2. Essential Questions (EQ’s)
1. Bakit kailangan ng tao ang pakikipagkapwa?
2. Bakit mahalaga ang pakikipagkaibigan?
3. Bakit mahalaga ang pang-unawa at pagiging
sensitibo sa pasalita, di pasalita at virtual na
uri ng komunikasyon?
4. Bakit mahalagang pamahalaan ang
emosyon?
4. Mga Prinsipyo sa Pagpapaunlad ng
Pakikipag-ugnayan sa Kapwa
1. Paggalang sa Pagiging Indibidwal ng Kapwa
2. Pagpapahayag ng mga Damdamin
3. Pagtanggap sa Kapwa
4. Pag-iingat sa mga Bagay na ibinahagi ng
Kapwa (Confidences).
11. “FRIENDSHIP QUIZ”
1. Gumagawa ng paraan upang magkausap kayo (sa pamamagitan ng e-mail, pagdalaw, pagiimbita sa mahahalagang okasyon, pagtawag sa telepono, etc.)
2. Ipinakikita ang suporta sa pamamagitan ng pagiging masayang kausap o kasama, pagbibigay
ng lakas-loob, at pagpapaita ng pag-aalala para sa kaibigan upang pasayahin ito
3. Naghahanda para sa isang mahalagang okasyon (party, pamamasyal, pagvivideoke sa bahay,
etc.) para sa inyong dalawa
4. Ipinagtatanggol ang kaibigan sa ibang tao na nagsasalita o gumagawa ng hindi maganda sa
kaibigan
5. Tumutugon sa suliranin ng kaibigan; maaring sa pakikiramay, pakikinig at pag-unawa,
pagbibigay-lakas loob at iba pang paraan upang makatulong
6. Pagpuri sa kaibigan; sa kanyang hitsura, talento, talino, mga natatamong karangalan,
pananamit, at iba pang katangian.
7. Pagbibigay ng tulong sa pamamagitan ng pagiging bahagi ng kanyang buhay; hallimbawa, pagaalaga sa kanya kung may sakit; pag-aalaga sa kanyang mga halaman, alagang hayop o maging
mga anak nito kung siya'y may lakad
8. Pagbibigay ng mga regalo na alam mong makasisiya sa kanya. Pag-alala sa mahahalagang
okasyon sa kanyang buhay tulad ng birthday, graduation o kasal
9. Tumutulong upang aliwin o pagaanin ang kalooban ng kaibigan matapos ang mga di kanaisnais na naging bunga ng ugnayan sa ibang tao (gaya ng pagkabasted sa nilliligawan, di pagpansin
ng crush, pagpagalit ng guro, at iba pa)
10. Hindi nahuhuli sa mga tagpuan at palaging tinutupad ang mga pangko.
12. PAKIKIPAGKAIBIGAN
Maliit na bagay lamang iyon, ngunit lubhang naging napakahalaga
para kay Tricia. Malaki ang suliranin niya noon. Dalawang
mahahalagang pagsusulit ang kanyang kukunin kinabukasan - ang
dalawang huling eksamen sa taon - ngunit ilang araw din siyang liban
sa klase kung kaya't hindi siya nakapag-aral para dito. Lubhang
napakaraming araling kailangan pang basahin. Hindi sya dapat
lumagpak dito. Kagagaling man nya sa sakit kinakailangan niyang
mag-aral - sa buong magdamag.
Isang buntong libro ang kaharap ni Tricia ng tumunog ang telepono
nang alas-dose ng gabi. Si Gina iyon. Bago pa nag haiskul si Tricia ay
matalik nyang kaibigan si Gina. Nagkahiwalay sila dahil lumipat na sa
probinsya si Gina. Magkalayo man madalas naman silang
magtawagan. Kaya nga't naibulalas ni Tricia kay Gina ang lahat ng
sama ng loob nito at pag-aalala. Matapos silang mag-usap ay nagbalik
ito sa pag-aaral ng leksyon. Nagulat si Tricia ng muli'y tumunog ang
telepono makalipas a-nang ang isang oras.
