SlideShare a Scribd company logo
1 of 37
ARALIN 2
KAKAYAHANG
PANGKOMUNIKATIBO
NG MGA PILIPINO
(KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO O GRAMATIKAL)
“Hindi sapat na ang tao’y matuto ng lengguwahe at
makapagsalita. Marapat ding maunawaan at magamit nito nang
tama ang wika.”
Alam mo ba?
 Si Dell Hathaway Hymes
ay isang mahusay, kilala, at
maimpluwensiyang
lingguwista at anthropolist
na maituturing na
“higante” sa dalawang
nabanggit na larangan.
Katunayan, hindi maaaring tumbasan ng iisang salita
ang malawak na sakop ng kanyang kakayahang pang-
akademiko. Siya ay inilalarawan bilang sociologist,
anthropological linguist, at linguistic anthropologist.
Di gaya ng ibang mga lingguwistang tulad ni Noam
Chomsky na ang interes sa pag-aaral ay abstrakto o
makadiwang paraan ng pagkatuto ng gramatika at iba
pang kakayahang pangwika, si Dr. Hymes ay higit na
naging interesado sa simpleng tanong na "Paano ba
nakikipagtalastasan ang isang tao?“
Mula sa kanyang mga pag-aaral ay ipinakilala niya ang
konsepto ng kakayahang pungkomunikatibo o
communicative competence na nakaapekto nang malaki
sa mundo ng lingguwistika. Hinimok ni Dr. Hymes ang
kanyang mga tagasunod na pag-aralan ang lahat ng uri
ng diskursong nangyayari sa buhay tulad ng usapan ng
mga tao sa mesa; mito, alamat, at mga bugtong; mga
testimonya sa korte, talumpating pampolitika, mga
elehiya, at mga salitang ginagamit sa pamamaalam.
Bahagi ng gusto niyang malaman ay kung paano
nagkakaiba-iba ang wika ng mga ito sa iba't ibang
kultura.
Si Dr. Hymes ay isinilang sa Portland, Oregon noong Hunyo
7, 1927. Nagtapos siya ng Bachelor's Degree in Literature
and Anthropology sa Reed College noong 1950 at ng Ph.D.
in Linguistics noong 1955. Naging propesor siya sa
University of Virginia mula 1987 hanggang magretiro siya
noong 1998. Subalit bago ang posisyong ito, siya ay
nagturo California, Berkeley; at sa University of
Pennsylvania kung saan siya naging dekano ng rin sa
sumusunod na malalaking paaralan sa Amerika: Harvard
University, University of Graduate School of Education. Siya
ay yumao noong Nobyembre 13, 2009 sa edad na 82 ahil
sa mga komplikasyong dala ng sakit na Alzheimer's.
Mga Sanggunian:
 Langer, Emily. (2009) "Dell Hymes, 82; linguistics,
anthropology scholar." The Washington Post.
Retrieved August 28, 2015 from
http://www.washingtonpost. com/wp-
dyn/content/article/2009/11/19/AR2009111904078.ht
ml
Fox, Margalit. (2009) "Dell Hymes, Linguist with a
Wide Net, Dies at 82." The New York Times. Retrieved
August 28, 2015 from
http://www.nytimes.com/2009/11/23/
us/23hymes.html?_r=0
Kakayahang
Pangkomunikatibo
Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika, hindi sapat na
matutuhan lang ang mga tuntuning panggramatika.
Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay
magamit ito nang wasto sa mga angkop na sitwasyon
upang maging maayos ang komunikasyon, maipahatid
ang tamang mensahe, at magkaunawaan nang lubos
ang dalawang taong nag-uusap. Kapag umabot na rito,
masasabing ang taong ito ay nagtataglay na ng
kakayahang pangkomunikatibo o communicative
competence at hindi na lang basta kakayahang
lingguwistiko o gramatikal kaya naman, siya ay
maituturing na isa nang mabisang komyunikeytor.
Ang terminong kakayahang pangkomunikatibo o
communicative Competence ay nagmula sa linguist,
sociolinguist, anthropologist, at folklorist mula sa Portland
Oregon na si Dell Hymes noong 1966. Nilinang nila ng
kasamahan niyang si John J. Gumperz ang konseptong ito
bilang reaksiyon sa kakayahang lingguwistika (lingguistic
competence) na ipinakikilala naman ni Noam Chomsky
noong 1965. Ayon sa orihinal na ideya ni Hymes, ang
nagsasalita ng wika ay hindi lang dapat magkaroon ng
kakayahang lingguwistika o gramatikal upang epektibong
makipagtalastasan gamit ang wika. Nararapat din niyang
malaman ang paraan ng paggamit ng wika ng
lingguwistikang komunidad na gumagamit nito upang
matugunan at maisagawa ito nang naaayon sa kanyang
layunin.
John J. Gumperz
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fsenate.universityofcalifor
nia.edu%2F_files%2Finmemoriam%2Fhtml%2FJohnJosephGumperz.html&psig=AO
vVaw2fEeqLpeDjXCl8-
77B51tN&ust=1669012173362000&source=images&cd=vfe&ved=2ahUKEwi14oL
_kLz7AhXJxjQHHXV1CpEQjRx6BAgAEAo
Noam Chomsky
https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fbroadview.org%2Fnoam-chomsky-
interview%2F%3Ffbclid%3DIwAR1WFMIslxUB9CfdtPdf6b3dAV7GJI9-
mnDwQHUhL4x7vqw3zebOBNhK_DI&h=AT1CLob_4re54rEvl66seV4fmVmYBqF60HwkbS_
qLmSDOC1b1JvCS5bVWIFuM5z32dUAMxm99PELRrH7wleQlRlgOSYkIUwckrl2S2ToGnm4
GS5FsuEUvP29PmJ2g8_lxkpfmA
Simula nang maipakilala sa diskursong
panlingguwistika ang konsepto ng kakayahang
komunikatibo, maraming pag-aaral at mga mungkahi
na ang inilabas ng mga dalubwika patungkol dito. May
ilang nagsasalungatang ideya, gayumpaman, sa huli'y
nagkaisa silá na ang isang taong may kakayahan
magtaglay hindi lang ng kaalaman tungkol dito kundi
ng kahusayan, kasanayan, at galing sa paggamit ng
wikang naaangkop sa mga sitwasyong
pangkomunikatibo. (Bagarić, et. al. 2007)
Sa pagtatamo ng kakayahang pangkomunikatibo,
kailangang pantay na isaalang-alang ang pagtalakay sa
mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian
(gramatika) ng wikang ginamit sa teksto (Higgs at Clifford
1992).
Naniniwala naman si Dr. Fe Otanes (2002), na ang
paglinang sa wika nakapokus sa kapakinabang idudulot nito
sa mag-aaral, na matutuhan ang wika upang sila ay
makapaghanapbuhay, makipamuhay sa kanilang kapwa, at
