SlideShare a Scribd company logo
1 of 20
Download to read offline
52 
Yunit 3: Ang Aking Paaralan 
Panimula: 
Sa yunit na ito masasabi ng mga mag-aaral na ang paaralan ang isa sa mga pangunahing grupong kinabibilangan niya. Masasabi nila na ang bawat kasapi ng paaralan ay nagtutulungan upang mahubog ang kaisipan at kakayahan ng mga mag-aaral. Kaugnay nito, mabibigyang-halaga ng bawat mag-aaral ang kapaligiran ng kanilang paaralan na nagsisilbing pangalawang tahanan nila. 
Mapahahalagan din sa yunit na ito ang kakayahan ng mag-aaral na matukoy at makasunod sa iba’t ibang alituntunin ng paaralan para sa pagpapanatili ng kaayusan at masayang pagsasamahan ng mga kasapi— isa sa mga unang hakbang sa paghubog ng isang mabuting mamamayan. 
Mauunawaan ang konsepto ng pagbabago at pagpapatuloy sa pamamagitan ng paghahambing ng kasalukuyan at dating kalagayan ng paaralan. 
Sa huli, mapahahalagahan ng mga mag-aaral ang kanilang pag- aaral at ang papel na ginagampanan ng kanilang paaralan sa pagpapaunlad ng kanilang kaalaman at kasanayan. 
Mga Tema: 
Nakapaloob sa mga aralin sa Yunit 3 ang mga sumusunod na tema: 
1. Tao, Kapaligiran, at Lipunan 
2. Panahon, pagpapatuloy at pagbabago 
3. Kultura at pagkakakilanlan 
Mga Layunin: 
Matapos ang pag-aaral ng Yunit 3 gamit ang modyul na ito, inaasahang magagawa ng iyong mga mag-aaral ang mga sumusunod: 
1. naipakikilala ang paaralan 
2. nailalarawan ang pisikal na kapaligiran ng paaralan 
3. nasasabi ang mabuting nagagawa ng paaralan para sa kanila 
4. nasasabi ang konsepto ng pagbabago at pagpapatuloy batay sa kwento ng paaralan 
5. nasasabi ang mga dapat gawin ng isang mag-aaral 
6. nakatutupad sa mga alituntunin ng silid-aralan 
7. napahahalagahan ang kanilang paaralan 
Mga Kasanayang Malilinang: 
Komunikasyon: Pagbabahahagi ng impormasyon 
Pagsasalaysay 
Pakikinig sa paliwanag, kwento at salaysay 
Pakikipanayam 
Pagsusulat/ pagbubuo ng liham 
Pagsusulat ng impormasyon sa tsart 
Mapanuring pag-iisip: Pagsusuri
53 
Paghahambing 
Pagbubuo ng timeline 
Pagbubuo ng graphic organizer 
Pagpapangkat ng mga impormasyon 
Pagsusuri ng mga larawan 
Pagbubuo ng hinuha 
Malikhaing pag-iisip: Pagguhit 
Pagpapahalaga 
Pagkilala sa mahalagang bahaging 
ginagampanan ng paaralan sa sariling buhay 
Paggalang sa paniniwala at damdamin ng 
kapwa 
Pakikiisa sa mga pangkatang gawain 
Pagtapos sa gawain sa takdang oras 
Paglahok: Paglalaro 
Pagbabasa/pagbibigkas ng tula 
Pag-awit 
Pakikilahok sa talakayan 
Iminumungkahing Oras na Ilalaan upang Matapos ang Yunit 3: 
50 sesyon (30 minuto bawat isang sesyon) 
Aralin 1: Pagkilala sa Paaralang Aking Kinabibilangan 
Panimula: 
Aralin 1.1: Ang Pagkilala sa aking Paaralan 
Pag-isipan: 
Ano-ano ang mga mahahalagang impormasyon ang masasabi ng 
mga mag-aaral tungkol sa kanilang paaralan? 
Gawain 1 
Anyayahan ang punong-guro ng inyong paaralan na maging 
tagapagsalita sa inyong klase. Hilingin na magbahagi siya ng tungkol sa mga 
batayang impormasyon ng inyong paaralan.
54 
Paalalahanan ang iyong mga mag-aaral na makinig nang mabuti at maging magalang sa pakikipag-usap sa punong-guro. Gabayan sila sa pagtatanong ng mga sumusunod: 
1. Ano ang pangalan ng ating paaralan? 
2. Bakit ito ang pangalan ng ating paaralan? 
3. Kailan itinayo ang ating paaralan? 
4. Saan ito matatagpuan? 
5. Sino-sino ang mga taong bumubuo sa ating paaralan? 
Gawain 2 
Ipaguhit sa mga mag-aaral ang kanilang paaralan sa kanilang kwaderno o sa isang malinis na papel. Sabihin sa kanila na gawing makulay ang larawang iguguhit. 
Matapos iguhit ng mga mag-aaral ang kanilang paaralan, maaari ring hikayatin sila na ibahagi sa klase ang kanilang gawa. Ipalarawan din sa kanila ang kanilang iginuhit batay sa pisikal na anyo nito tulad ng lawak ng paaralan, dami ng silid-aralan, bilang ng palapag, at iba pa. 
Gawain 3 
Ipabuo sa mga mag-aaral ang graphic organizer na makikita sa ibaba upang maipakita ang mga batayang impormasyon tungkol sa kanilang paaralan. Ipagawa ito sa kanilang kwaderno o isang buong papel. 
Matapos ang pagbuo ng graphic organizer, itanong sa mga mag- aaral ang sumusunod: 
a. Sa kasalukuyan, Ilang taon na ang ating paaralan? 
b. Sa inyong obserbasyon, ano-ano ang bahaging ginagampanan ng mga taong bumubuo sa ating paaralan? 
Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon. 
Tandaan: Mahalagang makilala mo ang paaralang iyong pinapasukan. Ito ang nagsisilbing iyong ikalawang tahanan.
55 
Aralin 1.2: Ang Papel na Ginagampanan ng Paaralan sa Aking Buhay 
Pag-isipan: 
Ano ang mabuting nagagawa ng paaralan sa mga mag-aaral? 
Gawain 1 
Basahin ang kwentong pinamagatang “Celia Studious and Conrad Cat” na isinulat ni Regina S. Fernandez. Maaari itong isalin sa wikang sinasalita ng mga mag-aaral upang maging mas madali ang kanilang pag- unawa sa kuwento. TRANSLATE TO FILIPINO 
▬▬▬☺▬▬▬ 
Celia Studious and Conrad Cat 
Every morning, Conrad Cat watched Celia Studious walk to school. He listened to the tok!-tok!-tok! of her black shoes on the street. 
He smelled the pandesal and grape juice in her lunchbox. He watched her red backpack bobbing behind her. 
The backpack looked as if it were full of books to read. Celia Studious looked as if all she did was study. 
“Doesn’t Celia Studious ever have fun?” Conrad wondered. 
One morning, he decided that she should. 
Celia Studious walked to school, just like she did each morning. 
On Red Street, Conrad joined her. He walked right next to her. 
“Hello,” Conrad said. “Would you like to join me today? Would you like to join me and play? 
I will play sipa until sunset. I will kick this pompom way up high. I will kick it up one hundred times until it reaches the sky!” 
“Playing sipa sounds like fun!”Celia Studious said. “It is nice of you to ask me but I am on my way to school.” 
And Celia Studious walked ahead. 
On Yellow Street, Conrad joined her. From a mango tree branch, he swung right in front of her. 
“Hello again!” Conrad said. “Would you like to join me today? Would you like to join me and play? 
I will play my guitar until sunset; I will sing songs and dance to their time. You can play the drums with your lunchbox, a fork, and a spoon.” 
“Singing songs sounds like fun!” Celia Studious said. “It is nice of you to ask me, but I am on my way to school.” 
And Celia Studious walked ahead. 
On Blue Street, Conrad joined her. He rode a circus bicycle around her. 
“What a marvelous surprise to meet you once again!” Conrad said. 
“You really must join me today! You really must join me and play!”
56 
Matapos basahin ang kwento, itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod: 
a. Saan pumupunta si Celia araw-araw? 
b. Ano-ano ang mga ginawa ni Conrad para hikayatin si Celia na huwag nang pumasok sa paaralan? 
c. Bakit hindi nahihikayat ni Conrad si Celia na lumiban sa pagpasok sa paaralan? 
d. Ano ang natuklasan ni Conrad sa paaralan ni Celia? 
e. Ano-ano ang mga masasayang karanasan ni Celia sa kaniyang paaralan? 
f. Ano kaya ang naramdaman ni Conrad noong siya ay napasama sa paaralan ni Celia? Bakit ito ang kaniyang naramdaman? 
g. Kung ikaw si Conrad, sasama ka pa ba kay Celia sa paaralan? Bakit? 
“I will play the part of a king; You can be the queen who is taking a nap. I will save you from a make-believe dragon, we will bow, and the audience will clap! After the show, we will go on a picnic. We will sit on a red-yellow-blue- and-green blanket; we will eat puto, pancit, and hotdogs-on-sticks! Then we will chase dragonflies until sunset!” 
“Having a picnic and playing king and queen sounds like lots of fun!” Celia Studious said. “But I am very sorry, I cannot join you today. I am going to school, and must be on my way.” 
And Celia Studious walked ahead, leaving Conrad behind. 
“That Celia Studious has no fun,” Conrad sighed. Then he looked up and saw Celia Studious standing before him. 
“Hello,” Celia Studious said. “Would you like to join me today? I am on my way to school. You can help me lead the flag ceremony We will sing the National Anthem’s first line. We will beat our arms to the music, in 4/4 time.” 
“In class, we will sit next to Tembong, we will laugh at his jokes and his funny faces! We will color our books, and trade crayons with Luz, we’ll trade pencils, erasers, and places! 
“We will cut cardboard shapes of seashells and stars; we will string them together, and hang them up high! 
We will listen to Teacher Bing’s stories of traveling in a magical chair, of mermaids with electric blue hair, of a frog whose best friend is a fly!” 
“When the bell rings, it will be time for recess. We will eat chocolate biscuits and drink melon juice. We will play habulan and chase dragon flies with Rosita, Juan, Tembong and Luz!” 
Conrad could imagine Celia Studious in school, in a room full of seashells and stars. It looked grand! 
In his mind, he saw Teacher Bing telling stories. He heard Celia laugh with her friends. 
He could see himself laughing with them! 
“School sounds wonderful” Conrad said. “It is nice of you to ask me, Celia Studious! I would love to go to school with you!” 
And he did. 
▬▬▬☺▬▬▬
57 
Ang Masasayang Karanasan ko sa Paaralan 
Gawain 2 
Itanong sa mga mag-aaral. Ano-ano ang mga masasayang karanasan mo sa iyong paaralan? 
Papiliin ang mga mag- aaral ng tatlong masasayang karanasan nila sa paaralan at ipaguhit ito sa loob ng mga bilog. Ipagawa ito sa kanilang kwaderno o isang buong papel. 
Ipabahagi sa klase ang kanilang mga iginuhit na larawan. Itanong din sa kanila ang mga sumusunod: 
a. Bakit ito ang napili ninyong masasayang karanasan sa paaralan? 
b. Sino-sino ang mga kasama ninyo sa mga karanasang ito? 
c. Natutuwa ba kayo sa pagpasok sa paaralan araw-araw? Bakit? 
Gawain 3 
Ipakita sa mga mag-aaral ang tsart na naglalaman ng mga larawan ng mga ginagawa at natutunan ni Celia sa paaralan. Ipaguhit sa kanila sa kabilang kahon ang mga ginagawa at natututunan nila sa kanilang paaralan. Ipaguhit ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isang buong papel. 
Ang mga ginagawa at natututunan ni Celia sa paaralan 
Ang mga ginagawa at natututunan ko sa aking paaralan 
Maaari ring ipagawa sa klase ang gawaing tinatawag na think-pair- share. Matapos iguhit ng mga mag-aaral ang kanilang mga ginagawa at natutunan sa klase, hikayatin silang ibahagi ang kanilang mga iginuhit sa isa sa kanilang kamag-aral. Bigyan ng sapat na oras ang magkakapareha na magbahaginan ng kanilang mga ginawa. Sabihin din na ihambing nila ang kanilang mga iginuhit. Tanungin kung mayroon bang pagkakaiba at pagkakatulad ang kanilang mga ginawa. Kapag tapos na ang pagbabahaginan ng dalawang mag-aaral, atasan naman silang ibahagi ang kanilang mga napag-usapan sa apat pa nilang mga kamag-aral. Ipaulit
58 
ang ginawang paghahambing ng mga iginuhit na larawan sa napili nilang 
apat pang kaklase. 
Sa huling bahagi ng gawain, gabayan mo ang klase sa pagtalakay 
ng kanilang mga ginagawa at natutunan sa paaralan. Itanong ang mga 
sumusunod sa mga mag-aaral: 
a. Marami ba kayong ginagawa at natutunan sa paaralan? 
b. Ano ang naramdaman ninyo matapos ang ginawa ninyong 
pagbabahagi ng inyong ginawa sa inyong mga kamag-aral? Bakit ito 