13.
14. Si Gina muli ito. Tumawag siya upang tiyaking gising ang
kaibigan at upang bigyan ito ng lakas ng loob na
magpatuloy. Paulit-ulit itong tumawag tuwing makaisang
oras sa buong magdamag.
Habang papalapit na ang madaling araw ay masayang
nagpatuloy ng pag-aaral si Tricia. Inaabangan ang mulitmuling pagtawag ng kaibigan. Kaya nga nang oras na ng
eksamen ay handang handa si Tricia para dito.
Walang maisip na maitulong si Gina para kay Tricia sa
gabing iyon liban sa pagpapakita nya dito ng suporta. At
ito nga ang kanyang ginawa. Dahil alam niyang may nagaalala sa kanya ay masayang nagpatuloy sa pag-aaral si
Tricia buong magdamag. Sino pa nga ba liban sa isang
matalik na kaibigan ang magpupuyat sa buong magdamag
dahil lamang sa pag-aalala sa isang taong nasa kabilang
dulo ng bansa?
15.
16. Mahalaga ang Aking Aso sa Akin
Ang aking aso ay tahimik at mabait na kasama
Hindi niya sinasabing Gawin Mo!..., tulad ni ina
Hindi niya sinasabing Huwag mong gawin!..., tulad
ni ama
Hindi niya sinasabing Tigih, tulad ni kuya
Ang aking asong si bantay at ako ay tahimik
lamang na nakaupo sa isang sulok ng mundo
Gusto ko siya at gusto nya rin ako!
Matalik na magkaibigan si Bantay at ako
17.
18.
19. Pagpapatunay ng Kaibigan
Noong panahon ng digmaang sibil sa Amerika, ang pangulo noon na
si Abraham Lincoln ay nakatanggap ng napakaraming apela upang
maggawad ng kapatawaran sa mga sundalong nahatulang mamatay
dahil sa desersyon o pagtakas sa gitna ng digmaan. Ang bawat
pakiusap ay may kalakip na mga sulat na nagpapatunay na ang
sundalo ay karapat dapat sa klemensiya . Ang mga sulat ay muta sa
kanilang mga kaibigan o mga taong nasa kapangyarihan.
Isang araw ay nakatanggap ang pangulo ng isang apela na kakaiba sa
lahat. Dumating ito na wala ni isa mang kalakip na sulat na
nagbibigay tetimonya sa kabutihan ng sundalo..Si Pang. Lincoln ay
nabagabag sa sitwasyong ito kung kaya't agad niyang tinanong ang
nakakataas na opisyal ng naturang sundalo. Hindi makapaniwala si
Pang. Lincoln nang sabihin ng opisyal na ang sundalo ay wala nang
natitirang mga kaibigan at nangamatay na rin ang lahat nitong
kamag-anakan sa digmaan. Sinabi nitong sa susunod na araw na ito
pagpapasyahan.
20.
21. Lubhang naging mahirap sa pangulo ang magpasya
tungkol dito. Ang disersyon ay hindi birong krimen sa
panahon ng digmaan. Kung patatawarin niya ito, maaring
magbigay ito ng maling impresyon sa iba pang mga
sundalo. Ngunit hindi niya maiwasang mabagbag ang
damdamin para sa isang taong wala ni isang kaibigan.
Kinaumagahan, laking pagkagulat ng opisyal ng sundalo
nang sabihin ng pangulo na isang testimonya ng kaibigan
ng sundalo ang nagligtas dito sa sentensyang bitay.
lpinaalala ng opisyal na walang sino mang kaibigan ang
sundalong ito at walang sumulat para siya ipakiusap.
Sumagot ang pangulo, “Ako ang magiging kaibigan niya,”
at nilagdaan nito ang klemensya para sa sundalo.
22.