mapahalagahan nang lubusan ang kagandahan ng buhay na
kanilang ginagalawan. Sa kabuoan, pangunahing mithiin sa
pagtuturo ng wika na makabuo ng isang pamayanang
marunong, mapanuri, kritikal, at kapaki-pakinabang.
Ang kakayahang pangkomunikatibo ay sumasakop sa mas
malawak na konteksto ng lipunan at kultura Ito'y ang wika
kung paanong ginagamit at hindi lang basta ang wika at mga
tuntunin nito (Shuy 2009). Bilang isang lingguwista,
binigyang-diin ni Dr. Hymes sa kanyang mga katrabaho ang
pag-uugnay ng kultura sa wika. Ito'y isang kakaibang
pananaw sa panahong siya'y nagsisimula pa lang sa kanyang
karera noong mga huling taon ng 1950's subalit hindi siya
nagpatinag sa paniniwalang sa pagpapahayag ng mga tao'y
gumagamit sila nang higit pa sa salita. Sa kasalukuyan, ang
pananaw na ito ay tanggap at ginagamit na sa pag-aaral ng
wika sa iba't ibang panig ng mundo kasama na ang ating
bansa. Isang pagpupugay para sa dakilang lingguwistang
sumalungat sa nakasanayan at nagbigay nang higit na
kahulugan sa paraan natin ng pagkatuto ng wika.
Silid-aralan ang Daan Tungo sa
Paglinang ng Kakayahang
Pangkomunikatibo ng mga
Pilipino
Sa mga silid-aralan nangyayari ang pormal na pagkatuto
ng wika. Gayumpaman, kung ang magiging tuon ng
pagkatuto ng wika ay para lang maituro gang kayarian o
gramatika ng wika tulad ng mga bahagi ng pananalita,
bantas, baybay, ponolohiya, morpolohiya, at ibang pang
teknikal na aspekto ng wika; at kung ang mga pagtataya ay
nakapokus lang sa pagkilala, pagbilog, pagsalungguhit sa
mga bahagi ng estruktura ng wika, maaaring hindi maabot
ng mga Pilipinong mag-aaral ang pagkakaroon ng
kakayahang pangkomunikatibo. Nasusukat kasi ang
kakayahang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral sa
kanilang tatas sa pagsasalita ng wika, kakayahang
umunawa, at makagamit ng tamang salita o wika sa angkop
na pagkakataon lalo na sa mga awtentikong sitwasyong
hindi silá sinanay.
Nararapat kung gayun na ang pagkatuto ng wika sa
mga silid-aralan ay maiangat mula sa pagkilala lang sa
gramatika upang mapalawig, maiugnay, at magamit sa
mga aktuwal na sitwasyon sa totoong mundo o sa
tunay na buhay, pasalita man o pasulat. Dito lámang
magkakaroon ng kahulugan at kabuluhan ang mga
araling pangwika dahil nakita at nagamit ng mga mag-
aaral sa awtentikong sitwasyon. Mula rito'y matatanim
sa kanilang isipan ang kahalagahan ng mga ito hindi
lang para sa darating na pagsusulit kundi para sa
pangangailangan sa pakikipagtalastasan maging sa
mga panahong wala na sila sa loob ng silid-aralan.
Upang umabot sa ganitong uri ng pagkatuto ay
mangangailangan nang higit na partisipasyon ng mga mag-
aaral sa mga gawaing lilinang ng makrong kasanayan tulad ng
pagsasalita, pagbasa, pakikinig, at pagsulat. Ayon kay Cantal-
Pagkalinawan (2010), isang propesor sa Hawaii, ang mahusay
na klasrum pangwika ay yaong may aktibong interaksiyon sa
pagitan ng guro at ng estudyante, at estudyante sa kanyang
kapwa estudyante. Ang guro ang nagsisilbing
tagapatnubay/facilitator lámang sa iba't ibang gawain sa
klasrum at ang mga estudyante naman ay aktibong
nakikilahok sa iba't ibang gawaing pangkomunikasyon. Sa
interaksiyon ng mga estudyante sa kapwa estudyante,
kailangang bigyan sila ng pantay na pagkakataong makilahok
sa iba't ibang gawain upang malinang ang kani-kanilang
kakayahan.
Makatutulong nang malaki ang pagsasagawa ng mga
awtentikong pagtataya makabuluhang sa totoong
mundo o sa totoong buhay, pagbuo ng malikhain at
pagpapahayag gamit ang wika sa tula, maikling
kuwento, sanaysay, pagtatanghal, fliptop, pick-up lines,
hugot lines, ulat, e-mail, Facebook post, blog, diyalogo o
dula- dalaan, videotape, at iba pang gawaing lilinang sa
kakayahan nilang makipagtalastasan.
Kung ganito ang magiging kalakaran ng pagkatuto ng
wika sa mga silid- aralan, makatutulong ito upang
makalinang ng mga Pilipinong may kakayahang
komunikatibo na handa sa mga hamong dala ng buhay
sa ikadalawampu't isang siglo.
Komponent ng Kakayahang
Pangkomunikatibo
(Kakayahang Lingguwistiko o Gramatikal)
Sa pag-aaral ng maraming dalubwika, kung
kakayahang pangkomunikatibo ang pag-
uusapan, isang bahagi lang nito ang
kakayahang lingguwistiko o kakayahang
gramatikal. Sa mga naunang framework o
modelo ng mga lingguwistang sina Canale at
Swain (1980-1981) may tatlong komponent
silang iminungkahi.
Michael Canale
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.researchgate.net%2Fprofile%
2FMichael-
Canale&psig=AOvVaw1ZhSE1wGSqQGVZW9ko5NQj&ust=1669013784753000&source=im
ages&cd=vfe&ved=0CBEQjhxqFwoTCKjS34CXvPsCFQAAAAAdAAAAABAg
Merrill Swain
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.researchgate.net%2Fprofile%
2FMerrill-
Swain&psig=AOvVaw1ZhSE1wGSqQGVZW9ko5NQj&ust=1669013784753000&source=ima
ges&cd=vfe&ved=0CBEQjhxqFwoTCKjS34CXvPsCFQAAAAAdAAAAABAk
Ang mga ito'y ang kaalaman at kakayahang
gramatikal, sosyolingguwistiko, at istratedyik. Sa
sumunod na bersiyon ng nasabing modelo, si
Canale (1983, 1984) ay nagsalin ng ilang
elemento mula sa kakayahang sosyolingguwistiko
para mabuo ang ikaapat na komponent, ang
kakayahang diskorsal.
Sa araling ito ay tatalakayin muna natin ang unang
komponent; ang kakayahang lingguwistiko o
gramatikal. Sinabi nina Canale at Swain (1980, 1981),
na ang kakayahang lingguwistiko ni Chomsky (1965)
ay kapareho lang ng kakayahang gramatikal. Kaya
naman, ang iba pang mga dalubwikang gumamit sa
modelo nina Canale at Swain tulad ni Savignon