ang naramdaman ninyo? 
c. Alin sa inyong mga iginuhit ang pinakagusto ninyong gawin at 
matutunan? Bakit? 
d. Kung mayroon kang kaibigan na katulad ni Conrad Cat na yayayain 
kang maglaro kaysa pumasok sa paaralan, ano ang gagawin mo? 
Sasama ka ba sa kanya o hindi? Bakit? 
Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon. 
Aralin 2: Ang Kuwento ng Aking Paaralan 
Panimula: 
Aralin 2.1: Ang mga Bagay na Nagbago at Nagpatuloy sa Aking Paaralan 
Pag-isipan: 
Ano-ano ang mga bagay na nagbago at nagpatuloy o hindi 
nagbago sa paaralan ng mga mag-aaral? 
Gawain 1 
Hikayatin ang mga mag-aaral na magtanong sa punung-guro o 
sinumang tagapagsalita na iyong inanyayahan upang magbahagi tungkol 
sa pinagmulan ng inyong paaralan. 
Tandaan: 
Ang paaralan ay isang lugar kung saan marami kang 
makikilalalang mga bagong kaibigan na iyong makakalaro, 
makakasama mo sa pagbabasa, pagsusulat, pagguhit at iba pang 
mga gawain para matuto. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng 
paaralan sa iyong buhay.
59 
Narito ang mga tanong na maaring tanungin mga mag-aaral sa tagapagsalita: 
a. Ano po ba ang hitsura ng aming paaralan noong itinatag ito? 
b. Nagbago po ba ang laki o sukat nito? 
c. Mas marami po ba ang mga mag-aaral na unang pumasok sa aming paaralan kung ikukumpara sa bilang ng mga mag-aaral sa aming paaralan ngayon? 
d. May uniporme po ba sila? 
e. Ano po ang mga itinuturo ng mga guro? 
f. Ano-ano pa po ba ang mga nagbago rito? 
Gawain 2 
Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Atasan ang bawat pangkat ng mga mag-aaral na punan ng impormasyon ang tsart na makikita sa ibaba. Ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o isang buong papel. 
Ngayon 
Noon 
Pangalan ng iyong paaralan 
Lokasyon ng paaralan 
Laki o lawak ng paaralan 
Mga kasapi ng paaralan 
Bilang ng mga mag-aaral 
Uniporme ng mga mag-aaral na pumapasok sa paaralan 
Mga itinuturo sa paaralan 
Batay sa mga impormasyong nakuha at naisulat ng mga mag-aaral, tanungin sila kung ano ang mga bagay na nagbago at ang mga bagay na nagpatuloy o hindi nagbago sa paaralan? 
Gawain 3 
Ipaguhit sa mga mag-aaral ang kanilang paaralan sa mga kahong nasa ibaba. Ipaguhit ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isang buong papel. 
Ang aking paaralan ngayon 
Ang aking paaralan noon 
Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod: 
a. Marami bang bagay ang nagbago sa ating paaralan? 
b. Sa iyong palagay, bakit nangyari ang mga pagbabagong ito? 
c. Kung papipiliin ka, alin ang mas gusto mo, ang paaralan natin ngayon o ang paaralan natin noon? Bakit?
60 
Bigyang-diin ang mga kaisipan na nasa loob ng kahon. 
Aralin 3: AKO BILANG MAG-AARAL 
Panimula: 
Aralin 3.1 Ang Aking mga Gawain sa Paaralan 
Pag-isipan 
Ano-ano ang mga ginagawa ng mga mag-aaral sa paaralan? 
Gawain 1 
Atasan ang mga bata na pagsunud-sunurin ang mga larawan ng 
mga gawain ng mga mag-aaral sa paaralan. Ipasulat ang bilang 1-5 sa 
loob ng bilog, 1 ang pinakaunang pangyayari at 5 naman ang pinakahuli. 
Ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isang 
buong papel. 
A. B. C. D. E. 
Tandaan 
May mga bagay na nagbabago at may mga bagay na 
nagpapatuloy o hindi nagbabago sa iyong paaralan. 
Ang mga desiyon o pagpapasya ng mga kasapi ng isang paaralan 
ang nagdudulot ng mga pagbabago 
o pagpapatuloy.
61 
Maari po ba akong makipaglaro kay Laya mamaya? 
Matapos ang gawain, itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod: 
a. Nadalian ka ba sa pag-aayos ng pagkakasunod-sunod ng mga larawan? Bakit? 
b. Bakit mahalagang alam mo ang pagkakasunod-sunod ng mga gawain sa paaralan? 
c. Ginagawa mo rin ba ang mga gawaing nasa larawan? 
Gawain 2 
Magpagawa ng isang timeline na nagpapakita ng mga gawain ng mag-aaral sa kanilang paaralan sa loob ng isang araw. Ipaguhit ang mga ito sa loob ng kahon. Sabihin sa mga mag-aaral na kulayan ang kanilang gawa. Ipaguhit ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isang buong papel. 
Pabalikan ang timeline na ginawa ng mga mag-aaral sa Gawain 2. Papiliin sila ng kanilang paboritong gawain na ginagawa sa paaralan at ipabahagi ito sa kanilang mga kaklase. 
Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod: 
a. Mayroon ba kayong kamag-aral na nagsabing paborito rin niya ang paborito ninyong gawain? 
b. Bakit ninyo ito naging paboritong gawain? Ano ang nararamdaman ninyo sa tuwing ginagawa ninyo ang paborito ninyong gawain sa paaralan? 
Gawain 3 
Ipakita sa mga mag-aaral ang mga larawan na nasa ibaba. Pakulayan ang mga larawan na nagpapakita ng iyong mga itinuturo sa kanila at mga natututunan nila sa paaralan. 
Ang Aking mga Gawain sa Paaralan sa Loob ng Isang Araw 
Bago Magsimula ang Klase 
Habang Nagtuturo ang Aking Guro 
Oras ng Pagkain o Recess 
Bago Mag- uwian ang Klase
62 
Mahal na ____________________, 
(Pangalan ng iyong Guro) 
Maraming salamat po sa inyong walang- sawang pagtuturo sa akin. Sa ating pag-aaral sa klase, natutunan ko pong mag-____________, mag-________________, at mag-_____________. 
Nangangako po akong ________________________________________________ _____________________________. 
Lubos na gumagalang, 
____________________ 
(Isulat ang iyong buong pangalan) 
Gawain 4 
Sabihin sa mga mag-aaral na sumulat ng isang liham-pasasalamat sa kanilang guro. Maaari silang sumulat ng liham para sa iyo o sa iba pa nilang guro kung mayroon. Ipaalam sa kanila na maaari rin silang humingi ng tulong sa kanilang magulang o tagapag-alaga upang punan ang mga patlang sa kanilang isusulat na liham. 
Bigyang-diin ang mga kaisipang nakatala sa loob ng kahon. 
Aralin 3.2: Ang Aking mga Tungkulin sa Paaralan 
Pag-isipan: 
Ano-ano ang mga dapat gawin ng mga bata sa paaralan bilang mga mag-aaral? 
Gawain 1 
Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan ng batang si Len. 
Tandaan: Mayroon kang iba’t ibang gawain sa paaralan. Nakatutulong ang mga ito upang matutunan mong magsulat, magbilang, magbasa, gumuhit at magkulay ng larawan, makipagkaibigan at iba pa. Pahalagahan mo ang iyong pag-aaral.
63 
Sabihin sa kanila:“Si Len ay isang mag-aaral sa Baitang 1. Ano-ano sa 
palagay mo ang mga dapat gawin ni Len sa paaralang kaniyang 
pinapasukan?” 
Ipasuri ang mga larawan at ipatukoy ang nagpapakita ng mga 
tungkulin o mga dapat gawin ni Len bilang isang mag-aaral. 
Itanong ang mga sumusunod: 
a. Bakit ito ang napili mong mga larawang? 
b. Ano ang mangyayari kapag ginawa ni Len ang mga gawaing iyong 
napili? 
c. Ano naman ang magyayari kapag ginawa ni Len ang mga gawaing 
hindi mo napili? 
Gawain 2 
Ipakita sa mga bata ang tsart na naglalaman ng mga larawan ng 
iba’t ibang tungkulin ng mag-aaral sa paaralan. Itanong sa kanila kung alin 
sa mga ito ang ginagawa nila sa bawat araw. Palagyan ito ng tsek (). 
Ipagawa ito sa kwaderno o sa isang buong papel. 
Mga Tungkulin ng Mag-aaral 
Mga Araw na May Pasok 
Lunes Mar 
Tes 
Miyer 
Kules 
Huwe 
bes 
Biyer 
Nes 
Pumapasok sa paaralan sa wastong oras 
Nakikinig sa guro habang siya ay nagtuturo 
Nakikilahok sa mga gawain sa klase 
Tinatapos ang mga gawaing ipinapagawa ng 
guro sa klase 
Inililigpit ang pinagkainan matapos ang recess 
Itinatapon ang basura sa basurahan. 
Ginagawa ang takdang-aralin 
Binabati ang nakakasalubong na guro sa daan 
Tahimik at maayos na 
pumipila tuwing flag 
ceremonyy 
Hindi tinatapos ang mga 
gawaing ibinibigay ng 
guro at sa halip ay 
inuuna niya ang 
kaniyang paglalaro 
Nakikipag-usap sa 
kaniyang katabi 
habang nagtuturo ang 
guro 
Tinatapon ang mga 
ginamit na papel sa 
silid aralan 
Bumabati sa kaniyang 
guro 
Inililigpit ang 
pinagkainan 
matapos ang 
recess
64 
(Sumangguni sa Learner’s Manual Aralin 3.2 Gawain 2 para sa mga larawan) 
Matapos lagyan ng tsek ang mga larawang nagpapakita ng kanilang mga ginawa, itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod: 
a. Marami ka bang nailagay na tsek sa tsart? 
b. Ano ang naramdaman mo matapos mong malagyan ng tsek ang mga tungkuling nagagawa mo bilang mga-aaral? 
c. Sa iyong palagay, bakit mahalagang gawin mo ang iyong mga tungkulin sa paaralan? 
Gawain 3 
Ipakita at ipasuri sa mga mag-aaral ang mga larawan sa titik A at titik B. Ipatukoy ang mga larawang nagpapakita ng posibleng mangyari sa huling bahagi ng ipinapakitang sitwasyon. (Sumangguni sa Learner’s Manual Aralin 3.2 Gawain 3 para sa mga larawan) 
A. 
a. b. 
B. 
a. b. 
Matapos ipatukoy ang mga larawan, itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod: 
a. Alin sa dalawang larawan o sitwasyon ang nagpapakita ng paggawa sa tungkulin ng isang mag-aaral? 
b. Bakit ito ang mga napili mong huling pangyayari sa ipinakitang sitwasyon? 
c. Bakit mahalagang gawin ng mga mag-aaral ang kanilang mga tungkulin? 
Pumasok si Jun sa kanilang silid aralan 
Tahimik siyang umupo sa kaniyang upuan at nakinig sa kaniyang guro habang nagtuturo 
Nagbigay ng pagsusulit ang kaniyang guro 
Oras na ng recess ng klase ni Liberty. 
Masayang nagkainan sina Liberty kasama ng kaniyang mga kaibigan 
Nag magsisimula na uli ang klase, itinapon nina Liberty sa sahig ang kanilang mga pinagkainan 
Mataas ang makukuhang marka. 
Mababa ang makukuhang marka. 
Magiging marumi ang paaralan. 
Mapapanatili ang kalinisan ng paaralan
65 
Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon. 
Aralin 4. Ang Pagsunod sa mga Alituntunin sa Aking Silid-Aralan 
Panimula: 
Aralin 4.1: Ang mga Alituntunin sa Aking Silid-Aralan 
Pag-isipan 
Ano-ano ang mga ipinatutupad na mga alituntunin sa inyong silid- aralan? 
Gawain 1 
Atasan ang klase na bumuo ng isang graphic organizer na nagpapakita ng iba’t ibang alituntunin na ipinatutupad sa loob ng inyong silid-aralan. Ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isang buong papel. 
Matapos ang gawain, itanong sa kanila ang mga sumusunod: 
a. Bakit tayo mayroong mga alituntunin sa ating silid-aralan? 
b. Sinusunod ba ninyo ang mga ito? Bakit? 
Bago magsimula ang klase 
Habang nagkaklase 
Tuwing recess 
Bago mag-uwian 
Tandaan: Mayroon kang iba’t ibang tungkulin sa paaralan. Mahalagang gawin mo ang iyong mga tungkulin bilang mag-aaral upang mapanatili ang kaayusan sa iyong paaralan. Makatutulong din ito upang mapabuti ang iyong pag-aaral.
66 
Gawain 2 
Basahin sa mga mag-aaral ang mga sitwasyong nakatala sa ibaba. 
Itanong sa kanila kung ano kaya ang mangyayari o magiging bunga kapag 
ginawa nila ang mga ito. Kung nagsusulat na ang mga mag-aaral, ipasulat 
sa nakalaang bahagi ng graphic organizer ang kanilang sagot sa bawat 
sitwasyon. Maaari ring ipaguhit ang kanilang mga sagot kung wala pang 
sapat na kasanayan ang mga mag-aaral sa pagsusulat. Maaaring ipasulat 
ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isang buong 
papel. 
Gawain 3 
Pabalikan sa mga mag-aaral ang kanilang ginawang graphic 
organizer. 
Itanong sa kanila ang mga sumusunod: 
a. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagsunod sa mga 
alituntunin ng inyong silid-aralan? 
b. Alin naman sa mga ito ang nagpapakita ng hindi pagsunod sa mga 
alituntunin? 
Ipasulat sa mga mag-aaral ang titik ng sitwasyon sa loob ng angkop 
na kahon. Ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang 
kwaderno. 
 
