1-div.pdfgrade-6-q1-m1-div.pdf
grade-6-q1-m1-div.pdf
Angelika B.
 
Ap 4 pinuno at proyekto ng pamahalaan
Ap 4 pinuno at proyekto ng pamahalaanAp 4 pinuno at proyekto ng pamahalaan
Ap 4 pinuno at proyekto ng pamahalaan
Angelika B.
 

More from Angelika B. (7)

E-Governance in Africa From Theory to Action a Handbook on icts for Local Gov...
E-Governance in Africa From Theory to Action a Handbook on icts for Local Gov...E-Governance in Africa From Theory to Action a Handbook on icts for Local Gov...
E-Governance in Africa From Theory to Action a Handbook on icts for Local Gov...
 
Computer Viruses and Malware by John Aycock (auth.) (z-lib.org).pdf
Computer Viruses and Malware by John Aycock (auth.) (z-lib.org).pdfComputer Viruses and Malware by John Aycock (auth.) (z-lib.org).pdf
Computer Viruses and Malware by John Aycock (auth.) (z-lib.org).pdf
 
globalization.pptx
globalization.pptxglobalization.pptx
globalization.pptx
 
AP4_q1_mod6_LagingHanda_v2.pdf
AP4_q1_mod6_LagingHanda_v2.pdfAP4_q1_mod6_LagingHanda_v2.pdf
AP4_q1_mod6_LagingHanda_v2.pdf
 
grade-6-q1-m2-div.pdf
grade-6-q1-m2-div.pdfgrade-6-q1-m2-div.pdf
grade-6-q1-m2-div.pdf
 
grade-6-q1-m1-div.pdf
grade-6-q1-m1-div.pdfgrade-6-q1-m1-div.pdf
grade-6-q1-m1-div.pdf
 
Ap 4 pinuno at proyekto ng pamahalaan
Ap 4 pinuno at proyekto ng pamahalaanAp 4 pinuno at proyekto ng pamahalaan
Ap 4 pinuno at proyekto ng pamahalaan
 

