SlideShare a Scribd company logo
1 of 4
AP8 Q1 W 5
Pangalan:___________________________Grade & Section:__________AP________ESP__________
AP PERFORMANCE TASK #1.3
Panuto: Sa isang shortbondpaper gumuhit ng laraw an na nagpapikta sa Impluw ensiya
ng Heograpiya sa Pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan
Rubriks:
1. Pagkamalikhain-10
2. Pagiiging Malinis-5 total:20/20
3. Pagigibg angkop-5
Sinaunang Kabihasnan World Tour
Kw ento ni Normalyn G. Alonso
Tour Guide: Welcomesa ating Sinaunang Kabihasnan World Tour!
Mga Turista: Excited na po kami! Sabay sagot ng lahat.
Tour Guide 1: Nandito na tayo sa unang destinasyon.
Turista 1: Binasa ang karatula, Welcome to Mesopotamia! Excited nang bumaba ang lahat
sabay-sabay na nagtanong. Ano pong meron dito?
Tour Guide 2: Welcome po sa lahat. Ako pala si Teacher Ema, ako ang magbabahagi ukol
sa lugar. Handa na ba kayong makinig? Sabay naman ang sagot nang lahat na may
kagalakang makinig at sinimulan na ang pagbabahagi.
Teacher Ema: Dito sa ilog na ito umusbong ang pinaniniwalaang kauna-unahang
kabihasnan ng daigdig, ang Kabihasnang Mesopotamia. Ang salitang Mesopotamia ay
nagmula sa mga salitang Greek na meso o”pagitan” at potamos o “ilog”. Ito ay
nangangahulugang lupain “sa pagitan ng dalawang ilog” ng Tigris at Euphrates.
Matatagpuan ito sa rehiyon ng Fertile Crescent, isang paarkong matabang lupaing
nagsisimula sa Persian Gulf hanggang sa silangang baybayin ng Mediterranean Sea.
Turista 3: At alam niyo ba, dahil walang likas na hangganan, sinakop at pinanahanan ito
ng iba’t ibang sinaunang pangkat ng tao, kabilang ang mga Sumerian, Akkadian,
Babylonian, Assyrian, Chaldean, at Elamite na nangtangka ring sakupin ang lupaing ito.
Pamayanang Uruk ang itinuturing na isa sa mga kauna-unahang lungsod sa daigdig. At
sa kasalukuyan, matatagpuan ito sa Iraq at bahagi ng Syria at Turkey.
Teacher Ema: Tama ka diyan. At alam niyo ba na malaki naitulong ng ilog ngunit may
pinsala ring dala sa pamumuhay ng mga sinaunang tao. Taon-taon umaapaw ang ilog at
nagdudulot ng baha. Turista 1: Pero ginawan naman po ng paraan ng pinuno at mga tawo.
Ang palagiang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng banlik o “silt”,
nagiging mataba ang lupain ng rehiyon na nakabubuti sa pagtatanim. Turista 2: Mahalaga
po pala talaga ang ilog at nakakatulong sa mga tao.
Teacher Ema: Tama ka na naman diyan. Para matuto pa tayo, ang susunod nating
destinasyon ay ang Kabihasnang Indus.
Turista 1: Binasa ang karatula, Kabihasnang Indus! Ano pong meron dito?
Teacher Ema: Narito na tayo sa tangway ng Timog Asya kung saan ang sinaunang
kabihasnang Indus. Ito binubuo ng mga bansang India, Pakistan, Bangladesh,
Afghanistan, Bhutan, Sri Lanka, Nepal at Maldives. Madalas tawagin ng mga
heograpo na sub-kontinente ng India dahil inihihiwalay ito ng mga matatarik na
kabundukan.
Turista 2: Saan po nagsimula ang kanilang kabihasnan?
Teacher Ema: Nagsimula sa paligid ng Indus River. Ang mga lungsod ng Harappa at
Mohenjo-Daro sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas ng mga sinaunang
sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. Halos kasabay rito ang pagsisimul a
ng Sumer noong 3000 BCE. At alam niyo ba, mas malawak ang lupain ng Indus kung
ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia.
Turista 3: Ayon sa aking nabasa kabilang sa mga bundok na ito ang Himalayas.
Teacher Ema: Tama ka! Sa katunayan, ang tuktok ng kabundukang Himalaya ay
nababalot ng makapal na yelo at nagmumula sa natutunaw na yelo ang tubig na
dumadaloy sa Indus River. May habang 2,900 km at bumabagtas sa Kashmir patugong
kapatagan ng Pakistan. Sa pagitan ng Hunyo at Setyembre bawat taon, ang pag-apaw ng
ilog ay nagdudulot ng pataba sa lupa at nagbibigay-daan upang malinang ang lupain. Para
matuto pa tayo ng marami, ang susunod na destinasyon ay kabihasnang Tsino. Ano pang
hinihintay natin! Tara na!
Turista 2: Binasa ang karatula, Kabihasnang Tsino. Ano pong meron sa kanilang
kabihasnan?
Teacher Ema: Magaling na tanong iyan. Itinuturing na pinakamatandang
kabihasnanghalos apat na milenyong nananatili sa buong daigdig hanggang sa
kasalukuyan.Lalong nagpatatag ang mahusay na pamamahala pagkakaroon ng mga
ideolohiyang suportado ng estado, partikular ang Confucianism at Taoism.Sa aspetong
politika, halinhinang nakaranas ang Tsina ng pagkakaisa at pagkakawatakwatak. Ang mga
pangyayaring ito ang humubog sa kultura at mamamayan ng bansa hanggang sa
makabagong panahon.
Turista 3: Ano po ang heograpiya ng kabihasnang Tsino?
Teacher Ema: Ang kabihasnan na ito ay umusbong sa tabing-ilog malapit sa Yellow River
o Huang Ho na may habang 3000 milya.Ang dinaraanan nito nang mahabang
panahon at humantong sa pagkakabuo ng isang malawak na kapatagan, ang North
China Plain.
Turista 4: Ayon sa aking nabasa, tulad ng ibang ilog, pag-apaw ng ilog ay nagdulot ng
pataba sa lupa. Subalit ang Xia o Hsia ang kauna-unahangdinastiyang naghari sa Tsina
at ang pinunong Yu ang pinaniniwalaang nakagawa ng paraan upang makontrol ang
pagbaha.Tara na sa susunod na kabihasnan!
Turista 1: Binasa ang karatula, Welcome to Africa! Bakit po tayo nakarating dito? Teacher
Ema: Magaling na tanong! Matatagpuan ang sinaunang kabihasnan na nagmula sa
lambak ng Nile River sa Egypt sa hilagang-silangang bahagi ng Africa. Naging mas matatag
ang kabihasnang yumabong sa Egypt. Ang sinaunang Egypt ay nabuklod
bilang isang estado pagsapit ng 3100 BCE at nakapagpatuloy sa loob ng halos
tatlong milenyo.
Turista 3: Ano naman po ang kanilang heograpiya?
Teacher Ema: Ang Nile River na may 4160 milya o 6694 kilometro ang haba ay
dumadaloymula katimugan patungong hilaga.Mahalagang tandaan ang tinutukoy na
LowerEgypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang Ilog Nile ay
dumadaloypatungong Mediterranean Sea.Ang Egypt ay tinatawag na bilang “The Gift of
Nile”dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay magiging isang
disyerto.Tulad ng ibang ilog, taon-taon ding umaapaw pero nahinto ang pag-apaw ng Ilog
dahil noong 1970, itinayo ang Aswan High Dam. Para lubusan niyong makilala ang
panghuling sinaunang kabihasnan, l ilipad naman tayo patungo sa America. Handa na ba
kayo?
Turista 2:Binsasa ang karatula, Welcome to Kabihasan saMesoamerica! Ano naman po
ang mayroon sa kanilang kabihasnan?
Teacher Ema: Libong taon na ang nakaraan, pinaniniwalaang may pangkat ng mga
mangangaso ang nandayuhan mula sa Asya patungong North America. Unti -unting
tinahak ng mga ito ang kanlurang baybayin ng North America patungong Timog, at
nakapagtatag ng mga kalat-kalat na pamayanan sa mga kontinente ng North at
South America.Noong ika-13 siglo BCE, umusbong ang kauna-unahang kabihasnan
sa America.Sila ang mga Olmec sa kasalukuyang Mexico. Naimpluwensiyahan ang
mga gawaing sinimulan ng mga Olmec ang iba pang pangkat ng mga tao sa iba’t
ibang bahagi ng America.
Turista 4: Ano naman pong heograpiya mayroon ang kabihasnang Mesoamerica?
Teacher Ema: Hango ang pangalang Mesoamerica sa katagang meso na
nangangahulugang “gitna” ng kontinente. Ang Mesoamerica o Central America
ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf of Fonseca
sa katimugang ng El Salvador.Sa hilagang hangganan nito matatagpuan ang mga
ilog ng Panuco at Santiago.Ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas
ng pag-ulan ay nagdudulot ng mga uri ng klima at ekolohiya sa iba’t ibang bahagi
ng rehiyon.Dito naitatag ang unang paninirahan ng tao at pag-usbong ang
agrikultura. Marami na ba kayong natutunan?
Mga Turista: Marami po kaming natutunan. Salamat at hanggang sa muli.
Gabay na mga tanong: 1. Tungkol saan ang kwento ng mga turistang dumalo sa World