(1983) ay tumukoy na rin sa kakayahang
lingguwistiko bilang kakayahang gramatikal.
Ayon kina Canale at Swain, ang kakayahang
gramatikal ay pag-unawa at paggamit sa kasanayan
sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika,
gayundin ang mga tuntunting pang-ortograpiya.
Ang komponent na ito ay magbibigay kakayahang sa
taong nagsasalita upang magamit ang kaalaman at
kasanayan sa pag-unawa at pagpapahayag sa literal
na kahulugan ng mga salita.
Makikita sa ibaba ang mungkahing komponent ng
kakayahang gramatika o kakayahang lingguwistiko
mula kina Celce-Murcia, Dörnyei, at Thurell (1995).
Marianne Celce-Murcia
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fnewsroom.aua.am%2F2015
%2F12%2F04%2Fformer-dean-celce-murcia-donates-scholarly-journals-on-linguistics-
to-auas-agbu-papazian-
library%2F&psig=AOvVaw08GmOy0IQEBbthC_egFpSK&ust=1669014472860000&
source=images&cd=vfe&ved=0CBEQjhxqFwoTCMi-
gMmZvPsCFQAAAAAdAAAAABAR
Zoltan Dörnyei
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.helblin
gpublishing.com%2Fint%2Fen%2Fperson%2Fzoltan-
dornyei&psig=AOvVaw0Mm-
Mlou_K86jeS2TnEpdk&ust=1669014749043000&source=images&cd=
vfe&ved=0CBEQjhxqFwoTCIjmycyavPsCFQAAAAAdAAAAABAE
Mungkahing Komponent ng
Kakayahang Lingguwistiko o
Kakayahang Gramatikal (Celce-
Murcia, Dörnyei, at Thurell
(1995))
Sintaks (pagsasama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may
kahulugan)
O Estruktura ng pangungusap
O Tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita
O Uri ng pangungusap ayon sa gamit (pasalaysay, patanong, pautos, padamdam)
O Uri ng pangungusap ayon sa kayarian (payak, tambalan, hugnayan, langkapan) O
Pagpapalawak ng pangungusap
Morpolohiya (mahahalagang bahagi ng salita tulad ng iba't ibang bahagi ng
pananalita)
O Iba't ibang bahagi ng pananalita - propo
O Prosesong derivational at inflectional
O Pagbubuo ng salita
Leksikon (mga salita o bokabularyo) De
O Pagkilala sa mga
 content words (pangalan, pandiwa, pang-uri, pang-abay)
 function words (panghalip, mga pang-ugnay tulad pangatnig, pang-ukol, pang-
angkop)
O Konotasyon at denotasyon
O Kolokasyon (pagtatambal ng salita at isa pang subordinate na salita.)
Ponolohiya o Palatunugan
O Segmental
 katinig, patinig, tunog
O Suprasegmental
 diin, intonasyon, hinto
Ortograpiya
O Mga grafema
 titik at di titik
O Pantig at palapantigan Tuntunin sa pagbaybay
O Tuldik
O Mga bantas
Ang mga nasa talahanayan ang karaniwang unang
itinuturo sa mga araling pangwika sa mga paaralan.
Subalit, hindi nagtatapos ang lahat dito kung ang
layunin ng nagtuturo ay paglinang ng kakayahang
pangkomunikatibo. Sa mga susunod na aralin ay
mabibigyang-diin ang iba pang komponent ng
kakayahang pangkomunikatibo tulad ng
sosyolingguwistiko, pragmatik, estratedyik, at
diskorsal upang higit na maging makabuluhan at
magamit nang wasto ang wika.
MGA GAWAIN
Pag-usapan Natin
Nasasagot ang mga tanong ukol sa binasa.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Ano ang ibig sabihin ng kakayahang pangkomunikatibo?
2. Sino ang nagpakilala sa terminong ito? Paano ito naiba sa
kakayahang panlingguwistika na ipinakilala naman ni Chomsky?
3. Ano ang orihinal na ideya ni Hymes ukol sa kakayahang
pangkomunikatibo?
4. Sa paanong paraan nagiging mas makabuluhan ang pagkakaroon
ng kakayahang pangkomunikatibo sa halip na kakayahang
panlingguwistika lang?
5. Sumasang-ayon o sumasalungat ka ba sa pananaw
nina Higgs at Clifford na dapat pantay ang pagtalakay sa
mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian
ng wikang ginamit sa teksto? Ipaliwanag ang iyong panig.
6. Bakit mahalagang kakayahang pangkomunikatibo ang
maging layunin sa pagkatuto ng wika?
7. Sa paanong paraan magiging kapaki-pakinabang ang
pagkatuto ng wika kapag naabot na ng isang taong nag-
aaral nito ang kakayahang pangkomunikatibo?
Pag-usapan Natin
Nasasagot ang mga tanong ukol sa binasa.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Bakit sinasabing ang silid-aralan ang daan tungo sa paglinang
ng kakayahang pangkomunikatibo ng mga Pilipino?
2. Ano-anong katangian ang dapat taglayin ng isang guro ng wika
upang humantong ang pagtuturo niya sa kakayahang
pangkomunikatibo?
3. Bakit sinasabing hindi maaabot ng mga mag-aaral ang
kakayahang pangkomunikatibo kung ang gagawing pagtataya
sa wika ay nakapokus lang sa pagkilala, pagbilog,
pagsalungguhit sa mahahalagang bahagi nito?
4. Paano makatutulong ang paggamit ng wika sa mga
awtentikong pagpapahayag sa loob ng silid-aralan?
5. Paano inilarawan ni Cantal-Pagkalinawan ang isang
mahusay na klasrum pangwika?
6. Anong uri ng mag-aaral o estudyante kaya ang
malilinang sa ganitong uri ng klasrum o silid-aralan?
Sumasang-ayon ka ba rito? Ipaliwanag.
7. Bakit mahalaga ang higit na partisipasyon ng mga
mag-aaral sa mga gawaing pangwika sa loob ng silid-
aralan?
Pagsulat ng Journal
Isulat sa iyong journal notebook ang sagot sa
tanong na ito:
Masasabi bang ikaw ay nagtataglay na ng
kakayahang komunikatibo sa kasalukuyang
antas mo ng pag-aaral? Magbigay ng mga
patunay.
PAYABUNGIN NATIN
Salita Kahulugan Makabuluhang
Pangungusap
May mga salita ba mula sa iyong mga binasa na bago sa iyong
paningin at kinailangan mong ihanap ng kasingkahulugan habang
ikaw ay bumabasa? Isulat ang mga ito sa unang hanay. Sa
ikalawang hanay ay subukin mong ibigay ang angkop na
kasingkahulugan nito gamit ang diksiyonaryo o sa tulong ng
konteksto ng pangungusap kung saan ito ginamit. Sa ikatlong
hanay ay gamitin ang salitang ito sa makabuluhang pangungusap.

