1. 9
bB. Maria Flor Ian N. Sebastian
Manuel I . Santos Memorial national high School
IKATLONG MARKAHAN
2. Rama at Sita- Epiko
Makatotohanan at Di-
Makatotohanang Pahayag
Talinhaga Tungkol sa May-ari
ng Ubasan – Parabula
Matatalinhagang Pahayag
Elehiya sa kamatayan ni kuya-
Elehiya
Antas ng Pagpapahayag
Teleserye
3. PANG-UGNAY
1. Pagpapakilala ng naunang pangyayari
-Sa simula, noon, dati, una, bago ito, mula noon
2. Pagpapakilala ng kasunod na pangyayari
-Sumunod, pagkatapos, pagkaraan, pagdaka,
kalaunan, maya-maya pa, hanggang, ikalawa
3. Pagpapakilala ng panghuling pangyayari
-Sa huli, sa dulo, sa wakas, sa ngayon, katapos-
tapusan, pagkatapos ng lahat
6. PANG-ABAY
Pang-abay (adverb)
bahagi ng pananalitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri
o kapwa pang-abay.
Ang pang-abay at pang-uri ay kapwa mga salitang
naglalarawan. Ang pang-uri ay naglalarawan ng mga
pangngalan at panghalip samantalang ang pang-abay ay
naglalarawan hindi lamang ng mga pandiwa kundi gayundin sa
mga pang-uri at kapwa nito pang-abay. Ito ay nahahati sa iba’t
ibang uri.
7. PANG-ABAY
Pang-abay (adverb)
Ang pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.
Ang pang-abay at pang-uri ay kapwa mga salitang naglalarawan. Ang pang-uri ay naglalarawan ng mga
pangngalan at panghalip samantalang ang pang-abay ay naglalarawan hindi lamang ng mga pandiwa
kundi gayundin sa mga pang-uri at kapwa nito pang-abay. Ito ay nahahati sa iba’t ibang uri.
Mga halimbawa:
A. Mabilis na manlalaro si lydia de vega.
B. Mabilis siyang tumakbo noong siya’y bata pa.
Sa unang halimbawa, ang salitang mabilis ay naglalarawan sa salitang manlalala na isang pangngalan
samantalang sa pangalawang halimbawa, ang mabilis ay ginamit n panuring sa salitang tumakbo na isang
pandiwa. Samakatuwid ang salitang mabilis ay maaring maging pang-uri o pang-abay ayon sa pananalitang
nilarawan nito.
8. PANG-ABAY NA PAMARAAN
Ang pang-abay na pamaraan ay
naglalarawan kung paano naganap,
nagaganap, o magaganap ang kilos na
ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit ang
panandang nang o na/ng. Ito ay
sumasagot sa tanong na PAANO.
9. PANG-ABAY NA PAMARAAN
Mga halimbawa ng pang-abay na pamaraan
•Natulog si anna nang patagilid.
•Umalis si mary na umiiyak.
•Naluluha si mysie nang magpasalamat siya sa akin.
•Ang kakaba-kabang dibdib ni inay ay napanatag
nang kaunti.
•Sinagot ni berto ang kanyang ama nang pagalit.
10. Ang pang-abay na pamanahon ay
nagsasaad kung kailan naganap o
magaganap ang kilos na taglay ng
pandiwa. Mayroon itong tatlong uri:
may pananda, walang pananda, at
nagsasaad ng dalas.
PANG-ABAY NA PAMANAHON
11. Pamanahong may pananda
Ito ay ginagamitan ng mga panandang nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing,
buhat, mula, umpisa, o hanggang.
Mga halimbawa na may pananda:
PANG-ABAY NA PAMANAHON
• Ako ay magtitinda umpisa bukas.
• Tuwing bakasyon ay namamasyal
kaming magkakapatid.
• Buhat ng ako’y magkaisip ay
nagtatrabaho na ako habang nag-
aaral.
