1. REMARKS:
Date:
Observed/Checked by:
Comments:
HOLY CHILD CATHOLIC SCHOOL
Plaza Amado V. Hernandez, Tondo, Manila
SCHOOL YEAR 2016-2017
Edukasyon sa Pagpapakatao
Paksang Aralin: Aralin I: Pagmamahal sa Aking Pamilya
Sinasaklaw na Panahon: Hunyo , 2016: Day 1
Pagtatakda ng Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Patingkarin ang kamalayan na ang pamilya at mga bumubuo nito ay dapat
magsumukap upang makamit ang layon ng kanilang pagkatao
B. Pagyamanin ang pang-unawa ng mga mag-aaral tungkol sa kanilang tungkulin
bilang miyembro ng pamilya
C. Pagtibayin ang paniniwala ng mga mag-aaral na sila ay mahal at tanggap ng
kanilang pamilya
D. Gabayan ang mga may pagdaramdam sa kanilang pamilya
I. Panimula
1.1 Simulan ang klase sa pagtatanong kung ano ang pakahulugan ng mga mag-
aaral sa pamilya.
1.2 Ganyakin ang mga mag-aaral at tanungin kung ano ang ginagampanan nila sa
pamilya.
1.3 Pasagutan ang Gawain p.2
II. Paglalahad
2.1 Ihanda ang mga mag-aaral sa pagbabasa ng kuwentong “Pagbabalik-Tahanan”
sa pp.3-4.
Mga Tanong:
1. Ano sa palagay mo ang mararamdaman ng iyong pamilya kapag nilisan mo
ang inyong tahanan?
2. Paano ipinahihiwatig ang pag-ibig at pagmamahal sa iyong pamilya?
3. Ikaw ba ay may nagawa ring hindi kanais-nais sa iyong pamilya? Kung
mayroon, hand aka bang humingi ng tawad at magpakumbaba?
III. Paglalapat
3.1 LUmikha ng makabuluhang senyales o “signage” ng “pagmamahal” na
magsisilbing paalala sa iyong pamilya. Gumamit ng oslo paper.
3.2 Sagutan ang mga pahina bilang 6-12 sa libro.
IV. Pagsasara
4.1 Panalangin