Tour?________________________________________________
2. Ayon kwento, ano-anong katangiang pisikal ng mga sinaunang kabihasnan
ang may pagkakatulad sa isa’t isa? Ilarawan
ito._____________________________________________________________________________
3.May kaugnayan ba ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig? Ipaliwanag._____________________________________
4.Bakit nakaapekto ang mga anyong lupa at tubig sa isang lugar sa
pagtataguyod ng kabihasnan?
1. Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang Egypt, mahalagang tandaan ang tinutukoy
na Lower Egypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang Ilog Nile ay dumadaloy
patungong Mediterranean Sea. Samantala, ang Upper Egypt ay nasa bahaging katimugan
mula sa Libyan Desert hanggang sa Abu Simbel. Noon pa mang unang panahon, ang Egypt
ay tinatawag na bilang “The Gift of the Nile”,ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Dahil mayroong Lower at Upper Egypt
B. Dahil nagdulot ito nag pag-apaw ng ilog taon-taon
C. Dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain ay magiging isang disyerto.
D. Dahil ang haba ng ilog ay dumadaloy mula katimugan patungog hilaga.
2. Ang paleolitoko ay galing sa salitang Paleos o luma at lithos naman ay
nangangahulugang bato. Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na
meso o “pagitan” at potamos o “ilog”. Ito ay nangangahulugang lupain “sa pagitan ng
dalawang ilog”. Anong ilog ang tinutukoy nito?
A. Tigris at Nile C. Indus at Euprates
B. Nile at Huang Ho D.Tigris at Euphrates
3. Sinakop at pinanahanan ito ng iba’t ibang sinaunang pangkat ng tao, kabilang ang mga
Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean at Elamite. Sa paglipasng mahabang
panahon, iba’t ibang lungsod ang umusbong at bumagsak sa lugar na ito na nang lumaon
ay pinalitan ng iba pang mga kabihasnan. Anong kabihasnan ang tinutukoy nito?
A. Kabihasnan ng Mesopotamia C. Kabihasnan sa Africa
B. Kabihasnan sa Mesoamerica D. Kabihasnan sa Egypt
4. Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspektong heograpikal at kultural kung ihahambing sa
ibang panig ng Asya. Bakit madalas tawagin ng mga heograpo na subkontinente ng India?
A. Dahil ito ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok.
B. Dahil ito ay inihihiwalay ng mga kabundukan matatarik kaya maituturing itong
halos isang hiwalay na kontinente.
C. Dahil ito ay nababalot ng makapal na yelo.
D. Dahil ito ay ay samu’t saring wika na ginagamit.
5. Ayon sa kabihasnang Indus sa Timog Asya, natagpuan ng mga arkeologo ang mga
labi ng dalawang lungsod noong 1920 halos kasabay ng pagsisimula ng Sumer noong 3000
BCE. Anong mga lungsod ito?
A. Harappa at Uruk C. Harappa at Mohenjo-Daro
B. Mohenjo-Daro at Babylonia D. Sumerian at Assyrian
6. Noong ika-13 siglo B.C.E., umusbong ang kauna-unahang kabihasnan sa America,
nakapagtatag ng mga kala-kalat na pamayanan sa mga kontinente ng NorthMAmerica at
South America. Aling pangkat ang naunang makaimpluwensiya saibang mga pangkat ng
mga tao sa iba’t ibang bahagi ng America?
A. Sumerian C. Americans
B. Olmec D. Brazilians
7. Tulad ng Mesopotamia at India, ang kabihasnan sa China ay umusbong sa tabingilog
malapit sa Yellow River o Huang Ho. Kadalasan din taon-taon itong umaapaw at madalas
ang pagbaha sa mga lugar malapit rito. Kaugnay s sitwasyon naito, alin ang naging
mahalagang gampanin ng isang pinuno sa isang sinaunang pamayanan?
A. Gumawa ng mga harang para labanan ang mananakop at nagtangkang sumakop sa
kanilang mga lupain.
B. Pinagtibay ang sistema ng pagsulat para sa maayos na pamayanan.
C. Nakagawa ng paraan upang makontrol ang pagbabahang naidulot ng mga ilog
sa sinaunang kabihasnan.
D. Hinayaan lamang ng mga pinuno dahil huhupa lang naman ang tubig.
8. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga turista dahil sa mabuting
pakikitungo ng mga Pilipino at tulad sa ibang bansa, magaganda ang mga pisikal na
katangian ng lugar. Ano ang tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal
ng daigdig?
A. Heograpiya C. Pamumuhay
B. Kabihasnan D. Kultura
9. Mahaba ang kasaysayan sa pag-unlad ng kultura at kabuhayan ng mga sinaunang
tao. Simula nang madiskubre ang paggamit ng apoy, marami na ang nabago at umunlad
sa kasaysayan.Ano ang tawag sa lokal na salita na nanggagaling sa salitang-ugat na
“bihasa” na ang kahulugan ay “sanay” na tumutukoy sa isang yugto ng kaunlaran ng isang
lipunan o ang maunlad na pagtira sa isang partikular na lugar. Ano sa palagay mo ang
tinutukoy dito?
A. Heograpiya C. Pamumuhay
B. Kabihasnan D. Kultura
10. Ang heograpiya o katangiang pisikal ng isang lugar ay mahalaga sapag-unlad at
pag-usbong ng pamumuhay ng mga sinaunang tao. Ang pahayag na ito ay:
A.Tama dahil ang katangiang pisikal ng isang lugar ay nakaimpluwensiya sa paraan
paano mabuhay ang isang tao o pangkat.
B.Tama dahil ang katangiang pisikal ng isang lugar ay nagpa-usbong sa kabihasan.
C. Mali dahil ang katangiang pisikal ng isang lugar ay balakid sa pag-unlad lalo na
may kalamidad tulad ng pag-apaw ng tubig sa mga ilog samga sinaunang kabihasnan.
D. Mali dahil ang katangiang pisikal ng isang lugar ay walang ugnayan sa pag-unlad
at pag-usbong ng pamumuhay ng isang tao o pangkat.
Susi sa katanungan
1. C 2. D 3. A 4. B 5. C 6. B 7. C 8. A 9. B 10. A
ESP 8 Q1 W5
Pangalan:___________________________Grade & Section:__________AP________ESP__________
AP PERFORMANCE TASK #1.3
Panuto: Gumaw a ng Scrapbook na nagpapakita ng laraw an ng iyong pamilya o ang
tinuturing mong pamilya. Baw at laraw an lagyan ng caption.
1. Pagkamalikhain-10
2. Pagiiging Malinis-5 total:20/20
3. Pagigibg angkop-5
Kahalagahan ng Komunikasyon sa
Pagpapatatag ng Pamilya
Sa pamilya nahuhubog at natutunan ang ating kasanayan sa bukas na
komunikasyon. Natutong makikipagkawa at bumuo ng pamayanan. Hindi possible ang
pakikipagkapwatao o bumuo ng isang pamayanan nang walang komunikasyon, ito man ay
pasalita o di-pasalita. Sabi nga sa Banal na Papa Juan Pablo II.” Isa sa pangunahing
tunkulin ng pamilya ay bumuo ng pamayanan”. Ano nga ba ang komunikasyon? Ang
Komunikasyon ay anumang senyas o simbolo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang
kanyang iniisip at saloobin. Kabilang dito ay ang mga aspeto tulad ng wika, kilos o galaw,
tono ng boses, katayuan, uri ng pamumuhay at mga gawain.
Ayon kay Leandro C. Villanueva may mga sanhi o dahilan o hadlang sa
komunikasyon sa pagitan ng pamilya , mag-asawa o kapwa tao.
1 . Pagiging umid o walang kibo. Ang pagkaumid o pagtatago ng saloobin ay parang
pagbabakod sa sarili-mahirap mapapasok ng iba. Ayon kay Villanueva.” Mahirap umunlad
ang pagkatao at pakikisama ng taong ayaw magpahayag ng sariling kaisipan at damdamin
o tumanggap ng saloobin sa kapwa.”
2. Ang mali o magkaibang pananaw. Kung ang pagpapahalaga at pananaw ng bawat isa
ay magkaiba, nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan.
3. Pagkainis o ilag sa kausap. May mga taong tila na mimili ng kausap. Hindi kumikibo
kung sa pakiramdam wala sila sa kondisyon na makipag-usap.
4.Takot na ang sasabihin o ipahahayag ay daramdamin o dibdibin. Iniisip minsan ng
tao na mag daramdam o dibdibin ng kausap ang maari niyang sabihin kaya manahimik
nalang siya o kaya’y magsinungaling.
Mahalagang ating sanayin ang kinagisnan sa loob-looban ng bawat pamilya. Ang
mga uri ng komunikasyon nama kabuklod-buklod at makapagpapaunlad sa ating
pagpakatao at pagpapatatag. Ang komunikasyon sa pamilya ay ang paraan kung paano
nag papalitan ng pasalita o di-pasalitang impormasyon sa pagitan ng mga mieyembro.
Ano-ano ang mga paraan upang mapabuti ang komunikasyon?
1. Pagiging mapanlikha o malikhain (Creativity). Kailangan gamitin ng tao ang kanyang
