SlideShare a Scribd company logo
1 of 6
Gen--Ed-PANITIKAN
PANITIKAN
Ayon kay:
Bro. Azarias
 Ito ay ang pagpapahayag ng damdamin ng tao, sa lipunan, sa pamahalaan,
sa kapaligiran, sa kapwa, at sa Dakilang Lumikha.
Ang Paraan Ng Pagpapahayag
PANGANGATWIRAN  Naglalayong humikayat sa bumabasa o sa mga nakikinig na pumanig sa
opinyon ng nagsasalita o sa sumulat ang paraang ito.
PAGSASALAYSAY  Isang uri ng pagpapahayag na nagsasalaysay ng isang karanasan.
PAGLALAHAD  Isang paraang nagbibigay katuturan sa isang ideya o konsepto.
PAGLALARAWAN  Isang paraang naglalarawan ng isang bagay, tao, o lunan.
Mga Akdang Pampanitikan na Nagpalaganap ng Impluwensya sa buong Daigdig
Banal na Kasulatan o Bibliya  Ito ang naging batayan ng Kakristiyanuhan. Mula sa Palestino at Gresya.
Koran  Ang pinakabibliya ng mga Muslim.Galing ito sa Arabia.
Ang Iliad o Odyssey  Ito ang kinatutuhan ng mga mitolohiya at paalamatan ng Gresya. Akda ito ni
Homer.
Ang Mahabharata  Ito ay ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa buong daigdig. Naglalaman
ito ngkasaysayan ng pananampalataya ng Indiya.
Canterbury Tales  Naglalarawan ito ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong
unang panahon.Galing ito sa Inglatera at sinulat ni Chaucer.
Uncle Tom’s Cabin  Akda ito ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos. Kababasahan ito ng
naging karumal-dumal na kalagayan ng mga alipin at naging batayan ng
demokrasya.
Ang Divine Comedia  Akda ni Dante ng Italya. Nagpapahayag ito ng pananampalataya at pag-
uugali ng mga Italyano nang panahong iyon.
Ang El Cid Compeador  Nagpapahayag ng mga katangiang panlahi ng mga Kastila at ng kanilang
kasaysayang pambansa.
Ang Awit ni Rolando  Kinapapalooban ito ng Doce Pares at Roncesvalles ng Pransya. Nagsasalaysay
ng gintong panahon ng Kakristiyanuhan sa Pransya.
Ang Aklat ng mga Patay  Naglalaman ito ng mga kulto ni Osiris at ng mitolohiya at teolohiya ng Ehipto.
Ang Aklat ng mga Araw  Akda ito ni Confucios ng Tsina. Naging batayan ng mga Intsik sa kanilang
pananampalataya.
Isang Libo’t Isang Gabi  Mula ito sa Arabya at Persya. Nagsasaad ng mga ugaling pampamahalaan,
pangkabuhayan at panlipunan ng mga Arabo at Persyano.
Pangkalahatang Uri ng Panitikan
AKDANG TULUYAN  yaong mga nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap
AKDANG PATULA  yaong mga pahayag na may sukat o bilang ng mga pantig, tugma, taludtod,
at saknong
Ang Mga Akdang Tuluyan
NOBELA  Ito ay isang mahabang salaysaying
nahahati sa mga kabanata. Hango sa
tunay na buhay ng tao ang mga
pangyayari at sumasakop sa mahabang
panahon.
Halimbawa:
 “Banaag at Sikat” ni Lope K.
Santos
MAIKLING KUWENTO Ito ay salaysaying may isa o
ilang tauhan,may isang pangyayari
sa kakintalan
Halimbawa:
 “Pagbabalik” ni Genoveva E.
Matute
DULA  Ito’y itinatanghal sa ibabaw ng
entablado o tanghalan. Nahahati ito
sa ilang yugto at sa bawat yugto ay
maraming tagpo.
Halimbawa:
 “Kahapon, Ngayon at Bukas” ni
Aurelio
Tolentino
ALAMAT  Ito’y mga salaysaying hubad sa
katotohanan.Tungkol sa pinagmulan ng
bagay ang karaniwang paksa nito.
Halimbawa:
 “Ang Alamat ng Pinya”
PABULA  Ito ay mga salaysayin na hubad sa
katotohanan ngunit ang layuni’y gisingin
ang isipan ng mga bata sa mga
pangyayaring makahuhubog sa kanilang
ugali at pagkilos.
Halimbawa:
 “Ang Pagong at
Ang Unggoy”
ANEKDOTA
 Ito ay maikling salaysay ng mga kawili-
wili o katangi-tanging pangyayari
Nagtatampok sa ugali o pagkatao ng
isang nilalang.
May mapupulot din itong magagandang
aral sa buhay.
Halimbawa:
 “Ang Gamugamo at Ang Munting
Mulawin”.
SANAYSAY Ito’y pagpapahayag ng kuro-kuro o
opinyon ng may-akda tungkol sa isang
suliranin o pangyayari.
halimbawa :
 nito’y ang bahagi ng Editoryal
ng isang pahayagan
TALAMBUHAY  Ito’y isang tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Maaaring ito’y pang-iba
o pansarili.
BALITA  Ito’y isang paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayarisa lipunan,
pamahalaan, mga industriya at agham, mga sakuna, at iba pang paksang
nagaganap sa buong bansa o maging sa ibayong dagat.
TALUMPATI  Ito’y isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ang
layunin nito ay humikayat, magbigay ng impormasyon, mangatuwiran,
magpaliwanag at magbigay ng opinyon o paniniwala.
PARABULA  Ito’y isang salaysaying hango sa Bibliya na
tulad ng anekdota. Ang layunin nito’y
makapagbigay-aral sa mga mambabasa o
