3. Ano ang nilalaman ng Modyul na ito?
- Saklaw ng modyul na ito ang mga
sumusunod na aralin:
1. Mga Salik sa Pag-usbong ng Damdaming
Nasyonalismo
2. Sekularisasyon ng mga parokya at ang Cavite
Mutiny (1872)
4. Inaasahang matututunan sa Modyul na ito:
1. Nasusuri ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-
usbong ng damdaming nasyonalismo.
(DepEd MELC)
a.) Pagbubukas ng Suez Canal
b.) Pag-ubong ng Uring Mestizo
c.) Dekretong Edukasyon 1863
2. Natatalakay ang kilusan para sa sekularisasyon
ng mga parokya at ang Cavite Mutiny (1872)
(AP6PMK-Ic-5 2.1)
7. Panuto: Basahin at suriin ang bawat tanong. Piliin ang
titik ng tamang sagot.
______1. Alin sa mga sumusunod ang nagpaiksi sa ruta ng
paglalakbay sa pagitan ng Silangan at Kanluran na higit na
nagpalawak sa malayang kalakalang pandaigdig?
a. Pagbubukas ng Suez Canal
b. Pag-usbong ng uring Mestizo
c. Pagbabatibay ng Dekretong Pang-Edukasyon
d. Pag-usbong ng Kamalayang Nasyonalismo sa mga
Pilipino
A
8. ______2. Ano ang tawag sa mga Espanyol na ipinanganak sa
Pilipinas?
a. Ilustrado c. Peninsulares
b. Insulares d. Mestizo
_____3. Ano ang tawag sa mga Pilipinong maykaya at
nakapagaral sa kolehiyo, unibersidad o sa Espanya at iba
pang bansa sa Europa at nagsimulang humiling ng
pagbabago?
a. Ilustrado c. Insulares
b. Indio d. Mangangalakal
B
A
9. ______4. Ano ang dekreto/decree na naging dahilan ng
pagkakaroon ng karapatang makapag-aral ng mga Pilipino
sa mga paaralang Espanyol?
a. K-12 Curriculum
b. Basic Education Curriculum
c. Dekretong Edukasyon ng 1863(Education Decree of 1863)
d. Dekretong Edukasyon ng 1876(Education Decree of 1876)
_____5. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa tatlong paring
martir?
a. Jacinto Zamora c. Mariano Gomez
b. Jose Burgos d. Pedro Pelaez
C
D
11. Ang Kaisipang Liberal ay
humihikayat sa pagkakaroon ng
pagbabago sa pamahalaan
upang magkaroon ng
pantay na karapatan,
proteksiyon, at kalayaan para sa
bawat isa.
Ano ang
Kaisipang
Liberal?
14. Ano ang naging bunga ng
Pagbubukas ng Suez Canal
sa Pilipinas?
1.
2.
3.
1. Pagdating ng mga
kaisipang liberal.
“Ang mamamayan ay likas na
magkakapantay at malaya.”
“The Social Contract” -ang lipunan ay
nagkasundo na sila ay pamamahalaan
ng pangkalahatang kagustuhan at ang
kanilang interes ang dapat na pumaloob
dito.
John Locke
Jean Jacques Rousseau
15. Ano ang naging bunga ng
Pagbubukas ng Suez Canal
sa Pilipinas?
1.
2.
3.
2. Bumilis ang pagdating ng mga
balita mula sa mga babasahin at mga
kwento ng mangangalakal mula Europa
tungkol sa paghihimagsik at paglaban ng
mga Pranses para sa kanilang kalayaan.
Umantig sa puso ng mga Pilipino ang
kanilang islogan na “Pagkapantay-pantay,
Pagkakapatiran.”
18. PENINSULARES- Mga Espanyol na ipinanganak sa Espanya.
INSULARES- Mga Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas.
19. MESTIZO- Mga naging anak ng mga Espanyol sa mga katutubong Pilipino.
ILUSTRADO- Mga Pilipinong nakapag-aral sa kolehiyo at unibersidad.
INTSIK- Mga mangangalakal
20. INDIO- ito ang itinawag ng mga Espanyol sa mga katutubong hindi nakapag-aral at
mahihirap.
22. PAGPAPATIBAY NG
DEKRETONG EDUKASYON 1863
1. Ang mga Pilipino ay nakapag-aral sa mga
paaralang Espanyol.
2. Pagbubukas ng mga pampublikong
paaralan sa mga Pilipino.