talino at malik hain isipan sa pagtuklas sa mabuting paraan Pagpapahayag ng kanyang
sasabihin.
2. Pag-aalala at malasakit (care/concern). Magkaroon ng malasakit o galang sa kausap
sinuman o anuman ang kanyang katayuan o nalalaman sa buhay.
3. Pagiging hayag o bukas (openness/cooperativness). Sa pakikipag-usap maging
bukas lagi at manatiling tapat. Tanggapin ang kausap bilang tao na may diginidad at
karapatan.
4. Atin-Atin (Personal). Mabuti sa magkakasambahay ang magkaroon ng sama-samang
usapan at pagpalitan ng kuro-kuro o sa pagkakaroon ng masayang pagbabalitaan o
pababahagi nang karanasan na maaring pag-uasapan sa pamilya.
5. Lugod o Ligaya (joy/happiness). Ang kaligayahan o lugod ng isang tao sa
pakikipagusap ay nakaakit ng tiwala sa kaharap.
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at basahing Mabuti na may paguunawa. Isulat
lamang ang letra ng pinakaangkop na sagot.
1. Si Joan at Grace makakambal at puro matalino, kahit salat sa pera ang kanilan g mga
magulang naghihirap itong mairaos ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo. Si Joan ay
nagpasyang huminto at mag-asawa, samantalang si Grace ay nagsisikap makakuha ng
iskolarship para makatapos at makatulong sa magulang. Sa pagtatapos ni Grace sa
kolehiyo bilang “Cum-laude” nanlumo at nanghinayang si Joan sa maagang pag-aasawa
at tahasang pagsuway sa payo ng mga magulang. Ano ang hindi binigyang-pansin ni
Joan upang sana ay hindi siya manghinayang?
a. Pagsunod sa kanyang gusto.
b. Buong paniniwala na magtagumpay siya sa maagang pag-aasawa.
c. Pakikinig sa payo ng magulang at sikapin makatapos sa pag-aaral.
d. Ang pag-aaral ay di gaanong mahalaga bastat masunod ang iyong gusto.
2. Si Nestor ay isang masinop at masikap na bata. Kahit siya nag-aaral patuloy siyang
tumutulong sa kanyang nanay sa pagtitinda at paglalabada. Dahil sa sikap at tiyaga
siya ay nakapag-ipon ng pambili ng cellphone at laptop para sa pasukan. Nagkasakit
ang kanyang Tatay at minabuti ni Nestor na ibigay sa ina ang pera para sa pagpa-
pagamot sa ama. Ano ang mas pinahalagahan ni Nestor?
a. ang mapadali ang pagpasok na may kagamitan sap ag-aaral.
b. ang kalusugan at kaayosan ng ama.
c. ang pagmamahal sa ina
d. ang maging huwarang anak
3. Ang mag-asawang Lily at Dario ay palaging nag-aaway. Naniniwala kasi si Lily na
nagsisinungaling ang kanyang asawa at si Darion naman ay nanininwala na dahil
sa tsismis kaya walang tiwala ang kanyang asawa sa kanya kahit tapat siya sa
kanilang pagsasama. Dahil dito minabuti ni Nestor na huwag nang kibuin at
pansinin ang asawang si Lily at sa anak na lang niya binuhos ang atensiyon. Ano
ang dahilan sa kanilang di pagkakaintindihan?
a. Walang oras sa isa’tisa.
b. Ang hindi pag-uusap ng masinsinan at pakikinig sa bawat isa.
c. Ang mahalin ang anka kaysa asawa.
d. Ang maniwala sa tsismis at mag-away palagi.
4. Si Angel ay may nagawang pagsisinungaling sa kanyang Ate Lenny, na naging
dahilan sa pagkagalit ng kanyang Nanay. Lumapas ang buwan hindi pa rin
nagkalakas loob si Angel na ipagtapat sa kanyang Ate Lenny ang nagawa hanggang
tinanong siya nito. Umiyak at humingi ng tawad si Angel at nangakong hindi na siya
magsasabi ng kasinungalingan sa ina tungkol sa kanyang Ate. Pinatawad naman siya
nito at sinabihang matagal na niyang alam ang ginawa ni Angel ngunit naghihintay
lamang siya na mag kusang loob itong umanin at hihingi ng kapatawaran sa kanya.
Ano sana ang nararapat gawin ni Angel?
a. maglakas-loob na magsabi ng totoo
b. maglakas-loob na hindi aminin ang kasalanan
c. maglakas-loob na paniniwalain ang ina na siya ang tama
d. maglakas-loob na ipaamin sa kapatid na totoong may kasalanan ito
5. Napagalitan si Rolly ng kanyang Ama dahil umalis ito nang walang paalam at sumama
sa kabarkadang maligo sa dagat sa karatig probinsiya. Ano ang dapat gawin ni Rolly?
a. aawayin ang ama
b. hindi pakinggan ang ama
c. hihingi ng tawad at mangakong hindi na uulit
d. makig suntukan sa ama para hindi na ito magalit
6. Nangako ang si George sa kanyang mga kabarkada na sasama siya sa mga ito
patungong Bohol para mamasyal. Nagpaalam siya sa kanyang magulang at pilit
niyang hinihngi ang pahitulot sa mga ito bilang ganti sa kanyang pag tatapos sa
pag-aaral na nakakuha ng may pinakamataas na marka. Subalit bigo pa rin siyang
payagan sa mga ito sa kadahilanan na mahirap ang pagbiyahe sa panahon ngayon
at may banta sa sakit na nakamamatay. Ano ang dapat gawin ni George?
a. susundin ko ang payo ng aking mga magulang
b. pagalitan ko si Ama at Ina dahil di nila ako mahal
c. pupunta pa rin ako kahit walang pahintulot
d. iiyakan ko sila hanggang sila ay pumayag
7. Si Helen ay nagkaroon ng problema sa kanyang pag-aaral at ito’y nakaka apekto sa
kanyang araw-araw na gawain. Minabuti niyang maki pag-usap sa “Guidance
Teacher” ng paaralan para makahingi ng payo kung paano niya ipa alam sa kanyang
mga magulang ang hinaharap na problema. Sa kanyang pakikipag-usap sa guro siya
ay naliwanagan sa dapat niyang gawin, dahil sa pakikinig nito sa kanyang at
pagpapaliwanag sa ano ang kahalagahan sa pamilya at katotohanan. Anong
paggabay ang ginawa ng guro?
a. Pinakinggan at pinasunod sa dapat gawin ayon sa guro.
b. Pinakinggan at binigyan gabay sa kahalagahan sa pagsasabi ng tapat sa magulang
c. Pinakinggan at pinagsabihan na may mali itong nagawa
d. Pinankinggan at sinabihan na huwag nang ulitin gumawa ng mali.
8. Dahil may banta sa COVID 19 minabuti na hindi na magdaraos ng magarang
birthday party si Julie. Minabuti niyang hiniling sa ina at ama na magkaroon
ng “feeding” para sa mga bata sa kanilang lugar. Ito ang pagbibigay ng tinapay at
gatas sa 100 ka bata. Sumang-ayon naman ang kanyang mga magulang dahil sa
magandang ideya ni Julie. Ano ang ipinakita sa pamilya ni Julie?
a. Pagsuporta sa magandang saloobin ng pamilya para sa ikabubuti ng kapwa
b. Pagtutol sa magandang saloobin ng pamilya para di makatulong sa iba
c. Pakikinuig sa saloobin ng anak ngunit hindi susuporta
d. Magkaisa lamang kung ito ay makakabuti sa sariling pamilya
9. Ang grupo nina Jake ay palaging sumasali sa mga gawaing tungkol sa paglilikod sa
kapwa. Ngunit dahil may bago na silang pangulo sa samahan hindi na pinakinggan
ang desisyon ng nakakarami hinggil sa pagkakawang gawa. Kung ikaw si Jake ano
ang nararapat mong gawin?
a. tumiwalag sa grupo at hindi na sasali sa pagkakawang gawa
b. awayin ang bagong pangulo at sabihin na dapat itong palitan
c. magsawalang kibo at pabayaan ang mga ito sa gusto
d. makipag-usap at ipaalala kung ano ang mithiin at- pinapahalagahan ng grupo
10. Si Chris ay napakabait na anak, lagi niyang sinusunod ang kanyang mga magulang.
Ang kanyang tatay ang pinakamalapit sa kanya, palagi siya nitong pinagsabihan sa mga
dapat gawin at mga di dapat gawin. Minsan pinapagalitan siya kung may nagawa siyang
mali. Anong klaseng samahan meron ang mag-ama?
a. payapa at may respeto c. pakikiisa at pagunawa
b. pagmamahal at paggabay d. bukas at may ugnayan
Gaw ain 1 : HULAAN MO!
Panuto: Punan ng tamang letra ang patlang upang mabuo ang salita.
1. Ang P__G __AM__H ___L sa bawat kasapi ng pamilya ito ay nagbibigay senyales
na mayroon komunikasyon naganap saloob ng bahay o sa kapwa.
2. Ang DIYALOGO AY NAGSIMULA SA SINING ng P__K I __ I __ I ___.
3. Ang pinakamabisang tugon sa tunay na kahulugan ng komunikasyon ay ang
P__G-U__NA__A.
4. Ang tunay na pagmamahal sa pamilya ay ang P__GKA__A__S__ ng isip at puso
ng dalawang tao.
5. Ang B__K__S at T__P__T na komunikasyon ay daan upang maipahayag ng mga
kasapi ang pagkakaiba ng pananaw
Susi sa pagwawasto
1. c 2. B 3 . b 4. A 5. C 6. A 7. B 8. A 9. D 10. B
Hulaan Mo!
1.PAGMAM AHAL
2. PAKIKINIG
3.PAG - UUNAWA
4.PAGKIKIISA
5. BUKAS AT TAPAT
B. UGNAYAN

