1-Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo.pdf
1.
2. Pagkatapos ng Rebolusyong Industriyal
at ng pag-usbong ng mga bagong
bansa o estado sa daigdig, nagkaroon
ng matinding kompetisyon sa pagitan
ng mga Europeo para sa mga teritoryo
sa Asya at Aprika.
Ang yugtong ito na tumagal mula 1870
hanggang 1914 ay ang itinuturing na
ikalawang yugto ng kolonyalismo at
imperyalismo o ang panahon ng
bagong imperyalismo o new
imperialism.
Bagong mukha ng imperyalismo
3. Sa huling bahagi ng ika-19 na
siglo, naging batayan ng
kapangyarihan ng isang bansa
ang pagkakaroon ng mga
kolonya. Nagkaroon ng bagong
yugto ng kolonyalismo at
imperyalismo nang sinubukan ng
mga bansang Europeo na higit
pang palakasin ang kanilang
impluwensiya sa ibang panig ng
daigdig. Nagdulot ito ng
kumpetisyon para sa mga
teritoryong hindi pa nasasakop sa
Aprika at Asya, at nagkaroon ito
ng malawakang epekto sa mga
kontineneng ito.
Ang Aprika ay nakaranas din ng
ikalawang yugto ng imperyalismo.
4. Subukan Natin!
Tunghayan ang mapa ng
Europa. Alam mo kung alin-
aling bansa sa Europa ang
sumakop sa mga bansa sa
Asya at Aprika? Itala ang
mga bansang kolonyalista at
imperyalista.
5.
6. Ang unang yugto ng kolonyalismo ay
naganap sa pagitan ng ika-16 hanggang sa
simula ng ika-19 na siglo. Sa unang bahagi ng
ika-19 na siglo, nagkaroon ng paghina ng
kolonyalismo dahil itinuring ng mga bansang
Europeo na dagdag na gastos ang
pamamahala sa mga kolonya, bukod pa sa
pakikidigma at sa industriyalisasyon. Nang
nanumbalik ang sigla ng ekonomiya ng mga
bansang Europeo sa huling bahagi ng ika-19
na siglo, ito ang nag-udyok sa muling
pagpapalawak ng kanilang impluwensiya at
teritoryo.
8. Ang ikalawang yugto ng kolonyalismo
at imperyalismo ay hindi naging
limitado sa pagtatatag ng mga kolonya.
Sa unang yugto ng imperyalismo, ang
pangunahing pagbabagong naidulot
ng mga mananakop na Europeo ay
nakita sa ekonomiya ng mga
teritoryong nasakop;
9. ngunit sa ikalawang yugto ng
kolonyalismo, nagkaroon ng
malawakang pagbabago sa lipunan,
pulitika, at ekonomiya ng mga bansang
sakop. Sa yugtong ito, nagkaroon ng apat
na uri ng imperyalismo: ang kolonya,
protectorate, sphere of influence, at
imperyalismong ekonomiko.
10. Uri ng
Imperyalismo
Kolonya
Bansa o rehiyon na
pinamumunuan
ng mga
mananakop sa
loob mismo ng
kanilang teritoryo.
Protectorate
Bansa na may
sariling
pamahalaan,
ngunit nasa ilalim
ng kontrol o
impluwensiya ng
mga mananakop.
Sphere of
Influence
Lugar kung saan ang
isang panlabas na
kapangyarihan
ay umaangkin ng
eksklusibong mga
pribilehiyo para sa
pamumuhunan o
pangangalakal.
Malaya, ngunit hindi
gaanong maunlad ang
bansa o
teritoryo na kinokontrol
ng mga pribadong
negosyo, sa
halip ng mga bansang
mananakop.
Imperyalismong
Ekonomiko
11. Ang mga bansang Europeo ay nagkakaiba
sa kanilang mga polisiya at layunin sa
panananakop. Upang makamit ang
kanilang mga layunin, gumamit ng iba’t
ibang paraan
ang mga mananakop sa pagkontrol ng
mga kolonya, at sa paglipas ang panahon,
umusbong ang apat na uri ng
imperyalismo na tumulong sa mga
imperyalista na makamit
ang kanilang mga layunin.