AP4-q1-mod7_KapuluanDulotAyKaunlaran_v2.pdf

  • 2. Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 7: Kapuluan: Dulot ay Kaunlaran Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region V Office Address: Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500 Telefax: 0917 178 1288 E-mail Address: region5@deped.gov.ph Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Emma A. Jadie Editor: Ma. Leilani R. Lorico, Mary Roselyn D. Berja Tagasuri: Ana N. Calisura Jerry P. Ramirez Tagaguhit: Noel A. Perez Tagalapat: Edsel D. Doctama John Paul T. Dacillo Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad Francisco B. Bulalacao Jr. Grace U. Rabelas Ma. Leilani R. Lorico Marites B.Tongco
  • 3. 4 Araling Panlipunan Unang Markahan- Modyul 7: Kapuluan: Dulot ay Kaunlaran
  • 4. Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na it ay may inilaang Gabay sa Guro/ Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalaala, pantulong o estratihiyang magagamit ng mga magulang o kung simumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mga mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat Gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat din ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makakaranas ng suliranin sa pag- unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mga mag- aaral kahit wala sila sa paaralan.
  • 5. 1 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7 Mabibigyang pansin sa modyul na ito ang pagiging kapuluan ng Pilipinas. Ang pagkakaroon ng malalaki at maliliit na pulo na magkakahiwalay ay may mga kagandahang dulot sa ating bansa. Pero sa isang banda, mayroon din itong di-kagandahang dulot. Sa araling ito ay malalaman mo kung gaano ba kahalaga ang pagiging isang kapuluan ng Pilipinas. Mauunawaan mo kung paano ba nakatutulong sa pag-unlad ng isang bansa ang mga katangiang pisikal nito? Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pang-unawa sa pagkakakilanlan ng bansa ayon sa mga katangiang heograpikal gamit ang mapa. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay naipamamalas ang kasanayan sa paggamit ng mapa sa pagtukoy ng iba’t ibang lalawigan at rehiyon ng bansa. Pamantayan sa Pagkatuto Pagkatapos mong basahin ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang: Nakapagbibigay ng konklusyon tungkol sa kahalagahan ng mga katangiang pisikal sa pag-unlad ng bansa. Alamin
  • 6. 2 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7 Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel. Gawin ito sa loob ng 5 minuto. 1. Ang _______________ ay isang anyong lupa na napapaligiran ng anyong tubig. A. arkipelago B. pulo C. kapatagan D. bundok 2. Ang mga kapatagan ay angkop sa pagtatanim ng mga ________. A. palay, mais, mani, tubo, B. tabako, abaka, pili, strawberry C. pechay, repolyo, kangkong, gabi D. mangga, mahogany, narra, bakawan 3. Alin sa mga sumusunod ang maaring magsilbing panangga sa mga bagyong dumarating sa ating bansa? A. Matatarik na mga bangin B. Mahahabang bulubundukin C. Malalawak na mga kapatagan D. Matataas at aktibong mga bulkan 4. Ang mga bulkan na bagaman ay mapanganib ay maaari ring magsilbing _________ dahil sa angkin nitong kagandahan. A. pasyalan B. libingan C. pahingahan D. dausan ng konsyerto 5. Sa anong larangan maaaring makatulong sa pag-unlad ang mga naggagandahang anyong tubig at anyong lupa ng Pilipinas? A. turismo B. kalusugan C. edukasyon D. kapayapaan Subukin