nakikinig.
Halimbawa:
 “Ang Matandang Mayaman at Si
Lazaro”.
MGA AKDANG PATULA
TULA  Ito ay naiiba sa ibang sangay ng panitikan
sapagkat dito ay nangangailangan ng
masusing pagpili ng mga salita,
pagbilang ng pantig, at paghahanap ng
magkatugmang mga salita upang
maipadama ang isang damdamin O
kaisipan nais ipahayag ng isang
manunulat.
TULANG PASALAYSAY  Ang uring ito ay naglalarawan ng
mahahalagang mga tagpo o pangyayari
sa buhay;
 Halimbawa:
 ang kabiguan sa pag-ibig
 ang mga suliranin at panganib sa
pakikidigma o kagitingan ng
mga bayani
MGA URI NG TULANG PASALAYSAY
EPIKO  Ito ay nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan
pagkat nauukol sa mga kababalaghan.
AWIT AT KURIDO  Ito’y may mga paksang hango sa pangyayaring tungkol sa pagkamaginoo at
pakikipagsapalaran, at ang mga tauhan ay mga hari’t reyna, prinsipe’t
prinsesa.Ang dalawang itoy’nagkakaisa sa kaharian.
BALAD  Ito ay may himig na awit sa dahilang ito ay inaawit habang may nagsasayaw.
TULA ng DAMDAMIN O
TULANG LIRIKO
 Ito ay nagpapahayag ng damdaming maaaring sarili ng sumulat o ng ibang tao,
o kaya’y likha ng maharaya o mapangaraping guni-guni ng makata batay sa
karanasan.
MGA TULANG LIRIKO
MGA TULANG LIRIKO  Ang uring ito ay nagpapahayag ng damdamin ng sariling sumulat o ng ibang
tao. Karaniwan ay maikli,likas at madaling maunawaan.
AWITING BAYAN  Ang karaniwang paksa ng uring ito ay pag-
ibig, kawalang pag-asa o pamimighati,
pangamba, kaligayahan, pag-asa,at
kalungkutan.
Halimbawa:
 “Chit Chirit Chit”
SONETO  Ito’y isang tulang may labing-apat na
taludtod hinggil sa damdamin at
kaisipan, may malinaw na batiran ng
likas na pagkatao, at sa kabuuan, ito’y
naghahatid ng aral sa mambabasa.
Halimbawa:
 “Soneto ng Buhay”
ELEHIYA  Nagpapahayag ng damdamin o guniguni
tungkol sa kamatayan o kaya’y tula ng
pananangis lalo na sa paggunita ng isang
yumao.
Halimbawa:
 “Awit sa Isang Bangkay”
DALIT  Ito’y awit na pumupuri sa Diyos o Mahal
na Birhen at nagtataglay ng kaunting
pilosopiya sa buhay.
Halimbawa:
 “O Mariang Sakdal Dilag”
PASTORAL  Ito’y may layuning maglarawan ng tunay
na buhay sa bukid.
 Ito’y may layuning maglarawan
ng tunay na buhay sa bukid.
ODA  Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy,
o iba pang masiglang damdamin; walang
tiyak na bilang ng pantig o tiyak na
bilang ng taludtod sa isang saknong.
Halimbawa:
 “Tumangis si Raquel”
TULANG DULA
O PANGTANGHALAN
KOMEDYA  Isang gawa na ang sangkap ay piling-pili at ang pangunahing tauhan ay may
layong pukawin ang kawilihan ng manonood.
MELODRAMA  Karaniwang ginagamit sa dulang musikal kasama ng opera. Ngunit ngayon ay
may kaugnayan din sa trahedya at komedya.
TRAHEDYA  Angkop ang uring ito ng dula sa mga tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi
ng pangunahing tauhan.
PARSA  Isang uri ng dula na ang layunin ay magpasiya sa pamamagitan ng mga
kawing-kawing na mga pangyayaring nakakatawa.
SAYNETE  Ang paksa ng ganitong uri ng dula ay mga karaniwang pag-uugali ng tao o
pook.
TULANG PATNIGAN
KARAGATAN  Ito ay batay sa alamat ng singsing ng prinsesa na naihulog niya sa dagat sa
hangarin nitong mapangasawa ang kasintahang mahirap
DUPLO  Humalili sa karagatan ito’y paligsahan ng husay sa pagbigkas at
pangangatwiran nang patula.
BALAGTASAN  Ito ang pumalit sa duplo at ito’y sa karangalan ng Siense ng Panginay na si
Francisco “Balagtas” Baltazar.
Mga
DULANG PANLIBANGAN
TIBAG  Dala ito sa atin ng mga Kastila upang ipakita at ipaalaala ang
paghahanap ni Sta. Elena sa kinamatayang krus ni Hesus sa
pamamagitan ng pagtitibag ng bunduk-bundukan.
LAGAYLAY  Sa mga Pilarenos ng Sorsogon, isang pagkakataon at pag-iipun-ipon kung
buwan ng Mayo ang pagkakaroon ng lagaylay.
SINAKULO  Pagtatanghalito na natutungkolsa buhay at pagpapakasakit ng ating Poong si
Hesukristo. Ang salitaan dito ay mula sa “PASYON”.
PANUNULUYAN  Isang pagtatanghalito na isinasagawa bago mag-alas dose ng gabi ng
kapaskuhan.
PANUBONG  Isang mahabang tulang nagpaparangalsa isang may kaarawan o kapistahan
na kung tawagin ay panubong ay ginaganap bilang parangal sa isang
panauhin o may kaarawan.
KARILYO  Ito ay itinuturing na isang laro ng mga tau-tauhang ginagampanan ng mga
aninong ginawa mula sa karton., na pinanonood na gumagalaw sa likod ng
isang puting tabing at pinagagalaw naman ng taong di nakikita na siyang
nagsasalita rin para sa mga kartong gumagalaw.