More Related Content

What's hot

Kakayahang pangkomunikatibo
Kakayahang pangkomunikatiboKakayahang pangkomunikatibo
Kakayahang pangkomunikatiboREGie3
 
Kakayahang komunikatibo
Kakayahang komunikatiboKakayahang komunikatibo
Kakayahang komunikatiboEmma Sarah
 
MGA KONSEPTONG PANGWIKA (FILIPINO 11)
MGA KONSEPTONG PANGWIKA (FILIPINO 11)MGA KONSEPTONG PANGWIKA (FILIPINO 11)
MGA KONSEPTONG PANGWIKA (FILIPINO 11)Allan Lloyd Martinez
 
Conative, informative at labeling na gamit ng Wika
Conative, informative at labeling na gamit ng WikaConative, informative at labeling na gamit ng Wika
Conative, informative at labeling na gamit ng Wikayencobrador
 
Ang gamit-ng-wika-sa-lipunan
Ang gamit-ng-wika-sa-lipunanAng gamit-ng-wika-sa-lipunan
Ang gamit-ng-wika-sa-lipunanjohhnsewbrown
 
Sitwasyon ng Wikang Filipino sa Fliptop, hugot lines, at pick-up lines
Sitwasyon ng Wikang Filipino sa Fliptop, hugot lines, at pick-up linesSitwasyon ng Wikang Filipino sa Fliptop, hugot lines, at pick-up lines
Sitwasyon ng Wikang Filipino sa Fliptop, hugot lines, at pick-up linesGail Marquez
 
mga-sitwasyong-pangwika-sa-telebisyon-radyo-pahayagan-at-pelikula.ppt
mga-sitwasyong-pangwika-sa-telebisyon-radyo-pahayagan-at-pelikula.pptmga-sitwasyong-pangwika-sa-telebisyon-radyo-pahayagan-at-pelikula.ppt
mga-sitwasyong-pangwika-sa-telebisyon-radyo-pahayagan-at-pelikula.pptAngelicaDyanMendoza2
 
Mga Konseptong Pangwika
Mga Konseptong PangwikaMga Konseptong Pangwika
Mga Konseptong PangwikaKaren Fajardo
 
6 naparaan ng pagbabahagi ng wika
6 naparaan ng pagbabahagi ng wika6 naparaan ng pagbabahagi ng wika
6 naparaan ng pagbabahagi ng wikaREGie3
 
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Rebulusyong Filipino
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Rebulusyong FilipinoKasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Rebulusyong Filipino
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Rebulusyong FilipinoNoldanne Quiapo
 
Sitwasyong Pangwika sa Iba pang Anyo ng Kulturang Popular
Sitwasyong Pangwika sa Iba pang Anyo ng Kulturang PopularSitwasyong Pangwika sa Iba pang Anyo ng Kulturang Popular
Sitwasyong Pangwika sa Iba pang Anyo ng Kulturang PopularDanreb Consul
 
SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT, SOCIAL MEDIA.pptx
SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT, SOCIAL MEDIA.pptxSITWASYONG PANGWIKA SA TEXT, SOCIAL MEDIA.pptx
SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT, SOCIAL MEDIA.pptxAngelicaDyanMendoza2
 
KOMPAN11_Kakayahang Sosyolingguwistiko at Pragmatik
KOMPAN11_Kakayahang Sosyolingguwistiko at PragmatikKOMPAN11_Kakayahang Sosyolingguwistiko at Pragmatik
KOMPAN11_Kakayahang Sosyolingguwistiko at PragmatikTine Lachica
 
What's hot (20)

Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas - GRADE 11
Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas - GRADE 11Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas - GRADE 11
Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas - GRADE 11
 
Kakayahang pangkomunikatibo
Kakayahang pangkomunikatiboKakayahang pangkomunikatibo
Kakayahang pangkomunikatibo
 
tekstong impormatibo
tekstong impormatibotekstong impormatibo
tekstong impormatibo
 
Kakayahang komunikatibo
Kakayahang komunikatiboKakayahang komunikatibo
Kakayahang komunikatibo
 
MGA KONSEPTONG PANGWIKA (FILIPINO 11)
MGA KONSEPTONG PANGWIKA (FILIPINO 11)MGA KONSEPTONG PANGWIKA (FILIPINO 11)
MGA KONSEPTONG PANGWIKA (FILIPINO 11)
 
lesson 1.ppt
lesson 1.pptlesson 1.ppt
lesson 1.ppt
 
Conative, informative at labeling na gamit ng Wika
Conative, informative at labeling na gamit ng WikaConative, informative at labeling na gamit ng Wika
Conative, informative at labeling na gamit ng Wika
 
Ang gamit-ng-wika-sa-lipunan
Ang gamit-ng-wika-sa-lipunanAng gamit-ng-wika-sa-lipunan
Ang gamit-ng-wika-sa-lipunan
 
Sitwasyon ng Wikang Filipino sa Fliptop, hugot lines, at pick-up lines
Sitwasyon ng Wikang Filipino sa Fliptop, hugot lines, at pick-up linesSitwasyon ng Wikang Filipino sa Fliptop, hugot lines, at pick-up lines
Sitwasyon ng Wikang Filipino sa Fliptop, hugot lines, at pick-up lines
 
AGSAULLO DLP No. 1 Fil 11.docx
AGSAULLO DLP No. 1 Fil 11.docxAGSAULLO DLP No. 1 Fil 11.docx
AGSAULLO DLP No. 1 Fil 11.docx
 
Kakayahang pragmatiko
Kakayahang pragmatikoKakayahang pragmatiko
Kakayahang pragmatiko
 
mga-sitwasyong-pangwika-sa-telebisyon-radyo-pahayagan-at-pelikula.ppt
mga-sitwasyong-pangwika-sa-telebisyon-radyo-pahayagan-at-pelikula.pptmga-sitwasyong-pangwika-sa-telebisyon-radyo-pahayagan-at-pelikula.ppt
mga-sitwasyong-pangwika-sa-telebisyon-radyo-pahayagan-at-pelikula.ppt
 
Mga Konseptong Pangwika
Mga Konseptong PangwikaMga Konseptong Pangwika
Mga Konseptong Pangwika
 
pagbasa at pagsusuri.pptx
pagbasa at pagsusuri.pptxpagbasa at pagsusuri.pptx
pagbasa at pagsusuri.pptx
 
6 naparaan ng pagbabahagi ng wika
6 naparaan ng pagbabahagi ng wika6 naparaan ng pagbabahagi ng wika
6 naparaan ng pagbabahagi ng wika
 
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Rebulusyong Filipino
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Rebulusyong FilipinoKasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Rebulusyong Filipino
Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Rebulusyong Filipino
 
Sitwasyong Pangwika sa Iba pang Anyo ng Kulturang Popular
Sitwasyong Pangwika sa Iba pang Anyo ng Kulturang PopularSitwasyong Pangwika sa Iba pang Anyo ng Kulturang Popular
Sitwasyong Pangwika sa Iba pang Anyo ng Kulturang Popular
 
Barayti ng Wika
Barayti ng WikaBarayti ng Wika
Barayti ng Wika
 
SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT, SOCIAL MEDIA.pptx
SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT, SOCIAL MEDIA.pptxSITWASYONG PANGWIKA SA TEXT, SOCIAL MEDIA.pptx
SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT, SOCIAL MEDIA.pptx
 
KOMPAN11_Kakayahang Sosyolingguwistiko at Pragmatik
KOMPAN11_Kakayahang Sosyolingguwistiko at PragmatikKOMPAN11_Kakayahang Sosyolingguwistiko at Pragmatik
KOMPAN11_Kakayahang Sosyolingguwistiko at Pragmatik
 
Similar to KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO .pptx

PAGTATAYA SA KOMUNIKATIBONG KASANAYANG PANGWIKA NG MGA GURO SA FILIPINO
PAGTATAYA SA KOMUNIKATIBONG KASANAYANG PANGWIKA NG MGA GURO SA FILIPINOPAGTATAYA SA KOMUNIKATIBONG KASANAYANG PANGWIKA NG MGA GURO SA FILIPINO
PAGTATAYA SA KOMUNIKATIBONG KASANAYANG PANGWIKA NG MGA GURO SA FILIPINOAJHSSR Journal
 