  • 7. 3 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7 6. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig sa Pilipinas ay may malaking ambag sa ________________. A. Pagdami na populasyon ng bansa B. Pagbagsak ng ekonomiya ng bansa C. Pagtaas ng bilang ng krimen sa bansa D. Pag-unlad ng bansa lalo na sa larangan ng turismo 7. Ano ang magandang naidulot ng pagiging masagana ng bansa sa mga katangiang pisikal? A. kahinaan B. kaunlaran C. kakulangan D. kahirapan 8. Bakit maraming dayuhan ang pumupunta sa Pilipinas? A. Dahil sa likas na kagandahan nito B. Dahil maraming magagandang Pilipina dito C. Dahil maraming malalaking gusali sa bansa D. Dahil marami ang bilang ng populasyon sa Pilipinas 9. Paano mo mapapatunayan na ang Pilipinas ay isang arkipelago? A. Maraming itong katubigan B. May malalawak itong mga lugar C. May malalaki itong kagubatan D. Binubuo ito ng maraming pulo 10. Ano ang magandang epekto ng pagkakaroon natin ng malawak na katubigan? A. Ito ay maaaring maging daanan ng mga kalakal. B. Ito ay mainam para sa pagbabangka o pagbibiyahe. C. Ito ay maaaring pagkakitaan sa pamamagitan ng pangingisda. D. Lahat ng nabanggit ay tama.
  • 8. 4 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7 Aralin 1 Kapuluan: Dulot ay Kaunlaran IMATCH MO KO Pagtambalin ang hanay A sa hanay B. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel. Gawin ito sa loob ng 3 minuto. A B ____1. Ito ay mataas na anyong lupa ngunit may A. talampas butas sa gitna at naglalabas ng mainit na lava ____2. Ito ay anyong lupa na mas mababa kaysa sa B. pulo bundok at bulkan. ____3. Ito ay patag o pantay at malawak na C. kapatagan na anyong lupa ____4. Ito ay anyong lupa na napapaligiran ng tubig D. burol ____5. Isang anyong lupa na patag ang ibabaw E. bulkan Balikan
  • 9. 5 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7 AH MAZE ME Saan matatagpuan ang mga anyong tubig? Hanapin sa pamamagitan ng isang maze. Bakatin ito gamit ang iyong kamay at isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel. Gawin ito sa loob ng 2 minuto. B A C Isa sa pinakatanyag na talon sa bansa na matatagpuan sa Laguna. 1 May malapulbos na dalampasigan at malakristal na tubig. Dinarayo ito ng mga turista. 2 Kahanga- hangang talon sa bansa na matatagpuan sa Mindanao. 3 Pagsanjan Falls Boracay Maria Christina Falls
  • 10. 6 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7 Basahin ang maikling tula. Gawin ito sa loob ng 3 minuto. Tuklasin 1. Saan tungkol ang tula? 2. Ano-ano ang katangiang pisikal ng Pilipinas? 3. Paano mo maipagmamalaki ang mga katangiang pisikal ng ating bansa? 4. Bakit mahalaga ang pagiging kapuluan ng Pilipinas? Ngayon ay handa ka na para tumuklas ng panibagong mga kaalaman. Pag-aralan ang sumusunod na impormasyon tungkol sa mga katangian pisikal ng Pilipinas at ang kahalagahan nito sa pag-unlad ng bansa upang masagot mo ang mga katanungan. KAPULUAN: DULOT AY KAUNLARAN (By: Emma A. Jadie) Pilipinas aking lupang sinilangan, Ikaw ay mahal ng lahat ng sanlibutan; Mga dayuhan sayo’y nagsipuntahan, Sila’y nabighani sa likas mong kagandahan. Pilipinas ika’y tinawag na kapuluan, Taglay ang gandang pisikal na katangian; Sa bawat puso ng iyong mamamayan, Ipinagmamalaki ka kahit kanino man. Pilipinas nasa sayo ang solusyon, Problema sa bansa ikaw ang aahon; Turismo, ekonomiya sayo nakatuon, Kaunlaran mo, iyong ibabangon. Pilipinas wala na ngang hahanapin pa Sa lahat ng bansa, taglay mo’y kakaiba Darating na salinlahi sa iyo’y umaasa Naway kaligtasan mo ngayo’y ibigay na.
  • 11. 7 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7 Basahin at unawain ang mga impormasyon. Gawin ito sa loob ng 15 minuto. Ano-ano ang katangiang pisikal ng bansa na maaari mong ipagmalaki? Pagmasdan ang mapang pisikal ng Pilipinas. Ang Pilipinas ay isang arkipelago. Ito ay binubuo ng malalaki at maliliit na mga pulo at napapaligiran ng mga anyong tubig. Ang pagiging arkipelago ng bansa ay may malaking pakinabang sa pag unlad nito. Ang magihit 7 641 pulo ng Pilipinas ay nagbibigay rito ng marami at mahabang dalampasigan. Marami ang maaaring maging daungan at kanlungan. Nagbibigay din ito ng yamang dagat na may malaking pakinabang sa kabuhayan. Ang bansa ay may iba’t-ibang anyong lupa at sagana sa likas na yaman. Ang mga ito ang pinagkukunan ng pangangailangan at ginagamit sa paglikha ng produkto. Mas mauunawaan ito kung iisa-isahin ang kahalagahan ng mga katangiang pisikal na taglay ng ating bansa. Suriin