13. Ang muling panunumbalik ng imperyalismo noong
1870 ay dulot ng ilang mahalagang
kaganapan. Ayon sa mga iskolar, ang mabilis na
industriyalisasyon na naganap sa
ikalawang bahagi ng ika-19 na siglo, at ang pag-
usbong ng nasyonalismo sa Europa ang
mga pangunahing kaganapan na nagdulot ng
bagong yugto ng pananakop na naganap
noong 1870 hanggang 1914.
15. Ang ikalawang bahagi ng ika-19 na siglo ay kilala sa
tawag o taguring “Ikalawang Rebolusyong Industriyal,”
dahil nagkaroon muli ng mabilis na pag-unlad ng
teknolohiya at paglakas ng produksyon sa panahong
ito. Naganap ang
Ikalawang Rebolusyong
Industriyal noong 1850
hanggang 1870, at
noong 1890 hanggang
sumapit ang Unang
Digmaang Pandaigdig.
Pagpapaunlad ng riles ng tren
16. Ang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya ay
nakatulong sa pagpapabilis, pagpapadali, at
pagpapalawak ng kolonyalismo at imperyalismo. Ang
malawakang paggamit ng bapor na dulot ng
rebolusyong ito ay nakatulong dahil naging mas
mabilis ang paglalakbay tungo sa mga kolonyang
bansa. Ang mas pinalawak na mga network ng riles ng
tren ay nagpadali sa pagdala ng mga produkto sa iba’t
ibang lugar.
17. Dahil sa telegrapo, nagkaroon ng komunikasyon
sa pagitan ng malalayong lugar. Naging mas
ligtas rin ang paglalakbay sa bagong mga lugar
dahil sa mga bagong diskubreng mga gamot at
paraan sa medisina. Ang mas progresibong mga
armas ay nakatulong din sa paglupig ng mga
bagong lupain.
19. Ang mga rebolusyong naganap at ang nasyonalismong
umusbong sa Amerika at ilang bahagi ng Europeo ay mga
pangyayari na nagbunsod ng bagong imperyalismo. Ang mga
kolonya ay itinuring bilang simbolo ng kapangyarihan ng
isang makapangyarihang bansa. Ang mga bansang dati nang
may hawak na kolonya ay naghanap ng iba pang kolonya
upang mapalakas ang kanilang estado at impluwensiya,
samantalang ang bagong mga mananakop—katulad ng
Alemanya at Italya—ay sumali sa paghahanap ng kolonya
upang sila ay kilalanin din bilang mga makapangyarihang
bansa sa mundo.
21. Ang panahon ng bagong imperyalismo ay isang panahon ng
matinding kompetisyon sa pagitan ng mga mananakop mula
sa kanlurang bahagi ng daigdig para sa mga naiwang
teritoryo na hindi pa
napasasailalim sa mga
dating mananakop.
Ang mga rehiyon na naging
destinasyon ng mga
mananakop ay ang
kontinente
ng Aprika at Asya.
22. Bago naganap ang ikalawang yugto ng imperyalismo, maliit
na bahagi lamang ng Aprika ang nasa ilalim ng
kapangyarihan ng mga Europeo, ngunit pagkatapos ng
yugtong ito, halos ang buong kontinente ay nasa ilalim na ng
mga bansang Europeo. Ang mabilis na pagpapasailalim ng
teritoryo ng Aprika sa kapangyarihan ng mga mananakop sa
yugto ng bagong imperyalismo ay tinawag na Scramble for
Africa.
Imperyalismo sa Aprika
23. Ang Aprika bago ng Scramble (1876) at pagkatapos ng Scramble (1914)
24. Ang Scramble for Africa ay nagsimula dahil sa
pagkabili ng Britanya ng bahagi ng Suez Canal
mula sa pinuno ng Ehipto na nangailangan ng
pera noong 1875. Sinundan ito ng pagpasailalim
ng Britanya sa Ehipto bilang isang protectorate
noong 1882. Ang kontrol ng Britanya sa Ehipto, isa
sa mga pinakamayamang teritoryo sa Aprika, ay
nag-udyok sa ibang Europeo na pumasok sa
Aprika para makakuha ng sarili nilang teritoryo.