Shs komunikasyon-q1-w2-3-m2
Shs komunikasyon-q1-w2-3-m2Shs komunikasyon-q1-w2-3-m2
Shs komunikasyon-q1-w2-3-m2RedmondTejada
 
KAKAYAHANG_PANGKOMUNIKATIBO.pptx
KAKAYAHANG_PANGKOMUNIKATIBO.pptxKAKAYAHANG_PANGKOMUNIKATIBO.pptx
KAKAYAHANG_PANGKOMUNIKATIBO.pptxJudyDatulCuaresma
 
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO.pptx
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO.pptxKAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO.pptx
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO.pptxJuneMartinBanguilan2
 
Kontemporaryo-2.pptx
Kontemporaryo-2.pptxKontemporaryo-2.pptx
Kontemporaryo-2.pptxBryanJocson
 
Kritikal-na-Konsiderasyon-sa-Pagbuo-ng-Saliksik mga isyung panggramatika sa p...
Kritikal-na-Konsiderasyon-sa-Pagbuo-ng-Saliksik mga isyung panggramatika sa p...Kritikal-na-Konsiderasyon-sa-Pagbuo-ng-Saliksik mga isyung panggramatika sa p...
Kritikal-na-Konsiderasyon-sa-Pagbuo-ng-Saliksik mga isyung panggramatika sa p...MARIA KATRINA MACAPAZ
 
430784898-kakayahang-pangkomunikatibo.pdf
430784898-kakayahang-pangkomunikatibo.pdf430784898-kakayahang-pangkomunikatibo.pdf
430784898-kakayahang-pangkomunikatibo.pdfJANINETRISHAMAEOPAGU
 
Pagkabalisa sa Pagsasalita Gamit ang Wikang Filipino ng mga mag-aaral sa Pili...
Pagkabalisa sa Pagsasalita Gamit ang Wikang Filipino ng mga mag-aaral sa Pili...Pagkabalisa sa Pagsasalita Gamit ang Wikang Filipino ng mga mag-aaral sa Pili...
Pagkabalisa sa Pagsasalita Gamit ang Wikang Filipino ng mga mag-aaral sa Pili...AJHSSR Journal
 
1_Q2-Komunikasyon sa pananaliksik tungo sa wika.pptx
1_Q2-Komunikasyon sa pananaliksik tungo sa wika.pptx1_Q2-Komunikasyon sa pananaliksik tungo sa wika.pptx
1_Q2-Komunikasyon sa pananaliksik tungo sa wika.pptxNicaHannah1
 
Varayti ng wika.updated ShS (Techvoc) 1 week
Varayti ng wika.updated  ShS (Techvoc) 1 weekVarayti ng wika.updated  ShS (Techvoc) 1 week
Varayti ng wika.updated ShS (Techvoc) 1 weekallan capulong
 
Aralin 4 gamit ng wika sa lipunan
Aralin 4   gamit ng wika sa lipunanAralin 4   gamit ng wika sa lipunan
Aralin 4 gamit ng wika sa lipunanjohnmarklaggui1
 
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipinoMga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipinoTEACHER JHAJHA
 
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1thobie_cute20
 
MORPOLOHIYA NG WIKANG AYANGAN: ISANG PAGAARAL
MORPOLOHIYA NG WIKANG AYANGAN: ISANG PAGAARALMORPOLOHIYA NG WIKANG AYANGAN: ISANG PAGAARAL
MORPOLOHIYA NG WIKANG AYANGAN: ISANG PAGAARALAJHSSR Journal
 
kakayahang-pangkomunikatibo-ng-mga-pilipino-.pptx
kakayahang-pangkomunikatibo-ng-mga-pilipino-.pptxkakayahang-pangkomunikatibo-ng-mga-pilipino-.pptx
kakayahang-pangkomunikatibo-ng-mga-pilipino-.pptxLeahDulay2
 
Similar to KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO .pptx (20)

4Q-W3-KOMPAN.pptx
4Q-W3-KOMPAN.pptx4Q-W3-KOMPAN.pptx
4Q-W3-KOMPAN.pptx
 
PAGTATAYA SA KOMUNIKATIBONG KASANAYANG PANGWIKA NG MGA GURO SA FILIPINO
PAGTATAYA SA KOMUNIKATIBONG KASANAYANG PANGWIKA NG MGA GURO SA FILIPINOPAGTATAYA SA KOMUNIKATIBONG KASANAYANG PANGWIKA NG MGA GURO SA FILIPINO
PAGTATAYA SA KOMUNIKATIBONG KASANAYANG PANGWIKA NG MGA GURO SA FILIPINO
 
lesson 7.pptx
lesson 7.pptxlesson 7.pptx
lesson 7.pptx
 
Shs komunikasyon-q1-w2-3-m2
Shs komunikasyon-q1-w2-3-m2Shs komunikasyon-q1-w2-3-m2
Shs komunikasyon-q1-w2-3-m2
 
KAKAYAHANG_PANGKOMUNIKATIBO.pptx
KAKAYAHANG_PANGKOMUNIKATIBO.pptxKAKAYAHANG_PANGKOMUNIKATIBO.pptx
KAKAYAHANG_PANGKOMUNIKATIBO.pptx
 
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO.pptx
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO.pptxKAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO.pptx
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO.pptx
 
Kontemporaryo-2.pptx
Kontemporaryo-2.pptxKontemporaryo-2.pptx
Kontemporaryo-2.pptx
 
Kritikal-na-Konsiderasyon-sa-Pagbuo-ng-Saliksik mga isyung panggramatika sa p...
Kritikal-na-Konsiderasyon-sa-Pagbuo-ng-Saliksik mga isyung panggramatika sa p...Kritikal-na-Konsiderasyon-sa-Pagbuo-ng-Saliksik mga isyung panggramatika sa p...
Kritikal-na-Konsiderasyon-sa-Pagbuo-ng-Saliksik mga isyung panggramatika sa p...
 
430784898-kakayahang-pangkomunikatibo.pdf
430784898-kakayahang-pangkomunikatibo.pdf430784898-kakayahang-pangkomunikatibo.pdf
430784898-kakayahang-pangkomunikatibo.pdf
 
Pagkabalisa sa Pagsasalita Gamit ang Wikang Filipino ng mga mag-aaral sa Pili...
Pagkabalisa sa Pagsasalita Gamit ang Wikang Filipino ng mga mag-aaral sa Pili...Pagkabalisa sa Pagsasalita Gamit ang Wikang Filipino ng mga mag-aaral sa Pili...
Pagkabalisa sa Pagsasalita Gamit ang Wikang Filipino ng mga mag-aaral sa Pili...
 