  • 12. 8 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7 Pag-aralan ang mga anyong lupa at anyong tubig at ang ilan sa pakinabang ng mga ito na makikita sa talahanayan. Anyong Lupa/Tubig Pakinabang Kapatagan talampas Mahalaga ang mga kapatagan at talampas dahil ang mga ito ang malalaking taniman ng mga palay, tubo, mais at marami pang iba. Nagsisilbi ding itong pastulan ng baka, kalabaw at kambing. bulubundukin Mahalaga ang mga bulubundukin dahil ang mga ito ay nagsisilbing panangga sa mga bagyo. Tulad ng kapatagan, ito ay nagsisilbi ding taniman at pastulan. bulkan Mataba ang lupa sa palibot ng bulkan kaya’t mainam ito gawing taniman. Ang mga lugar malapit dito ay nagsisilbi ding atraksyon sa mga turista tulad na lamang ng Cagsawa sa lalawigan ng Albay sa Bicol. dalampasigan ilog lawa talon Ang mga anyong tubig na ito ay ang pinagkukunan ng hipon, talaba, isda at iba pa Malaking tulong ito sa kabuhayan at industriya ng pangingisda. Ang talon ay maaaring mapagkunan ng lakas enerhiya samantalang ang mga dalampasigan naman ay maaring gawing resort, pasyalan o lugar para sa piknik. Malaki ang biyayang dala ng katangiang pisikal ng Pilipinas dahil sa nakukuhang pakinabang ng mga mamamayan mula sa kapaligiran niya. Ano pa ba ang ibang pakinabang na maaaring makuha mula sa pagiging hitik ng bansa sa likas na yaman?
  • 13. 9 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7 Isa ang turismo sa nagbibigay tulong sa pag-unlad ng Pilipinas. Ang pagbisita ng mga turista sa mga pook pasyalan, banyaga man o lokal na turista ay nagbibigay ng kita sa lokal na pamahalaan. Tinatangkilik ng mga bisita ang mga mabibiling produkto, ligtas na mga tinutuluyan o hotel, magagandang pasilidad at maayos na serbisyo. Ito ay nakapagbibigay din ng hanapbuhay sa lokal na mamamayan at malaking tulong ito upang maragdagan ang bilang ng mayroong trabaho sa bansa. Ang pagdagsa ng turistang bumisita sa magagandang tanawin ng bansa ay may epekto sa pag angat ng ekonomiya. Ito ay nakatutulong upang lalo pang mapainam ang mga ipinapagawang imprastraktura at ang pagsasaayos ng mga paliparan, mga daungan at terminal ng mga bus. Ang nakakahalinang likas na yaman, ang mayamang kultura at ang mainit na pagtanggap natin sa mga bisita ang dahilan kung bakit binabalik balikan ng mga turista ang Pilipinas. Tingnan ang presentasyon tungkol sa turismo para mas lubos na maunawaan ang kahalagahan ng mga katangiang pisikal sa turismo. TURISMO mayaman na katubigan na may mahaba at mapuputing dalampasigang maaaring paliguan at pagkakitaan katulad ng: pangingisda pagbabangka pagbibiyahe mga anyong lupa na may pakinabang at kaagapay sa pagsulong ng kaunlaran gaya ng: pagsasaka transportasyon
  • 14. 10 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7 GAWAIN A: GUESS THAT SYMBOL Palitan ang mga simbolo ng mga salitang katumbas nito upang mabuo ang mga konseptong napag-aralan. Isulat ang mga konseptong nabuo sa iyong sagutang papel. Gawin ito sa loob ng 5 minuto. 1. Ang Pilipinas ay isang __________. 2. Ito ay kilala rin sa tawag na_____________ o isang anyong lupa na binubuo ng malalaki at maliliit na mga pulo. 3. Binubuo ang bansa ng malalawak na ___________, mahahabang _____________, nakabibighaning mga __________ at bulkan, napakagandang mga ______________ nakahihikayat na mga __________ at __________ at malalaki at maliliit na mga ___________. 4. Malaki ang pakinabang ng bansa sa ____________ nito. 5. Maraming magagandang tanawing dulot ng _____________ ng bansa ang dinarayo ng mga __________. katangiang pisikal arkipelago kapatagan turismo kabundukan bulubundukin talon dalampasigan kapuluan pulo Ilog turista Pagyamanin
