1. ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG MAG-AARAL NG PAARALANG SENTRAL NG BUE
PEBRERO Calasiao,
Pangasinan
Gulayan sa Paaralan, BCS Nangunguna
Nangunguna sa
Gulayan sa Paaralan ang
Buenlag Central School
pagdating sa pagkakaroon ng
school garden at sa
sustainability nito.
Pinatutunayan nito ang taun-
taong parangal na natatamo
ng paaralan lalo na sa
nakaraang ebalwasyon ng
Municipal Agriculture Office
para sa Search for Most
Functional Gulayan sa
Paaralan. Sinundan ito ng
Division Search na
Basic Education
Act, Suportado!
Sa pamumuno ni Dr. Digna
B. Bauzon, Principal IV, ang
Paaralang Sentral ng Buenlag ay
sumuporta sa idinaos na Basic
Education Report (BER) 2023 ng
ating Pangalawang Pangulo
isinagawa noong ika-22 ng Nobyembre kung saan nasungkit nito ang Second Place sa buong
Tersero Distrito (3rd Congressional District) para sa kategoryang Large School. Sa mga parangal
na ito, masasabi natin na ang Buenlag Central School ay laging No. 1 kung Gulayan sa Paaralan
ang pag-uusapan.
ni: Abbygail Respino
at Kalihim ng Edukasyon Sara Z.
Duterte noong Enero 30,
alas-2 ng hapon.
Iniulat ni Kalihim Duterte
sa BER 2023 ang
kasalukuyang estado
ng basic education,
napapanahong mga
isyu, at
implementasyon ng
mga programang
pang-edukasyon ng
Kagawaran.
Muling Nagwagi
ni: John Mark T. Tabalan
Hinirang na “Most
Outstanding School Head
Reading Implementer –
Elementary” ang ating
butihing punong guro na si
Dr. Digna B. Bauzon dahil
sa kanyang
ni: Miley Gwyneth C. Lincod
pagsuporta sa layunin ng
Kagawaran ng Edukasyon na
“Bawat Bata Bumabasa” at
“SDO 1’s
Reading First”
na naganap
sa Calasiao
Sports
Complex
nitong
Pebrero.
2. Ang pagtatasa sa
Matematika at pagbilang ay higit
pa sa pagbuo ng mga paghuhusga
tungkol sa kakayahan ng isang
mag-aaral. Sinusubaybayan nito
ang pag-unawa ng mag-aaral sa
wika, mga konsepto, at kasanayan
sa matematika na kailangan
nilang gawin upang
magtagumpay. Ang numeracy ay
ang kakayahang umunawa at
magtrabaho sa mga numero,
pagbibilang, paglutas ng mga
problema sa numero, pagtatantya,
pag-uuri, pagpuna sa mga pattern,
pagdaragdag at pagbabawas ng
mga numero, at iba pa. Ang mga
bata ay nangangailangan ng mga
kasanayan sa numeracy at Math
upang magawa ang pang-araw-
araw na buhay.
mahanap ang mga solusyon at
masagot ang problema. ang
kakayahan at pag-unawa ng bawat
mag-aaral mula grade 1 hanggang
grade 3. Ang mga lugar sa pag-
aaral ng Math ay nangangailangan
ng maraming pasensya upang
mahanap ang mga solusyon at
masagot ang
problema.
Ang mga
kasanayan
sa
matematikal na konsepto ay
talagang
Ginagamit
ang isip upang
makalkula ang apat
na pangunahing operasyon.
BASURA MO,
ITAPON MO
ni Jannelle Peralta
Paaralang Sentral ng
Buenlag ang laging nangunguna sa
pinakamahusay na tagapagpatupad
ng Brigada Eskwela. Siksik, liglig
umaapaw ang suportang laging
natatanggap ng ating paaralan sa
panahong ito. Nandiyan ang LGU,
mga opisyales ng barangay na laging
handang tumulong sa ating paaralan.
Nandiyan din ang mga Alumni ng
BCS na kahit nasa malayong lugar
ang ilan sa knila ay patuloy pa rin
ang pagbibigay tulng [pinansiyal at
materyal na bagay. Tulad na lamang
ng walis, dustpan, alcohol at face
mask upang mapanatiling malinis at
malayo sa anupamang mikrobyo.
Nandiyan din ang pagbibigay nila ng
pintura upang magbigay kulay sa
loob at labas ng ating paaralan. Mga
gamit pang eskwela gaya ng
kwaderno, papel, lapis at crayola,
bond paper, ink at iba pa.
Tunay na ang bawat isa ay
may malasakit sa ating paaralan.
Bawat isa ay nagsisilbing
instrumento upang ang bawat bata
ay matutong bumasa at sumulat sa
loob ng isang malinis at ligtas na
paaralan upang may marating na
magandang kinabukasan.
BALITA
Numeracy Assessment Test,
Matagumpay Na Naisagawa
Kasanayan Sa Mother Tongue, Isinusulong
Ang pagbabasa ay isa sa
pinaka importanting kasanayan
para sa mga mag aaral . Ito ay
learning activity na kailangan
sa lahat ng asignatura para mas
lalo nilang maintindihan ang
itinuturong asignatura.Ito ay
isang paraan din para
makapagbasa ng may husay
lalo na sa MOTHER TONGUE
subject.