1_Q2-Komunikasyon sa pananaliksik tungo sa wika.pptx
1_Q2-Komunikasyon sa pananaliksik tungo sa wika.pptx1_Q2-Komunikasyon sa pananaliksik tungo sa wika.pptx
1_Q2-Komunikasyon sa pananaliksik tungo sa wika.pptx
 
Varayti ng wika.updated ShS (Techvoc) 1 week
Varayti ng wika.updated  ShS (Techvoc) 1 weekVarayti ng wika.updated  ShS (Techvoc) 1 week
Varayti ng wika.updated ShS (Techvoc) 1 week
 
Aralin 4 gamit ng wika sa lipunan
Aralin 4   gamit ng wika sa lipunanAralin 4   gamit ng wika sa lipunan
Aralin 4 gamit ng wika sa lipunan
 
Modyul-3.pptx
Modyul-3.pptxModyul-3.pptx
Modyul-3.pptx
 
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipinoMga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
Mga teorya sa pagkatuturo at pagkatuto ng wika sa filipino
 
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
 
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
 
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
Pagkalinawan malikhaing-pagtuturo-ng-wika-1
 
MORPOLOHIYA NG WIKANG AYANGAN: ISANG PAGAARAL
MORPOLOHIYA NG WIKANG AYANGAN: ISANG PAGAARALMORPOLOHIYA NG WIKANG AYANGAN: ISANG PAGAARAL
MORPOLOHIYA NG WIKANG AYANGAN: ISANG PAGAARAL
 
kakayahang-pangkomunikatibo-ng-mga-pilipino-.pptx
kakayahang-pangkomunikatibo-ng-mga-pilipino-.pptxkakayahang-pangkomunikatibo-ng-mga-pilipino-.pptx
kakayahang-pangkomunikatibo-ng-mga-pilipino-.pptx
 
Recently uploaded

ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptxBernsPadua
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdfEdbrianMarkMApostol
 
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxSalik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxmaricrismarquez003
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxCristyJoySalarda
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxMaryGraceSepida1
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxsmileydainty
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxRanjellAllainBayonaT
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxNaennylMTanuban
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptxAP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptxComisoMhico
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxRioOrpiano1
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...jourlyngabasa001
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikanPagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikanJohairaAcot
 
Recently uploaded (20)

ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
4TH Quarter WEEK 2- Uri ng Pangungusap.pptx
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
 
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptxSalik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo.pptx
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptxAP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
 
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptxARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
ARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIOARALIN-4.2 BASILIO.pptx
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikanPagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
 