More Related Content

Similar to AP8 Q1 W5.docx

Klasikal na kabihasnan ng greece at rome
Klasikal na kabihasnan ng greece at romeKlasikal na kabihasnan ng greece at rome
Klasikal na kabihasnan ng greece at romeEric Valladolid
 
Modyul 1 heograpiya ng asya
Modyul 1   heograpiya ng asyaModyul 1   heograpiya ng asya
Modyul 1 heograpiya ng asya南 睿
 
Modyul 2 ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon
Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahonModyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon
Modyul 2 ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahonJared Ram Juezan
 
Mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig
Mga sinaunang kabihasnan sa DaigdigMga sinaunang kabihasnan sa Daigdig
Mga sinaunang kabihasnan sa Daigdigiyoalbarracin
 
Aralin 3 mga sinaunang kabihasnan
Aralin 3   mga sinaunang kabihasnanAralin 3   mga sinaunang kabihasnan
Aralin 3 mga sinaunang kabihasnanJared Ram Juezan
 
Araling Panlipunan 1st Quarter Grade 8
Araling Panlipunan 1st Quarter Grade 8Araling Panlipunan 1st Quarter Grade 8
Araling Panlipunan 1st Quarter Grade 8Jessie Papaya
 
Aralin3 mgasinaunangkabihasnan-140728112425-phpapp02dex
Aralin3 mgasinaunangkabihasnan-140728112425-phpapp02dexAralin3 mgasinaunangkabihasnan-140728112425-phpapp02dex
Aralin3 mgasinaunangkabihasnan-140728112425-phpapp02dexDexter Reyes
 
AP 8- 1st Quarter Summative Test.docx
AP 8- 1st Quarter Summative Test.docxAP 8- 1st Quarter Summative Test.docx
AP 8- 1st Quarter Summative Test.docxLyssaApostol2
 
light-soft-style-music-lesson-for-middle-school.pptx
light-soft-style-music-lesson-for-middle-school.pptxlight-soft-style-music-lesson-for-middle-school.pptx
light-soft-style-music-lesson-for-middle-school.pptxlyrajane3
 
Aralpan week4.pptx
Aralpan week4.pptxAralpan week4.pptx
Aralpan week4.pptxpalenpalen2
 
Gr 8 ap q1 lm (pp. 1 156)
Gr 8 ap q1 lm (pp. 1 156)Gr 8 ap q1 lm (pp. 1 156)
Gr 8 ap q1 lm (pp. 1 156)Cloud Strife
 
Gr8aralingpanlipunanq1lm 130615182335-phpapp02
Gr8aralingpanlipunanq1lm 130615182335-phpapp02Gr8aralingpanlipunanq1lm 130615182335-phpapp02
Gr8aralingpanlipunanq1lm 130615182335-phpapp02Jerzen Espiritu
 
Gr 8 ap q1 lm (pp. 1 156) as of 5.6.13
Gr 8 ap q1 lm (pp. 1 156) as of 5.6.13Gr 8 ap q1 lm (pp. 1 156) as of 5.6.13
Gr 8 ap q1 lm (pp. 1 156) as of 5.6.13Cloud Strife
 
Gr8aralingpanlipunanq1lm 130615182335-phpapp02
Gr8aralingpanlipunanq1lm 130615182335-phpapp02Gr8aralingpanlipunanq1lm 130615182335-phpapp02
Gr8aralingpanlipunanq1lm 130615182335-phpapp02Riza Florencio
 

Similar to AP8 Q1 W5.docx (20)

Aralin 3
Aralin 3Aralin 3
Aralin 3
 
asya_demo.pptx
asya_demo.pptxasya_demo.pptx
asya_demo.pptx
 
Klasikal na kabihasnan ng greece at rome
Klasikal na kabihasnan ng greece at romeKlasikal na kabihasnan ng greece at rome
Klasikal na kabihasnan ng greece at rome
 
Modyul 1 heograpiya ng asya
Modyul 1   heograpiya ng asyaModyul 1   heograpiya ng asya
Modyul 1 heograpiya ng asya
 
ap
apap
ap
 
Modyul 1 heograpiya ng asya
Modyul 1   heograpiya ng asyaModyul 1   heograpiya ng asya
Modyul 1 heograpiya ng asya
 
Modyul 2 ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon
Modyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahonModyul 2   ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon
Modyul 2 ang daigdig sa klasikal at transisyunal na panahon
 
Mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig
Mga sinaunang kabihasnan sa DaigdigMga sinaunang kabihasnan sa Daigdig
Mga sinaunang kabihasnan sa Daigdig
 
Aralin 3 mga sinaunang kabihasnan
Aralin 3   mga sinaunang kabihasnanAralin 3   mga sinaunang kabihasnan
Aralin 3 mga sinaunang kabihasnan
 
Araling Panlipunan 1st Quarter Grade 8
Araling Panlipunan 1st Quarter Grade 8Araling Panlipunan 1st Quarter Grade 8
Araling Panlipunan 1st Quarter Grade 8
 
Aralin3 mgasinaunangkabihasnan-140728112425-phpapp02dex
Aralin3 mgasinaunangkabihasnan-140728112425-phpapp02dexAralin3 mgasinaunangkabihasnan-140728112425-phpapp02dex
Aralin3 mgasinaunangkabihasnan-140728112425-phpapp02dex
 