Pagsunod sa Alituntunin 
 
Hindi Pagsunod sa Alituntunin 
B.Nakikipag-kwentuhan ka sa iyong 
katabi habang nagtuturo ang iyong guro 
C.Is inisigaw mo ang iyong sagot kahit 
hindi ka pa tinatawag ng iyong guro 
para sumagot 
D. Pumipila nang maayos 
E. Hindi nagpapasa ng takdang- aralin 
sa napagkasunduang araw ng pasahan 
F. Tinatapos ang gawaing 
ipinagpagawa ng guro sa takdang 
oras/ araw ng pasahan 
A.Tahimik na hinihintay ang iyong guro 
bago magsimula ang klase
67 
Bata Pa Ako 
Di ka ba nagtataka 
Ako'y nasa lansangan 
At ikaw ay nasa sasakyan 
Papuntang paaralan 
Makatapos kaya ako 
Kahit mga libro'y pinaglumaan mo 
Pangarap lang ba 
Pagka't mahirap lang ako 
Pwede bang sumali sa inyong laro 
Kahit kunwa-kunwaring nag-aaral din ako 
Dala ba ng tadhana na tayo'y magkaiba 
Sana balang araw maging tulad din kita 
Paano bang sumulat, magbasa ng gaya 
mo 
Bata alam mo ba, na bata rin ako? 
Musmos pa rin ako, 
Di lang napapansin 
Magulang at kapatid, 
Nakaasa sa akin 
Tanungin ang mga mag-aaral: 
a. Ano ang nagiging bunga ng pagsunod sa alituntunin? 
b. Ano naman ang naging bunga ng hindi pagsunod sa alituntunin? 
c. Sa iyong palagay, bakit mahalagang sundin ang mga alituntunin? 
d. May iba ka pa bang naiisip na alituntunin na maipatutupad para sa 
ikabubuti ng inyong samahan sa silid-aralan? 
Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon. 
Aralin 5: Ang Aking Pagpapahalaga sa Aking Paaralan 
Panimula: 
Aralin 5.1: Ang Kahalagahan ng Aking 
Paaralan 
Pag-isipan: 
Bakit mahalaga ang paaralan para sa mga mag-aaral? 
Gawain 1 
Sabayan ang mga mag-aaral 
na awitin o bigkasin ang 
“Bata pa Ako” na isinulat ni Julia 
Abueva. 
Tandaan: May iba’t ibang mga alituntuning ipinatutupad sa inyong silid-aralan. 
Mahalagang sumunod sa mga alituntunin upang mapanatili 
ang kaayusan at katahimikan sa paaralan. Makabubuti rin ang mga ito 
sa pagpapanatili ng mabuting samahan ninyo ng iyong mga kamag-aral 
at ng inyong guro. 
Bata sino ba 
Ang nagtuturo't gumagabay 
sa'yo 
May pag-asa pa bang 
Maturuan din nya ako 
Sa lahat ng inaasam 
Isa ang pinakagusto 
Na sana'y pagtanda natin 
Wala ng batang tulad ko 
[From: 
http://www.elyrics.net/read/j/julia-abueva- 
lyrics/bata-pa-ako-lyrics. 
html]
68 
Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod: 
a. Ano ang nararamdaman mo habang inaawit o binibigkas ninyo ng 
iyong mga kaklase ang nilalaman ng “Bata pa Ako”? 
b. Ano sa iyong palagay ang karanasan ng bata sa inyong inawit o 
binasa? Nag-aaral kaya siya? 
c. Ano-ano kaya ang mayroon ka ngayon na wala siya? 
d. Ano kaya ang nagagawa mo ngayon na gusto rin niyang magawa o 
maranasan? 
Gawain 2 
Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan ng iba’t ibang tao na 
nakapag-aral at hindi nakapag-aral. 
Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod: 
a. Ano kaya ang mangyayari sa mga bata sa kanilang pagtanda kung 
hindi man lamang sila makapag-aral sa isang paaralan? 
b. Alin sa mga larawan sa ibaba ang nagpapakita ng maaaring 
mangyari sa mga taong nakapag-aral? 
c. Alin naman ang nagpapakita ng maaaring mangyari sa mga taong 
hindi nakapag-aral? 
Ipatukoy sa mga mag-aaral ang titik ng mga larawang nagpapakita ng 
maaaring mangyari sa mga taong nakapag-aral. 
Magpakita sa mga mag-aaral ng halimbawa bago ito ipagawa sa 
kanila. Narito ang halimbawang makikita ng mga mag-aaral sa kanilang 
module: 
Nilagyan ng arrow ang larawan ng guro papunta sa larawan ng 
paaralan. 
A. 
B. C. 
D. 
E. 
G. 
H. 
F.
69 
Gawain 3 
Ipaguhit sa mga mag-aaral ng isang larawan na nagpapakita ng kahalagahan ng kanilang paaralan. Ipagawa ito sa kanilang kwaderno. 
Sa tulong mo o ng mga magulang o tagapag-alaga ng mga mag- aaral, papunan ang patlang na nagpapahayag kung bakit mahalaga sa kanila ang kanilang paaralan. 
Mahalaga ang aking paaralan dahil ___________________ 
__________________________________________________________ 
__________________________________________________________ 
__________________________________________________________ 
Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon. 
Sa huling bahagi ng Yunit 3, tulungan ang mga mag-aaral na sagutin ang ebalwasyon ng kanilang mga nagawa at natutunan. Matapos nila itong gawin, sagutan ang hanay para sa ebalwasyon mo sa kanilang mga kasanayan at kaalaman. 
Ang Aking mga Nagawa at Natutunan 
Panuto. Makinig sa babasahin ng guro. Lagyan ng tsek ang angkop na kahon sa iyong sagot. 
Nagamit ko ang mga kasanayang ito: Mag-aaral Guro 
1. Nasunod ko ang mga panuto 
2. Nagamit ko ang aking mga kasanayan sa sining 
3. Nagbahagi ako ng aking kwento sa aking kamag-aral 
4. Nakinig ako sa kwento ng aking guro 
5. Nakinig ako sa kwento ng aking kaklase 
6. Nasuri ko ang iba’t ibang mga bagay 
7. Nakapaghambing ako ng iba’t ibang bagay 
8. Natukoy ko ang mga bagay na nanatili at nagbago sa aking paaralan 
9. Nakapag-isip ako ng maaring mangyari ng isang sitwasyon 
10. Napahahalagahan ko ang aking paaralang kinabibilangan 
Tandaan: Mahalaga ang paaralan sa buhay ng batang tulad mo. Sa tulong ng paaralan, mapapaunlad mo ang iyong mga angking kakayahan at mga kaalaman. 
Malaki ang pag-asa mong mapaunlad ang iyong buhay kung pumapasok ka at nag-aaral nang mabuti sa isang paaralan.
70 
Nagawa ko ang mga bagay na ito: 
Mag-aaral Guro 
1. Nasabi ko ang mga batayang impormasyon tungkol sa aking paaralan 
2. Natukoy ko ang iba’t ibang kasapi ng paaralan 
3. Nakagawa ako ng isang panayam 
4. Nakaguhit ako ng iba’t ibang larawan 
5. Nakabuo ako ng timeline 
6. Nakagawa ako ng graphic organizer 
7. Nakaawit ako ng isang awit 
8. Nakabigkas ako ng isang tula 
9. Nakasuri ako ng isang awit o tula 
10. Naipagmalaki ko ang aking paaralan 
Mag-aaral Guro 
Naipapahayag ko ang mga ito: 
1. Natutunan ko ang mga batayang impormasyon tungkol sa aking paaralan 
2. Natutunan ko ang papel na ginagampanan ng paaralan sa aking buhay. 
3. Natutunan ko na may iba’t ibang kasapi na bumubuo sa aking paaralan 
4. Natutunan ko na may mga bagay na nanatili at nagbago sa aking paaralan 
5. Natutunan ko ang kahalagahan ng mga alituntuning ipinatutupad sa aking paaralan 
6. Natutunan ko ang kahalagahan ng pagtupad sa mga tungkulin bilang mag-aaral 
7. Natutunan kong pahalagahan ang aking pag-aaral at paaralan 
Komento ng iyong guro 
___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ _________________________________________________________________.
71 
Lokasyon 
Taon ng Pagkatatag 
Mga Taong Bumubuo ng Paaralan 
PANGALAN NG PAARALAN