23. Ayon sa Wikipedia ang pakikipagkaibigan ay isang
higit na malalim na uri ng pakikipag-ugnayan sa
kapwa kaysa karaniwan. Ang halaga ng
pakikipagkaibigan ay nababatay sa pagpapakita ng
mga sumusunod na pagpapahalaga ng magkaibigan sa
isa't isa:
1.) ang pagnanais ng makabubuti para sa kaibigan;
2) pakikiramay at pakikiisang damdamin; 3) pagiging
totoo; 4) pagiging maunawain at mapag-alala. ng
kaibigan); 5) pagtitiwala (na hindi huhusgahan ng
kaibigan); 6) pagbibigayan.
24.
25. •Emily Dickenson, isang sikat na Amerikanang manunula,-… hindi ito
kinakailangan upang mabuhay; bagkus isa ito sa mga bagay na
nagbibigay halaga sa buhay.
•George Santayana naman, isang Español na manunula-"ang isang
kaibigan ay ang bahagi ng sangkatauhan kung saan maari kang maging
(totoong) tao.”
•Ralph Waldo Emerson, isang manunulat na Amerikano,-“sa harap ng
tunay na kaibigan ay maari akong maging totoo, sa harap niya ay maari
kong ibulalas ang aking mga iniisip.”
Aristotle-“walang tao na pipiliing mabuhay na walang mga kaibigan”.
Plato-“Ang tunay na pagkakaibigan ay walang wakas at imortal.”
Cicero-mga birtud ang nagbibigay daan at nagpapanatili ng
pagkakaibigan.
•Kristiyanong pananaw-“hindi magkakaroon ng tunay na pagkakaibigan
kung ang magkaibigan ay hindi pinag-isa ng pagmamahal ng Diyos na
pinalalaganap sa ating mga puso sa pamamagitan ng ispiritu santo.”
26. Kristo-nararapat nating mahalin ang ating kapwa tulad sa ating
sarili. Ang pagmamahal na ito ay walang pinipili - kaibigan, hindi
kaibigan o maging kaaway man. Nakabase din ang uri ng
pakikipagkaibigang ito sa pagpapatawad.
C.S. Lewis -ang pakikisama o maging ang pakikihalubilo ay mga
sitwasyong maaring pag-ugatan ng pakikipagkaibigan
Lumang Tipan-Moses at Abraham ay tinawag na mga kaibigan ng
Diyos sa bagong tipan sinabi ni Kristo na ang pakikipagkaibigan sa
Diyos ay hindi nakareserba sa iilan o sa mga pinili lamang. Sino mang
sumunod kay Kristo, nagmahal sa kapwa ay maari Niyang maging
kaibigan.
Juan 15:15 -“hindi ko na kayo tatawaging mga utusan ang ginagawa
ng kanyang panginoon, tinawag ko kayong kaibigan sapagkat ang
lahat ng narinig ko sa aking Ama ay ipinaalam ko sa inyo.”
28. Iba’t ibang uri ng komunikasyon.
1. Pasalita. Ito ang pangunahing uri ng komunikasyon. Kasama rito ang
pasalita (oral) at pasulat (written) na komunikasyon. Sa ganitong uri
ng komunikasyon mahalagang tandaan na ang iyong salita at
pagpapaliwanag ay nakaapekto sa kaisipan at damdamin ng taong
tatanggap nito. Kailangan din ng pag-iingat sa mga salitang
gagamitin upang hindi makasakit ng damdamin ng kapwa.
2. Di-Pasalita. Ito ay mahalagang uri ng komunikasyon. Mas
masasalamin ang totoong damdamin sa ekspresyon ng mukha o sa
galaw ng katawan. Kapag nakikipag-ugnayan tayo sa ibang tao, tayo
ay nakapagbibigay at nakatatanggap ng hindi mabilang na di
pasalitang hudyat (signals).
3. Virtual. Ang virtual na komunikasyon ay dulot ng makabagong
teknolohiya kung saan ang paghahatid ng impormasyon o aksyon
ay naipahahatid saan mang lokasyon gamit ang information
technology
29.