KURIDO  Ang salitang “corrido” (baybay sa Kastila) ay nangagahulugangn
kasalukuyang mga balita (current events) sa mga Mehikano samantalang
dito sa Pilipinas, ang Kurido ay isang tulang pasalaysay na natutungkol sa
katapangan,kabayanihan, kababalaghan, at pananampalataya ng mga tauhan.
SARSUELA  Ito ay isang melodrama o dulang musikal na tatluhing yugto.Ang paksa ay
natutungkolsa pag-ibig, paghihiganti, paninibugho,pagkasuklam, at iba
pang masisidhing damdamin.
Panitikan: Panahon Bago Dumating ang mga Kastila
ANG ALAMAT  Isang uri ng panitikang tuluyan,na ang karaniwang paksa ay nagsasalaylay ng
pinagmulan ng isang bagay, pook, kalagayan, o katawagan.
KUWENTONG BAYAN  Ito ay madalas nangyayari sa loob at labas ng ating lugar. Hal. “Si
Bulan at Si Adlaw”
EPIKO  Ito ay nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan pagkat
nauukol sa mga kababalaghan.
Hal. Bidasari – epiko ng Moro
Biag ni Lam-Ang – epiko ng Iloko
Maragtas, Haraya, Lagda at Hari sa Bukid - mga epiko ng
Bisaya
Kumintang – epiko ng Tagalog
Parang Sabir – epiko Moro
Dagoy at Sudsud – epiko ng mga Tagbanua
Tatuang – epiko ng mga Bagobo
Indarapatra at Sulayman
Bantugan
Daramoke – A - Babay
MGA AWITING BAYAN  Isa sa mga matatandang uri ng panitikang Filipino. Ito ay may
lalabindalawahing (12) pantig.
 Kundiman , Kumintang o Tagumpay , Ang Dalit o Imno, Ang Oyayi o
Hele, Diona, Suliranin at Talindaw
Mga KARUNUNGANG BAYAN
KANTAHING BAYAN  Ito ay tunay na nagpapahayag ng matulaing damdamin ng mga Pilipino. Mga
Hal.
“Pamulinawen”- (Iloko)
“Sarong Banggi) – (Bikol)
SALAWIKAIN  Ito’y nakaugalian nang sabihin at nagsilbing batas at tuntunin ng kagandahang
asal ng ating mga ninuno.
Hal.
Hamak man ang basahan,
May panahong kailangan.
SAWIKAIN
BUGTONG
 Mga kasabihang walang natatagong kahulugan.
Hal.
Ang tunay na kaibigan
Sa gipit nasusubukan.
 Ito’y binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli na may sukat o tugma.
 Hal. Dalawang batong itim,
Malayo ang nararating. (MATA)
PALAISIPAN  Noon pa man ay may matatawag na ring palaisipan ang ating mga ninuno.
May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sumbrero. Paano nakuha ang bola
nang di man lang nagalaw ang sombrero?
 Sagot: Butas ang tuktok ng sobrero.
BULONG  Ito ay ginagamit na pangkulam o pang-ingkanto.
 Hal. Ikaw ang nagnanakaw ng bigas ko
Lumuwa sana ang mga mata.
Mamaga sana ang katawan mo.
Patayin ka ng mga anito.
KASABIHAN  Ito ay karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao.
 Putak, putak
Batang duwag
Matapang ka’t
Nasa pugad.
KAWIKAAN  Ito ay kauri ng salawikain na ang kaibahan lamang ay laging nagtataglay ng
aral sa buhay.
 HAL. Pag talagang palad, Sasampa sa balikat.
Mga Impluwensya ng Kastila sa Panitikang Filipino
ALIBATA  Na ipinagmamalaking kauna-unahang abakadang Filipino na nahalinhan
ng alpabetong Romano.
Mga AKLAT sa PANAHON ng mga KASTILA
Ang DOCTRINA CRISTIANA  Ito ang kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas noong 1593,sa
pamamagitan ng silograpiko.
 Akda ito nina: PADRE JUAN de PLACENCIA at PADRE DOMINGO
NIEVA.
NUESTRA SEÑORA del
ROSARIO
 Ito ang ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ni: PADRE
BLANCAS de SAN JOSE noong 1602.
Ang BARLAAN at JOSAPHAT  Ito ang ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ni: PADRE ANTONIO
de BORJA na isinalin sa tagalog.
PASYON  Ito’y aklat na natutungkolsa buhay at pagpapasakit ni Hesukristo. Binabasa
ito tuwing mahal na araw.
Ang URBANA at FELISA  Ito’y aklat na sinulat ni: Modesto de Castro-tinaguriang “Ama ng Klasikang
Tuluyan sa Tagalog”.
Mga AKDANG PANGWIKA
Arte Y Reglas de la Lengua
Tagala
 Sinulat Padre Blancas de San Jose at isinalin sa Tagalog ni Tomas
Pinpin noong 1610.
Compendio de la Lengua Tagala  Inakda ni Padre Gaspar de San Agustin noong 1703.
Vocabulario de la Lengua Tagala Kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog na isinulat ni Padre Pedro de San
Buenaventura noong 1613.
Vocabulario de la Lengua
Pampango
 Unang aklat pangwika sa Kapampangan na sinulat ni Padre Diego
Bergano noong 1732.
Vocabulario de la Lengua Bisaya Pinakamahusay na aklat pangwika sa Bisaya na sinulat ni Mateo
Sanchez noong 1711.
Arte de la Lengua Bicolana  Unang aklat pangwika sa Bikol na sinulat ni Padre Marcos
Lisboa noong 1754.
Arte de la Lengua Iloka  Kauna-unahang balarilang Iloko na sinulat ni Francisco Lopez.