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO .pptx

  • 2. KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO (KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO O GRAMATIKAL) “Hindi sapat na ang tao’y matuto ng lengguwahe at makapagsalita. Marapat ding maunawaan at magamit nito nang tama ang wika.”
  • 3. Alam mo ba?  Si Dell Hathaway Hymes ay isang mahusay, kilala, at maimpluwensiyang lingguwista at anthropolist na maituturing na “higante” sa dalawang nabanggit na larangan.
  • 4. Katunayan, hindi maaaring tumbasan ng iisang salita ang malawak na sakop ng kanyang kakayahang pang- akademiko. Siya ay inilalarawan bilang sociologist, anthropological linguist, at linguistic anthropologist. Di gaya ng ibang mga lingguwistang tulad ni Noam Chomsky na ang interes sa pag-aaral ay abstrakto o makadiwang paraan ng pagkatuto ng gramatika at iba pang kakayahang pangwika, si Dr. Hymes ay higit na naging interesado sa simpleng tanong na "Paano ba nakikipagtalastasan ang isang tao?“
  • 5. Mula sa kanyang mga pag-aaral ay ipinakilala niya ang konsepto ng kakayahang pungkomunikatibo o communicative competence na nakaapekto nang malaki sa mundo ng lingguwistika. Hinimok ni Dr. Hymes ang kanyang mga tagasunod na pag-aralan ang lahat ng uri ng diskursong nangyayari sa buhay tulad ng usapan ng mga tao sa mesa; mito, alamat, at mga bugtong; mga testimonya sa korte, talumpating pampolitika, mga elehiya, at mga salitang ginagamit sa pamamaalam. Bahagi ng gusto niyang malaman ay kung paano nagkakaiba-iba ang wika ng mga ito sa iba't ibang kultura.
  • 6. Si Dr. Hymes ay isinilang sa Portland, Oregon noong Hunyo 7, 1927. Nagtapos siya ng Bachelor's Degree in Literature and Anthropology sa Reed College noong 1950 at ng Ph.D. in Linguistics noong 1955. Naging propesor siya sa University of Virginia mula 1987 hanggang magretiro siya noong 1998. Subalit bago ang posisyong ito, siya ay nagturo California, Berkeley; at sa University of Pennsylvania kung saan siya naging dekano ng rin sa sumusunod na malalaking paaralan sa Amerika: Harvard University, University of Graduate School of Education. Siya ay yumao noong Nobyembre 13, 2009 sa edad na 82 ahil sa mga komplikasyong dala ng sakit na Alzheimer's.
  • 7. Mga Sanggunian:  Langer, Emily. (2009) "Dell Hymes, 82; linguistics, anthropology scholar." The Washington Post. Retrieved August 28, 2015 from http://www.washingtonpost. com/wp- dyn/content/article/2009/11/19/AR2009111904078.ht ml Fox, Margalit. (2009) "Dell Hymes, Linguist with a Wide Net, Dies at 82." The New York Times. Retrieved August 28, 2015 from http://www.nytimes.com/2009/11/23/ us/23hymes.html?_r=0
  • 9. Sa pagtuturo at pagkatuto ng wika, hindi sapat na matutuhan lang ang mga tuntuning panggramatika. Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay magamit ito nang wasto sa mga angkop na sitwasyon upang maging maayos ang komunikasyon, maipahatid ang tamang mensahe, at magkaunawaan nang lubos ang dalawang taong nag-uusap. Kapag umabot na rito, masasabing ang taong ito ay nagtataglay na ng kakayahang pangkomunikatibo o communicative competence at hindi na lang basta kakayahang lingguwistiko o gramatikal kaya naman, siya ay maituturing na isa nang mabisang komyunikeytor.
  • 10. Ang terminong kakayahang pangkomunikatibo o communicative Competence ay nagmula sa linguist, sociolinguist, anthropologist, at folklorist mula sa Portland Oregon na si Dell Hymes noong 1966. Nilinang nila ng kasamahan niyang si John J. Gumperz ang konseptong ito bilang reaksiyon sa kakayahang lingguwistika (lingguistic competence) na ipinakikilala naman ni Noam Chomsky noong 1965. Ayon sa orihinal na ideya ni Hymes, ang nagsasalita ng wika ay hindi lang dapat magkaroon ng kakayahang lingguwistika o gramatikal upang epektibong makipagtalastasan gamit ang wika. Nararapat din niyang malaman ang paraan ng paggamit ng wika ng lingguwistikang komunidad na gumagamit nito upang matugunan at maisagawa ito nang naaayon sa kanyang layunin.
  • 11. John J. Gumperz https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fsenate.universityofcalifor nia.edu%2F_files%2Finmemoriam%2Fhtml%2FJohnJosephGumperz.html&psig=AO vVaw2fEeqLpeDjXCl8- 77B51tN&ust=1669012173362000&source=images&cd=vfe&ved=2ahUKEwi14oL _kLz7AhXJxjQHHXV1CpEQjRx6BAgAEAo Noam Chomsky https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fbroadview.org%2Fnoam-chomsky- interview%2F%3Ffbclid%3DIwAR1WFMIslxUB9CfdtPdf6b3dAV7GJI9- mnDwQHUhL4x7vqw3zebOBNhK_DI&h=AT1CLob_4re54rEvl66seV4fmVmYBqF60HwkbS_ qLmSDOC1b1JvCS5bVWIFuM5z32dUAMxm99PELRrH7wleQlRlgOSYkIUwckrl2S2ToGnm4 GS5FsuEUvP29PmJ2g8_lxkpfmA
  • 12. Simula nang maipakilala sa diskursong panlingguwistika ang konsepto ng kakayahang komunikatibo, maraming pag-aaral at mga mungkahi na ang inilabas ng mga dalubwika patungkol dito. May ilang nagsasalungatang ideya, gayumpaman, sa huli'y nagkaisa silá na ang isang taong may kakayahan magtaglay hindi lang ng kaalaman tungkol dito kundi ng kahusayan, kasanayan, at galing sa paggamit ng wikang naaangkop sa mga sitwasyong pangkomunikatibo. (Bagarić, et. al. 2007)
  • 13. Sa pagtatamo ng kakayahang pangkomunikatibo, kailangang pantay na isaalang-alang ang pagtalakay sa mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian (gramatika) ng wikang ginamit sa teksto (Higgs at Clifford 1992). Naniniwala naman si Dr. Fe Otanes (2002), na ang paglinang sa wika nakapokus sa kapakinabang idudulot nito sa mag-aaral, na matutuhan ang wika upang sila ay makapaghanapbuhay, makipamuhay sa kanilang kapwa, at mapahalagahan nang lubusan ang kagandahan ng buhay na kanilang ginagalawan. Sa kabuoan, pangunahing mithiin sa pagtuturo ng wika na makabuo ng isang pamayanang marunong, mapanuri, kritikal, at kapaki-pakinabang.
  • 14. Ang kakayahang pangkomunikatibo ay sumasakop sa mas malawak na konteksto ng lipunan at kultura Ito'y ang wika kung paanong ginagamit at hindi lang basta ang wika at mga tuntunin nito (Shuy 2009). Bilang isang lingguwista, binigyang-diin ni Dr. Hymes sa kanyang mga katrabaho ang pag-uugnay ng kultura sa wika. Ito'y isang kakaibang pananaw sa panahong siya'y nagsisimula pa lang sa kanyang karera noong mga huling taon ng 1950's subalit hindi siya nagpatinag sa paniniwalang sa pagpapahayag ng mga tao'y gumagamit sila nang higit pa sa salita. Sa kasalukuyan, ang pananaw na ito ay tanggap at ginagamit na sa pag-aaral ng wika sa iba't ibang panig ng mundo kasama na ang ating bansa. Isang pagpupugay para sa dakilang lingguwistang sumalungat sa nakasanayan at nagbigay nang higit na kahulugan sa paraan natin ng pagkatuto ng wika.
  • 15. Silid-aralan ang Daan Tungo sa Paglinang ng Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino
  • 16. Sa mga silid-aralan nangyayari ang pormal na pagkatuto ng wika. Gayumpaman, kung ang magiging tuon ng pagkatuto ng wika ay para lang maituro gang kayarian o gramatika ng wika tulad ng mga bahagi ng pananalita, bantas, baybay, ponolohiya, morpolohiya, at ibang pang teknikal na aspekto ng wika; at kung ang mga pagtataya ay nakapokus lang sa pagkilala, pagbilog, pagsalungguhit sa mga bahagi ng estruktura ng wika, maaaring hindi maabot ng mga Pilipinong mag-aaral ang pagkakaroon ng kakayahang pangkomunikatibo. Nasusukat kasi ang kakayahang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral sa kanilang tatas sa pagsasalita ng wika, kakayahang umunawa, at makagamit ng tamang salita o wika sa angkop na pagkakataon lalo na sa mga awtentikong sitwasyong hindi silá sinanay.
  • 17. Nararapat kung gayun na ang pagkatuto ng wika sa mga silid-aralan ay maiangat mula sa pagkilala lang sa gramatika upang mapalawig, maiugnay, at magamit sa mga aktuwal na sitwasyon sa totoong mundo o sa tunay na buhay, pasalita man o pasulat. Dito lámang magkakaroon ng kahulugan at kabuluhan ang mga araling pangwika dahil nakita at nagamit ng mga mag- aaral sa awtentikong sitwasyon. Mula rito'y matatanim sa kanilang isipan ang kahalagahan ng mga ito hindi lang para sa darating na pagsusulit kundi para sa pangangailangan sa pakikipagtalastasan maging sa mga panahong wala na sila sa loob ng silid-aralan.