More Related Content

What's hot

Ang aking paaralan
Ang aking paaralanAng aking paaralan
Ang aking paaralanLea Perez
 
Detailed Lesson Plan sa filipino 3
Detailed Lesson Plan sa filipino 3Detailed Lesson Plan sa filipino 3
Detailed Lesson Plan sa filipino 3janehbasto
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)LiGhT ArOhL
 
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindigEpp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindigEDITHA HONRADEZ
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARTS (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARTS (Q1-Q2)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARTS (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARTS (Q1-Q2)LiGhT ArOhL
 
EPP Q1 Aralin 1-5.pptx
EPP Q1 Aralin 1-5.pptxEPP Q1 Aralin 1-5.pptx
EPP Q1 Aralin 1-5.pptxLea Camacho
 
Grade 6 PPT_Filipino_Q3_W1_Day 1.pptx
Grade 6 PPT_Filipino_Q3_W1_Day 1.pptxGrade 6 PPT_Filipino_Q3_W1_Day 1.pptx
Grade 6 PPT_Filipino_Q3_W1_Day 1.pptxMaria Antonia
 
Grade 4 E.P.P. Quarter 1 Week 1 Aralin 2 Katangian ng Entrepreneur
Grade 4 E.P.P. Quarter 1 Week 1 Aralin 2  Katangian ng EntrepreneurGrade 4 E.P.P. Quarter 1 Week 1 Aralin 2  Katangian ng Entrepreneur
Grade 4 E.P.P. Quarter 1 Week 1 Aralin 2 Katangian ng EntrepreneurArnel Bautista
 
Pangangalaga ng Kasuotan at Kagamitan - EPP 6
Pangangalaga ng Kasuotan at Kagamitan - EPP 6Pangangalaga ng Kasuotan at Kagamitan - EPP 6
Pangangalaga ng Kasuotan at Kagamitan - EPP 6Eduardo Barretto Sr ES
 
Edukasyon Pantahananat Pangkabuhayan Grade 4 Aralin 1 (Agriculture)
Edukasyon Pantahananat  Pangkabuhayan Grade 4 Aralin 1 (Agriculture)Edukasyon Pantahananat  Pangkabuhayan Grade 4 Aralin 1 (Agriculture)
Edukasyon Pantahananat Pangkabuhayan Grade 4 Aralin 1 (Agriculture)DepEd - San Carlos City (Pangasinan)
 
EPP IV - Agriculture
EPP IV - AgricultureEPP IV - Agriculture
EPP IV - AgricultureAileenHuerto
 
Epp agri aralin 1 pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental
Epp agri aralin 1 pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamentalEpp agri aralin 1 pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental
Epp agri aralin 1 pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamentalnottysylvia
 

What's hot (20)

Ang aking paaralan
Ang aking paaralanAng aking paaralan
Ang aking paaralan
 
Detailed Lesson Plan sa filipino 3
Detailed Lesson Plan sa filipino 3Detailed Lesson Plan sa filipino 3
Detailed Lesson Plan sa filipino 3
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN MATHEMATICS (Q3-Q4)
 
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindigEpp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
Epp he aralin 8 pagpapanatili ng maayos ang sariling tindig
 
GRADE 4 FILIPINO LESSON PLAN
GRADE 4 FILIPINO LESSON PLANGRADE 4 FILIPINO LESSON PLAN
GRADE 4 FILIPINO LESSON PLAN
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARTS (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARTS (Q1-Q2)K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARTS (Q1-Q2)
K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN ARTS (Q1-Q2)
 
EPP Q1 Aralin 1-5.pptx
EPP Q1 Aralin 1-5.pptxEPP Q1 Aralin 1-5.pptx
EPP Q1 Aralin 1-5.pptx
 
Grade 6 PPT_Filipino_Q3_W1_Day 1.pptx
Grade 6 PPT_Filipino_Q3_W1_Day 1.pptxGrade 6 PPT_Filipino_Q3_W1_Day 1.pptx
Grade 6 PPT_Filipino_Q3_W1_Day 1.pptx
 
Esp
EspEsp
Esp
 
3 health lm q2
3 health lm q23 health lm q2
3 health lm q2
 
Grade 4 E.P.P. Quarter 1 Week 1 Aralin 2 Katangian ng Entrepreneur
Grade 4 E.P.P. Quarter 1 Week 1 Aralin 2  Katangian ng EntrepreneurGrade 4 E.P.P. Quarter 1 Week 1 Aralin 2  Katangian ng Entrepreneur
Grade 4 E.P.P. Quarter 1 Week 1 Aralin 2 Katangian ng Entrepreneur
 
Pangangalaga ng Kasuotan at Kagamitan - EPP 6
Pangangalaga ng Kasuotan at Kagamitan - EPP 6Pangangalaga ng Kasuotan at Kagamitan - EPP 6
Pangangalaga ng Kasuotan at Kagamitan - EPP 6
 
Anyong lupa- GRADE 3 LP
Anyong lupa- GRADE 3 LPAnyong lupa- GRADE 3 LP
Anyong lupa- GRADE 3 LP
 
Edukasyon Pantahananat Pangkabuhayan Grade 4 Aralin 1 (Agriculture)
Edukasyon Pantahananat  Pangkabuhayan Grade 4 Aralin 1 (Agriculture)Edukasyon Pantahananat  Pangkabuhayan Grade 4 Aralin 1 (Agriculture)
Edukasyon Pantahananat Pangkabuhayan Grade 4 Aralin 1 (Agriculture)
 
Filipino 6 pagbibigay hinuha
Filipino 6 pagbibigay hinuhaFilipino 6 pagbibigay hinuha
Filipino 6 pagbibigay hinuha
 
EPP IV - Agriculture
EPP IV - AgricultureEPP IV - Agriculture
EPP IV - Agriculture
 
Gr. 2 mtb mle lm
Gr. 2 mtb mle lmGr. 2 mtb mle lm
Gr. 2 mtb mle lm
 
Epp agri aralin 1 pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental
Epp agri aralin 1 pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamentalEpp agri aralin 1 pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental
Epp agri aralin 1 pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental
 
Epp he aralin 19
Epp he aralin 19Epp he aralin 19
Epp he aralin 19
 
Epp he aralin 6
Epp he aralin 6Epp he aralin 6
Epp he aralin 6
 

Viewers also liked

Pangangalaga sa pambasang parke
Pangangalaga sa pambasang parkePangangalaga sa pambasang parke
Pangangalaga sa pambasang parkeAlice Bernardo
 
Presentation emmalyn l antinero
Presentation   emmalyn l antineroPresentation   emmalyn l antinero
Presentation emmalyn l antineroemmalynantinero
 
First grading character education vi
First grading character education viFirst grading character education vi
First grading character education viEDITHA HONRADEZ
 
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN  EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN  EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)LiGhT ArOhL
 
Kabanata i v pananaliksik
Kabanata i   v pananaliksikKabanata i   v pananaliksik
Kabanata i v pananaliksikA. D.
 

