1. Sasabihin Ko Ang Tama At Kung
Ano Ang Totoo:
Pagmamahal Sa Katotohanan
2. Pagmamahal sa Katotohanan
Ang pagmamahal sa katotohanan o Love of Truth ay
ang pagiging totoo at tunay na dapat maisabuhay at
mapagsikapang mapairal sa lahat ng
pagkakataon. Sabi nga "ang pagiging mapagmahal sa
katotohanan ay kinagigiliwan ng sinuman" mula dito
nakabubuo tayo ng isang maganda komunidad at
pagkatao.
3. Bakit kaya nagsisinungaling ang
isang tao?
-May nagawa syang mali at ayaw nyang aminin ito.
-Natatakot sya na mapagalitan.
-Gusto nyang magpanggap.
-Hindi sya tapat sa sarili at sa ibang tao.
-Nagsisinungaling sya dahil gusto nyang hangaan ng ibang tao.
5. Araw ng Biyernes noon. Masaya sina Bherta, Sunshine at iba pang
mag-aaral dahil natapos na naman ang isang linggo ng klase.
Nilapitan ni Bherta si Sunshine.
6. Ganoon ba? Magkita
na lang tayo ulit sa
Lunes.
Kailangan kong
umuwi ng maaga
ngayon. Gusto ni
Nanay na tulungan
ko sya sa
pagluluto.
7. Ngunit, nang makaalis na si Bherta, nakipagkita pa si
Sunshine sa iba pa nyang kamag-aral.
Marvi, halika na.
Nauna nang
umuwi si
Bherta.”
Bakit hindi mo sinabi
kay Bherta kung saan
tayo pupunta?
8. Nakadama bigla ng pagsisisi si Sunshine.
Hindi kasi ako sigurado kung
gusto ko syang isamang
kumain sa paborito nating
kainan ng miryenda.
Palagay ko sinabi ko
dapat sa kanya ang
totoo.
Tama ka, Marvi. Ano ang
dapat kong gawin?
Nahihiya ako
sa ginawa ko!
9. Huwag kang magalala.
Hahabulin ko sya, Hintayin mo
ako rito.
Kinakabahang hinintay ni Sunshine sina
Marvi at Bherta. Nagpapaliwanag si Marvi
kay Bherta habang papalapit sila kay
Sunshine. Nababakas sa mukha ni Bherta
ang pagkalito.
10. Nang malapit na sila, hindi na hinintay pa ni
Sunshine si Bherta na magsalita.
Bherta,
patawarin mo
ako, hindi ko
sinabi sa iyo
kung saan
kami pupunta
pagkatapos ng
klase.
Sumama ang loob ko nang
sabihin ni Marvi ang ginawa mo.
Ngunit nagpapasalamat ako na
nagbago kaagad ang isip mo at
nagpasyang sabihin sa akin ang
totoo. Mas magdaramdam ako sa
iyo kung malalaman ko sa huli
kung saan talaga kayo nagpunta.
11. Patawarin mo
ako, Bherta.
Pinapatawad na kita, Sunshine. Nauunawaan
kita. Sana hindi na itop maulit. At dahil
alam ko ang pakiramdam ng
pagsinungalingan, nangangako akong hindi
ko rin ito gagawin sa iba.
Nakahinga ng maluwag si
Sunshine. May natutunan syang
isang mahalagang aral nang araw
na iyon.