AP 8- 1st Quarter Summative Test.docx
AP 8- 1st Quarter Summative Test.docxAP 8- 1st Quarter Summative Test.docx
AP 8- 1st Quarter Summative Test.docx
 
light-soft-style-music-lesson-for-middle-school.pptx
light-soft-style-music-lesson-for-middle-school.pptxlight-soft-style-music-lesson-for-middle-school.pptx
light-soft-style-music-lesson-for-middle-school.pptx
 
SINAUNANG-KABIHASNAN.pptx
SINAUNANG-KABIHASNAN.pptxSINAUNANG-KABIHASNAN.pptx
SINAUNANG-KABIHASNAN.pptx
 
Aralpan week4.pptx
Aralpan week4.pptxAralpan week4.pptx
Aralpan week4.pptx
 
Gr 8 ap q1 lm (pp. 1 156)
Gr 8 ap q1 lm (pp. 1 156)Gr 8 ap q1 lm (pp. 1 156)
Gr 8 ap q1 lm (pp. 1 156)
 
Gr8aralingpanlipunanq1lm 130615182335-phpapp02
Gr8aralingpanlipunanq1lm 130615182335-phpapp02Gr8aralingpanlipunanq1lm 130615182335-phpapp02
Gr8aralingpanlipunanq1lm 130615182335-phpapp02
 
Araling Asyano Modyul 1
Araling Asyano Modyul 1Araling Asyano Modyul 1
Araling Asyano Modyul 1
 
Gr 8 ap q1 lm (pp. 1 156) as of 5.6.13
Gr 8 ap q1 lm (pp. 1 156) as of 5.6.13Gr 8 ap q1 lm (pp. 1 156) as of 5.6.13
Gr 8 ap q1 lm (pp. 1 156) as of 5.6.13
 
Gr8aralingpanlipunanq1lm 130615182335-phpapp02
Gr8aralingpanlipunanq1lm 130615182335-phpapp02Gr8aralingpanlipunanq1lm 130615182335-phpapp02
Gr8aralingpanlipunanq1lm 130615182335-phpapp02
 

More from YnnejGem

INSET OUTPUTS-JH AP.docx
INSET OUTPUTS-JH AP.docxINSET OUTPUTS-JH AP.docx
INSET OUTPUTS-JH AP.docxYnnejGem
 
AP8 Q1 W6-8.docx
AP8 Q1 W6-8.docxAP8 Q1 W6-8.docx
AP8 Q1 W6-8.docxYnnejGem
 
AP8 Q1 W4.docx
AP8 Q1 W4.docxAP8 Q1 W4.docx
AP8 Q1 W4.docxYnnejGem
 
AP 8 Q1 W3.docx
AP 8 Q1 W3.docxAP 8 Q1 W3.docx
AP 8 Q1 W3.docxYnnejGem
 
AP 8 Q1 W2.docx
AP 8 Q1 W2.docxAP 8 Q1 W2.docx
AP 8 Q1 W2.docxYnnejGem
 
AP 8 Q1 W1.docx
AP 8 Q1 W1.docxAP 8 Q1 W1.docx
AP 8 Q1 W1.docxYnnejGem
 
Mga-Isyu-Sa-Karapatang-Pantao-demo.pptx
Mga-Isyu-Sa-Karapatang-Pantao-demo.pptxMga-Isyu-Sa-Karapatang-Pantao-demo.pptx
Mga-Isyu-Sa-Karapatang-Pantao-demo.pptxYnnejGem
 

More from YnnejGem (7)

INSET OUTPUTS-JH AP.docx
INSET OUTPUTS-JH AP.docxINSET OUTPUTS-JH AP.docx
INSET OUTPUTS-JH AP.docx
 
AP8 Q1 W6-8.docx
AP8 Q1 W6-8.docxAP8 Q1 W6-8.docx
AP8 Q1 W6-8.docx
 
AP8 Q1 W4.docx
AP8 Q1 W4.docxAP8 Q1 W4.docx
AP8 Q1 W4.docx
 
AP 8 Q1 W3.docx
AP 8 Q1 W3.docxAP 8 Q1 W3.docx
AP 8 Q1 W3.docx
 
AP 8 Q1 W2.docx
AP 8 Q1 W2.docxAP 8 Q1 W2.docx
AP 8 Q1 W2.docx
 
AP 8 Q1 W1.docx
AP 8 Q1 W1.docxAP 8 Q1 W1.docx
AP 8 Q1 W1.docx
 
Mga-Isyu-Sa-Karapatang-Pantao-demo.pptx
Mga-Isyu-Sa-Karapatang-Pantao-demo.pptxMga-Isyu-Sa-Karapatang-Pantao-demo.pptx
Mga-Isyu-Sa-Karapatang-Pantao-demo.pptx
 

Recently uploaded

ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxNicsSalvatierra
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxRosemarieGaring
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasRonalynGatelaCajudo
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxBatas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxDanicaAndoyoDuhali
 
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxworldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxSundieGraceBataan
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoChristineJaneWaquizM
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............AljayGanda
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxRoseAnneOcampo1
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangerekimdavidmerana03
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxavegailorladan
 
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxPAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxmaryjoydoles2415
 
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentation
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentationAng sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentation
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentationRonalynGatelaCajudo
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALHerlynJanMarieJuelo2
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfYollySamontezaCargad
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxZERos7
 

Recently uploaded (20)

ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxBatas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
 
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptxworldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
worldwar1 unang digmaang pandaigdig.pptx
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nitoUri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
Uri ng Sugnay kahulugan halimbawa at uri nito
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
 
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
 
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptxAP Q4 -W3-Day 1-5  1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
AP Q4 -W3-Day 1-5 1986 EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION.pptx
 
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptxPAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
PAANO-MAIBABALIK-ANG-PAGKA-PILIPINO.pptx
 
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentation
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentationAng sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentation
Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentation
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptxPHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
PHILIPPINE CONSTITUTION 1987 ARTICLE 3 SEC Final.pptx
 