Viewers also liked (10)

Pangangalaga sa pambasang parke
Pangangalaga sa pambasang parkePangangalaga sa pambasang parke
Pangangalaga sa pambasang parke
 
Presentation emmalyn l antinero
Presentation   emmalyn l antineroPresentation   emmalyn l antinero
Presentation emmalyn l antinero
 
First grading character education vi
First grading character education viFirst grading character education vi
First grading character education vi
 
Mga lugar sa paaralan
Mga lugar sa paaralanMga lugar sa paaralan
Mga lugar sa paaralan
 
Ang aking sarili
Ang aking sariliAng aking sarili
Ang aking sarili
 
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN  EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN  EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ESP (Q1-Q4)
 
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 5 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP)
 
Kabanata i v pananaliksik
Kabanata i   v pananaliksikKabanata i   v pananaliksik
Kabanata i v pananaliksik
 

Similar to Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12

TG_ARALING PANLIPUNAN 1_ Q1&Q2.pdf
TG_ARALING PANLIPUNAN 1_ Q1&Q2.pdfTG_ARALING PANLIPUNAN 1_ Q1&Q2.pdf
TG_ARALING PANLIPUNAN 1_ Q1&Q2.pdfJosePRizal2
 
Ap teacher's guide (q1&2) gr.1
Ap teacher's guide (q1&2) gr.1Ap teacher's guide (q1&2) gr.1
Ap teacher's guide (q1&2) gr.1JAmes NArbonita
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
Ap teacher's guide (q1&2)
Ap teacher's guide (q1&2)Ap teacher's guide (q1&2)
Ap teacher's guide (q1&2)Nancy Damo
 
Ap teachers-guide-q12
Ap teachers-guide-q12Ap teachers-guide-q12
Ap teachers-guide-q12Jennie Abueg
 
Isang Dandaang 2023-2024 ni FANNY GARCIA
Isang Dandaang  2023-2024 ni FANNY GARCIAIsang Dandaang  2023-2024 ni FANNY GARCIA
Isang Dandaang 2023-2024 ni FANNY GARCIAReneCapisonda
 
Ang Lumang Aparador ni Lola
Ang Lumang Aparador ni LolaAng Lumang Aparador ni Lola
Ang Lumang Aparador ni LolaBren Dale
 
1st Quarter Aralin 8.pptx
1st Quarter  Aralin 8.pptx1st Quarter  Aralin 8.pptx
1st Quarter Aralin 8.pptxLEIZELPELATERO1
 
Masusing Banghay-Aralin
Masusing Banghay-AralinMasusing Banghay-Aralin
Masusing Banghay-Aralinar_yhelle
 
Q2 DLP WEEK 8.1.docx
Q2 DLP WEEK 8.1.docxQ2 DLP WEEK 8.1.docx
Q2 DLP WEEK 8.1.docxNestleeArnaiz
 
Mtb quarter 1-edited april 21 mtb (1)
Mtb quarter 1-edited april 21 mtb (1)Mtb quarter 1-edited april 21 mtb (1)
Mtb quarter 1-edited april 21 mtb (1)EDITHA HONRADEZ
 
ESP 7 Modyul 9: KAUGNAYAN NG PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD
ESP 7 Modyul 9: KAUGNAYAN NG PAGPAPAHALAGA AT BIRTUDESP 7 Modyul 9: KAUGNAYAN NG PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD
ESP 7 Modyul 9: KAUGNAYAN NG PAGPAPAHALAGA AT BIRTUDLemuel Estrada
 
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 chap2 l8
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 chap2 l8EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 chap2 l8
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 chap2 l8Sherill Dueza
 
PowerPointHub-Learning-V9b6kj.pptx
PowerPointHub-Learning-V9b6kj.pptxPowerPointHub-Learning-V9b6kj.pptx
PowerPointHub-Learning-V9b6kj.pptxGeneroseCantilanCorv
 

Similar to Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12 (20)

TG_ARALING PANLIPUNAN 1_ Q1&Q2.pdf
TG_ARALING PANLIPUNAN 1_ Q1&Q2.pdfTG_ARALING PANLIPUNAN 1_ Q1&Q2.pdf
TG_ARALING PANLIPUNAN 1_ Q1&Q2.pdf
 
Ap teachers-guide-q12
Ap teachers-guide-q12Ap teachers-guide-q12
Ap teachers-guide-q12
 
Ap teacher's guide (q1&2) gr.1
Ap teacher's guide (q1&2) gr.1Ap teacher's guide (q1&2) gr.1
Ap teacher's guide (q1&2) gr.1
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
 
Ap teacher's guide (q1&2)
Ap teacher's guide (q1&2)Ap teacher's guide (q1&2)
Ap teacher's guide (q1&2)
 
Ap teachers-guide-q12
Ap teachers-guide-q12Ap teachers-guide-q12
Ap teachers-guide-q12
 
Araling panlipunan.pptx
Araling panlipunan.pptxAraling panlipunan.pptx
Araling panlipunan.pptx
 
Sandaang damit ni fanny garcia
Sandaang damit ni fanny garciaSandaang damit ni fanny garcia
Sandaang damit ni fanny garcia
 
Isang Dandaang 2023-2024 ni FANNY GARCIA
Isang Dandaang  2023-2024 ni FANNY GARCIAIsang Dandaang  2023-2024 ni FANNY GARCIA
Isang Dandaang 2023-2024 ni FANNY GARCIA
 
Ang Lumang Aparador ni Lola
Ang Lumang Aparador ni LolaAng Lumang Aparador ni Lola
Ang Lumang Aparador ni Lola
 
1st Quarter Aralin 8.pptx
1st Quarter  Aralin 8.pptx1st Quarter  Aralin 8.pptx
1st Quarter Aralin 8.pptx
 
Masusing Banghay-Aralin
Masusing Banghay-AralinMasusing Banghay-Aralin
Masusing Banghay-Aralin
 
Val.ed script
Val.ed scriptVal.ed script
Val.ed script
 
sandaang damit
sandaang damitsandaang damit
sandaang damit
 
Q2 DLP WEEK 8.1.docx
Q2 DLP WEEK 8.1.docxQ2 DLP WEEK 8.1.docx
Q2 DLP WEEK 8.1.docx
 
Mtb quarter 1-edited april 21 mtb (1)
Mtb quarter 1-edited april 21 mtb (1)Mtb quarter 1-edited april 21 mtb (1)
Mtb quarter 1-edited april 21 mtb (1)
 
Q1 w4 d1-5 esp
Q1 w4 d1-5 espQ1 w4 d1-5 esp
Q1 w4 d1-5 esp
 
ESP 7 Modyul 9: KAUGNAYAN NG PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD
ESP 7 Modyul 9: KAUGNAYAN NG PAGPAPAHALAGA AT BIRTUDESP 7 Modyul 9: KAUGNAYAN NG PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD
ESP 7 Modyul 9: KAUGNAYAN NG PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD
 
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 chap2 l8
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 chap2 l8EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 chap2 l8
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2 chap2 l8
 
PowerPointHub-Learning-V9b6kj.pptx
PowerPointHub-Learning-V9b6kj.pptxPowerPointHub-Learning-V9b6kj.pptx
PowerPointHub-Learning-V9b6kj.pptx
 

More from Ezekiel Patacsil

Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12Ezekiel Patacsil
 
Es p learners matls. (q1&2) gr.1
Es p  learners matls. (q1&2) gr.1Es p  learners matls. (q1&2) gr.1
Es p learners matls. (q1&2) gr.1Ezekiel Patacsil
 
Edukasyon sa pagpapakatao curriculum guide gr.1
Edukasyon sa pagpapakatao curriculum guide gr.1Edukasyon sa pagpapakatao curriculum guide gr.1
Edukasyon sa pagpapakatao curriculum guide gr.1Ezekiel Patacsil
 
The birth of jesus tagalog
The birth of jesus tagalogThe birth of jesus tagalog
The birth of jesus tagalogEzekiel Patacsil
 

More from Ezekiel Patacsil (7)

Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
Es p gr .1tg (q3&4)insidepp10 12-12
 
Es p learners matls. (q1&2) gr.1
Es p  learners matls. (q1&2) gr.1Es p  learners matls. (q1&2) gr.1
Es p learners matls. (q1&2) gr.1
 
Edukasyon sa pagpapakatao curriculum guide gr.1
Edukasyon sa pagpapakatao curriculum guide gr.1Edukasyon sa pagpapakatao curriculum guide gr.1
Edukasyon sa pagpapakatao curriculum guide gr.1
 
The birth of jesus tagalog
The birth of jesus tagalogThe birth of jesus tagalog
The birth of jesus tagalog
 
These are, those are
These are, those areThese are, those are
These are, those are
 
These are, those are
These are, those areThese are, those are
These are, those are
 
These are, those are
These are, those areThese are, those are
These are, those are
 

