Lesson 5_Ang mga Organisasyon at Alyansa sa Daigdig .pptx
Buod ng El Filibusterismo Kabanata 38_20231109_073255_0000.pdf
1.
2. Buod ng El
Filibusterismo
Kabanata 38
UPANG ITAGO ANG KAHINAAN NG
PAMAHALAAN, DINAKIP ANG MGA
PINAGHIHINALAANG TULISAN. ANIM O
PITONG MAGSASAKA ANG HINULI NG MGA
SIBIL MATAPOS ANG PAGSALAKAY NI
KABESANG TALES AT PINAGLAKAD SA INIT
NG ARAW. ANG MGA GWARDIA SIBIL NA
PILIPINO NAMAN AY ABUSADO SA PAGTRATO
SA MGA BILANGGO AT PINIPILIT SILANG
AMININ NA SILA AY TULISAN.
3. Sa gitna ng kainitan ng Mayo, walang
sombrero at panyapak ang mga bilanggo
habang gapos ng mahigpit at pinapalakad.
Kapag may natumba o mabagal ang
paglakad, binubugbog sila ng mga sibil.
Ayon kay Mautang, isa sa mga Pilipinong
sibil, may karapatan silang abusuhin ang
mga bilanggo dahil pareho lang ang
kanilang lahi.
4. Habang naglalakad, may ilang tulisan na
lumusob at nagpalitan sila ng putok. Namatay si
Mautang at ilang mga gwardiya sibil. May isang
tao sa itaas ng bundok na iwinawasiwas ang
baril. Pinababaril ito ni Carolino, ngunit hindi
niya maaninagan ang mukha dahil sa init ng
araw. Pagkatapos, nakita ni Carolino ang
kanyang lolo Selo sa mga nakahandusay, na
nakatingin sa kanya at nakaturo ang daliri sa
likod ng talampas. Namutla si Carolino dahil
hindi niya inaasahan na siya ang makakapatay
sa kanyang ingkong.
6. Mga Aral sa El
Filibusterismo
Kabanata 38
Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng mapaniil at
mapang-abusong sistema ng pamamahala na
nagdudulot ng kahirapan sa mamamayan. Ipinakita
rin dito ang pagkawalang-konsensya ng ilang mga
Pilipinong sibil sa kanilang mga kababayan, kung
saan ginagamit nila ang pagkakapareho ng lahi bilang
dahilan sa pagmamalupit sa mga bilanggo. Isa pang
mensahe ng kabanata ay ang pagkakahati ng pamilya
at pagkakalayo sa isa’t isa dahil sa mga pangyayari at
sistema ng pamahalaan. Sa pagkamatay ni lolo Selo,
ipinapakita ang pagkasira ng ugnayan sa loob ng
pamilya at ang pagkawasak ng moral na prinsipyo ng
mga tauhan.