AP8 Q1 W5.docx

  • 1. AP8 Q1 W 5 Pangalan:___________________________Grade & Section:__________AP________ESP__________ AP PERFORMANCE TASK #1.3 Panuto: Sa isang shortbondpaper gumuhit ng laraw an na nagpapikta sa Impluw ensiya ng Heograpiya sa Pag-unlad ng mga Sinaunang Kabihasnan Rubriks: 1. Pagkamalikhain-10 2. Pagiiging Malinis-5 total:20/20 3. Pagigibg angkop-5 Sinaunang Kabihasnan World Tour Kw ento ni Normalyn G. Alonso Tour Guide: Welcomesa ating Sinaunang Kabihasnan World Tour! Mga Turista: Excited na po kami! Sabay sagot ng lahat. Tour Guide 1: Nandito na tayo sa unang destinasyon. Turista 1: Binasa ang karatula, Welcome to Mesopotamia! Excited nang bumaba ang lahat sabay-sabay na nagtanong. Ano pong meron dito? Tour Guide 2: Welcome po sa lahat. Ako pala si Teacher Ema, ako ang magbabahagi ukol sa lugar. Handa na ba kayong makinig? Sabay naman ang sagot nang lahat na may kagalakang makinig at sinimulan na ang pagbabahagi. Teacher Ema: Dito sa ilog na ito umusbong ang pinaniniwalaang kauna-unahang kabihasnan ng daigdig, ang Kabihasnang Mesopotamia. Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso o”pagitan” at potamos o “ilog”. Ito ay nangangahulugang lupain “sa pagitan ng dalawang ilog” ng Tigris at Euphrates. Matatagpuan ito sa rehiyon ng Fertile Crescent, isang paarkong matabang lupaing nagsisimula sa Persian Gulf hanggang sa silangang baybayin ng Mediterranean Sea. Turista 3: At alam niyo ba, dahil walang likas na hangganan, sinakop at pinanahanan ito ng iba’t ibang sinaunang pangkat ng tao, kabilang ang mga Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean, at Elamite na nangtangka ring sakupin ang lupaing ito. Pamayanang Uruk ang itinuturing na isa sa mga kauna-unahang lungsod sa daigdig. At sa kasalukuyan, matatagpuan ito sa Iraq at bahagi ng Syria at Turkey. Teacher Ema: Tama ka diyan. At alam niyo ba na malaki naitulong ng ilog ngunit may pinsala ring dala sa pamumuhay ng mga sinaunang tao. Taon-taon umaapaw ang ilog at nagdudulot ng baha. Turista 1: Pero ginawan naman po ng paraan ng pinuno at mga tawo. Ang palagiang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng banlik o “silt”, nagiging mataba ang lupain ng rehiyon na nakabubuti sa pagtatanim. Turista 2: Mahalaga po pala talaga ang ilog at nakakatulong sa mga tao. Teacher Ema: Tama ka na naman diyan. Para matuto pa tayo, ang susunod nating destinasyon ay ang Kabihasnang Indus. Turista 1: Binasa ang karatula, Kabihasnang Indus! Ano pong meron dito? Teacher Ema: Narito na tayo sa tangway ng Timog Asya kung saan ang sinaunang kabihasnang Indus. Ito binubuo ng mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Afghanistan, Bhutan, Sri Lanka, Nepal at Maldives. Madalas tawagin ng mga heograpo na sub-kontinente ng India dahil inihihiwalay ito ng mga matatarik na kabundukan. Turista 2: Saan po nagsimula ang kanilang kabihasnan? Teacher Ema: Nagsimula sa paligid ng Indus River. Ang mga lungsod ng Harappa at Mohenjo-Daro sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas ng mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon. Halos kasabay rito ang pagsisimul a ng Sumer noong 3000 BCE. At alam niyo ba, mas malawak ang lupain ng Indus kung ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia. Turista 3: Ayon sa aking nabasa kabilang sa mga bundok na ito ang Himalayas. Teacher Ema: Tama ka! Sa katunayan, ang tuktok ng kabundukang Himalaya ay nababalot ng makapal na yelo at nagmumula sa natutunaw na yelo ang tubig na dumadaloy sa Indus River. May habang 2,900 km at bumabagtas sa Kashmir patugong kapatagan ng Pakistan. Sa pagitan ng Hunyo at Setyembre bawat taon, ang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba sa lupa at nagbibigay-daan upang malinang ang lupain. Para matuto pa tayo ng marami, ang susunod na destinasyon ay kabihasnang Tsino. Ano pang hinihintay natin! Tara na! Turista 2: Binasa ang karatula, Kabihasnang Tsino. Ano pong meron sa kanilang kabihasnan? Teacher Ema: Magaling na tanong iyan. Itinuturing na pinakamatandang kabihasnanghalos apat na milenyong nananatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan.Lalong nagpatatag ang mahusay na pamamahala pagkakaroon ng mga ideolohiyang suportado ng estado, partikular ang Confucianism at Taoism.Sa aspetong politika, halinhinang nakaranas ang Tsina ng pagkakaisa at pagkakawatakwatak. Ang mga pangyayaring ito ang humubog sa kultura at mamamayan ng bansa hanggang sa makabagong panahon. Turista 3: Ano po ang heograpiya ng kabihasnang Tsino? Teacher Ema: Ang kabihasnan na ito ay umusbong sa tabing-ilog malapit sa Yellow River o Huang Ho na may habang 3000 milya.Ang dinaraanan nito nang mahabang panahon at humantong sa pagkakabuo ng isang malawak na kapatagan, ang North China Plain. Turista 4: Ayon sa aking nabasa, tulad ng ibang ilog, pag-apaw ng ilog ay nagdulot ng pataba sa lupa. Subalit ang Xia o Hsia ang kauna-unahangdinastiyang naghari sa Tsina at ang pinunong Yu ang pinaniniwalaang nakagawa ng paraan upang makontrol ang pagbaha.Tara na sa susunod na kabihasnan! Turista 1: Binasa ang karatula, Welcome to Africa! Bakit po tayo nakarating dito? Teacher Ema: Magaling na tanong! Matatagpuan ang sinaunang kabihasnan na nagmula sa lambak ng Nile River sa Egypt sa hilagang-silangang bahagi ng Africa. Naging mas matatag ang kabihasnang yumabong sa Egypt. Ang sinaunang Egypt ay nabuklod bilang isang estado pagsapit ng 3100 BCE at nakapagpatuloy sa loob ng halos tatlong milenyo. Turista 3: Ano naman po ang kanilang heograpiya? Teacher Ema: Ang Nile River na may 4160 milya o 6694 kilometro ang haba ay dumadaloymula katimugan patungong hilaga.Mahalagang tandaan ang tinutukoy na LowerEgypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang Ilog Nile ay dumadaloypatungong Mediterranean Sea.Ang Egypt ay tinatawag na bilang “The Gift of Nile”dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain nito ay magiging isang disyerto.Tulad ng ibang ilog, taon-taon ding umaapaw pero nahinto ang pag-apaw ng Ilog dahil noong 1970, itinayo ang Aswan High Dam. Para lubusan niyong makilala ang panghuling sinaunang kabihasnan, l ilipad naman tayo patungo sa America. Handa na ba kayo? Turista 2:Binsasa ang karatula, Welcome to Kabihasan saMesoamerica! Ano naman po ang mayroon sa kanilang kabihasnan? Teacher Ema: Libong taon na ang nakaraan, pinaniniwalaang may pangkat ng mga mangangaso ang nandayuhan mula sa Asya patungong North America. Unti -unting tinahak ng mga ito ang kanlurang baybayin ng North America patungong Timog, at nakapagtatag ng mga kalat-kalat na pamayanan sa mga kontinente ng North at South America.Noong ika-13 siglo BCE, umusbong ang kauna-unahang kabihasnan sa America.Sila ang mga Olmec sa kasalukuyang Mexico. Naimpluwensiyahan ang mga gawaing sinimulan ng mga Olmec ang iba pang pangkat ng mga tao sa iba’t