More Related Content

Similar to 3 Manunulat.docx

mga akdang pampanitikan
mga akdang pampanitikanmga akdang pampanitikan
mga akdang pampanitikantimbangangelo
 
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxFILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxMaryJaneCabides
 
Mga Epiko sa Pilipinas
Mga Epiko sa PilipinasMga Epiko sa Pilipinas
Mga Epiko sa PilipinasMerland Mabait
 
panitikan sa panahon ng espanyol
panitikan sa panahon ng espanyolpanitikan sa panahon ng espanyol
panitikan sa panahon ng espanyolLAZ18
 
Uringtula 110801044558-phpapp01
Uringtula 110801044558-phpapp01Uringtula 110801044558-phpapp01
Uringtula 110801044558-phpapp01Honey Sobrevilla
 
2nd grading 01 - Balagtasan
2nd grading   01 - Balagtasan2nd grading   01 - Balagtasan
2nd grading 01 - BalagtasanSanji Zumoruki
 
Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2
Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2
Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2Allan Ortiz
 
Panitikan at karunungang bayan grade8.pptx
Panitikan at karunungang bayan grade8.pptxPanitikan at karunungang bayan grade8.pptx
Panitikan at karunungang bayan grade8.pptxferdinandsanbuenaven
 
Patulang uri ng panitikan
Patulang uri ng panitikanPatulang uri ng panitikan
Patulang uri ng panitikandyancent
 
vdocuments.net_mga-epiko-sa-pilipinas-5593d7c3ee6c3.pptx
vdocuments.net_mga-epiko-sa-pilipinas-5593d7c3ee6c3.pptxvdocuments.net_mga-epiko-sa-pilipinas-5593d7c3ee6c3.pptx
vdocuments.net_mga-epiko-sa-pilipinas-5593d7c3ee6c3.pptxreyebasan1
 
Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw
 Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw
Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayawKareen Mae Adorable
 
ANG ALAMAT, KUWENTONG BAYAN AT PABULA(ParicoAldren).pptx
ANG ALAMAT, KUWENTONG BAYAN AT PABULA(ParicoAldren).pptxANG ALAMAT, KUWENTONG BAYAN AT PABULA(ParicoAldren).pptx
ANG ALAMAT, KUWENTONG BAYAN AT PABULA(ParicoAldren).pptxAldrenParico1
 
Uri ng tula
Uri ng tulaUri ng tula
Uri ng tulaKaira Go
 

Similar to 3 Manunulat.docx (20)

mga akdang pampanitikan
mga akdang pampanitikanmga akdang pampanitikan
mga akdang pampanitikan
 