Ap gr.1 tg(q3)insidepp10 12-12

  • 1. 52 Yunit 3: Ang Aking Paaralan Panimula: Sa yunit na ito masasabi ng mga mag-aaral na ang paaralan ang isa sa mga pangunahing grupong kinabibilangan niya. Masasabi nila na ang bawat kasapi ng paaralan ay nagtutulungan upang mahubog ang kaisipan at kakayahan ng mga mag-aaral. Kaugnay nito, mabibigyang-halaga ng bawat mag-aaral ang kapaligiran ng kanilang paaralan na nagsisilbing pangalawang tahanan nila. Mapahahalagan din sa yunit na ito ang kakayahan ng mag-aaral na matukoy at makasunod sa iba’t ibang alituntunin ng paaralan para sa pagpapanatili ng kaayusan at masayang pagsasamahan ng mga kasapi— isa sa mga unang hakbang sa paghubog ng isang mabuting mamamayan. Mauunawaan ang konsepto ng pagbabago at pagpapatuloy sa pamamagitan ng paghahambing ng kasalukuyan at dating kalagayan ng paaralan. Sa huli, mapahahalagahan ng mga mag-aaral ang kanilang pag- aaral at ang papel na ginagampanan ng kanilang paaralan sa pagpapaunlad ng kanilang kaalaman at kasanayan. Mga Tema: Nakapaloob sa mga aralin sa Yunit 3 ang mga sumusunod na tema: 1. Tao, Kapaligiran, at Lipunan 2. Panahon, pagpapatuloy at pagbabago 3. Kultura at pagkakakilanlan Mga Layunin: Matapos ang pag-aaral ng Yunit 3 gamit ang modyul na ito, inaasahang magagawa ng iyong mga mag-aaral ang mga sumusunod: 1. naipakikilala ang paaralan 2. nailalarawan ang pisikal na kapaligiran ng paaralan 3. nasasabi ang mabuting nagagawa ng paaralan para sa kanila 4. nasasabi ang konsepto ng pagbabago at pagpapatuloy batay sa kwento ng paaralan 5. nasasabi ang mga dapat gawin ng isang mag-aaral 6. nakatutupad sa mga alituntunin ng silid-aralan 7. napahahalagahan ang kanilang paaralan Mga Kasanayang Malilinang: Komunikasyon: Pagbabahahagi ng impormasyon Pagsasalaysay Pakikinig sa paliwanag, kwento at salaysay Pakikipanayam Pagsusulat/ pagbubuo ng liham Pagsusulat ng impormasyon sa tsart Mapanuring pag-iisip: Pagsusuri
  • 2. 53 Paghahambing Pagbubuo ng timeline Pagbubuo ng graphic organizer Pagpapangkat ng mga impormasyon Pagsusuri ng mga larawan Pagbubuo ng hinuha Malikhaing pag-iisip: Pagguhit Pagpapahalaga Pagkilala sa mahalagang bahaging ginagampanan ng paaralan sa sariling buhay Paggalang sa paniniwala at damdamin ng kapwa Pakikiisa sa mga pangkatang gawain Pagtapos sa gawain sa takdang oras Paglahok: Paglalaro Pagbabasa/pagbibigkas ng tula Pag-awit Pakikilahok sa talakayan Iminumungkahing Oras na Ilalaan upang Matapos ang Yunit 3: 50 sesyon (30 minuto bawat isang sesyon) Aralin 1: Pagkilala sa Paaralang Aking Kinabibilangan Panimula: Aralin 1.1: Ang Pagkilala sa aking Paaralan Pag-isipan: Ano-ano ang mga mahahalagang impormasyon ang masasabi ng mga mag-aaral tungkol sa kanilang paaralan? Gawain 1 Anyayahan ang punong-guro ng inyong paaralan na maging tagapagsalita sa inyong klase. Hilingin na magbahagi siya ng tungkol sa mga batayang impormasyon ng inyong paaralan.
  • 3. 54 Paalalahanan ang iyong mga mag-aaral na makinig nang mabuti at maging magalang sa pakikipag-usap sa punong-guro. Gabayan sila sa pagtatanong ng mga sumusunod: 1. Ano ang pangalan ng ating paaralan? 2. Bakit ito ang pangalan ng ating paaralan? 3. Kailan itinayo ang ating paaralan? 4. Saan ito matatagpuan? 5. Sino-sino ang mga taong bumubuo sa ating paaralan? Gawain 2 Ipaguhit sa mga mag-aaral ang kanilang paaralan sa kanilang kwaderno o sa isang malinis na papel. Sabihin sa kanila na gawing makulay ang larawang iguguhit. Matapos iguhit ng mga mag-aaral ang kanilang paaralan, maaari ring hikayatin sila na ibahagi sa klase ang kanilang gawa. Ipalarawan din sa kanila ang kanilang iginuhit batay sa pisikal na anyo nito tulad ng lawak ng paaralan, dami ng silid-aralan, bilang ng palapag, at iba pa. Gawain 3 Ipabuo sa mga mag-aaral ang graphic organizer na makikita sa ibaba upang maipakita ang mga batayang impormasyon tungkol sa kanilang paaralan. Ipagawa ito sa kanilang kwaderno o isang buong papel. Matapos ang pagbuo ng graphic organizer, itanong sa mga mag- aaral ang sumusunod: a. Sa kasalukuyan, Ilang taon na ang ating paaralan? b. Sa inyong obserbasyon, ano-ano ang bahaging ginagampanan ng mga taong bumubuo sa ating paaralan? Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon. Tandaan: Mahalagang makilala mo ang paaralang iyong pinapasukan. Ito ang nagsisilbing iyong ikalawang tahanan.
  • 4. 55 Aralin 1.2: Ang Papel na Ginagampanan ng Paaralan sa Aking Buhay Pag-isipan: Ano ang mabuting nagagawa ng paaralan sa mga mag-aaral? Gawain 1 Basahin ang kwentong pinamagatang “Celia Studious and Conrad Cat” na isinulat ni Regina S. Fernandez. Maaari itong isalin sa wikang sinasalita ng mga mag-aaral upang maging mas madali ang kanilang pag- unawa sa kuwento. TRANSLATE TO FILIPINO ▬▬▬☺▬▬▬ Celia Studious and Conrad Cat Every morning, Conrad Cat watched Celia Studious walk to school. He listened to the tok!-tok!-tok! of her black shoes on the street. He smelled the pandesal and grape juice in her lunchbox. He watched her red backpack bobbing behind her. The backpack looked as if it were full of books to read. Celia Studious looked as if all she did was study. “Doesn’t Celia Studious ever have fun?” Conrad wondered. One morning, he decided that she should. Celia Studious walked to school, just like she did each morning. On Red Street, Conrad joined her. He walked right next to her. “Hello,” Conrad said. “Would you like to join me today? Would you like to join me and play? I will play sipa until sunset. I will kick this pompom way up high. I will kick it up one hundred times until it reaches the sky!” “Playing sipa sounds like fun!”Celia Studious said. “It is nice of you to ask me but I am on my way to school.” And Celia Studious walked ahead. On Yellow Street, Conrad joined her. From a mango tree branch, he swung right in front of her. “Hello again!” Conrad said. “Would you like to join me today? Would you like to join me and play? I will play my guitar until sunset; I will sing songs and dance to their time. You can play the drums with your lunchbox, a fork, and a spoon.” “Singing songs sounds like fun!” Celia Studious said. “It is nice of you to ask me, but I am on my way to school.” And Celia Studious walked ahead. On Blue Street, Conrad joined her. He rode a circus bicycle around her. “What a marvelous surprise to meet you once again!” Conrad said. “You really must join me today! You really must join me and play!”
  • 5. 56 Matapos basahin ang kwento, itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod: a. Saan pumupunta si Celia araw-araw? b. Ano-ano ang mga ginawa ni Conrad para hikayatin si Celia na huwag nang pumasok sa paaralan? c. Bakit hindi nahihikayat ni Conrad si Celia na lumiban sa pagpasok sa paaralan? d. Ano ang natuklasan ni Conrad sa paaralan ni Celia? e. Ano-ano ang mga masasayang karanasan ni Celia sa kaniyang paaralan? f. Ano kaya ang naramdaman ni Conrad noong siya ay napasama sa paaralan ni Celia? Bakit ito ang kaniyang naramdaman? g. Kung ikaw si Conrad, sasama ka pa ba kay Celia sa paaralan? Bakit? “I will play the part of a king; You can be the queen who is taking a nap. I will save you from a make-believe dragon, we will bow, and the audience will clap! After the show, we will go on a picnic. We will sit on a red-yellow-blue- and-green blanket; we will eat puto, pancit, and hotdogs-on-sticks! Then we will chase dragonflies until sunset!” “Having a picnic and playing king and queen sounds like lots of fun!” Celia Studious said. “But I am very sorry, I cannot join you today. I am going to school, and must be on my way.” And Celia Studious walked ahead, leaving Conrad behind. “That Celia Studious has no fun,” Conrad sighed. Then he looked up and saw Celia Studious standing before him. “Hello,” Celia Studious said. “Would you like to join me today? I am on my way to school. You can help me lead the flag ceremony We will sing the National Anthem’s first line. We will beat our arms to the music, in 4/4 time.” “In class, we will sit next to Tembong, we will laugh at his jokes and his funny faces! We will color our books, and trade crayons with Luz, we’ll trade pencils, erasers, and places! “We will cut cardboard shapes of seashells and stars; we will string them together, and hang them up high! We will listen to Teacher Bing’s stories of traveling in a magical chair, of mermaids with electric blue hair, of a frog whose best friend is a fly!” “When the bell rings, it will be time for recess. We will eat chocolate biscuits and drink melon juice. We will play habulan and chase dragon flies with Rosita, Juan, Tembong and Luz!” Conrad could imagine Celia Studious in school, in a room full of seashells and stars. It looked grand! In his mind, he saw Teacher Bing telling stories. He heard Celia laugh with her friends. He could see himself laughing with them! “School sounds wonderful” Conrad said. “It is nice of you to ask me, Celia Studious! I would love to go to school with you!” And he did. ▬▬▬☺▬▬▬