  • 2. ibang bahagi ng America. Turista 4: Ano naman pong heograpiya mayroon ang kabihasnang Mesoamerica? Teacher Ema: Hango ang pangalang Mesoamerica sa katagang meso na nangangahulugang “gitna” ng kontinente. Ang Mesoamerica o Central America ang rehiyon sa pagitan ng Sinaloa River Valley sa gitnang Mexico at Gulf of Fonseca sa katimugang ng El Salvador.Sa hilagang hangganan nito matatagpuan ang mga ilog ng Panuco at Santiago.Ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas ng pag-ulan ay nagdudulot ng mga uri ng klima at ekolohiya sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.Dito naitatag ang unang paninirahan ng tao at pag-usbong ang agrikultura. Marami na ba kayong natutunan? Mga Turista: Marami po kaming natutunan. Salamat at hanggang sa muli. Gabay na mga tanong: 1. Tungkol saan ang kwento ng mga turistang dumalo sa World Tour?________________________________________________ 2. Ayon kwento, ano-anong katangiang pisikal ng mga sinaunang kabihasnan ang may pagkakatulad sa isa’t isa? Ilarawan ito._____________________________________________________________________________ 3.May kaugnayan ba ang heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig? Ipaliwanag._____________________________________ 4.Bakit nakaapekto ang mga anyong lupa at tubig sa isang lugar sa pagtataguyod ng kabihasnan? 1. Sa pag-unawa sa heograpiya ng sinaunang Egypt, mahalagang tandaan ang tinutukoy na Lower Egypt ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang Ilog Nile ay dumadaloy patungong Mediterranean Sea. Samantala, ang Upper Egypt ay nasa bahaging katimugan mula sa Libyan Desert hanggang sa Abu Simbel. Noon pa mang unang panahon, ang Egypt ay tinatawag na bilang “The Gift of the Nile”,ano ang ipinahihiwatig nito? A. Dahil mayroong Lower at Upper Egypt B. Dahil nagdulot ito nag pag-apaw ng ilog taon-taon C. Dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain ay magiging isang disyerto. D. Dahil ang haba ng ilog ay dumadaloy mula katimugan patungog hilaga. 2. Ang paleolitoko ay galing sa salitang Paleos o luma at lithos naman ay nangangahulugang bato. Ang salitang Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso o “pagitan” at potamos o “ilog”. Ito ay nangangahulugang lupain “sa pagitan ng dalawang ilog”. Anong ilog ang tinutukoy nito? A. Tigris at Nile C. Indus at Euprates B. Nile at Huang Ho D.Tigris at Euphrates 3. Sinakop at pinanahanan ito ng iba’t ibang sinaunang pangkat ng tao, kabilang ang mga Sumerian, Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean at Elamite. Sa paglipasng mahabang panahon, iba’t ibang lungsod ang umusbong at bumagsak sa lugar na ito na nang lumaon ay pinalitan ng iba pang mga kabihasnan. Anong kabihasnan ang tinutukoy nito? A. Kabihasnan ng Mesopotamia C. Kabihasnan sa Africa B. Kabihasnan sa Mesoamerica D. Kabihasnan sa Egypt 4. Ang rehiyong ito ay kakaiba sa aspektong heograpikal at kultural kung ihahambing sa ibang panig ng Asya. Bakit madalas tawagin ng mga heograpo na subkontinente ng India? A. Dahil ito ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. B. Dahil ito ay inihihiwalay ng mga kabundukan matatarik kaya maituturing itong halos isang hiwalay na kontinente. C. Dahil ito ay nababalot ng makapal na yelo. D. Dahil ito ay ay samu’t saring wika na ginagamit. 5. Ayon sa kabihasnang Indus sa Timog Asya, natagpuan ng mga arkeologo ang mga labi ng dalawang lungsod noong 1920 halos kasabay ng pagsisimula ng Sumer noong 3000 BCE. Anong mga lungsod ito? A. Harappa at Uruk C. Harappa at Mohenjo-Daro B. Mohenjo-Daro at Babylonia D. Sumerian at Assyrian 6. Noong ika-13 siglo B.C.E., umusbong ang kauna-unahang kabihasnan sa America, nakapagtatag ng mga kala-kalat na pamayanan sa mga kontinente ng NorthMAmerica at South America. Aling pangkat ang naunang makaimpluwensiya saibang mga pangkat ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng America? A. Sumerian C. Americans B. Olmec D. Brazilians 7. Tulad ng Mesopotamia at India, ang kabihasnan sa China ay umusbong sa tabingilog malapit sa Yellow River o Huang Ho. Kadalasan din taon-taon itong umaapaw at madalas ang pagbaha sa mga lugar malapit rito. Kaugnay s sitwasyon naito, alin ang naging mahalagang gampanin ng isang pinuno sa isang sinaunang pamayanan? A. Gumawa ng mga harang para labanan ang mananakop at nagtangkang sumakop sa kanilang mga lupain. B. Pinagtibay ang sistema ng pagsulat para sa maayos na pamayanan. C. Nakagawa ng paraan upang makontrol ang pagbabahang naidulot ng mga ilog sa sinaunang kabihasnan. D. Hinayaan lamang ng mga pinuno dahil huhupa lang naman ang tubig. 8. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga turista dahil sa mabuting pakikitungo ng mga Pilipino at tulad sa ibang bansa, magaganda ang mga pisikal na katangian ng lugar. Ano ang tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig? A. Heograpiya C. Pamumuhay B. Kabihasnan D. Kultura 9. Mahaba ang kasaysayan sa pag-unlad ng kultura at kabuhayan ng mga sinaunang tao. Simula nang madiskubre ang paggamit ng apoy, marami na ang nabago at umunlad sa kasaysayan.Ano ang tawag sa lokal na salita na nanggagaling sa salitang-ugat na “bihasa” na ang kahulugan ay “sanay” na tumutukoy sa isang yugto ng kaunlaran ng isang lipunan o ang maunlad na pagtira sa isang partikular na lugar. Ano sa palagay mo ang tinutukoy dito? A. Heograpiya C. Pamumuhay B. Kabihasnan D. Kultura 10. Ang heograpiya o katangiang pisikal ng isang lugar ay mahalaga sapag-unlad at pag-usbong ng pamumuhay ng mga sinaunang tao. Ang pahayag na ito ay: A.Tama dahil ang katangiang pisikal ng isang lugar ay nakaimpluwensiya sa paraan paano mabuhay ang isang tao o pangkat. B.Tama dahil ang katangiang pisikal ng isang lugar ay nagpa-usbong sa kabihasan. C. Mali dahil ang katangiang pisikal ng isang lugar ay balakid sa pag-unlad lalo na may kalamidad tulad ng pag-apaw ng tubig sa mga ilog samga sinaunang kabihasnan. D. Mali dahil ang katangiang pisikal ng isang lugar ay walang ugnayan sa pag-unlad at pag-usbong ng pamumuhay ng isang tao o pangkat. Susi sa katanungan 1. C 2. D 3. A 4. B 5. C 6. B 7. C 8. A 9. B 10. A
  • 3. ESP 8 Q1 W5 Pangalan:___________________________Grade & Section:__________AP________ESP__________ AP PERFORMANCE TASK #1.3 Panuto: Gumaw a ng Scrapbook na nagpapakita ng laraw an ng iyong pamilya o ang tinuturing mong pamilya. Baw at laraw an lagyan ng caption. 1. Pagkamalikhain-10 2. Pagiiging Malinis-5 total:20/20 3. Pagigibg angkop-5 Kahalagahan ng Komunikasyon sa Pagpapatatag ng Pamilya Sa pamilya nahuhubog at natutunan ang ating kasanayan sa bukas na komunikasyon. Natutong makikipagkawa at bumuo ng pamayanan. Hindi possible ang pakikipagkapwatao o bumuo ng isang pamayanan nang walang komunikasyon, ito man ay pasalita o di-pasalita. Sabi nga sa Banal na Papa Juan Pablo II.” Isa sa pangunahing tunkulin ng pamilya ay bumuo ng pamayanan”. Ano nga ba ang komunikasyon? Ang Komunikasyon ay anumang senyas o simbolo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang kanyang iniisip at saloobin. Kabilang dito ay ang mga aspeto tulad ng wika, kilos o galaw, tono ng boses, katayuan, uri ng pamumuhay at mga gawain. Ayon kay Leandro C. Villanueva may mga sanhi o dahilan o hadlang sa komunikasyon sa pagitan ng pamilya , mag-asawa o kapwa tao. 1 . Pagiging umid o walang kibo. Ang pagkaumid o pagtatago ng saloobin ay parang pagbabakod sa sarili-mahirap mapapasok ng iba. Ayon kay Villanueva.” Mahirap umunlad ang pagkatao at pakikisama ng taong ayaw magpahayag ng sariling kaisipan at damdamin o tumanggap ng saloobin sa kapwa.” 2. Ang mali o magkaibang pananaw. Kung ang pagpapahalaga at pananaw ng bawat isa ay magkaiba, nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. 3. Pagkainis o ilag sa kausap. May mga taong tila na mimili ng kausap. Hindi kumikibo kung sa pakiramdam wala sila sa kondisyon na makipag-usap. 4.Takot na ang sasabihin o ipahahayag ay daramdamin o dibdibin. Iniisip minsan ng tao na mag daramdam o dibdibin ng kausap ang maari niyang sabihin kaya manahimik nalang siya o kaya’y magsinungaling. Mahalagang ating sanayin ang kinagisnan sa loob-looban ng bawat pamilya. Ang mga uri ng komunikasyon nama kabuklod-buklod at makapagpapaunlad sa ating pagpakatao at pagpapatatag. Ang komunikasyon sa pamilya ay ang paraan kung paano nag papalitan ng pasalita o di-pasalitang impormasyon sa pagitan ng mga mieyembro. Ano-ano ang mga paraan upang mapabuti ang komunikasyon? 