  • 18. Upang umabot sa ganitong uri ng pagkatuto ay mangangailangan nang higit na partisipasyon ng mga mag- aaral sa mga gawaing lilinang ng makrong kasanayan tulad ng pagsasalita, pagbasa, pakikinig, at pagsulat. Ayon kay Cantal- Pagkalinawan (2010), isang propesor sa Hawaii, ang mahusay na klasrum pangwika ay yaong may aktibong interaksiyon sa pagitan ng guro at ng estudyante, at estudyante sa kanyang kapwa estudyante. Ang guro ang nagsisilbing tagapatnubay/facilitator lámang sa iba't ibang gawain sa klasrum at ang mga estudyante naman ay aktibong nakikilahok sa iba't ibang gawaing pangkomunikasyon. Sa interaksiyon ng mga estudyante sa kapwa estudyante, kailangang bigyan sila ng pantay na pagkakataong makilahok sa iba't ibang gawain upang malinang ang kani-kanilang kakayahan.
  • 19. Makatutulong nang malaki ang pagsasagawa ng mga awtentikong pagtataya makabuluhang sa totoong mundo o sa totoong buhay, pagbuo ng malikhain at pagpapahayag gamit ang wika sa tula, maikling kuwento, sanaysay, pagtatanghal, fliptop, pick-up lines, hugot lines, ulat, e-mail, Facebook post, blog, diyalogo o dula- dalaan, videotape, at iba pang gawaing lilinang sa kakayahan nilang makipagtalastasan. Kung ganito ang magiging kalakaran ng pagkatuto ng wika sa mga silid- aralan, makatutulong ito upang makalinang ng mga Pilipinong may kakayahang komunikatibo na handa sa mga hamong dala ng buhay sa ikadalawampu't isang siglo.
  • 21. Sa pag-aaral ng maraming dalubwika, kung kakayahang pangkomunikatibo ang pag- uusapan, isang bahagi lang nito ang kakayahang lingguwistiko o kakayahang gramatikal. Sa mga naunang framework o modelo ng mga lingguwistang sina Canale at Swain (1980-1981) may tatlong komponent silang iminungkahi.
  • 23. Ang mga ito'y ang kaalaman at kakayahang gramatikal, sosyolingguwistiko, at istratedyik. Sa sumunod na bersiyon ng nasabing modelo, si Canale (1983, 1984) ay nagsalin ng ilang elemento mula sa kakayahang sosyolingguwistiko para mabuo ang ikaapat na komponent, ang kakayahang diskorsal.
  • 24. Sa araling ito ay tatalakayin muna natin ang unang komponent; ang kakayahang lingguwistiko o gramatikal. Sinabi nina Canale at Swain (1980, 1981), na ang kakayahang lingguwistiko ni Chomsky (1965) ay kapareho lang ng kakayahang gramatikal. Kaya naman, ang iba pang mga dalubwikang gumamit sa modelo nina Canale at Swain tulad ni Savignon (1983) ay tumukoy na rin sa kakayahang lingguwistiko bilang kakayahang gramatikal.
  • 25. Ayon kina Canale at Swain, ang kakayahang gramatikal ay pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika, gayundin ang mga tuntunting pang-ortograpiya. Ang komponent na ito ay magbibigay kakayahang sa taong nagsasalita upang magamit ang kaalaman at kasanayan sa pag-unawa at pagpapahayag sa literal na kahulugan ng mga salita.
  • 26. Makikita sa ibaba ang mungkahing komponent ng kakayahang gramatika o kakayahang lingguwistiko mula kina Celce-Murcia, Dörnyei, at Thurell (1995). Marianne Celce-Murcia https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fnewsroom.aua.am%2F2015 %2F12%2F04%2Fformer-dean-celce-murcia-donates-scholarly-journals-on-linguistics- to-auas-agbu-papazian- library%2F&psig=AOvVaw08GmOy0IQEBbthC_egFpSK&ust=1669014472860000& source=images&cd=vfe&ved=0CBEQjhxqFwoTCMi- gMmZvPsCFQAAAAAdAAAAABAR Zoltan Dörnyei https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.helblin gpublishing.com%2Fint%2Fen%2Fperson%2Fzoltan- dornyei&psig=AOvVaw0Mm- Mlou_K86jeS2TnEpdk&ust=1669014749043000&source=images&cd= vfe&ved=0CBEQjhxqFwoTCIjmycyavPsCFQAAAAAdAAAAABAE
  • 27. Mungkahing Komponent ng Kakayahang Lingguwistiko o Kakayahang Gramatikal (Celce- Murcia, Dörnyei, at Thurell (1995))
  • 28. Sintaks (pagsasama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may kahulugan) O Estruktura ng pangungusap O Tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita O Uri ng pangungusap ayon sa gamit (pasalaysay, patanong, pautos, padamdam) O Uri ng pangungusap ayon sa kayarian (payak, tambalan, hugnayan, langkapan) O Pagpapalawak ng pangungusap Morpolohiya (mahahalagang bahagi ng salita tulad ng iba't ibang bahagi ng pananalita) O Iba't ibang bahagi ng pananalita - propo O Prosesong derivational at inflectional O Pagbubuo ng salita
  • 29. Leksikon (mga salita o bokabularyo) De O Pagkilala sa mga  content words (pangalan, pandiwa, pang-uri, pang-abay)  function words (panghalip, mga pang-ugnay tulad pangatnig, pang-ukol, pang- angkop) O Konotasyon at denotasyon O Kolokasyon (pagtatambal ng salita at isa pang subordinate na salita.) Ponolohiya o Palatunugan O Segmental  katinig, patinig, tunog O Suprasegmental  diin, intonasyon, hinto Ortograpiya O Mga grafema  titik at di titik O Pantig at palapantigan Tuntunin sa pagbaybay O Tuldik O Mga bantas
  • 30. Ang mga nasa talahanayan ang karaniwang unang itinuturo sa mga araling pangwika sa mga paaralan. Subalit, hindi nagtatapos ang lahat dito kung ang layunin ng nagtuturo ay paglinang ng kakayahang pangkomunikatibo. Sa mga susunod na aralin ay mabibigyang-diin ang iba pang komponent ng kakayahang pangkomunikatibo tulad ng sosyolingguwistiko, pragmatik, estratedyik, at diskorsal upang higit na maging makabuluhan at magamit nang wasto ang wika.
  • 32. Pag-usapan Natin Nasasagot ang mga tanong ukol sa binasa. Sagutin ang sumusunod na mga tanong. 1. Ano ang ibig sabihin ng kakayahang pangkomunikatibo? 2. Sino ang nagpakilala sa terminong ito? Paano ito naiba sa kakayahang panlingguwistika na ipinakilala naman ni Chomsky? 3. Ano ang orihinal na ideya ni Hymes ukol sa kakayahang pangkomunikatibo? 4. Sa paanong paraan nagiging mas makabuluhan ang pagkakaroon ng kakayahang pangkomunikatibo sa halip na kakayahang panlingguwistika lang?
  • 33. 5. Sumasang-ayon o sumasalungat ka ba sa pananaw nina Higgs at Clifford na dapat pantay ang pagtalakay sa mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian ng wikang ginamit sa teksto? Ipaliwanag ang iyong panig. 6. Bakit mahalagang kakayahang pangkomunikatibo ang maging layunin sa pagkatuto ng wika? 7. Sa paanong paraan magiging kapaki-pakinabang ang pagkatuto ng wika kapag naabot na ng isang taong nag- aaral nito ang kakayahang pangkomunikatibo?
  • 34. Pag-usapan Natin Nasasagot ang mga tanong ukol sa binasa. Sagutin ang sumusunod na mga tanong. 1. Bakit sinasabing ang silid-aralan ang daan tungo sa paglinang ng kakayahang pangkomunikatibo ng mga Pilipino? 2. Ano-anong katangian ang dapat taglayin ng isang guro ng wika upang humantong ang pagtuturo niya sa kakayahang pangkomunikatibo? 3. Bakit sinasabing hindi maaabot ng mga mag-aaral ang kakayahang pangkomunikatibo kung ang gagawing pagtataya sa wika ay nakapokus lang sa pagkilala, pagbilog, pagsalungguhit sa mahahalagang bahagi nito?
  • 35. 4. Paano makatutulong ang paggamit ng wika sa mga awtentikong pagpapahayag sa loob ng silid-aralan? 5. Paano inilarawan ni Cantal-Pagkalinawan ang isang mahusay na klasrum pangwika? 6. Anong uri ng mag-aaral o estudyante kaya ang malilinang sa ganitong uri ng klasrum o silid-aralan? Sumasang-ayon ka ba rito? Ipaliwanag. 7. Bakit mahalaga ang higit na partisipasyon ng mga mag-aaral sa mga gawaing pangwika sa loob ng silid- aralan?
  • 36. Pagsulat ng Journal Isulat sa iyong journal notebook ang sagot sa tanong na ito: Masasabi bang ikaw ay nagtataglay na ng kakayahang komunikatibo sa kasalukuyang antas mo ng pag-aaral? Magbigay ng mga patunay.
  • 37. PAYABUNGIN NATIN Salita Kahulugan Makabuluhang Pangungusap May mga salita ba mula sa iyong mga binasa na bago sa iyong paningin at kinailangan mong ihanap ng kasingkahulugan habang ikaw ay bumabasa? Isulat ang mga ito sa unang hanay. Sa ikalawang hanay ay subukin mong ibigay ang angkop na kasingkahulugan nito gamit ang diksiyonaryo o sa tulong ng konteksto ng pangungusap kung saan ito ginamit. Sa ikatlong hanay ay gamitin ang salitang ito sa makabuluhang pangungusap.