GLORIA B. SANCHEZ, ULIRANG INA! Maalalahanin, mapagpakumbaba, mapagmahal, maasikaso at higit sa lahat may takot sa Diyos, iyan ang aking pinakamamahal na ina. Lahat ay gagawin para sa aming magkakapatid. Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa kaniyang sarili. Nang pumanaw na ang aming ama, walang araw na hindi kami nag-aalala sa kaniya. Inaakala ko na manghihina siya sa pisikal na pangangatawan at buhay espiritwal subalit lalo siyang naging matatag at nanatiling nananalig sa Diyos. Sa paniniwala ng aking mga kapatid lalo pa nga siyang tumatag at lumakas ang loob, iyon ay para patuloy niya kaming magabayan. Sa ganang akin, wala nang hihigit pa sa kadakilaan ng aking ina Ang mga salita o pahayag na naglalahad ng opinyon ay mahalagang maunawaan natin. Layunin nitong ipahiwatig ang ipinahahayag ng ating kausap o ng mambabasa. Mga Salitang Nagpapakilala ng Pagsasaad ng Opinyon. sa palagay ko ipinahihiwatig sa kaniyang sinabi batay sa aking paniniwala sa tingin ko maaaring baka siguro Sumulat ng liham sa iyong ina na nagpapahayag ng iyong damdamin, paghanga at pagmamahal sa kaniya. Gawin ito sa sagutang papel. RUBRIK sa Pagsulat ng Liham: Organisasyon ----10 puntos Nilalaman ---------10 puntos Kaugnayan sa Tema ----10 punto