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxFILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
 
Panitikang Filipino
Panitikang FilipinoPanitikang Filipino
Panitikang Filipino
 
Mga Epiko sa Pilipinas
Mga Epiko sa PilipinasMga Epiko sa Pilipinas
Mga Epiko sa Pilipinas
 
panitikan sa panahon ng espanyol
panitikan sa panahon ng espanyolpanitikan sa panahon ng espanyol
panitikan sa panahon ng espanyol
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
Ang panitikan
Ang panitikanAng panitikan
Ang panitikan
 
Uringtula 110801044558-phpapp01
Uringtula 110801044558-phpapp01Uringtula 110801044558-phpapp01
Uringtula 110801044558-phpapp01
 
2nd grading 01 - Balagtasan
2nd grading   01 - Balagtasan2nd grading   01 - Balagtasan
2nd grading 01 - Balagtasan
 
BALAGTASAN-2.pptx
BALAGTASAN-2.pptxBALAGTASAN-2.pptx
BALAGTASAN-2.pptx
 
Kabanata 3
Kabanata 3Kabanata 3
Kabanata 3
 
Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2
Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2
Kaligirang pangkasaysayan ng ibong adarna 2
 
Florante at Laura
Florante at LauraFlorante at Laura
Florante at Laura
 
Panitikan at karunungang bayan grade8.pptx
Panitikan at karunungang bayan grade8.pptxPanitikan at karunungang bayan grade8.pptx
Panitikan at karunungang bayan grade8.pptx
 
Mga uri ng tula
Mga uri ng tulaMga uri ng tula
Mga uri ng tula
 
Patulang uri ng panitikan
Patulang uri ng panitikanPatulang uri ng panitikan
Patulang uri ng panitikan
 
vdocuments.net_mga-epiko-sa-pilipinas-5593d7c3ee6c3.pptx
vdocuments.net_mga-epiko-sa-pilipinas-5593d7c3ee6c3.pptxvdocuments.net_mga-epiko-sa-pilipinas-5593d7c3ee6c3.pptx
vdocuments.net_mga-epiko-sa-pilipinas-5593d7c3ee6c3.pptx
 
Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw
 Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw
Ang pabigkas na tradisyong patula, inaawit at isinasayaw
 
ANG ALAMAT, KUWENTONG BAYAN AT PABULA(ParicoAldren).pptx
ANG ALAMAT, KUWENTONG BAYAN AT PABULA(ParicoAldren).pptxANG ALAMAT, KUWENTONG BAYAN AT PABULA(ParicoAldren).pptx
ANG ALAMAT, KUWENTONG BAYAN AT PABULA(ParicoAldren).pptx
 
Uri ng tula
Uri ng tulaUri ng tula
Uri ng tula
 

Recently uploaded

Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
Edukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docx
Edukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docxEdukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docx
Edukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docxLADYALTHEATAHAD
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxRobinsonBaclaan
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNANcold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNANLovelyAngelFrancia1
 
MATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
MATHEMATICS 3.pptx present ing math treeMATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
MATHEMATICS 3.pptx present ing math treeronapacibe55
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxjobellejulianosalang
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxGerlynSojon
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxtambanillodaniel3
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptxAP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptxComisoMhico
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxmtmedel20in0037
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptxBernsPadua
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranGrade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranNecelynMontolo
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptxcherrypastoral
 
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxSalik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxmaricrismarquez003
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxlevyandhrei14
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...mtmedel20in0037
 

Recently uploaded (20)

Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
Edukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docx
Edukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docxEdukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docx
Edukasyon Sa Pagpapakatao-WEEK4 DAY1.docx
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNANcold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
cold-war-tagalog-version.ppt.aRALING PANLIPUNAN
 
MATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
MATHEMATICS 3.pptx present ing math treeMATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
MATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
 
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptxAP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaranGrade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
Grade 4 - AP, Tungkol sa Pansibiko na kaunlaran
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
 
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxSalik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
 