25. Upang hindi magkagulo sa pananakop sa Aprika,
pinangunahan ni Otto von Bismarck ng Alemanya at
ni Jules Ferry ng Pransiya ang Berlin Conference, kung
saan nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga
bansang Europeo na walang iisang bansa ang
maaaring umangkin sa mga teritoryo sa Aprika, at
kailangang kilalanin ng bawat bansa ang pag-aari ng
ibang mga bansa. Ang mga pangunahing bansa na
kabilang sa pananakop sa Aprika ay ang Pransiya,
Britanya, Alemanya, Italya, Portugal, at Belhika.
26. Ang Pransiya ang may hawak ng pinakamalaking
teritoryo sa Aprika, at karamihan sa teritoryo ng Pransiya
ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng kontinente.
Kabilang sa mga teritoryong napasailalim sa Pransiya ay
ang Algeria, Tunisia, Morocco, Madagascar, Kanlurang
Aprika, at Equatorial Aprika. Sa tugatog ng kanilang
pananakop, ang kanilang teritoryo ay naging halos
kasinlaki ng teritoryo ng Estados Unidos.
Pransiya (France)
27. Ang mga teritoryo ng Britanya sa Aprika ay mayroong
malalaking populasyon at mayaman sa
mahahalagang mineral. Noong 1806, pinatalsik ng
Britanya ang Olanda mula sa Cape Colony sa timog
na bahagi ng Aprika, at ang mga Boer, mga
magsasakang mula sa Olanda, ay napilitang nagtatag
ng bagong teritoryo. Noong 1899, dahil sa
kagustuhan ng Britanya na sakupin ang mga bagong
teritoryo ng Boer, naganap ang Digmaang Boer, at
kung saan nagtagumpay ang Britanya na sakupin ang
baging mga teritoryo. Noong 1910, pinagsama ng
Britanya ang mga teritoryo nito sa Timog Aprika, at
itinatag nila ang Union of South Africa.
Britanya (Britain)
Isang tagpo noong Digmaang Boer
28. Bagamat nahuli ang Alemanya sa pananakop
ng mga bansa, naging matagumpay pa rin ito
sa pagkuha ng ilang bahagi ng Aprika.
Kabilang sa mga teritoryo ng Alemanya ay ang
Cameroon, Togoland, Tanganyika, at ilang
bahagi ng silangan at timog-kanlurang Aprika.
Alemanya (Germany)
29. Katulad ng Alemanya, nahuli rin ang Italya sa
pananakop. Kabilang sa mga teritoryo ng
Italya sa Aprika ay ang Libya, Somaliland, at
Eritrea. Sinubukan din ng Italya na sakupin
ang Ethiopia, ngunit hindi ito naging
matagumpay.
Italya (Italy)
30. Bagamat hindi kasinlawak ng teritoryo ng ibang
mananakop, napalawak pa rin ng Portugal ang
teritoryo nito sa Angola at Mozambique.
Portugal
Napasailalim ang gitnang bahagi ng Aprika sa Belgium. Ang
gitnang bahagi ng Aprika ay isang teritoryo o lugar na hindi
pa nasasakop bago ang ikalawang yugto ng imperyalismo.
Belhika (Belgium)
31. Nagpalawak din ng impluwensiya sa Asya
ang mga Kanluraning bansa. Ang ilan sa
bahagi ng Asya kung saan lumalim ang
impluwensiya ng mga Europeo ay ang India,
Tsina, Hapon, Kanlurang Asya, at Timog-
Silangang Asya.
Imperyalismo sa Asya
33. Bago naganap ang ikalawang yugto ng imperyalismo, ang India ay
kinontrol ng Britanya sa pamamagitan ng British East India
Company na namuno nang mahigpit sa India. Noong 1857,
naganap ang Sepoy Mutiny kung saan ang mga Muslim at Hindu na
nininirahan sa India ay nagkaisa laban sa Britanya. Hindi naging
matagumpay ang rebelyon, at noong 1858, opisyal na ginawang
bahagi ng imperyo ng Britanya ang India. Naging mahalaga ang
India sa Britanya bilang kolonya at merkado ng kanilang mga
produkto, at tinawag nila ang India na Crown Jewel ng imperyo ng
Britanya.