Sa pangangasiwa ng ating
masipag na punong
guro na si Dr.Digna B. Bauzon
ay nagsagawa ng Functional
Literacy Assessment Tool
{FLAT} sa Mother Tongue-
Based Multilingual Education
{MTB-MLE} mula sa Unang
Baitang hanggang sa Ikatlong
Baitang .Ang programang ito
ay isinagawa upang malaman
ang antas ng bawat mag-aaral.
Karamihan sa mga mag-
aaral ay nakabasa na ng mga
pantig,salita at parirala.
Nakasagot din ang mga ilang
mag aaral sa tanong na base sa
kuwentong kanilang binasa. Ito
ay naging matagumpay na may
ngiti at kasiyahan
sa bawat guro
at
mag –aaral
ng ating
paaralan.
Ibinigay upang
subukan ang
kakayahan at
pag-unawa ng
bawat mag-
aaral mula
grade 1
hanggang
grade 3. Ang
mga lugar sa
pag-aaral ng
Math ay
nangangailanga
n ng maraming
pasensya upang
ni Frencess Anshley O. Aquino
ni Josef D. Balverde
2
3. Nagsagawa ang Parent
Teacher Association ng Induction
and oathtaking ceremony noong
Disyembre 7, 2022 na ginanap sa
gymnasium ng paaralan kasama
ang ibat- ibang organisasyon.
Sinimulan ito ng pambansang
awit ni Gng. Alma A. Perez na
sinundan ng pambungad na
panalangin ni Gng. Joanna Merci
Mata. Si Dr. Digna B. Bauzon ay
naghatid at nagsalita ng mga
napaka enlightening talks hindi
lang kung paano maging isang
mabuting pinuno kundi paano
magsimulang mamuno sa
pamamagitan ng disiplina sa
sarili.
Ito ay sinundan ng isang
mabungang mensahi mula sa ating
Barangay Captain Hon. Juanito E.
Maynigo at isa pang mensahe
mula kay Konsehal Reagan E.
Quilaton.
Bawat halal na opisyales ng
mga SSG , PTA at iba pang
organisasyon ng paaralan ay
nanumpa kasunod ng mensahe ng
nahalal na pangulo ng Pta S.Y
2022-2023 na lubusang mahikayat
ang mga mag-aaral na pagbutihin
ang pag-aaral at pagsisilbi sa
paaralan.
Sa katunayan , ang kaganapan
ay isang tagumpay para sa lahat
ng mga pinuno ng mag-aaral.
Taimtim na nangako simulan ang
isang hamon ng pagiging
mahusay na pinuno sa isang maliit
na grupo ng organisasyon.
Karangalan Ko,
Ipinagmamalaki Ko
ni Shekainah Untalan
Nakatanggap ng
sorpresang paggawad ng Sertipiko ng
Karangalan sa iba’t ibang kategoryang
mga guro ng Buenlag Central School
sa naganap na Thanks giving and
PRAISE Awarding Ceremony na
naganap n sa basketball court ng
Buenlag . Ang mga hurado sa naturang
pagbibigay ng karangalan ay binubuo
ng PSDS, Dr. Daisy G. Tello at ng
lipon ng mga Punong-guro na
pinamumunuan ni Dr. Digna B.
Bauzon.
Nagkamit ang Buenlag CS ng
Most Functional Gulayan sa Paaralan
at Best Brigada Implementer para sa
Panuruang taon 2022-2023. Excellent
Award ang nakamit ng Buenlag CS
para sa School-Based Management
para sa taong 2021-2022. Ang mga
gurong sina Gng. Celia S. Maynigo,
Gng. Marietta M. Quintans, at Gng.
Elsie R. Flores na nagretiro ay binigyan
din ng Sertipiko ng Serbisyo bilang
pagkilala sa natatanging serbisyong
ipinagkaloob nila sa DepEd.
Pinagkalooban din Sertipiko
ng Katapatan ang mga gurong sina
Gng. Ma. Felicitas P. Bulatao, Gng.
Liza V. Miranda, at si Gng. Lilia S.
Aguilar. Nagkamit din ng Natatanging
Guro Award sina Gng. Lolita A. Mula
Cruz at Gng. Princes R. Gabito. Sa
kategoryang Dalubguro ay nagkamit ng
Natatanging Dalubguro Award sina
Gng. Adalia V. Mamaril, Gng. Cristy
De Guzman-Cabatbat, at Gng. Regina
S. Maiquez. At higit sa lahat, ang
natatanging Punong-guro ay iginawad
kay Dr. Digna B. Bauzon.
BALITA
Induction Program, Tagumpay
Bawat Bata Bumabasa
Sumusuporta ang Buenlag
Central School sa programa ng
Department of Education sa
pamamagitan ng pagpapaigting ng
“Project Read” (Reading
Enhancement and Development)
at pagsasagawa ng Reading
Brigade. Ito ay isinagawa upang
matukoy ang kakayahan ng bawat
mag-aaral sa pagbabasa at
mabigyan sila ng karampatang
tulong at gabay upang mapaunlad
ang kanilang kakayahan sa
pagbabasa. Ang lahat ng ito ay
naging posible dahil sa tulong ng
mga
magulang at iba pang miyembro
ng komunidad.