  • 15. 11 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7 GAWAIN B: PLUS OR MINUS POINT Lagyan ng plus sign ( + ) kung ang kalagayan ay nagsasaad ng kahalagahan ng katangiang pisikal ng Pilipinas minus sign ( ▬) kung hindi. Ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel. Gawin ito sa loob ng 3 minuto. _____1. Nakatira sa tabing-dagat ang mag-anak ni Mang Joselito. Araw- araw siyang nanghuhuli ng isda upang may maibenta. Dahil dito, napagtapos niya ang kaniyang mga anak sa pag-aaral. _____2. Madalas daanan ng bagyo ang lugar nina Emma. Malapit sila sa mga bukubundukin. Ang bahay nila ay ligtas dahil nagsisilbing panangga sa bagyo ang mga bundok. _____3. Maraming naninirahan sa may baybayin ngunit hindi ligtas sa tuwing may nagbabadyang storm surge. _____4. Ang inyong lugar ay may malawak na kapatagan. Maraming mga magsasaka ang nagiginhawahan dito dahil mainam ito na taniman ng palay . _____5. Maganda ang Bulkan Mayon ngunit nagdadala ito ng panganib sa tuwing pumuputok.
  • 16. 12 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7 GAWAIN A: FILL ME Punan ang Fact Storming Web ng mga kahalagahan ng pagkakaroon ng bansa ng iba’t ibang anyong kalupaan. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Gawin ito sa loob ng 5 minuto. Isaisip Kahalagahan ng Kalupaan 2. Matataas na kabundukan 3. Magagandang bulkan 4. Mahahabang bulubundukin 1. Malalawak na kapatagan
  • 17. 13 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7 GAWAIN B: LET ME ORGANIZE Gamit ang graphic organizer isulat kung paano nakatutulong ang mga anyong tubig sa pag-unlad ng Pilipinas. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Gawin ito sa loob ng 5 minuto. Punan ng sariling paliwanag ang scroll upang maipakita ang iyong pagpapahalaga sa mga katangiang pisikal na nakikita mo sa iyong paligid o sariling lugar. Gawin ito sa loob ng 2 minuto. Isagawa KAHALAGAHAN NG ANYONG TUBIG KABUHAYAN ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ TURISMO ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ IBA PANG KAHALAGAHAN ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________ Bilang isang kabataang Pilipino ang aking magagawa para mapahalagahan ang mga katangiang pisikal ng aking paligid ay ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________ ____________________________________________________
  • 18. 14 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7 A. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Gawin ito sa loob ng 5 minuto. 1. Ano ang pangunahing pakinabang ng pagkakaroon ng Pilipinas ng iba’t ibang anyong lupa at anyong tubig? A. Naging tanyag ang Pilipinas sa ibang bansa. B. Naging maunlad ang bansa sa larangan ng turismo at ekonomiya C. Naging matao sa Pilipinas dahil maganda ang mga anyong tubig at lupa D. Naging mayaman ang Pilipinas dahil sa mga magagandang tanawin 2. Ang mga ilog, dagat, lawa at iba pang anyong tubig ay nagsisilbing _____________ ng mga Pilipino at mga turista lalo na kung tag- init. A. pasyalan, piknikan B. dausan ng miting C. tapunan ng basura D. dausan ng konsyerto 3. Piliin ang mga pangunahing dahilan kung bakit naaakit ang mga turista na pumunta at manirahan sa ating bansa? I. Dahil sa mga likas na yaman ng Pilipinas II. Dahil sa mga katangiang pisikal ng Pilipinas III. Dahil sa natural na kagandahan ng Pilipinas IV. Dahil sa mayamang kultura at tradisyon ng Pilipinas A. I at II B. I, II at III C. II at III D. I, II, III at IV Tayahin
  • 19. 15 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7 4. Sa paanong paraan nakatutulong ang mahahabang bulubundukin sa mga taong nakatira malapit dito? A. Nagsisilbing taguan kapag may dumarating na mga kalaban B. Nagsisilbing tirahan ng mga taong walang matirikan ng bahay C. Nagsisilbing taguan ng mga tao laban sa mga mababangis na hayop. D. Nagsisilbing panangga sa mga bagyo ang mahahabang bulubundukin 5. Kung bubuo ka ng konklusiyon tungkol sa kaugnayan ng kaunlaran ng bansa at ng katangiang pisikal ng Pilipinas bilang isang kapuluan, ano ang maaari mong mabuo? A. Ang kaunlaran ay nakasalalay sa likas na kapaligiran. B. Likas na kagandahan ng Pilipinas ang pagiging kapuluan. C. Ang pagiging kapuluan ng Pilipinas ay nagdudulot ng kaunlaran. D. Ang pagiging kapuluan ng Pilipinas dulot ay magandang kalakalan.