3 Manunulat.docx

  • 1. Gen--Ed-PANITIKAN PANITIKAN Ayon kay: Bro. Azarias  Ito ay ang pagpapahayag ng damdamin ng tao, sa lipunan, sa pamahalaan, sa kapaligiran, sa kapwa, at sa Dakilang Lumikha. Ang Paraan Ng Pagpapahayag PANGANGATWIRAN  Naglalayong humikayat sa bumabasa o sa mga nakikinig na pumanig sa opinyon ng nagsasalita o sa sumulat ang paraang ito. PAGSASALAYSAY  Isang uri ng pagpapahayag na nagsasalaysay ng isang karanasan. PAGLALAHAD  Isang paraang nagbibigay katuturan sa isang ideya o konsepto. PAGLALARAWAN  Isang paraang naglalarawan ng isang bagay, tao, o lunan. Mga Akdang Pampanitikan na Nagpalaganap ng Impluwensya sa buong Daigdig Banal na Kasulatan o Bibliya  Ito ang naging batayan ng Kakristiyanuhan. Mula sa Palestino at Gresya. Koran  Ang pinakabibliya ng mga Muslim.Galing ito sa Arabia. Ang Iliad o Odyssey  Ito ang kinatutuhan ng mga mitolohiya at paalamatan ng Gresya. Akda ito ni Homer. Ang Mahabharata  Ito ay ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa buong daigdig. Naglalaman ito ngkasaysayan ng pananampalataya ng Indiya. Canterbury Tales  Naglalarawan ito ng pananampalataya at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon.Galing ito sa Inglatera at sinulat ni Chaucer. Uncle Tom’s Cabin  Akda ito ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos. Kababasahan ito ng naging karumal-dumal na kalagayan ng mga alipin at naging batayan ng demokrasya. Ang Divine Comedia  Akda ni Dante ng Italya. Nagpapahayag ito ng pananampalataya at pag- uugali ng mga Italyano nang panahong iyon. Ang El Cid Compeador  Nagpapahayag ng mga katangiang panlahi ng mga Kastila at ng kanilang kasaysayang pambansa. Ang Awit ni Rolando  Kinapapalooban ito ng Doce Pares at Roncesvalles ng Pransya. Nagsasalaysay ng gintong panahon ng Kakristiyanuhan sa Pransya. Ang Aklat ng mga Patay  Naglalaman ito ng mga kulto ni Osiris at ng mitolohiya at teolohiya ng Ehipto. Ang Aklat ng mga Araw  Akda ito ni Confucios ng Tsina. Naging batayan ng mga Intsik sa kanilang pananampalataya. Isang Libo’t Isang Gabi  Mula ito sa Arabya at Persya. Nagsasaad ng mga ugaling pampamahalaan, pangkabuhayan at panlipunan ng mga Arabo at Persyano. Pangkalahatang Uri ng Panitikan AKDANG TULUYAN  yaong mga nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap AKDANG PATULA  yaong mga pahayag na may sukat o bilang ng mga pantig, tugma, taludtod, at saknong Ang Mga Akdang Tuluyan NOBELA  Ito ay isang mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata. Hango sa tunay na buhay ng tao ang mga pangyayari at sumasakop sa mahabang panahon. Halimbawa:  “Banaag at Sikat” ni Lope K. Santos MAIKLING KUWENTO Ito ay salaysaying may isa o ilang tauhan,may isang pangyayari sa kakintalan Halimbawa:  “Pagbabalik” ni Genoveva E. Matute DULA  Ito’y itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan. Nahahati ito sa ilang yugto at sa bawat yugto ay maraming tagpo. Halimbawa:  “Kahapon, Ngayon at Bukas” ni Aurelio Tolentino
  • 2. ALAMAT  Ito’y mga salaysaying hubad sa katotohanan.Tungkol sa pinagmulan ng bagay ang karaniwang paksa nito. Halimbawa:  “Ang Alamat ng Pinya” PABULA  Ito ay mga salaysayin na hubad sa katotohanan ngunit ang layuni’y gisingin ang isipan ng mga bata sa mga pangyayaring makahuhubog sa kanilang ugali at pagkilos. Halimbawa:  “Ang Pagong at Ang Unggoy” ANEKDOTA  Ito ay maikling salaysay ng mga kawili- wili o katangi-tanging pangyayari Nagtatampok sa ugali o pagkatao ng isang nilalang. May mapupulot din itong magagandang aral sa buhay. Halimbawa:  “Ang Gamugamo at Ang Munting Mulawin”. SANAYSAY Ito’y pagpapahayag ng kuro-kuro o opinyon ng may-akda tungkol sa isang suliranin o pangyayari. halimbawa :  nito’y ang bahagi ng Editoryal ng isang pahayagan TALAMBUHAY  Ito’y isang tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Maaaring ito’y pang-iba o pansarili. BALITA  Ito’y isang paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayarisa lipunan, pamahalaan, mga industriya at agham, mga sakuna, at iba pang paksang nagaganap sa buong bansa o maging sa ibayong dagat. TALUMPATI  Ito’y isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Ang layunin nito ay humikayat, magbigay ng impormasyon, mangatuwiran, magpaliwanag at magbigay ng opinyon o paniniwala. PARABULA  Ito’y isang salaysaying hango sa Bibliya na tulad ng anekdota. Ang layunin nito’y makapagbigay-aral sa mga mambabasa o nakikinig. Halimbawa:  “Ang Matandang Mayaman at Si Lazaro”. MGA AKDANG PATULA TULA  Ito ay naiiba sa ibang sangay ng panitikan sapagkat dito ay nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita, pagbilang ng pantig, at paghahanap ng magkatugmang mga salita upang maipadama ang isang damdamin O kaisipan nais ipahayag ng isang manunulat. TULANG PASALAYSAY  Ang uring ito ay naglalarawan ng mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay;  Halimbawa:  ang kabiguan sa pag-ibig  ang mga suliranin at panganib sa pakikidigma o kagitingan ng mga bayani MGA URI NG TULANG PASALAYSAY EPIKO  Ito ay nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan
  • 3. pagkat nauukol sa mga kababalaghan. AWIT AT KURIDO  Ito’y may mga paksang hango sa pangyayaring tungkol sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran, at ang mga tauhan ay mga hari’t reyna, prinsipe’t prinsesa.Ang dalawang itoy’nagkakaisa sa kaharian. BALAD  Ito ay may himig na awit sa dahilang ito ay inaawit habang may nagsasayaw. TULA ng DAMDAMIN O TULANG LIRIKO  Ito ay nagpapahayag ng damdaming maaaring sarili ng sumulat o ng ibang tao, o kaya’y likha ng maharaya o mapangaraping guni-guni ng makata batay sa karanasan. MGA TULANG LIRIKO MGA TULANG LIRIKO  Ang uring ito ay nagpapahayag ng damdamin ng sariling sumulat o ng ibang tao. Karaniwan ay maikli,likas at madaling maunawaan. AWITING BAYAN  Ang karaniwang paksa ng uring ito ay pag- ibig, kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa,at kalungkutan. Halimbawa:  “Chit Chirit Chit” SONETO  Ito’y isang tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na batiran ng likas na pagkatao, at sa kabuuan, ito’y naghahatid ng aral sa mambabasa. Halimbawa:  “Soneto ng Buhay” ELEHIYA  Nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao. Halimbawa:  “Awit sa Isang Bangkay” DALIT  Ito’y awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at nagtataglay ng kaunting pilosopiya sa buhay. Halimbawa:  “O Mariang Sakdal Dilag” PASTORAL  Ito’y may layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid.  Ito’y may layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid. ODA  Nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglang damdamin; walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong. Halimbawa:  “Tumangis si Raquel” TULANG DULA O PANGTANGHALAN KOMEDYA  Isang gawa na ang sangkap ay piling-pili at ang pangunahing tauhan ay may layong pukawin ang kawilihan ng manonood. MELODRAMA  Karaniwang ginagamit sa dulang musikal kasama ng opera. Ngunit ngayon ay may kaugnayan din sa trahedya at komedya. TRAHEDYA  Angkop ang uring ito ng dula sa mga tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi ng pangunahing tauhan.
  • 4. PARSA  Isang uri ng dula na ang layunin ay magpasiya sa pamamagitan ng mga kawing-kawing na mga pangyayaring nakakatawa. SAYNETE  Ang paksa ng ganitong uri ng dula ay mga karaniwang pag-uugali ng tao o pook. TULANG PATNIGAN KARAGATAN  Ito ay batay sa alamat ng singsing ng prinsesa na naihulog niya sa dagat sa hangarin nitong mapangasawa ang kasintahang mahirap DUPLO  Humalili sa karagatan ito’y paligsahan ng husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. BALAGTASAN  Ito ang pumalit sa duplo at ito’y sa karangalan ng Siense ng Panginay na si Francisco “Balagtas” Baltazar. Mga DULANG PANLIBANGAN TIBAG  Dala ito sa atin ng mga Kastila upang ipakita at ipaalaala ang paghahanap ni Sta. Elena sa kinamatayang krus ni Hesus sa pamamagitan ng pagtitibag ng bunduk-bundukan. LAGAYLAY  Sa mga Pilarenos ng Sorsogon, isang pagkakataon at pag-iipun-ipon kung buwan ng Mayo ang pagkakaroon ng lagaylay. SINAKULO  Pagtatanghalito na natutungkolsa buhay at pagpapakasakit ng ating Poong si Hesukristo. Ang salitaan dito ay mula sa “PASYON”. PANUNULUYAN  Isang pagtatanghalito na isinasagawa bago mag-alas dose ng gabi ng kapaskuhan. PANUBONG  Isang mahabang tulang nagpaparangalsa isang may kaarawan o kapistahan na kung tawagin ay panubong ay ginaganap bilang parangal sa isang panauhin o may kaarawan. KARILYO  Ito ay itinuturing na isang laro ng mga tau-tauhang ginagampanan ng mga aninong ginawa mula sa karton., na pinanonood na gumagalaw sa likod ng isang puting tabing at pinagagalaw naman ng taong di nakikita na siyang nagsasalita rin para sa mga kartong gumagalaw. KURIDO  Ang salitang “corrido” (baybay sa Kastila) ay nangagahulugangn kasalukuyang mga balita (current events) sa mga Mehikano samantalang dito sa Pilipinas, ang Kurido ay isang tulang pasalaysay na natutungkol sa katapangan,kabayanihan, kababalaghan, at pananampalataya ng mga tauhan. SARSUELA  Ito ay isang melodrama o dulang musikal na tatluhing yugto.Ang paksa ay natutungkolsa pag-ibig, paghihiganti, paninibugho,pagkasuklam, at iba pang masisidhing damdamin. Panitikan: Panahon Bago Dumating ang mga Kastila ANG ALAMAT  Isang uri ng panitikang tuluyan,na ang karaniwang paksa ay nagsasalaylay ng pinagmulan ng isang bagay, pook, kalagayan, o katawagan. KUWENTONG BAYAN  Ito ay madalas nangyayari sa loob at labas ng ating lugar. Hal. “Si Bulan at Si Adlaw” EPIKO  Ito ay nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan pagkat
  • 5. nauukol sa mga kababalaghan. Hal. Bidasari – epiko ng Moro Biag ni Lam-Ang – epiko ng Iloko Maragtas, Haraya, Lagda at Hari sa Bukid - mga epiko ng Bisaya Kumintang – epiko ng Tagalog Parang Sabir – epiko Moro Dagoy at Sudsud – epiko ng mga Tagbanua Tatuang – epiko ng mga Bagobo Indarapatra at Sulayman Bantugan Daramoke – A - Babay MGA AWITING BAYAN  Isa sa mga matatandang uri ng panitikang Filipino. Ito ay may lalabindalawahing (12) pantig.  Kundiman , Kumintang o Tagumpay , Ang Dalit o Imno, Ang Oyayi o Hele, Diona, Suliranin at Talindaw Mga KARUNUNGANG BAYAN KANTAHING BAYAN  Ito ay tunay na nagpapahayag ng matulaing damdamin ng mga Pilipino. Mga Hal. “Pamulinawen”- (Iloko) “Sarong Banggi) – (Bikol) SALAWIKAIN  Ito’y nakaugalian nang sabihin at nagsilbing batas at tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga ninuno. Hal. Hamak man ang basahan, May panahong kailangan. SAWIKAIN BUGTONG  Mga kasabihang walang natatagong kahulugan. Hal. Ang tunay na kaibigan Sa gipit nasusubukan.  Ito’y binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli na may sukat o tugma.  Hal. Dalawang batong itim, Malayo ang nararating. (MATA) PALAISIPAN  Noon pa man ay may matatawag na ring palaisipan ang ating mga ninuno. May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sumbrero. Paano nakuha ang bola nang di man lang nagalaw ang sombrero?  Sagot: Butas ang tuktok ng sobrero. BULONG  Ito ay ginagamit na pangkulam o pang-ingkanto.  Hal. Ikaw ang nagnanakaw ng bigas ko Lumuwa sana ang mga mata. Mamaga sana ang katawan mo.
  • 6. Patayin ka ng mga anito. KASABIHAN  Ito ay karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao.  Putak, putak Batang duwag Matapang ka’t Nasa pugad. KAWIKAAN  Ito ay kauri ng salawikain na ang kaibahan lamang ay laging nagtataglay ng aral sa buhay.  HAL. Pag talagang palad, Sasampa sa balikat. Mga Impluwensya ng Kastila sa Panitikang Filipino ALIBATA  Na ipinagmamalaking kauna-unahang abakadang Filipino na nahalinhan ng alpabetong Romano. Mga AKLAT sa PANAHON ng mga KASTILA Ang DOCTRINA CRISTIANA  Ito ang kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas noong 1593,sa pamamagitan ng silograpiko.  Akda ito nina: PADRE JUAN de PLACENCIA at PADRE DOMINGO NIEVA. NUESTRA SEÑORA del ROSARIO  Ito ang ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ni: PADRE BLANCAS de SAN JOSE noong 1602. Ang BARLAAN at JOSAPHAT  Ito ang ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ni: PADRE ANTONIO de BORJA na isinalin sa tagalog. PASYON  Ito’y aklat na natutungkolsa buhay at pagpapasakit ni Hesukristo. Binabasa ito tuwing mahal na araw. Ang URBANA at FELISA  Ito’y aklat na sinulat ni: Modesto de Castro-tinaguriang “Ama ng Klasikang Tuluyan sa Tagalog”. Mga AKDANG PANGWIKA Arte Y Reglas de la Lengua Tagala  Sinulat Padre Blancas de San Jose at isinalin sa Tagalog ni Tomas Pinpin noong 1610. Compendio de la Lengua Tagala  Inakda ni Padre Gaspar de San Agustin noong 1703. Vocabulario de la Lengua Tagala Kauna-unahang talasalitaan sa Tagalog na isinulat ni Padre Pedro de San Buenaventura noong 1613. Vocabulario de la Lengua Pampango  Unang aklat pangwika sa Kapampangan na sinulat ni Padre Diego Bergano noong 1732. Vocabulario de la Lengua Bisaya Pinakamahusay na aklat pangwika sa Bisaya na sinulat ni Mateo Sanchez noong 1711. Arte de la Lengua Bicolana  Unang aklat pangwika sa Bikol na sinulat ni Padre Marcos Lisboa noong 1754. Arte de la Lengua Iloka  Kauna-unahang balarilang Iloko na sinulat ni Francisco Lopez.