3. #1Question: Ano ang trabaho mo at ng iyong mga magulang noong ika’y dalaga pa?
Answer: Cashier ako sa gasoline station sa Paco ng mga limang taon pagkatapos nun naging
assistant naman ako sa drug store ng tatlong taon. Siyam kaming magkakapatid,yung isa naging
guro, the rest are farmers, yung parents ko naman, si tatay graduate sa San Beda College, tapos
yung tatay nya naman, lolo ko, judge sa Isabela, yung father ko e seminarian sa San Beda, singer
din siya, nung nagkasakit siya huminto na siya kaya umuwi kami sa Ilocos, mama ko naman
plain housewife lang. Magkano lang sinisweldo ko noon, nung sa Drug store, sixty pesos kada
buwan pero libre na lahat pati merienda, sa gasoline station naman mga one hundred twenty
pesos.
#2Question: Para sa iyo? Ano ang mas nagging magandang pamamahala? Pamamahala ng mga
Hapon o ng mga Amerikano?
Answer: Siyempre sa away ng mga Pilipino at mga Hapones noon, kakampi natin yung mga
Amerikano, sila din nagbibigay samin ng relief goods during the war kaya dun palang alam mo
na, mas naging maganda ang pamamahala at pakikitungo ng mga Amerikano kesa mga Hapon
sa atin.
#3Question: Gaano kayo naapektuhan ng gera(World War 2)?
Answer: Ah, doon sa Ilocos, matatanda yung mga tinatawag nila. Pag dumating ang mga
hapon kailangan maglagay ng putik sa ka katawan para kunwari kakampi ka nila, pag wala kang
putik aarestuhin ka nila, papainumin ng maraming maraming tubig tapos tatapakan sa tiyan,
pag nalaman naman nilang spy ka, aarestuhin ka tapos papatayin, bibitayin. Nung gera kasi
7years old palang ako tsaka may baryio kami, doon kami nag-eevacuate sa kabilang bundok
kaya lang natatawag ang ibang mga binata para sa mga meeting, pinapa-member sa mga
kilusan o pinapa-espiya. Ang mga tiyuhin ko naman, sila kasi yung pinapapunta sa kabilang
barrio kasi matatanda na sila, pinapasali na din sila sa mga kilusan, nung 1946 naririnig naming
yung mga bomba, wala ako masyadong maalala kasi bata pa ko nun pero naaalala ko na takot
kami ng mga kapatid ko na nagtatago sa kabilang baryo.
4. #4Question: Ano ang advantage at disadvantage sa pamumuhay sa panahon ng mga hapon?
Answer: Ahh, mura lang ang mga bilihin noon, yung one centavo mo mga equivalent na sa
isang-daan na ata ngayon kasi sa one centavo noon madami ka na talagang mabibili eh,
pagdating naman sa ekonomiya di ko alam, malayo lang yung school noon, wala pa masyadong
eskwelahan di tulad ngayon, kaya di rin ako nakapag-aral ng maayos, pag pumunta ka sa bayan,
maglalakad ka lang. Sa trabaho naman, madali lang eh yung mga grade six graduate nga noon
qualified as teacher na eh.
#5Question: Sa iyong palagay, ang Pilipinas ba ay tunay na Malaya na?
Answer: Oo naman kasi demokrasya na tayo ngayon, noong araw ang dolyar ay dalawang
piso ang palit, para sakin nung panahon ni Marcos okay lang, pag tumaas yung binibili,
tumataas din produkto ng farmers kaya okay samin. Ngayon nga lang, may demokrasya nga
pare-parehas lang namang magnanakaw.