Nariyan ang mga opisyales
ng barangay, mga miyembro ng
BHW at RHU, mga kabataan na
kasali sa iba’t-ibang organisasyon
ng paaralan, mga magulang, pati
ang mga kasapi ng Legion of
Mary ay masayang nakipagkaisa
sa aming paaralan. Ang bawat isa
ay naglaan ng panahon at oras
upang matulungan kaming mga
guro sa pagpapabasa sa mga bata
gamit ang mga reading materials
na ginawa ng mga
masisipag na guro ng Buenlag
Central School. Dahil sa kanilang
suporta at pagmamalasakit sa
aming programa, napaunlad ang
kakayahan ng aming mag-aaral sa
pagbabasa.
3
ni Czyrene Anne I. Untalan
ni Ricka Ashley Deocaris
4. Tiniyak ng DRRM ng
paaralan ang kaligtasan ng mga
guro at tauhan ng paaralan pati na
rin ang mga gusali at pasilidad ng
paaralan sa pamamagitan ng
paghahanda. Ang pagtatabas ng
matataas at malalaking sanga ng
mga puno ay ginawa gayundin
ang paglilinis ng bakuran nito
gamit ang pamutol ng damo, at
pag-aalis ng alikabok sa lahat ng
silid-aralan. Ang mga hakbang sa
kaligtasan ay inilimbag at inilagay
sa mga itinalagang lugar upang
magsilbing gabay na dapat
sundin. Ang pagdidisimpekta ay
ginawa din upang itaboy ang mga
virus. Ito ay isang paraan upang
matiyak na ang paaralan ay ligtas
at walang anumang banta ng sakit
o karamdaman.
I. LIGTAS NA MGA
PASILIDAD SA PAG-
AARAL
1. Si Catherine Joy V. dela
Cruz, School DRRM
Coordinator, sa pakikipag-
ugnayan sa BFP, ay pinadali
ang pagtatasa ng mga
istruktura ng gusali ng
paaralan at mga electrical
wiring at gumawa ng mga
kinakailangang inspeksyon
upang maiwasan ang
paglitaw ng sunog.
2. Nag-ayos ng maliliit na
pinsala sa silid-aralan tulad ng
mga sirang bintana, pinto, pisara,
bubong, at iba pang
kasangkapan.
3. Naglagay ng angkop at
magagamit na pagsugpo sa
sunog sa bawat gusali tulad ng
fire extinguisher at
pinagmumulan ng tubig.
4. Ang mga koridor at mga
daanan ay walang harang at lahat
ng matutulis/nakausli na bagay
na maaaring magdulot ng pinsala
ay inalis.
5. Kinorden at naglagay ng mga
signage na pangkaligtasan para
sa mga nasira at nahatulang
gusali.
6. Na-secure ang mga cabinet at
drawer at tiniyak na ang mga
bagay ay mas mababa sa antas
ng ulo.
7. Nag-post ng mga hakbang sa
kaligtasan na dapat sundin.
8. Naghanda ng plano sa
paglikas.
9. Pruned tress upang maiwasan
ang pagkakabuhol mula sa mga
electrical wiring upang
maiwasan ang potensyal na
pinsala sa bubong ng silid-
aralan, ari-arian at buhay.
10. Pagdidisimpekta sa kampus
ng paaralan.
BALITA
Handa Sa Kalamidad
4
ni Hershey U. Sales
“Para sa Bata ,Para sa bayan”.
Ang proyektong
isinagawa ng mga masigasig at
mapagkakatiwalaang Parent-
Teacher Association ay
magsisilbing karagdagang lilim
sa ating paaralan lalo na kung
may idinaraos na programa sa
loob ng eskwelahan dahilan na
rin ng lumalaking populasyon ng
mga mag-aaral sa Buenlag
Central School.
Biyayang maituturing na
matatanaw ngayon sa harapan ng
ating paaralan ang isa pang
naisakatuparang proyekto ng
Parent-Teacher Association ,ang
waiting shed na magbibigay ng
karagdagang ginhawa sa mga mag-
aara.l Ang pagkakaroon ng mga
upuan na kalesa sa silong ng shed ay
magsisilbing lugar ng
pagrerebyu,pagbasa, pagsulat at
paggawa ng mga aktibidad ukol sa
pag-aaral.
Ang mga proyektong ito ay naging
possible rin dahil sa suporta ng mga
magulang ,mga guro at ina ng ating
paaralan na si Dr. Digna B. Bauzon
para sa ikabubuti ng paaralan at ng
mga mag-aaral.
ni Elizabeth Claire P. Barlaan
5. EDITORYAL
Ang karamihan sa mga estudyanteng
Pilipino ngayon ay mahina sa larangan ng
Science at Matematika dahil sa naantalang face
to face classes dulot ng pandemyang Covid 19.
Sa isang pag-aaral,sa larangan ng science,
nangungulelat kaya kapag lumaban sa
kumpetisyon sa mga nasabing larangan sa ibang
bansa, hindi makausad ang mga estudyanteng
Pinoy.
Pinakamababa ang nakuha ng mga
estudyanteng Pilipino sa idinaos na international
assessment for mathematics and science para sa
Grade 4.
Ayon sa ulat, maaaring ang problemang
ito ay dahil sa nararanasang gutom ng
estudyante, kakulangan ng pasilidad, bullying at
iba pang safety issues.Ang mga problemang
pang-edukasyon sa bansa ay nararapat na tuunan
ng pansin ni Vice President at DepEd secretary
Sara Duterte. Nangako ang ating Pangalawang
Pangulong Sara nang pagbabago sa sistema¬ ng
edukasyon upang magkaroon ng kalidad.
Nararapat alamin ni Sara ang mga dahilan
kung bakit nangungulelat ang mga estudyante.
Bukod sa kahinaan ng mga estudyante, tutukan
ang problema sa kakulangan ng mga mahuhusay
na guro. Kung mahusay ang mga guro, huhusay
din ang mga estudyante. Bigyang pansin ang
problema ng mga guro ukol sa suweldo na
laging napag-iiwanan. Kailangan ding masuri
ang mga ginagamit na textbooks ng mga
estudyante na tadtad ng mga maling
impormasyon. Ilang taon na ang nakararaan,
naging kontrobersiyal ang mga maling grammar
sa ginagamit na textbook ng mga nasa high
school students. Hangad ni Sara ang may
kalidad na edukasyon para sa mga bata. Isa-
isahin munang lutasin ang mga problemang
nagiging hadlang sa pagkakamit ng de-kalidad
na edukasyon.
5
May Kalidad na Edukasyon,Isulong
ni Leira Paye P. Leoncio
6. OPINYON
Kurikulum noon, K to 12 na ngayon
Bawat bagong sistema
sa isang lipunan ay may
positibo at negatibong dulot
dahil ang pagbabago ay
karaniwang may kaakibat na
sakripisyo. Sa usapin ng
implementasyon ng K to 12
program, ipinatutupad na ito sa
kasalukuyan dahil itinakda na
rin ito ng The Enhanced Basic
Education Act of 2013 o
Republic Act No. 10533.
Maraming nagsasabi na malaki
ang epekto nito hindi lamang sa
gastusin ng mga magulang sa
pagpapaaral sa kanilang mga
anak, higit dito ay ang
humahabang listahan ng mga
problema sa sektor ng
edukasyon na hindi naman
nasosolusyunan.
Sa kabilang banda,
realidad nang maituturing na
maging bukas ang ating isipan
sa ganitong sistema dahil
napag-iiwanan na tayo ng mga
kalapit na bansa pagdating sa
bilang o sapat na bilang ng
basic education ng isang mag-
aaral. Ngunit ang malaking
katanungan sa isang malaking
pagbabagong ito, handa nga ba
ang Pilipinas na pangatawanan
ang malaking reporma sa
edukasyon?
May mga guro na
nangangamba na mawawalan
sila ng trabaho dahil may mga
pagbabago sa kurikulum sa
ilalim ng K to 12 program. May
mga institusyon din sa kolehiyo
at unibersidad na maaaring
magsara dahil mababawasan
ang mga papasok na mag-aaral
sa kolehiyo. Sa perspektibo ng
isang propesor, kailangang
unahin muna ang mga
kasalukuyang problema bago
magsagawa ng reporma sa
edukasyon.
Maganda man ang
layunin ng K to 12 program
para sa mga mag-aaral lalo na
ang mga taong may kasanayan
sa ibang larangan tulad ng
skilled workers ay hati pa rin
ang opinyon ng pang-
akademikong sektor sa usapin.
Para sa iba, makakatulong ito
lalo na sa mga mag-aaral na
ayaw magkolehiyo dahil maaari
na silang makapagtrabaho
pagkatapos ng Senior High
School at nasa hustong gulang
na rin sila para gawin ito.
Ngunit ang iba naman
ay sinasabi na mas mainam
pa rin ang nakatapos ng
hanggang sa antas ng kolehiyo
bilang patunay ng kasanayan sa
isang larangan.
Ang usapin sa epekto ng
K to 12 sa iba’t ibang sektor ng
lipunan ay hindi basta-basta
matatapos hangga’t hindi pa
nakikita ang kabuuang
implementasyon nito. Ngunit sa
perspektibo ng mga guro, isa
itong hamon sa realidad ng
sistema ng edukasyon na
mayroon ang Pilipinas – hamon
sa paraan ng pagtuturo, sa mga
pagbabago sa kurikulum, at sa
kanilang sarili na mismo.
Hindi naman masama
ang pagbabago kung
mapapangatawanan ito nang
husto ng ating bansa lalo na sa
mga reporma ng edukasyon.
Ngunit ang malaking
katanungan: ano ang magiging
dulot nito sa mga mag-aaral at
guro ilang taon mula ngayon?
Marahil, ang kasagutan
ay malalaman sa panahon na
natapos na ang kabuuang
implementasyon ng programa
6
ni John Mark T. Tabalan
7. LITERATURA 7
Para sa mga lovers kung tawagin natin na kung
saan ipinapahayag nila ang kanilang pagmamahalan sa
bawat isa sa pamamagitan nang pagbibigay ng mga
bulaklak at mga tsokolate sa mga taong may
kakayahang bumili nito.
Araw ng mga Puso o Valentine’s Day ngayong ika-14
ng malamig na Pebrero. Sa mga nagmamahalan,
umiibig at romantiko, mahalaga ang Pebrero 14. Sa
kanilang paniwala at sa iba pang naniniwala sa
kahalagahan ng pag-ibig, ang Araw ng mga Puso ay
natatanging pagkakataon upang muling pagtibayin ang
pagmamahalan. Pagpapahayag ng damdamin sa
naiibang paraan. Ang Araw ng mga Puso ay
ipinagdiriwang din ng mga mag-asawa, magkaibigan at
maging ng magkalaguyo. Isa na itong pandaigdigang
selebrasyon, ang Araw ng mga Puso, kahit na nabatikan
na ito ng komersiyalismo, hindi nalilimutan na
ipagdiwang at pag-ukulan ng pagpapahalaga ng mga
umiibig at nagmamahalan.