  • 6. 57 Ang Masasayang Karanasan ko sa Paaralan Gawain 2 Itanong sa mga mag-aaral. Ano-ano ang mga masasayang karanasan mo sa iyong paaralan? Papiliin ang mga mag- aaral ng tatlong masasayang karanasan nila sa paaralan at ipaguhit ito sa loob ng mga bilog. Ipagawa ito sa kanilang kwaderno o isang buong papel. Ipabahagi sa klase ang kanilang mga iginuhit na larawan. Itanong din sa kanila ang mga sumusunod: a. Bakit ito ang napili ninyong masasayang karanasan sa paaralan? b. Sino-sino ang mga kasama ninyo sa mga karanasang ito? c. Natutuwa ba kayo sa pagpasok sa paaralan araw-araw? Bakit? Gawain 3 Ipakita sa mga mag-aaral ang tsart na naglalaman ng mga larawan ng mga ginagawa at natutunan ni Celia sa paaralan. Ipaguhit sa kanila sa kabilang kahon ang mga ginagawa at natututunan nila sa kanilang paaralan. Ipaguhit ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isang buong papel. Ang mga ginagawa at natututunan ni Celia sa paaralan Ang mga ginagawa at natututunan ko sa aking paaralan Maaari ring ipagawa sa klase ang gawaing tinatawag na think-pair- share. Matapos iguhit ng mga mag-aaral ang kanilang mga ginagawa at natutunan sa klase, hikayatin silang ibahagi ang kanilang mga iginuhit sa isa sa kanilang kamag-aral. Bigyan ng sapat na oras ang magkakapareha na magbahaginan ng kanilang mga ginawa. Sabihin din na ihambing nila ang kanilang mga iginuhit. Tanungin kung mayroon bang pagkakaiba at pagkakatulad ang kanilang mga ginawa. Kapag tapos na ang pagbabahaginan ng dalawang mag-aaral, atasan naman silang ibahagi ang kanilang mga napag-usapan sa apat pa nilang mga kamag-aral. Ipaulit
  • 7. 58 ang ginawang paghahambing ng mga iginuhit na larawan sa napili nilang apat pang kaklase. Sa huling bahagi ng gawain, gabayan mo ang klase sa pagtalakay ng kanilang mga ginagawa at natutunan sa paaralan. Itanong ang mga sumusunod sa mga mag-aaral: a. Marami ba kayong ginagawa at natutunan sa paaralan? b. Ano ang naramdaman ninyo matapos ang ginawa ninyong pagbabahagi ng inyong ginawa sa inyong mga kamag-aral? Bakit ito ang naramdaman ninyo? c. Alin sa inyong mga iginuhit ang pinakagusto ninyong gawin at matutunan? Bakit? d. Kung mayroon kang kaibigan na katulad ni Conrad Cat na yayayain kang maglaro kaysa pumasok sa paaralan, ano ang gagawin mo? Sasama ka ba sa kanya o hindi? Bakit? Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon. Aralin 2: Ang Kuwento ng Aking Paaralan Panimula: Aralin 2.1: Ang mga Bagay na Nagbago at Nagpatuloy sa Aking Paaralan Pag-isipan: Ano-ano ang mga bagay na nagbago at nagpatuloy o hindi nagbago sa paaralan ng mga mag-aaral? Gawain 1 Hikayatin ang mga mag-aaral na magtanong sa punung-guro o sinumang tagapagsalita na iyong inanyayahan upang magbahagi tungkol sa pinagmulan ng inyong paaralan. Tandaan: Ang paaralan ay isang lugar kung saan marami kang makikilalalang mga bagong kaibigan na iyong makakalaro, makakasama mo sa pagbabasa, pagsusulat, pagguhit at iba pang mga gawain para matuto. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng paaralan sa iyong buhay.
  • 8. 59 Narito ang mga tanong na maaring tanungin mga mag-aaral sa tagapagsalita: a. Ano po ba ang hitsura ng aming paaralan noong itinatag ito? b. Nagbago po ba ang laki o sukat nito? c. Mas marami po ba ang mga mag-aaral na unang pumasok sa aming paaralan kung ikukumpara sa bilang ng mga mag-aaral sa aming paaralan ngayon? d. May uniporme po ba sila? e. Ano po ang mga itinuturo ng mga guro? f. Ano-ano pa po ba ang mga nagbago rito? Gawain 2 Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Atasan ang bawat pangkat ng mga mag-aaral na punan ng impormasyon ang tsart na makikita sa ibaba. Ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o isang buong papel. Ngayon Noon Pangalan ng iyong paaralan Lokasyon ng paaralan Laki o lawak ng paaralan Mga kasapi ng paaralan Bilang ng mga mag-aaral Uniporme ng mga mag-aaral na pumapasok sa paaralan Mga itinuturo sa paaralan Batay sa mga impormasyong nakuha at naisulat ng mga mag-aaral, tanungin sila kung ano ang mga bagay na nagbago at ang mga bagay na nagpatuloy o hindi nagbago sa paaralan? Gawain 3 Ipaguhit sa mga mag-aaral ang kanilang paaralan sa mga kahong nasa ibaba. Ipaguhit ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isang buong papel. Ang aking paaralan ngayon Ang aking paaralan noon Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod: a. Marami bang bagay ang nagbago sa ating paaralan? b. Sa iyong palagay, bakit nangyari ang mga pagbabagong ito? c. Kung papipiliin ka, alin ang mas gusto mo, ang paaralan natin ngayon o ang paaralan natin noon? Bakit?
  • 9. 60 Bigyang-diin ang mga kaisipan na nasa loob ng kahon. Aralin 3: AKO BILANG MAG-AARAL Panimula: Aralin 3.1 Ang Aking mga Gawain sa Paaralan Pag-isipan Ano-ano ang mga ginagawa ng mga mag-aaral sa paaralan? Gawain 1 Atasan ang mga bata na pagsunud-sunurin ang mga larawan ng mga gawain ng mga mag-aaral sa paaralan. Ipasulat ang bilang 1-5 sa loob ng bilog, 1 ang pinakaunang pangyayari at 5 naman ang pinakahuli. Ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isang buong papel. A. B. C. D. E. Tandaan May mga bagay na nagbabago at may mga bagay na nagpapatuloy o hindi nagbabago sa iyong paaralan. Ang mga desiyon o pagpapasya ng mga kasapi ng isang paaralan ang nagdudulot ng mga pagbabago o pagpapatuloy.
  • 10. 61 Maari po ba akong makipaglaro kay Laya mamaya? Matapos ang gawain, itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod: a. Nadalian ka ba sa pag-aayos ng pagkakasunod-sunod ng mga larawan? Bakit? b. Bakit mahalagang alam mo ang pagkakasunod-sunod ng mga gawain sa paaralan? c. Ginagawa mo rin ba ang mga gawaing nasa larawan? Gawain 2 Magpagawa ng isang timeline na nagpapakita ng mga gawain ng mag-aaral sa kanilang paaralan sa loob ng isang araw. Ipaguhit ang mga ito sa loob ng kahon. Sabihin sa mga mag-aaral na kulayan ang kanilang gawa. Ipaguhit ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isang buong papel. Pabalikan ang timeline na ginawa ng mga mag-aaral sa Gawain 2. Papiliin sila ng kanilang paboritong gawain na ginagawa sa paaralan at ipabahagi ito sa kanilang mga kaklase. Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod: a. Mayroon ba kayong kamag-aral na nagsabing paborito rin niya ang paborito ninyong gawain? b. Bakit ninyo ito naging paboritong gawain? Ano ang nararamdaman ninyo sa tuwing ginagawa ninyo ang paborito ninyong gawain sa paaralan? Gawain 3 Ipakita sa mga mag-aaral ang mga larawan na nasa ibaba. Pakulayan ang mga larawan na nagpapakita ng iyong mga itinuturo sa kanila at mga natututunan nila sa paaralan. Ang Aking mga Gawain sa Paaralan sa Loob ng Isang Araw Bago Magsimula ang Klase Habang Nagtuturo ang Aking Guro Oras ng Pagkain o Recess Bago Mag- uwian ang Klase
  • 11. 62 Mahal na ____________________, (Pangalan ng iyong Guro) Maraming salamat po sa inyong walang- sawang pagtuturo sa akin. Sa ating pag-aaral sa klase, natutunan ko pong mag-____________, mag-________________, at mag-_____________. Nangangako po akong ________________________________________________ _____________________________. Lubos na gumagalang, ____________________ (Isulat ang iyong buong pangalan) Gawain 4 Sabihin sa mga mag-aaral na sumulat ng isang liham-pasasalamat sa kanilang guro. Maaari silang sumulat ng liham para sa iyo o sa iba pa nilang guro kung mayroon. Ipaalam sa kanila na maaari rin silang humingi ng tulong sa kanilang magulang o tagapag-alaga upang punan ang mga patlang sa kanilang isusulat na liham. Bigyang-diin ang mga kaisipang nakatala sa loob ng kahon. Aralin 3.2: Ang Aking mga Tungkulin sa Paaralan Pag-isipan: Ano-ano ang mga dapat gawin ng mga bata sa paaralan bilang mga mag-aaral? Gawain 1 Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan ng batang si Len. Tandaan: Mayroon kang iba’t ibang gawain sa paaralan. Nakatutulong ang mga ito upang matutunan mong magsulat, magbilang, magbasa, gumuhit at magkulay ng larawan, makipagkaibigan at iba pa. Pahalagahan mo ang iyong pag-aaral.
  • 12. 63 Sabihin sa kanila:“Si Len ay isang mag-aaral sa Baitang 1. Ano-ano sa palagay mo ang mga dapat gawin ni Len sa paaralang kaniyang pinapasukan?” Ipasuri ang mga larawan at ipatukoy ang nagpapakita ng mga tungkulin o mga dapat gawin ni Len bilang isang mag-aaral. Itanong ang mga sumusunod: a. Bakit ito ang napili mong mga larawang? b. Ano ang mangyayari kapag ginawa ni Len ang mga gawaing iyong napili? c. Ano naman ang magyayari kapag ginawa ni Len ang mga gawaing hindi mo napili? Gawain 2 Ipakita sa mga bata ang tsart na naglalaman ng mga larawan ng iba’t ibang tungkulin ng mag-aaral sa paaralan. Itanong sa kanila kung alin sa mga ito ang ginagawa nila sa bawat araw. Palagyan ito ng tsek (). Ipagawa ito sa kwaderno o sa isang buong papel. Mga Tungkulin ng Mag-aaral Mga Araw na May Pasok Lunes Mar Tes Miyer Kules Huwe bes Biyer Nes Pumapasok sa paaralan sa wastong oras Nakikinig sa guro habang siya ay nagtuturo Nakikilahok sa mga gawain sa klase Tinatapos ang mga gawaing ipinapagawa ng guro sa klase Inililigpit ang pinagkainan matapos ang recess Itinatapon ang basura sa basurahan. Ginagawa ang takdang-aralin Binabati ang nakakasalubong na guro sa daan Tahimik at maayos na pumipila tuwing flag ceremonyy Hindi tinatapos ang mga gawaing ibinibigay ng guro at sa halip ay inuuna niya ang kaniyang paglalaro Nakikipag-usap sa kaniyang katabi habang nagtuturo ang guro Tinatapon ang mga ginamit na papel sa silid aralan Bumabati sa kaniyang guro Inililigpit ang pinagkainan matapos ang recess