• Kapag sabado ay naglilinis ako ng
bakuran.
• Kung iba ang panahon
ngayon.
• Mula noon hindi na ako
kumakain ng matatamis.
• Hanggang ngayon mahal ko
parin siya.
• Bibili ako sa palengke bukas.
12. Pamanahong walang pananda
Ito ay ginagamitan ng mga panandang kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, at marami pang iba.
Mga halimbawa na walang pananda:
• Mamaya ay mag-iikot sila.
• Kahapon ay pumunta kame sa mall ni mysie.
• Bukas ay mamamasyal kame ni khyle sa parke.
• Si anastasia ay kanina pa naghihintay kay jherico.
• Ngayon ang laban ni lysa valdez.
• Kailangan mo bang pumasok nang araw- araw?
• Tuwing pasko ay nagtitipon silang magkakapatid.
• Umpisa bukas ay dito ka na matutulog.
PANG-ABAY NA PAMANAHON
13. Pamanahong nagsasaad ng dalas
Ito ay ginagamitan ng mga salitang nagsasaad ng dalas. Halimbawa nito ay ang mga salitang araw-araw, taun-taon,
tuwing, oras-oras, linggo-linggo, at marami pang iba.
Mga halimbawa:
• Tuwing mayo ay nagdaraos kami sa aming barangay ng santakrusan.
• Kumakain ng gulay araw-araw upang mapanatili ang ating kalusugan.
• Siya ay masaya tuwing buwan ng disyembre sapagkat may bonus siyang matatanggap.
• Ang guro ay araw-araw na nagtuturo para sa kinabukasan ng mga kabataan.
• Binibisita namin ang puntod ng aking kaibigan taun-taon.
• Oras-oras niya tinitingnan ang kanyang relo.
• Tuwing linggo ay pumupunta siya sa simbahan.
PANG-ABAY NA PAMANAHON
14. PANG-ABAY NA PANLUNAN
Ang pang-abay na panlunan ay isang uri ng pang abay kung saan ito ay naglalarawan kung saan naganap o magaganap o
gaganapin ang kilos ng pandiwa. Ilan sa mga panandang ginagamit dito ay ang mga salitang sa, kina, o kay. Sa
pamamagitan ng pang-abay na panlunan, ating masasakot ang katanungan na “saan”.
Sa – ginagamit kapag ang kasunod ay isang pangngalang pambalana o isang panghalip.
Kay o kina – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantangi na pangalan ng isang tao.
Mga halimbawa:
• Sa mainit na kabundukan naninirahan ang kaibigan kong si clark.
• Sa isang mayamang lupain ay nakatira ang isang dalagang kanyang iniirog.
• Tuwing bakasyon sa eskwelahan ay umaakyat ang magkakaibigan sa bukid.
• Sa baguio ang paborito kong pasyalan tuwing summer.
• Sa lungsod ng cebu mo matatagpuan ang magaganda at ibat-ibang klase ng pagkain.
• Makikipagkita ako kay stella sa parke.
• Dinala namin ang mga masasarap na pagkain kina raevir.
• May nakita akong magandang damit sa mall.
• Bibisita kame kina christian bukas.
17. Sa simula, may mag-inang nakatira sa isang
malayong pook. Ang ina ay si Aling Rosa at
ang anak ay si Pinang.
18. Nang sumunod na araw, nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya
makabangon at makagawa ng mga gawaing bahay.
Pagkatapos inutusan ni Aling Rosa si Pinang na ipagluto ito
ng lugaw ngunit sa kanyang pagluluto ay hindi ito
matagpuan ang
Sandok.
19. Sa huli napagalitan siya ng kanyang ina at sinabihang sana ay
magkaroon nang maraming mata para magamit niya sa
paghahanap. Nawala si Pinang at natagpuan ni Aling
Rosa ang isang uri ng halamang namumulaklak. Ito ay hugis tao at
napapalibutan ng mata at bigla niyang naalala si Pinang.