1. Pagiging mapanlikha o malikhain (Creativity). Kailangan gamitin ng tao ang kanyang talino at malik hain isipan sa pagtuklas sa mabuting paraan Pagpapahayag ng kanyang sasabihin. 2. Pag-aalala at malasakit (care/concern). Magkaroon ng malasakit o galang sa kausap sinuman o anuman ang kanyang katayuan o nalalaman sa buhay. 3. Pagiging hayag o bukas (openness/cooperativness). Sa pakikipag-usap maging bukas lagi at manatiling tapat. Tanggapin ang kausap bilang tao na may diginidad at karapatan. 4. Atin-Atin (Personal). Mabuti sa magkakasambahay ang magkaroon ng sama-samang usapan at pagpalitan ng kuro-kuro o sa pagkakaroon ng masayang pagbabalitaan o pababahagi nang karanasan na maaring pag-uasapan sa pamilya. 5. Lugod o Ligaya (joy/happiness). Ang kaligayahan o lugod ng isang tao sa pakikipagusap ay nakaakit ng tiwala sa kaharap. Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at basahing Mabuti na may paguunawa. Isulat lamang ang letra ng pinakaangkop na sagot. 1. Si Joan at Grace makakambal at puro matalino, kahit salat sa pera ang kanilan g mga magulang naghihirap itong mairaos ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo. Si Joan ay nagpasyang huminto at mag-asawa, samantalang si Grace ay nagsisikap makakuha ng iskolarship para makatapos at makatulong sa magulang. Sa pagtatapos ni Grace sa kolehiyo bilang “Cum-laude” nanlumo at nanghinayang si Joan sa maagang pag-aasawa at tahasang pagsuway sa payo ng mga magulang. Ano ang hindi binigyang-pansin ni Joan upang sana ay hindi siya manghinayang? a. Pagsunod sa kanyang gusto. b. Buong paniniwala na magtagumpay siya sa maagang pag-aasawa. c. Pakikinig sa payo ng magulang at sikapin makatapos sa pag-aaral. d. Ang pag-aaral ay di gaanong mahalaga bastat masunod ang iyong gusto. 2. Si Nestor ay isang masinop at masikap na bata. Kahit siya nag-aaral patuloy siyang tumutulong sa kanyang nanay sa pagtitinda at paglalabada. Dahil sa sikap at tiyaga siya ay nakapag-ipon ng pambili ng cellphone at laptop para sa pasukan. Nagkasakit ang kanyang Tatay at minabuti ni Nestor na ibigay sa ina ang pera para sa pagpa- pagamot sa ama. Ano ang mas pinahalagahan ni Nestor? a. ang mapadali ang pagpasok na may kagamitan sap ag-aaral. b. ang kalusugan at kaayosan ng ama. c. ang pagmamahal sa ina d. ang maging huwarang anak 3. Ang mag-asawang Lily at Dario ay palaging nag-aaway. Naniniwala kasi si Lily na nagsisinungaling ang kanyang asawa at si Darion naman ay nanininwala na dahil sa tsismis kaya walang tiwala ang kanyang asawa sa kanya kahit tapat siya sa kanilang pagsasama. Dahil dito minabuti ni Nestor na huwag nang kibuin at pansinin ang asawang si Lily at sa anak na lang niya binuhos ang atensiyon. Ano ang dahilan sa kanilang di pagkakaintindihan? a. Walang oras sa isa’tisa. b. Ang hindi pag-uusap ng masinsinan at pakikinig sa bawat isa. c. Ang mahalin ang anka kaysa asawa. d. Ang maniwala sa tsismis at mag-away palagi. 4. Si Angel ay may nagawang pagsisinungaling sa kanyang Ate Lenny, na naging dahilan sa pagkagalit ng kanyang Nanay. Lumapas ang buwan hindi pa rin nagkalakas loob si Angel na ipagtapat sa kanyang Ate Lenny ang nagawa hanggang tinanong siya nito. Umiyak at humingi ng tawad si Angel at nangakong hindi na siya magsasabi ng kasinungalingan sa ina tungkol sa kanyang Ate. Pinatawad naman siya nito at sinabihang matagal na niyang alam ang ginawa ni Angel ngunit naghihintay lamang siya na mag kusang loob itong umanin at hihingi ng kapatawaran sa kanya. Ano sana ang nararapat gawin ni Angel? a. maglakas-loob na magsabi ng totoo b. maglakas-loob na hindi aminin ang kasalanan c. maglakas-loob na paniniwalain ang ina na siya ang tama d. maglakas-loob na ipaamin sa kapatid na totoong may kasalanan ito 5. Napagalitan si Rolly ng kanyang Ama dahil umalis ito nang walang paalam at sumama
  • 4. sa kabarkadang maligo sa dagat sa karatig probinsiya. Ano ang dapat gawin ni Rolly? a. aawayin ang ama b. hindi pakinggan ang ama c. hihingi ng tawad at mangakong hindi na uulit d. makig suntukan sa ama para hindi na ito magalit 6. Nangako ang si George sa kanyang mga kabarkada na sasama siya sa mga ito patungong Bohol para mamasyal. Nagpaalam siya sa kanyang magulang at pilit niyang hinihngi ang pahitulot sa mga ito bilang ganti sa kanyang pag tatapos sa pag-aaral na nakakuha ng may pinakamataas na marka. Subalit bigo pa rin siyang payagan sa mga ito sa kadahilanan na mahirap ang pagbiyahe sa panahon ngayon at may banta sa sakit na nakamamatay. Ano ang dapat gawin ni George? a. susundin ko ang payo ng aking mga magulang b. pagalitan ko si Ama at Ina dahil di nila ako mahal c. pupunta pa rin ako kahit walang pahintulot d. iiyakan ko sila hanggang sila ay pumayag 7. Si Helen ay nagkaroon ng problema sa kanyang pag-aaral at ito’y nakaka apekto sa kanyang araw-araw na gawain. Minabuti niyang maki pag-usap sa “Guidance Teacher” ng paaralan para makahingi ng payo kung paano niya ipa alam sa kanyang mga magulang ang hinaharap na problema. Sa kanyang pakikipag-usap sa guro siya ay naliwanagan sa dapat niyang gawin, dahil sa pakikinig nito sa kanyang at pagpapaliwanag sa ano ang kahalagahan sa pamilya at katotohanan. Anong paggabay ang ginawa ng guro? a. Pinakinggan at pinasunod sa dapat gawin ayon sa guro. b. Pinakinggan at binigyan gabay sa kahalagahan sa pagsasabi ng tapat sa magulang c. Pinakinggan at pinagsabihan na may mali itong nagawa d. Pinankinggan at sinabihan na huwag nang ulitin gumawa ng mali. 8. Dahil may banta sa COVID 19 minabuti na hindi na magdaraos ng magarang birthday party si Julie. Minabuti niyang hiniling sa ina at ama na magkaroon ng “feeding” para sa mga bata sa kanilang lugar. Ito ang pagbibigay ng tinapay at gatas sa 100 ka bata. Sumang-ayon naman ang kanyang mga magulang dahil sa magandang ideya ni Julie. Ano ang ipinakita sa pamilya ni Julie? a. Pagsuporta sa magandang saloobin ng pamilya para sa ikabubuti ng kapwa b. Pagtutol sa magandang saloobin ng pamilya para di makatulong sa iba c. Pakikinuig sa saloobin ng anak ngunit hindi susuporta d. Magkaisa lamang kung ito ay makakabuti sa sariling pamilya 9. Ang grupo nina Jake ay palaging sumasali sa mga gawaing tungkol sa paglilikod sa kapwa. Ngunit dahil may bago na silang pangulo sa samahan hindi na pinakinggan ang desisyon ng nakakarami hinggil sa pagkakawang gawa. Kung ikaw si Jake ano ang nararapat mong gawin? a. tumiwalag sa grupo at hindi na sasali sa pagkakawang gawa b. awayin ang bagong pangulo at sabihin na dapat itong palitan c. magsawalang kibo at pabayaan ang mga ito sa gusto d. makipag-usap at ipaalala kung ano ang mithiin at- pinapahalagahan ng grupo 10. Si Chris ay napakabait na anak, lagi niyang sinusunod ang kanyang mga magulang. Ang kanyang tatay ang pinakamalapit sa kanya, palagi siya nitong pinagsabihan sa mga dapat gawin at mga di dapat gawin. Minsan pinapagalitan siya kung may nagawa siyang mali. Anong klaseng samahan meron ang mag-ama? a. payapa at may respeto c. pakikiisa at pagunawa b. pagmamahal at paggabay d. bukas at may ugnayan Gaw ain 1 : HULAAN MO! Panuto: Punan ng tamang letra ang patlang upang mabuo ang salita. 1. Ang P__G __AM__H ___L sa bawat kasapi ng pamilya ito ay nagbibigay senyales na mayroon komunikasyon naganap saloob ng bahay o sa kapwa. 2. Ang DIYALOGO AY NAGSIMULA SA SINING ng P__K I __ I __ I ___. 3. Ang pinakamabisang tugon sa tunay na kahulugan ng komunikasyon ay ang P__G-U__NA__A. 4. Ang tunay na pagmamahal sa pamilya ay ang P__GKA__A__S__ ng isip at puso ng dalawang tao. 5. Ang B__K__S at T__P__T na komunikasyon ay daan upang maipahayag ng mga kasapi ang pagkakaiba ng pananaw Susi sa pagwawasto 1. c 2. B 3 . b 4. A 5. C 6. A 7. B 8. A 9. D 10. B Hulaan Mo! 1.PAGMAM AHAL 2. PAKIKINIG 3.PAG - UUNAWA 4.PAGKIKIISA 5. BUKAS AT TAPAT B. UGNAYAN