30. Limang Antas ng Komunikasyon
1.
2.
3.
Pakikipag-usap sa isang simpleng kakilala (Level of Acquiantance). Ang ganitong
uri ng pagkikipag-usap ay pinakamababaw ngunit sa ating mga Pilipino, madalas
natin itong ginagamit.
Pakikipag-usap upang magbahagi ng makatotohanang impormasyon
(Reporter’s Talk). Ito ay pagbabahagi ng mga impormasyon na tumutugon sa
taong na Ano, Sino, Saan, Kailan at iba pa. Ibinahagi mo lamang sa iba kung ano
ang iyong nakita o narinig at kung saan at kailan ito naganap
Pakikipag-usap upang magbahagi ng ideya o opinion (Intellectual talk). Sa
pagkakataon na ito, hindi lamang impormasyon ang ating ibinabahagi kundi
nagbabahagi na rin tayo ng ating opinyon, mga pakahulugan o interpretasyon, at
mga paghatol (judgements).
4.
5.
Pakikipag-usap upang magbahagi ng sariling damdamin (Emotional Talk). Sa
antas na ito, malaya na na naibabahagi ang iyong sariling damdamin sa iba
Pakikipag-usap upang ibahagi ang totoong sarili na ginagabayan ng
pagmamahal (Loving, Genuine, Truth Talk). Ito ang pinakamataas na antas ng
komunikasyon
31.
32. Mga Hadlang sa Epektibong
Komunikasyon:
1.
Pagtanggi (Denial) - May mga pagkakataon na ang tao ay tumatangging ibahagi
lalo na yaong mga bagay na hindi tayo komportableng ibahagi sa ating kapwa.
Lalo na kung mga bagay na hindi natin masabi nang harapan o kaya naman ay
mga bagay na hindi tayo komportableng ipagtapat sa kanila nang harap-harapan.
2.
Pagpapalit (Substitution) - May mga pagkakataon na naibabaling natin sa ibang
tao ang mga bagay na hindi natin masabi sa taong nararapat na makatanggap
nito. Hal. mayroon kang sama ng loob sa iyong ina, sa halip na kausapin mo siya
upang ibahagi ang iyong damdamin ay sinasabi mo ang lahat ng ito sa iyong
kaibigan. Nakahahadlang ito sa epektibong komunikasyon dahil hindi
makatutulong ang pagbaling sa ibang tao upang mabigyang-solusyon ang
suliranin.
Di-pagkakapareho o di-pagkakaangkop (Incongruence) - Nangyayari ito sa mga
pagkakataon na ang pasalitang paraan ng komunikasyon ay di tumutugma sa
ekspresyon ng mukha, tono ng pananalita, lakas o hina na boses at iba pa. Ang
taong tumatanggap ay magbibigay ng kaniyang sariling interpretasyon sa iyong
ipinahihiwatig. Minsan halimbawa, mas pinaniniwalaan ng tao ang ekspresyon ng
mukha kaysa sa sinasabi ng tao. Sa pagkakataon na sinasabi nating masaya tayo
ngunit mas lungkot ang mababakas sa ekspresyon ng mukha, mas paniniwalaan
nila na hindi totoo ang saya na iyong sinasabi.
3.
33.
34. Pagbabawal (Inhibition). May mga pagkakataon, lalo na
sa tahanan kung saan pinagbabawalan ang ilang kasapi na
magbahagi ng ilan sa kanilang mga ideya at damdamin.
Kapag nakasanayan, magiging balakid ito sa ganap na
pagiging bukas sa komunikasyon sa loob ng pamilya.
Sa lahat ng pagkakataon ay mahalagang pairalin ang
katatagan at ang pagiging maingat. Maging sa
komunikasyon sa pakikipagkapwa ay kailangan itong
ilapat. Akala natin sapat na na nasasabi natin ang sting
iniisip at nadarama ngunit mahalagang magsikap upang
ito ay magkaroon ng positibong bunga sa
pakikipagkapwa. Simulan mo na ang pagsusuri sa iyong
kakayahan sa komunikasyon sa pakikipagkapwa upang
mapagsikapan mong baguhin ang mga mali at mas
paunlarin ang ginagawa mo nang tama.
40. Tatlong Pangunahing Sangkap
ng Emosyon
1.
Nagbibigay-malay o kognitibo (cognitive component). An gating mga pananaw,
iniisip, paniniwala, at mga inaasahan ang bumubuo sa bahagi o sangkap na ito ng
emosyon. Sabi nga sa isang aklat, ayon kay Shakespeare sa kanyang aklat na
Hamlet, "walang mabuti o masama, ngunit ang isip ang nagpapabuti o
nagpapasama dito". Ang sting pananaw, iniisip, paniniwala at mga inaasahan na
nananahan sa ating utak ay nakatutulong sa pagdidkta ng ating emosyon.
2.
3.
Pisyolohikal (Physiological component). Paano kaya kung minsan isang
hatinggabi at naglalakad ka sa daan ay biglang may nakita kang tao sa iyong
harapan at nakita mong tumatakbo patungo sa iyo, ano kaya ang iyong
mararamdaman?
. Behavioral. Kasama rito ang iba't ibang anyo ng ekspresyon na maaaring
maidulot ng ating emosyon. Halimbawa, ekspresyon ng ating mukha (facial
expression), tindig ng ating katawan, galaw, o tono ng boses na lahat ay
nagbabago kun ng kagalakan, takot, galit o lungkot. Ang mga reaksyon na ito ang
nagbibigay sa ibang tao ng clue o palatandaan sa kung ano ang tunay na
nararamdaman
41.
42.
43. . Ayon kay Esteban (1990), mayroong
mga pangunahing emosyon ang tao.
Pangunahing Emosyon
Pagmamahal (love)
Pagkamuhi (hatred)
Paghahangad (desire)
Pag-ayaw (aversion)
Kagalakan (joy)
Pighati (sorrow)
Pag-asa (hope)
Kawalan ng pag-asa
Tapang (courage)
(despair)
Takot (fear)
Galit (anger)
44.
45.
46.
47.
48.
49. Limang Pangunahing Kakayahang
Emosyonal at Panlipunan
1. Pagkilala sa Sarili (Self-awareness). Pag-alam sa kung ano ang ating kasalukuyang
nararamdaman at gamitin itong gabay sa ating mga pagpapasya; pagkakaroon ng
makatotohanang pagsusuri sa ating mga kakayahan at makatwirang tiwala sa sarili.
2. Pangangasiwa sa Sarili (Self-regulation). Pangasiwaan ang ating damdamin upang ito ay
makatulog sa halip na maging sagabal sa ating mga kasaiukuyan gawain; pagpapairal ng
katapatan sa halip na pagtugong sa pansariling kakayahan sa pagkamit ng mga mithiin; at
magiting na pagbangon mula sa dalamhati, sakit o pangamba
3. Motibasyon. Gamitin ang sting kakayahang mamili upang makatulong sa pagkamit ng ating
mga mithiin, tulungan tayong magsimula at magsikap na pagyamanin ang sarili at magtiyaga sa
kabila ng mga sagabal at kabiguan.
4. Pagdama at Pag-unawa sa Damdamin ng iba (Empathy). Pagdama sa kung ano ang
nararamdaman ng kapwa, maunawaan ang perspektibo ng ibang tao at pagyamanin ang
pakikipag-ugnayan at pakikiisa sa iba-ibang uri ng tao
5. Kakayahang sosyal. Napamamahalaan nang mahusay at wasto ang emosyon sa pakikipagugnayan gamit ang kakayahang basahin ang sosyal na sitwasyon at maayos na pakikipagugnayan; ginagamit ang mga kakayahan na ito upang makahimok at mamuno, makipagkasundo,
at magsaayos ng hindi pagkakaunawaan para sa pagtutulungan at teamwork.