  • 13. 64 (Sumangguni sa Learner’s Manual Aralin 3.2 Gawain 2 para sa mga larawan) Matapos lagyan ng tsek ang mga larawang nagpapakita ng kanilang mga ginawa, itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod: a. Marami ka bang nailagay na tsek sa tsart? b. Ano ang naramdaman mo matapos mong malagyan ng tsek ang mga tungkuling nagagawa mo bilang mga-aaral? c. Sa iyong palagay, bakit mahalagang gawin mo ang iyong mga tungkulin sa paaralan? Gawain 3 Ipakita at ipasuri sa mga mag-aaral ang mga larawan sa titik A at titik B. Ipatukoy ang mga larawang nagpapakita ng posibleng mangyari sa huling bahagi ng ipinapakitang sitwasyon. (Sumangguni sa Learner’s Manual Aralin 3.2 Gawain 3 para sa mga larawan) A. a. b. B. a. b. Matapos ipatukoy ang mga larawan, itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod: a. Alin sa dalawang larawan o sitwasyon ang nagpapakita ng paggawa sa tungkulin ng isang mag-aaral? b. Bakit ito ang mga napili mong huling pangyayari sa ipinakitang sitwasyon? c. Bakit mahalagang gawin ng mga mag-aaral ang kanilang mga tungkulin? Pumasok si Jun sa kanilang silid aralan Tahimik siyang umupo sa kaniyang upuan at nakinig sa kaniyang guro habang nagtuturo Nagbigay ng pagsusulit ang kaniyang guro Oras na ng recess ng klase ni Liberty. Masayang nagkainan sina Liberty kasama ng kaniyang mga kaibigan Nag magsisimula na uli ang klase, itinapon nina Liberty sa sahig ang kanilang mga pinagkainan Mataas ang makukuhang marka. Mababa ang makukuhang marka. Magiging marumi ang paaralan. Mapapanatili ang kalinisan ng paaralan
  • 14. 65 Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon. Aralin 4. Ang Pagsunod sa mga Alituntunin sa Aking Silid-Aralan Panimula: Aralin 4.1: Ang mga Alituntunin sa Aking Silid-Aralan Pag-isipan Ano-ano ang mga ipinatutupad na mga alituntunin sa inyong silid- aralan? Gawain 1 Atasan ang klase na bumuo ng isang graphic organizer na nagpapakita ng iba’t ibang alituntunin na ipinatutupad sa loob ng inyong silid-aralan. Ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isang buong papel. Matapos ang gawain, itanong sa kanila ang mga sumusunod: a. Bakit tayo mayroong mga alituntunin sa ating silid-aralan? b. Sinusunod ba ninyo ang mga ito? Bakit? Bago magsimula ang klase Habang nagkaklase Tuwing recess Bago mag-uwian Tandaan: Mayroon kang iba’t ibang tungkulin sa paaralan. Mahalagang gawin mo ang iyong mga tungkulin bilang mag-aaral upang mapanatili ang kaayusan sa iyong paaralan. Makatutulong din ito upang mapabuti ang iyong pag-aaral.
  • 15. 66 Gawain 2 Basahin sa mga mag-aaral ang mga sitwasyong nakatala sa ibaba. Itanong sa kanila kung ano kaya ang mangyayari o magiging bunga kapag ginawa nila ang mga ito. Kung nagsusulat na ang mga mag-aaral, ipasulat sa nakalaang bahagi ng graphic organizer ang kanilang sagot sa bawat sitwasyon. Maaari ring ipaguhit ang kanilang mga sagot kung wala pang sapat na kasanayan ang mga mag-aaral sa pagsusulat. Maaaring ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isang buong papel. Gawain 3 Pabalikan sa mga mag-aaral ang kanilang ginawang graphic organizer. Itanong sa kanila ang mga sumusunod: a. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagsunod sa mga alituntunin ng inyong silid-aralan? b. Alin naman sa mga ito ang nagpapakita ng hindi pagsunod sa mga alituntunin? Ipasulat sa mga mag-aaral ang titik ng sitwasyon sa loob ng angkop na kahon. Ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno.  Pagsunod sa Alituntunin  Hindi Pagsunod sa Alituntunin B.Nakikipag-kwentuhan ka sa iyong katabi habang nagtuturo ang iyong guro C.Is inisigaw mo ang iyong sagot kahit hindi ka pa tinatawag ng iyong guro para sumagot D. Pumipila nang maayos E. Hindi nagpapasa ng takdang- aralin sa napagkasunduang araw ng pasahan F. Tinatapos ang gawaing ipinagpagawa ng guro sa takdang oras/ araw ng pasahan A.Tahimik na hinihintay ang iyong guro bago magsimula ang klase
  • 16. 67 Bata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay nasa sasakyan Papuntang paaralan Makatapos kaya ako Kahit mga libro'y pinaglumaan mo Pangarap lang ba Pagka't mahirap lang ako Pwede bang sumali sa inyong laro Kahit kunwa-kunwaring nag-aaral din ako Dala ba ng tadhana na tayo'y magkaiba Sana balang araw maging tulad din kita Paano bang sumulat, magbasa ng gaya mo Bata alam mo ba, na bata rin ako? Musmos pa rin ako, Di lang napapansin Magulang at kapatid, Nakaasa sa akin Tanungin ang mga mag-aaral: a. Ano ang nagiging bunga ng pagsunod sa alituntunin? b. Ano naman ang naging bunga ng hindi pagsunod sa alituntunin? c. Sa iyong palagay, bakit mahalagang sundin ang mga alituntunin? d. May iba ka pa bang naiisip na alituntunin na maipatutupad para sa ikabubuti ng inyong samahan sa silid-aralan? Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon. Aralin 5: Ang Aking Pagpapahalaga sa Aking Paaralan Panimula: Aralin 5.1: Ang Kahalagahan ng Aking Paaralan Pag-isipan: Bakit mahalaga ang paaralan para sa mga mag-aaral? Gawain 1 Sabayan ang mga mag-aaral na awitin o bigkasin ang “Bata pa Ako” na isinulat ni Julia Abueva. Tandaan: May iba’t ibang mga alituntuning ipinatutupad sa inyong silid-aralan. Mahalagang sumunod sa mga alituntunin upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa paaralan. Makabubuti rin ang mga ito sa pagpapanatili ng mabuting samahan ninyo ng iyong mga kamag-aral at ng inyong guro. Bata sino ba Ang nagtuturo't gumagabay sa'yo May pag-asa pa bang Maturuan din nya ako Sa lahat ng inaasam Isa ang pinakagusto Na sana'y pagtanda natin Wala ng batang tulad ko [From: http://www.elyrics.net/read/j/julia-abueva- lyrics/bata-pa-ako-lyrics. html]
  • 17. 68 Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod: a. Ano ang nararamdaman mo habang inaawit o binibigkas ninyo ng iyong mga kaklase ang nilalaman ng “Bata pa Ako”? b. Ano sa iyong palagay ang karanasan ng bata sa inyong inawit o binasa? Nag-aaral kaya siya? c. Ano-ano kaya ang mayroon ka ngayon na wala siya? d. Ano kaya ang nagagawa mo ngayon na gusto rin niyang magawa o maranasan? Gawain 2 Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan ng iba’t ibang tao na nakapag-aral at hindi nakapag-aral. Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod: a. Ano kaya ang mangyayari sa mga bata sa kanilang pagtanda kung hindi man lamang sila makapag-aral sa isang paaralan? b. Alin sa mga larawan sa ibaba ang nagpapakita ng maaaring mangyari sa mga taong nakapag-aral? c. Alin naman ang nagpapakita ng maaaring mangyari sa mga taong hindi nakapag-aral? Ipatukoy sa mga mag-aaral ang titik ng mga larawang nagpapakita ng maaaring mangyari sa mga taong nakapag-aral. Magpakita sa mga mag-aaral ng halimbawa bago ito ipagawa sa kanila. Narito ang halimbawang makikita ng mga mag-aaral sa kanilang module: Nilagyan ng arrow ang larawan ng guro papunta sa larawan ng paaralan. A. B. C. D. E. G. H. F.
  • 18. 69 Gawain 3 Ipaguhit sa mga mag-aaral ng isang larawan na nagpapakita ng kahalagahan ng kanilang paaralan. Ipagawa ito sa kanilang kwaderno. Sa tulong mo o ng mga magulang o tagapag-alaga ng mga mag- aaral, papunan ang patlang na nagpapahayag kung bakit mahalaga sa kanila ang kanilang paaralan. Mahalaga ang aking paaralan dahil ___________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ __________________________________________________________ Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon. Sa huling bahagi ng Yunit 3, tulungan ang mga mag-aaral na sagutin ang ebalwasyon ng kanilang mga nagawa at natutunan. Matapos nila itong gawin, sagutan ang hanay para sa ebalwasyon mo sa kanilang mga kasanayan at kaalaman. Ang Aking mga Nagawa at Natutunan Panuto. Makinig sa babasahin ng guro. Lagyan ng tsek ang angkop na kahon sa iyong sagot. Nagamit ko ang mga kasanayang ito: Mag-aaral Guro 1. Nasunod ko ang mga panuto 2. Nagamit ko ang aking mga kasanayan sa sining 3. Nagbahagi ako ng aking kwento sa aking kamag-aral 4. Nakinig ako sa kwento ng aking guro 5. Nakinig ako sa kwento ng aking kaklase 6. Nasuri ko ang iba’t ibang mga bagay 7. Nakapaghambing ako ng iba’t ibang bagay 8. Natukoy ko ang mga bagay na nanatili at nagbago sa aking paaralan 9. Nakapag-isip ako ng maaring mangyari ng isang sitwasyon 10. Napahahalagahan ko ang aking paaralang kinabibilangan Tandaan: Mahalaga ang paaralan sa buhay ng batang tulad mo. Sa tulong ng paaralan, mapapaunlad mo ang iyong mga angking kakayahan at mga kaalaman. Malaki ang pag-asa mong mapaunlad ang iyong buhay kung pumapasok ka at nag-aaral nang mabuti sa isang paaralan.
  • 19. 70 Nagawa ko ang mga bagay na ito: Mag-aaral Guro 1. Nasabi ko ang mga batayang impormasyon tungkol sa aking paaralan 2. Natukoy ko ang iba’t ibang kasapi ng paaralan 3. Nakagawa ako ng isang panayam 4. Nakaguhit ako ng iba’t ibang larawan 5. Nakabuo ako ng timeline 6. Nakagawa ako ng graphic organizer 7. Nakaawit ako ng isang awit 8. Nakabigkas ako ng isang tula 9. Nakasuri ako ng isang awit o tula 10. Naipagmalaki ko ang aking paaralan Mag-aaral Guro Naipapahayag ko ang mga ito: 1. Natutunan ko ang mga batayang impormasyon tungkol sa aking paaralan 2. Natutunan ko ang papel na ginagampanan ng paaralan sa aking buhay. 3. Natutunan ko na may iba’t ibang kasapi na bumubuo sa aking paaralan 4. Natutunan ko na may mga bagay na nanatili at nagbago sa aking paaralan 5. Natutunan ko ang kahalagahan ng mga alituntuning ipinatutupad sa aking paaralan 6. Natutunan ko ang kahalagahan ng pagtupad sa mga tungkulin bilang mag-aaral 7. Natutunan kong pahalagahan ang aking pag-aaral at paaralan Komento ng iyong guro ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ _________________________________________________________________.
  • 20. 71 Lokasyon Taon ng Pagkatatag Mga Taong Bumubuo ng Paaralan PANGALAN NG PAARALAN