Beginners Guide to TikTok for Search - Rachel Pearson - We are Tilt __ Bright...
Aspekto ng pandiwa
1. Ating Sagipin
Matagal na naming balak ni
Inay na bumili ng aalagaang
hayop. Bago ako umuwi
kahapon mula sa paaralan,
dumaan ako sa pet shop ni
Ginoong Lim sa kanto.
2. Pagpasok ko sa tindahan ay bumati ako ng
“hello!” Ngumiti ako at binati si Ginang Garcia,
ang tindera. Ngumiti siya ngunit hindi siya
nagsalita. Abala siyang naghahandang pagkain
ng mga tuta. May bumati sa akin ng “Hello!”
Sumagot ako muli ng “Hello!” Hinarap ako ni
Ginang Garcia at ngumiti ngunit hindi siya ang
nagsalita.
3. Laking gulat ko nang makita ko ang bumati sa
akin. Isa itong ibon! Nagsasalita ang ibon!
Namangha talaga ako! Para siyang taong
nagsasalita! Natuwa ako sa isinagot sa akin ng
tindera nang tinanong ko siya kung itinitinda niya
ang ibon.
4. Kinabukasan, niyaya ko si Inay sa pet shop.
Ipinakita ko sa kanya ang nakita kong ibon
kahapon. Kaya lang sa halip na matuwa, siya ay
nalungkot.
“Naku Nona hindi dapat ipinagbibili
ang ganyang uri ng hayop. Iyan ay
isang mynah. Kabilang iyan sa mga
hayop na nanganganib nang
maubos,”wika ni Inay sa akin.
5. Ipinaliwanag ni Inay na ang mga nanganganib
na hayop na katulad ng mynah ay dapat
alagaan at paramihin. Kung hindi titigil ang tao
sa paghuli sa mga ito, darating ang araw na
hindi na ito makikita. Nalungkot din ako sa
sinabi niya.
6. Sinabi pa ni Inay na may mga batas daw na
nagbabawal na hulihin o ibenta ang mga hayop
na nganganib nang maubos. Kaugnay nito ang
proyektong (Sagip Wildlife.) Inilunsad ito ng
Protected Areas and Wildlife Bureau (PAWB).
Nang ikuwento ko kay Tatay ang
nakita namin ni inay sa pet shop,
sinabi niyang kailangang ipaalam
namin sa PAWB ang nakita namin.
7. Tumawag si Tatay sa opisyal ng PAWB.
Nakausap niya si Dr.Agustin at sinabi nito na
magsasagawa sila ng hakbang para sagipin
ang ibon.
Kukunin daw ng PAWB ang mga
ipinagbabawal na ibentang hayop
at ibabalik na sila sa kanilang
tirahan.
8. Nagagalak ako at maililigtas din ang mynah
at iba pang hayop na ipinagbabawal na
ibenta. Maaari pa naman akong mag-alaga
ibang hayop.
Isang puting tuta na
mahaba ang balahibo ang
binili namin kanina ni Inay.
10. Pagbuo ng mga Salita
Pagbago-bago ng lugar ng bawat
letra sa isang salita.
Mga halimbawa:
paa - apa
masa - sama
tama - mata
May tatlong aspekto ng pandiwa