  • 20. 16 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7 B. Ibigay ang kahalagahan ng sumusunod na mga katangiang pisikal sa pag-unlad ng bansa. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Gawin ito sa loob ng 5 minuto. 1. Malatsokolateng bulubundukin 2. Mabuhanging dalampasigan 3. Bulkang perpekto ang hugis 4. Rumaragasang tubig sa talon 5. Malawak na kapatagan Katangiang Pisikal Kahalagahan Kahalagahan Kahalagahan Kahalagahan Kahalagahan
  • 21. 17 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7 Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng isang lugar sa inyong pamayanan na dinarayo ng ibang tao mula sa mga kalapit na barangay. Lagyan ito ng sarili mong pamagat. Kulayan, pagandahin at iguhit ito sa isang malinis na puting papel. Sa ibaba nito, isulat kung paano ito nakatutulong sa pag-unlad ng sariling lugar. Tingnan ang rubrik sa ibaba bilang iyong gabay sa pagguhit. RUBRIK PARA SA POSTER Pamantayan Pinakamahusay (4) Mahusay (3) Malilinang Pa (2) Nagsisimula Pa (1) Puntos Mensahe (30) Napakahusay ng nabuong mensahe at naaayon sa tema ang poster May kahusayan ang mensahe ng nabuong poster Di masyadong malinaw ang mensahe ng poster at di masyadong naaayon sa tema Di-nagawang maipahayag ang nais ipahatid na mensahe Pagsunod sa mga panuntunan (20) Lubusang nasunod ang mga panuntunan itinakda sa pagguhit ng poster May isa o dalawang panunutunang itinakda ang hindi nasunod Maraming panunutunang itinakda ang hindi nasunod Di-nasunod ang mga panuntunan itinakda sa pagguhit ng poster Kalinisan ng Gawa (20) Napakalinis at madaling maunawaan ang poster na iginuhit Malinis at madaling maunawaan ang poster na iginuhit May kaguluhang ipinakita sa poster na naiguhit Magulo ang naiguhit na poster Kabuuang presentasyon (30) Lubos na nakapukaw ng atraksiyon sa nagmamasid ng poster Nakapukaw nga atraksiyon May kaunting bahagi lamang ang nakapukaw ng atraksiyon Di-nakapukaw ng atraksiyon sa nagmamasid ng poster Kabuuang Puntos 100% Karagdagang Gawain
  • 22. 18 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7 Susi sa Pagwawasto SUBUKIN 1. B 2. A 3. B 4. A 5. A 6. D 7. B 8. A 9. D 10. D BALIKAN A. 1. E 2. D 3. C 4. B 5. A B. 1. B 2. A 3. C TUKLASIN Pagbasa at pag-unawa sa tula PAYAMANIN A. Guess that Symbol 1. kapuluan 2. arkipelago 3. kapatagan, bulubundukin, kabundukan, dalampasigan, ilog, talon, pulo 4. turismo, 5. katangiang pisikal , turista, bansa B. Plus Minus Point 1. + 2. + 3. ▬ 4. + 5. ▬ TAYAHIN A 1. B 2. A 3. D 4. D 5. C B. 1.panangga sa bagyo 2.pasyalan/libangan/ pahingahan 3. pasyalan 4.Languyan/ libangan/ pasyalan/ tanawin/ planta ng kuryente 5. taniman/sakahan ISAISIP Gawain A A. FILL ME 1. taniman, daanan/transportasyon 2. pasyalan/ libangan/pastolan ng hayop 3. pasyalan, taniman 4. panangga sa bagyo, pahingahan, taniman, pasyalan Gawain B LET ME ORGANIZE Kabuhayan- ang mga katubigan maaaring pagkakitaan katulad ng: pangingisda, pagbabangka, pagbibiyahe, pasyalan at ruta ng kalakalan Turismo - Dahil sa katangiang pisikal ng Pilipinas taglay nito ang mga likas na kagandahan na dahilan upang dayuhin ng mga turista. Ito ay dagdag kita sa lokal na pamahalaan dahil sa pagbayad sa serbisyo ng pinupuntahang lugar, pagbili ng lokal na produkto at pagkain at paglago ng lokal na negosyo. Maari ring makilala ang lokal na turismo sa bansa at maging sa ibang bansa. Iba pang Kahalagahan Answers may vary (Accept possible answers) ISAGAWA (accept possible answers)
  • 23. 19 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7 Sanggunian Learner’s Material, pp. 108–114 K to 12, AP4AAB-Ii-j-12; AP4AAB-Ij-13
  • 24. 20 CO_Q1_AralingPanlipunan_Modyul7 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph