3. Suriin ang mga larawan. Alin ang larawang nagpapakita ng gawain
sa relihiyong iyong kinabibilangan.
Ano-ano ang mga gawain at
paniniwalang panrelihiyon
ang sinusunod ninyo?
Ano ang dapat ninyong
gawin sa iba’t-ibang gawain
o paniniwalang panrelihiyon
ng inyong mga kaklase at ng
ibang tao? Bakit?
4. Bawal magdala ng
pagkain sa loob. Bawal magkalat.
Patayin ang cellphone. Bawal magbusina.
Tingnan ang bawat larawan. Isulat kung ano ang
ipinahihiwatig ng mga ito. Gawing gabay ang mga
kasagutan sa loob ng kahon.
May mga bagay na hindi dapat
gawin sa loob ng pook-dasalan,
simbahan o kapilya.
5. Lagyan ng ✔ kung dapat gawin sa loob ng pook-dasalan at X naman
kung hindi.
______1. Magdala ng maraming pagkain.
______2. Magdasal nang taimtim.
______3. Bumusina sa harap ng pook-dasalan.
______4. Ilagay sa bulsa ang balat ng pinagkainan.
______5. Patayin ang telepono upang hindi makaabala.
6. Iguhit ang kung tama ang isinasaad ng bawat
pangungusap at kung hindi.
_________1. Makipagharutan sa loob ng pook-dasalan.
_________2. Makinig nang mabuti sa nagsasalitang pari o
pastor.
_________3. Magdasal nang taimtim.
_________4. Makisabay sa oras ng panalangin.
_________5. Magpasalamat sa Diyos sa kalakasang ibinibigay sa
atin araw-araw.
7. Sagutin ang mga pahayag. Isulat ang letra na aangkop sa
iyong sagot.
_____1. Ako ay nagdarasal.
_____2. Nagdarasal ako pagkagising sa umaga.
_____3. Nagdarasal ako bago matulog.
_____4. Nagdarasal ako bago kumain.
_____5. Nagdarasal ako pagkatapos kumain.
A-Palagi B-Paminsan-minsan C-Gagawin Pa Lang
8. TANDAAN:
Bilang isang batang Pilipino, mahalagang maipakita
mong iginagalang mo at nirerespeto ang paniniwala ng
iba. Ang paggalang at pagtanggap sa mga paniniwala at
pagkakaiba-iba ng relihiyon ng bawat isa ay susi sa
pagkakaunawaan at pagkakaroon ng kapayapan.
9. Isulat sa sagutang papel ang ✔ kung nagpapakita ng
mataimtim na pagdarasal at X naman kung hindi.
___1. Ipagpasalamat ang paggising sa umaga.
___2. Magdasal bago matulog sa gabi.
___3. Magtiwala sa sariling kakayahan at manalig sa tulong ng Diyos.
___4. Palagiang magsimba upang makamit ang biyaya ng Diyos.
___5. Pagtawanan ang paghihirap ng iba.