India
34. Bago ang panahon ng bagong imperyalismo, isinara
ng Tsina ang sarili nito mula sa impluwensiyang
panlabas. Pinahintulutan lamang ng mga Tsino ang
pangangalakal sa daungan ng Canton. Dahil sa
pagkatalo ng Tsina sa mga Digmaang Opyo laban sa
Britanya, napilitan ang Tsina na ibigay ang Hong Kong
sa Britanya, at magbukas ng mas maraming daungan.
Tsina
35. Noong 1870 hanggang 1914, ang mga taga-Kanluran ay
nagtatag o bumuo ng sphere of influence sa iba’t ibang
bahagi ng Tsina.
36. May maliit na bahagi ang Alemanya sa Tsina
na napasakamay rin ng Hapon. Samantala,
ang Estados Unidos ay walang sphere of
influence sa Tsina, ngunit nagtaguyod sila ng
Open Door Policy na nagmungkahi ng
pantay-pantay na karapatan sa pangangalakal
sa Tsina sa lahat ng bansa.
37. Ang bansang Hapon ay hindi napasailalim sa mga mananakop, ngunit ang
impluwensiya ng mga mananakop na nasa mga karatig na lugar ay nagdulot ng
malaking pagbabago sa bansa. Noong 1853, nagpabukas si Matthew Perry, isang
opisyal ng hukbong dagat ng Estados Unidos, ng mga daungan para sa kalakalan sa
pagitan ng mga Hapones at Amerikano. Sa halip na isara ang bansa sa
impluwensyang panlabas, binuksan ng Hapon ang sarili nito sa impluwensiya mula
sa Kanluran, at ginamit nito ang bagong kaalaman at teknolohiya upang
magpaunlad at magpalakas. Dahil sa pagpapaunlad na ito na tinatawag na
Restorasyong Meiji, nagkaroon ng kakayahan ang Hapon na makipagkumpitensiya
sa mga taga-Kanluran. Natalo ng Hapon ang Russia sa Digmaang Ruso-Hapone
(1904-1905), at nakuha rin ng bansa ang una nitong mga kolonya—ang Taiwan at
mga Isla ng Pescadores.
Hapon
39. Naging mahalaga ang Kanlurang Asya o Middle
East sa mga taga-Kanluran dahil sa mga
mahalagang daluyan ng tubig, yamang langis,
at estratehikong lokasyon nito sa Europa, Asya,
at Aprika.
Kanlurang Asya
40. Napalawak ng Britanya ang impluwensiya nito sa
Cyprus, Iran, Iraq, Kuwait, Qatar, at Bahrain. Nagtayo
ang Britanya ng mga daluyan ng langis patungo sa
Mediterranean Sea at Persian Gulf. Nakakuha naman
ang mga Aleman na nagbabangko ng pahintulot mula
sa Imperyong Ottoman na magpatayo ng riles ng tren
simula sa Berlin hanggang Baghdad. Ang Russia ay
naging mahalaga sa pagbagsak ng Imperyong Ottoman
at sa paglaya ng ilang estado sa rehiyon ng Balkan.
41. Sa rehiyong ito, ang mga bansang Malaysia at
Burma (Myanmar na sa kasalukuyan) ay
napasailalim sa kontrol ng Britanya. Pinalawak
naman ng Pransiya ang teritoryo nito sa
Cambodia, Laos, Annam, at Tongkin, at itinatag ng
mga Pranses ang Union of French Indochina.
Timog-Silangang Asya
42. Sa peninsular na Timog Silangang Asya, ang
Siam o Thailand lamang ang nanatiling malaya.
Sa insular na Timog Silangang Asya,
napasailalim ang Pilipinas at Guam sa Estados
Unidos. Pinalawak din ng Olanda (Holland o
Netherlands; ang mga tao ay kilala sa tawag na
Olandes at Dutch) ang kanilang teritoryo sa
Indonesia.