3. Naging masigasig ang mga Pilipinong
tumuklas ng ibat-ibang karunungan.
4. Mas nakilala ng mga Pilipino ang
maling ginagawa ng mga Espanyol.
23. Mga naging dahilan ng pagdating ng Liberal
na Kaisipan sa ating bansa.
Pagbubukas ng
Suez Canal
Pag-usbong ng Uring
Mestizo
Dekretong Edukasyon
1863
24. Para sa kumpletong impormasyon patungkol
sa paksa, basahin ang iyong aklat sa Araling
Panlipunan 6 - Bagong Lakbay ng Lahing
Pilipino-Ailene Baisa-Julian& Nestor S. Lontoc
sa pahina: 24-30- Unang Edisyon o 23-29
Ikalawang Edisyon
26. 1.
2.
3.
Pagsasanay Blg. 1
Sa inyong LAS sagutin ang
Sagutin Natin A, (#1-10) sa
pahina 30 – 32 ng inyong
batayang aklas sa Araling
Panlipunan.
27. 1.
2.
3.
Takdang Aralin
Sa inyong LAS sagutin ang
Sagutin Natin B, (#1-10) sa
pahina 32 – 33 ng inyong
batayang aklas sa Araling
Panlipunan.
28. Ang Damdaming Nasyonalismo ay tumutukoy sa
pagiging-makabayan o pagmamahal sa bansa.
Ang Kaisipang Liberal ay humihikayat sa pagkakaroon
ng pagbabago sa pamahalaan upang magkaroon ng
pantay na karapatan, proteksiyon, at kalayaan para sa
bawat isa.
30. 1.
2.
3.
Panuto: Sagutin ang mga katanungan
sa ibaba.
1. Ano-ano ang mga salik na nakaapekto sa
pagdating ng liberal na kaisipan at paano ito
nakaapekto sa pagsibol sa damdaming
nasyonalismo?
2. Paano nakaapekto ang panggitnang uri sa buhay
ng mga Pilipino sa panahon ng mga Espanyol?
34. 1.
2.
3.
SERKULARISASYON
NG
MGA PAROKYA PARING REGULAR PARING SEKULAR
Paring kabilang sa
ordeng panrelihiyong
gaya ng Dominikano,
Agustino, Heswita na
namumuno sa misyon at
pagpapalaganap ng
Kristiyanismo.
Mga Pilipinong paring
nag-aral at sinanay
upang mamamahala sa
mga parokya sa bansa.
KONSEHO NG TRENT
36. 1.
2.
3.
GOMBURZA
Ang GOMBURZA ay binubuo
nina Padre Mariano Gomez,
Jose Burgos at Jacinto
Zamora (GOMBURZA)na
kabilang sa masigasig na
nakipaglaban para sa layunin
ng Kilusang Sekularisasyon.
37. 1.
2.
3.
CAVITE
MUTINY
Isang pag-aaklas sa Cavite
noong 1872 na kinasangkutan
ng mga sundalo at mga
manggagawa sa arsenal ng
Cavite.
Ibinintang sa GOMBURZA ang
pamumuno sa pag-aaklas na
ito.
40. Para sa kumpletong impormasyon patungkol
sa paksa, basahin ang iyong aklat sa Araling
Panlipunan 6 - Bagong Lakbay ng Lahing
Pilipino-Ailene Baisa-Julian& Nestor S. Lontoc
sa pahina: 40-41- Unang Edisyon o 39-40-
Ikalawang Edisyon.
42. 1.
2.
3.
Pagsasanay Blg. 2
Panuto: Isulat kung Tama o Mali ang
mga pahayag sa bawat bilang
1. Ang paring regular ay mga paring kabilang sa
alinmang ordeng panrelihiyon.
2. Ang pagbitay sa tatlong paring martir ay lubos
na nakaantig sa puso ng mga Pilipino.
43. 1.
2.
3.
3. Ang pagkakataong makapag-aral ang mga
anak ng mga Pilipinong kabilang sa
panggitnang uri ay nakatulong nang malaki sa
pagsulong ng nasyonalismo sa bansa.
4. Ang pagkakaroon ng estratehikong lokasyon ng
Pilipinas ay nakatulong nang malaki hindi lamang
sa pagsulong ng kabuhayan nito kundi maging
sa pagsibol ng malayang kaisipan sa bansa.
5. Sa pamamagitan ng pagbubukas ng Suez Canal
ay napaikli ang ruta ng paglalakbay sa pagitan
ng Silangan at Kanluran.