NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
FIL101 Zz2 - PPT REPORT (ILOKANO).pptx
1. I N I U L A T N I N A :
A G A K H A N , M O H
N A D J M O D I N S .
A M P U A N , N O R H A N A H L .
F I L 1 0 1 Z Z 2
Ang mga Ilokano
Wika at Kultura
2. SINO ANG MGA ILOKANO?
Ang Ilokano ay isang katutubong wika na sinasalita ng karamihan sa mga
orihinal na Pilipinong migrante sa Estados Unidos, sapagkat ang mga Samtoy
(ang bansag ng mga nagsasalita ng Ilokano sa kani-kanilang mga sarili) ang
siyang unang pangkat-etnikong PIlipino na bultuhang nagsilipat sa Hilagang
Amerika, kung saan ay nagtatag sila ng mga malalaking pamayanan sa Hawaii,
California, Washington at Alaska. May marami-raming mga dokumento sa
Hawaii, lalo na sa pangangalaga ng kalusugan at ng mga may-edad, ang
isinasalin sa Ilokano, at marami-rami ding mga Ilokano ang matatagpuan sa
Hong Kong, Singapore, Middle East, Canada, Europe at Japan.
3. MGA MAMAMAYAN
Nakatira sa baybaying dagat at kapatagan
Pangkat etniko ng “Isneg” at “Tingguan” sa Cordillera mountain
3rd sa pinakamalaking pangkat etniko sa buong Pilipinas, at 2nd sa
pinakamalaki sa buong Mindanao
Masinop, matipid, masipag at mapagkumbaba dahil sa kakulangan ng
lupaing masasaka at mahabang tag-init.
“Panagdayaw”- pagpapakita ng respeto sa damdamin ng kapwa
5. ANG ILOCANO
Ang Ilocano ay ang ikatlong pinakamalaking ethnolinguistic grupo sa
Pilipinas. Ang terminong “Ilocano” ay nagmula sa salitang “i-” (mula
sa) at “looc” (cove o bay), na kapag pinagsama ay nangangahulugan ng
“Tao sa look”.
Sila rin ay tinukoy bilang Samtoy, na kung saan ay isang pagpapaikli ng
pariralang sao mi ditoy (ito ay ang aming wika).
6. PANITIKAN
Halos lahat ng panitikan ng mga Ilokano ay "nadumihan" na ng mga
Kastila at nilagyan ng mga Kristiyanong isipan. Upang makamit ng isang
bansa ang sarili nilang identidad, kinakailangan ipahayag ng mga
indibidwal na tribu ang kaninilang mga identidad. Unti unting nawawala
ang identidad ng mga pre-kolonyal na Ilokano. Dahil sinunog ng mga
Kastila ang lahat ng nakasulat na panitikan, ang pasalitang tradisyon na
lamang ang nagsasagip sa tunay na panitikang Ilokano.
8. INDUSTRIYA AT PRODUKTO
Pangunahing hanapbuhay: Pagsasaka, Pangingisda, Paglililok at
Paghahabi.
Pangunahing produkto: Bawang, tabako, palay, mais, bulak, tubo at
manga.
Pangunahing isda: Bangus, hito, dalag, hipon at alimasag.
9. PANLILIGAW AT PAGPAPAKASAL
Mahalaga ang opinyon ng magulang sa kasalang IlocanoMagulang ng lalaking ikakasal
ang nagbabayad sa kasalanAng lalaki ay gumagawa ng "panagpudno" o pormal na
anunsyo sa magulang ng babae tungkol sa plano niyang pakasalAng magulang ng lalaki
ay bibisita sa pamilya ng babae upang itakda ang araw ng kasal sa tulong ng
"planetano"Pagkatapos ng seremonya sa simbahan ay nagkakaroon ng handaan. Mag-
aalok ang lalaki sa babae ng plato ng mung beans para sa fertility. Tatanggihan ito ng
babae ng ilang beses bago ito tanggapin. I-aalok muli ito ng babae sa lalaki na kanyang
tatanggihan hanggang may matandang lalaki na magwawakas sa ritwal
10. ANG KASAL SA MGA ILOKANO
“Panagasawa” -kasalan ng mga Ilokano, at sinisimbolo nito ang
“Gasat” o kapalaran ng lalake’t babae
“Planetano” - libro ng mga araw ng mga Ilokano, ito ang basehan ng araw ng kasal
“Billeta” -isa paraan ng pagplano ng kasal. Isang uri ito ng pagbibigayan ng sulat
mula sa lalaki na sasagutin ng babae
"Bitor" - ang mga bisita ay magbibigay ng pera sa bagong kasal sa pamamagitan ng
paghulog ng pera sa plato o pagsabit ng pera sa damit ng mag-asawa
11. PANANAMIT
Simple-karapat dapat sa edad, katayuan at lugar kundi ito ay
nagbubunga ng tsismis okasyon- espesyal o pambahaytagulan-
nagsusuot sila ng ‘headdress’ na gawa sa dahon ng “labig” na umaabot
hanggang sa likot.
Ang mga buhok ng babae ay nakabun o nakalaylay, habang ang mga
lalaki ay iniiwang maikli ang buhok at nag papamada tuwing espesyal
na okasyon.
12. PANINIWALA
Karamihan ng mga Ilokano ay Romano Katoliko, at gaya ng mga
regular na Pilipino, ay naniniwala sa mga santo. Ihinahalo ang
paniniwala ng kristiyanismo at mga "supernatural" kababalaghang mga
espirito't tradisyonSinusunod din ng mga ilokano ang local holidays o
lokal na mga araw ng pagdiriwang ng mga pilipino.
13. PAGDADALANG TAO
Hindi pwede umupo ang buntis sa sahig, kailangan gumamit ng sapin
upang maiwasan ang gas painspalaging may dalang asin tuwing lalabas ng
bahay upang hindi malapitan ng masasamang espirituhindi maaaring
lumabas ng bahay sa gabi ng nakabagsak ang buhok dahil baka manganak
ng may ahashindi pwedeng maligo sa gabi dahil baka mamaga "Mangilot"
ot midwife ang tumutulong sa pangangank ng babae sa bahay "Sidor" ang
proseso ng paghinga ng usok mula sa medicinal incense para mahawi ang
sakit ng panganganak.
14. TRADISYON SA KAMATAYAN
Para ipaalam ang pagkamatay ng kapamilya ay isang kahoy ng "atong" ang sinusunog sa
labas ng bahay ng namatayan. Patuloy na nasusunog ang atong hanggang matapos ang
libing. Pinapatay ang apoy gamit ang "white wine"Ang katawan ng patay ay nilalagay sa loob
ng bahay. Ito ay binibihisan at may panwelo na binabalot sa panga. Isang palanggana ng
tubig na may suka ang nilalagay sa ilalim ng kama upang mawala ng amoy. Naglalagay ng
pera sa kabaong. Ito ay nagsisilbing bayad sa "ferry man" na magdadala sa kaluluwa ng tao
sa kabilang buhay Sa mga bisita na nakilibing sa sementeryo, kailangan nila pumunta sa
tahanan ng namatay gamit ang ibang daan. Pagdating sa bahay ay kailangan maghugas ng
kamay at mukha upang matanggal ang kamatayan sa kanila.