Bilang bahagi ng tradisyon, nakaugalian na ang
pagpapadala ng mga rosas at tsokolate sa mga
minamahal, nililigawan, sinusuyo, mga kaibigan at iba
pang mahal sa buhay. Taun-taon tumataas lagi ang
presyo ng mga rosas at bulaklak.
Ngunit paano nga ba magdiwang ang taong nahagupit
ng kahirapan? Na bago bumili ng daan-daan o minsan
pa nga ay libo-libong halaga ng bulaklak ay ibibili na
lang ng makakain ng pamilya. Pero mga kapwa ko tao,
huwag natin pabayaan na ang pagpapadama ng ating
pagmamahal ay mababaliwala lang dahil sa kahirapan.
Ang Araw ng mga Puso ay isang araw ng pag-ibig at
pagmamahalan. Maging anuman ang anyo, paraan at
kahulugan ng pagdiriwang, ang mensahe at diwa nito
ay PAG-IBIG. Yan ang paglalarawan ko sa araw ng
mga puso.
Araw ng
mga Puso
8. AGHAM AT TEKNOLOHIYA
Climate Change at Global Warming:
May Pagkakaiba ba?
Dahil sa pagnanais ng tao na mapadali ang
kaniyang mga gawain, lumikha siya ng mga
teknolohiyang bunga ng siyensiya. At sa pagdali ng
mga gawain na noon ay ginagawa lamang ng kamay,
dumami ang mga teknolohiya at dumami rin ang
epekto ng mga ito sa ating kalikasan. Kasam sa mga
epektong ito ang Climate Change at Global Warming.
Madalas ay inaakalang parehas lamang ang mga ito
subalit hindi. Tumutukoy sa pangkalahatang init ng
temperature ng mundo ang Global Warming . Dahil sa init
na nalilikha ng mga teknolohiya na tinatawag na
greenhouse gases, naiipon ang mga ito sa atmospera ng
mundo at nakapagdudulot ng higit na init. Ang Climate
Change naman ay ang pagbabago ng klima o panahon ng
isang rehiyon ng mundo dahil pa rin sa greenhouse gases.
Kung ating mapapansin, hindi na regular ang mga buwan
ng tag-araw at tag-ulan sa ating bansa. Ito ay dahil sa
Climate Change.
Dahil teknolohiya at siyensiya ang nagdulot ng Global
Warming at Climate Change, teknolohiya rin at siyensiya
ang tutulong na puksain ang mga ito. Kaya’t itatampok sa
bahagi ng pahayagang ito ang mga siyensiya at
teknolohiyang makatutulong sa pagbawas o pagpuksa sa
Climate Change at Global Warming.
IPINAKILALA ng DOST ang
SUUSTAINABLE MATERIAL PARA
SA MGA MESA NG PAARALAN
Tinatawag na Silyang Pinoy, ang mga
kasangkapan sa paaralan ay pangunahing
gagawin gamit ang engineered bamboo o e-
bamboo, at iba pang hilaw na materyales.
Magiging multi-functional din ang mga ito
kung saan ang mga upuan at mesa ay madaling
gawing ibang kasangkapan. Ito ay lalong
kapaki-pakinabang sa isang bansa kung saan
ang mga paaralan ay karaniwang ginagawang
mga evacuation center sa panahon ng mga
sakuna.
Ang E-bamboo ay ginawa sa
pamamagitan ng pagbubuklod ng mga hibla,
particle, strip o slats ng kawayan gamit ang
tamang pandikit. Ginagamit sa buong mundo
para gumawa ng mga kaakit-akit na panel,
sahig, muwebles at handicraft, kadalasan ay
mas malakas ito at mas madaling mag-warping
kaysa sa katumbas na solid wood.
Sa pamamagitan ng proyektong ito,
target ng DOST-Forest Products Research and
Development Institute (DOST-FPRDI) na
makasunod sa presyong itinakda ng
Department of Education (DepEd) upang
makalaban sa mga school furniture sa merkado.
Sa kasalukuyan, gumagastos ang DepEd ng
hindi bababa sa Php 116,000 para sa 1-table-1-
chair sets para sa 45 na estudyante.
Matagal nang natanto ng Institute ang
potensyal ng kawayan at ang pangangailangang
i-mainstream ang paggamit nito upang
suportahan ang lokal na industriya. Isa sa
pinakamahalagang ekonomikong produkto ng
kagubatan na hindi gawa sa kahoy, ang
kawayan ay may mahusay na mga katangian na
ginagawa itong mainam na pamalit sa kahoy
para sa muwebles, handicrafts, construction
material, at mga produktong kemikal,”
paliwanag ni DOST-FPRDI Director Romulo T.
Aggangan
Pinoy, Kakampi ng Kalikasan
Hindi na mabilang ang mga Pilipinong may malasakit
sa ating kalikasan. Nangunguna sa listahan ang mga
scientists at imbentor na ang mga likha ay para sa
ikabubuti ni Inang Kalikasan. Sila ay karapat-dapat na
tularan natin sa ating paglaki. Halina’t kilalanin natin ang
ilan sa kanila.
JULIAN BANZON – Gumawa siya ng pag-aaral sa paraan
ng paggawa ng alternatibong langis. Nag-ekperimento rin
siya sa paggawa ng ethyl fuels na mula sa tubo at niyog. Ang
paggamit ng alternatibong langis ay kaibigan ng kalikasan.
FELIX MARAMBA – Nag-imbento siya ng makinang
gumagawa ng kuryente (power generator) na pinatatakbo ng
langis mula sa niyog at hindi ng gasolina. Siya rin ang
gumawa ng pinakakumikitang sistema ng biogas sa buong
mundo. Ang biogas ay kilala na may mababang polusyong
dala sa hangin at tubig.
Ilan lamang sila sa mga Pinoy na kakampi ng kalikasan.
Darating ang panahon at ilan sa atin ay magiging imbentor at
alagad ng siyensiya. Sikapin sana nating lumikha ng mga
bagay na makatutulong sa ating kalikasan upang tayo ay
maging kakampi rin ng kalikasan.
8
9. AGHAM AT TEKNOLOHIYA
Napag-aralan mo na ba ang mulapik
(atom)? Sa kapnayan (chemistry), ang mulapik
ay ang pinakapayak na yunit ng isang bagay.
Binubuo ang mulapik ng mulasik (proton),
dagisik (electron), at awansik (neutron). Ang
proton at neutron ay kapwa matatagpuan sa
butod (nucleus) ng isang mulapik habang ang
electron nama’y matatagpuan sa ulap (cloud) na
umiinog sa butod ng mulapik. Ang proton ay
nagtataglay ng tahas na tablay (positive charge)
habang ang electron ay mayroong baling na
tablay (negative charge).
Pinaniniwalaang nabuo ang mga mulapik
mula sa Big Bang 13.7 bilyong taon na ang
nakararaan. Ang electron ay unang nadiskubre ni
Joseph John Thompson noong 1897. Taong 1911
naman nang matuklasan ni Ernest Rutherford
ang butod (nucleus) noong 1911. Siya rin ang
nakadiskubre sa proton. Ang mag-aaral niyang si
James Chadwick ang siyang nakatuklas sa
neutron noong 1932. Ang teorya ukol sa atom ay
nagmula pa sa Griyegong pantas na si
Democritus noong 440 B.C. Pinagyabong pa ito
ng Ingles na kemiko na si John Dalton, na
siyang lumikha sa kilalang ‘atomic theory’.
MGA BAHAGI NG SATUNAWING KAAYUSAN
Ngayong araw, ating balikan ang ating aralin sa
agham. Alam mo ba ang mga bahagi ng satunawing
kaayusan (digestive system)?
Ang satunawing kaayusan ay siyang resposable
sa pagkuha ng nutrisyon at enerhiya mula sa ating mga
iniinom at kinakain. Kabilang sa mga sustansyang
ating nakukuha mula sa ating mga kinakain ang
carbohydrates, protina, fats, mineral, at mga bitamina.
Ang satunawing kaayusan din ang siyang responsable
sa paglalabas ng dumi sa ating katawan
ANO ANG
MONKEYFOX?
Ang monkeypox ay naging isang
pampublikong alalahanin mula nang
matuklasan ang mga kaso ng sakit na ito sa
Singapore. Dahil malapit ang Singapore sa
Indonesia, nanawagan din ang gobyerno ng
Indonesia sa publiko na maging
mapagmatyag at panatilihin ang kalinisan
upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na
ito.
Monkeypox o monkeypox ay isang
bihirang nakakahawang sakit na dulot ng isang
virus monkeypox mula sa
grupo Orthopoxvirus.Monkeypox unang
natuklasan noong 1958, kung saan nagkaroon
ng dalawang paglaganap ng parang bulutong na
sakit na nagaganap sa isang grupo ng mga
unggoy na iniingatan para sa pagsasaliksik.
Kaya naman, ang sakit na ito noon ay tinawag
na 'monkeypox’
Noong 1970, ang kaso monkeypox Ito ay
unang natuklasan sa mga tao sa Congo, Africa.
Simula noon, monkeypox iniulat na umaatake sa
mga tao at naging isang endemic na sakit sa
ilang mga bansa sa Africa, lalo na sa Central
Africa at West Africa. Sa labas ng Africa,
natagpuan ang mga impeksyon ng monkepox
noong 2003 sa United States, at noong 2018 sa
UK at Israel.
9
10. LATHALAIN
MISYONERO: Matatag Na ALS
Marami parin sa ating mga kabataan at kababayan ang hindi
nakapagpatuloy ng kanilang pag-aaral dahil sa iba’t-ibang mga
kadahilanan.
Bilang isang guro ng Alternative Learning System (ALS) misyon at
layunin nito na patuloy na bigyan ng pantay-pantay, de-kalidad at
kumpletong pangunahing edukasyon ang ating mga mag-aaral.
Dahil sa mithiing ito, na walang mag-aaral ang mapag-iiwanan, ang
edukasyon na mismo sa pamamagitan ng Alternative Learning System
(ALS), ang siyang lalapit at pupunta sa kanilang bahay o komunidad
upang isagawa ang pagtuturo.
Marami mang hamon ang haharapin sa pagsasagawa nito, hindi ito
magiging hadlang upang hindi maisakatuparan ang misyong ito.Dahil sa
ALS, may pag-asa.
MATATAG NA BATA, MATATAG NAALS!
Brigada Eskwela na
naman! Ito ang madalas nating
naririrnig kapag papalapit na ang
pasukan. Ano nga ba ito at sa
tuwing magpapasukan ay abala
ang mga guro, mga mag-aaral,
mga magulang at mga iba’t ibang
sangay ng ating pamayanan sa
pagpunta sa ating paaralan? Ang
Brigada Eskwela ay isang
programa ng Kawanihan ng
Edukasyon upang ihanda ang
paaralan sa pagpasok ng mga
bata. Isang Bayanihan kung
tawagin ang Brigada Eskwela.
Sapagkat dito isinasagawa ang
pagtutulungan ng mga guro, mag-
aaral, mga magulang at mga tao
sa komunidad at ng iba’t ibang
sangay ng gobyerno upang
maging maganda,
maayos at ligtasang bawat
paaralan na siyang magsisilbing
pangalawang tahanan ng mga
mag-aaral. Sa panahong ito
ipinapakita ang pagsasama-sama,
tulong-tulong at pagmamalasakit
ng bawat isa sa ating mahal na
paaralan sa pamamagitan ng
paglilinis, pagsasaayos ng mga
sirang upuan, bubong, gripo at iba
pang sirang gamit. Nagkakaroon
din ng pagtatanim ng mga
halaman upang mapanatiling
produktibo ang Gulayan sa
Paaralan.
Ah... di nakapagtatakang,
isa ang ating paaralan
Paaralang Sentral ng
Buenlag ang laging nangunguna
sa pinakamahusay na
tagapagpatupad ng Brigada
Eskwela. Siksik, liglig umaapaw
ang suportang laging natatanggap
ng ating paaralan sa panahong ito.
Nandiyan ang LGU, mga
opisyales ng barangay na laging
handang tumulong sa ating
paaralan. Nandiyan din ang mga
Alumni ng BCS na kahit nasa
malayong lugar ang ilan sa knila
ay patuloy pa rin ang pagbibigay
tulng [pinansiyal at materyal na
bagay. Tulad na lamang ng walis,
dustpan, alcohol at face mask
upang mapanatiling malinis at
malayo sa anupamang mikrobyo.
Nandiyan din ang pagbibigay nila
ng pintura upang magbigay kulay
sa loob at labas ng ating paaralan.
Mga gamit pang eskwela gaya ng
kwaderno, papel, lapis at crayola,
bond paper, ink at iba pa.
Tunay na ang bawat isa ay
may malasakit sa ating paaralan.
Bawat isa ay nagsisilbing
instrumento upang ang bawat bata
ay matutong bumasa at sumulat sa
loob ng isang malinis at ligtas na
paaralan upang may marating na
magandang kinabukasan.
Brigada Eskwela… Umaarangkada
10
ni John Mark T. Tabalan
ni:Chrystian James M. Mejia
11. LATHALAIN
Espesyal Na Okasyon ni Abbygail A. Respino
Pamatnugutan
JOHN MARK TABANAN
ABBYGAIL RESPINO
Punong Patnugot Pangalawang Patnugot
JOSEF BALVERDE
Patnugot ng Balita
MILEY GWYNETH C. LINCOD
Patnugot ng Lathalain
FRENCESS ASHLEY O. AQUINO
Patnugot ng Literatura
JANELLE PERALTA
Patnugot sa Pampalakasan
CZYRENE ANNE I. UNTALAN
Patnugot ng Agham at
Teknolohiya
SHEKAINAH UNTALAN
Tagadibuho
RICKA ASHLEY DEOCARIS
ELIZABETH CLAIRE P. BARLAAN
LEIRA PAYE P. LEONCIO
CHRYSTIAN JAMES M. MEJIA
Umaambag
Ipinagdiwang ang “World Teachers’ Day
buong mundo bilang pagpupugay para sa mga guro.
Dito sa Pilipinas, makulay ang pagdiriwangng
okasyon na ito. Pinangunahan ng Department of
Education (DepEd) ang
pagdiriwang na may temang “Aking Guro, Aking
Bayani”. Pinahahalagahan ang mga nagagawa ng
guro na humuhubog sa kaisipan ngmga bata. Sila
ang ikalawang magulang ng mga bata sa paaralan.
Sila ang matiyagang nagtuturo para matuto sa
pagbasa, pagsulat at pagkukuwenta ang mga bata.
Utang sa mga guro ang pagkakaroon ng mga lider
ng bansa.Maraming guro na hindi lubusang
nabibigyan ng atensiyon at hindi napaparangalan.
Maituturing na “bayani” ang mga guro na nagtuturo
sa mga liblib na lugar sa probinsiya.
May mga guro na nagtitiis maglakbay ng ilang
kilometro para marating ang school napinagtuturuan
at magampanan ang tungkulin sa mga bata. May
mga gurong naglalakad sa maputik na daan para
lamang mapuntahan atmaturuan ang mga bata sa
liblib na lugar.
Nakakahanga ang mga guro na dahil sa
marubdob nilang hangarin na maturuan ang mga
bata ay hindi natatakot na madukot o lapastanganin
ng mga taong may maitim na budhi.
Lubhang kahanga-hanga ang mga guro na sa
kabila nang maliit na suweldo ay walang sawa sa
pagtuturo at tinutupad ang re sponsibilidad sa mga
bata. Maraming guro ang hindi nagrereklamo sa
kabila na ang kanilang buhay ay salat na salat sa
maramingbagay.
“Aking Guro, Aking Bayani”, tamang
-tama ang temang ito. Bigyang halaga ang
mga guro sapagkat tunay silang mga “bayani”. Itaas
ang uri ng kanilang pamumuhay sa
pamamagitan ng pagbibigay nang mataas na
suweldo at sapat na benepisyo. Bigyang halaga ang
kanilang pagsasakripisyo para maturuan ang mga
kabataan.
SYLVIA S. SORIANO DIGNA B. BAUZON
Tagapayo Punongguro
12. ISPORTS
Sulyap sa Nakaraan
ni Chrystian James M. Mejia
Ang Larong Pinoy ay tinatawag ding Laro ng
Lahi. Ito ay mahalagang simbolo ng ating pagiging Pilipino. Ito
ang pagkakakilanlan ng isang pagkatao at pagkabansa. Dito
unang nalinang ang ating pakikipagkapwa, natutong mag-isip at
gumawa ng desisyon na alam nating makakabuti para sa atin.
Ang sagot sa ilang problemang paglalaho ng kulturang Pilipino
ay ang paggunita at aktong paggawa ng mga ito. Dahil sa pag-
unlad ng teknolohiya ay umunti na ang naglalaro ng mga larong
pinoy. Ang katutubong laro ay maituturing na palatandaan ng
isang lahi, kung kaya’t dapat na balikan, pangalagaan sa
pamamagitan ng aktong paglalaro.
Gusto kong balikan ang mga panahong ako’y naglalaro
sa lansangan at nakikipaghabulan sa aking mga kaibigan. Yung
tipong uuwi ka lang ng bahay para kumain at kapag gabi na,
naku! Pawisan at ang dungis-dungis mo na. (hahah!) Ganun
ang buhay-bata NOON. Pero ngayon? Hay ewan… WALA ng
ganyan.
Ang mga sumusunod ay mga Larong Pinoy na aking
kinalakihan NOON at sana’y maibahagi pa natin sa mga
kabataan NGAYON.
Sipa Patintero
Tumbang Preso Taguan
Agawan Base (Game Base) Siyato (Syatong)
Holen Sunka (Sungka)
Trumpo Jak ‘N Poy
Luksong Baka Piko
Luksong Tinik Palo Sebo
Naalala ko pa, mahilig din kaming maglaro
ng TEKS noon na ang mga nakalagay ay larawan nina san
gouku, eugene, vincent.. in short mga cartoon at anime
characters. (hahah) Paramihan pa nga kami ng makokolekta.
Mahilig din kaming maglaro ng Chinese garter, jack stone, at
langit-lupa. ^__^ Hindi ko maalala yung isa eh… basta
kinakanta namin yung “isasara ang bulaklak……… dadaan ang
reyna, bakembot-kembot pa….” ayun, hindi ko talaga alam
tawag sa larong iyon basta nilalaro namin noon. (heheh)
May kasabihan tayo – Ang hindi
nakakahanap ng oras para sa pag eehersisyo ay
kailangang maghanap ng oras para sa sakit..
Sa karamihan ng paaralan, ang pisikal na
edukasyon ay bahagi ng kurikulum. Bukod sa
pagpapanatili ng pisikal na fitness, kabilang
dito ang pagsasanay sa pagpapaunlad at
pangangalaga ng katawan ng tao.
Ang pagiging aktibo sa pisikal ay
nagbibigay ng maraming benepisyo sa ating
kalusugan, nakakatulong ito na mapanatili ang
malusog na katawan, pinapalakas nito ang
ating mga buto at kalamnan at pinapabuti nito
ang ating kalooban at kalusugan ng isip.
Ang mga sangkap ng physical fitness
ay nasusukat sa pamamagitan ng mga
pagsubok na sadyang maingat na inihanda
upang sukatin ang antas ng kakayahan. Ang
mga pagsubok na ito ay may kani- kaniyang
sariling paraan ng pag sasagawa sa simulang
antas para malaman ang kasalukuyang estado
ng physical fitness (pre-test )at ang pag-unlad
ng sangkap na ito ( post test )
Upang matiyak na ang lahat ng mga
mag-aaral na maabot ang kanilang buong
potensyal ang Dep.Ed Order No.34 s. Inilabas
noong 2019 na may kalakip na Revised
Physical Fitness Test na isa sa pangunahing
layunin ng Physical Education Program ay
hamunin ang mga mag-aaral na gawin ang
Physical Fitness Test.Kaugnay nito, nakilahok
at nagsagawa ng hamon ang Buenlag Central
School. Ito ay itinuro ng guro-tagapayo sa
kanilang mga mag-aaral sa pamamagitan ng
panunuod ng video.
Ang iba't ibang mga aktibidad sa fitness
ay ipinaliwanag sa pamamagitan ng panunood
ng video at pagsasagawa ng isang bata upang
masundan ng mga mag-aaral. Ang mga mag-
aaral ay kumuha ng mga larawan habang
isinasagawa ang mga sumusunod na pagsubok.