ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
Q3 hgp-7-week-8
1. W8
Asignatura Homeroom Guidance Baitang Pito
Markahan Ikatlo Petsa
I. PAMAGAT NG ARALIN Kasanayang Interpersonal at Pakikipagtulungan(Teamwork)
II. MGA PINAKAMAHALAGANG
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
(MELCs)
Tumugon sa Kinakailangan kadalubhasaan ng Ilang Industriya at ng iba pang uri
ng trabaho.
(Respond to the required expertise of certain industry, and of other types of jobs)
Week 8 HGJC-IIIj-20
III. PANGUNAHING NILALAMAN Nakapaglalapat ng kakayahang pumili ng sariling larangan batay sa iba’t ibang
mga salik tungo sa pagkamit ng mga layunin sa buhay. (Apply the ability to choose
their own field based on the different factors toward achieving goals in life.)
I.Panimula (Mungkahing Oras: 10 minuto)
Sa nagdaang aralin ,naunawaan mo ang kahalagahan ng hanapbuhay sa buhay ng isang tao at sa kanyang
kaganapan bilang tao.Naunawaan mo na mas magiging kapakipakinabang siyang miyembro ng kanyang pamilya at higit na
kaganapan niya bilang tao.
Bigyang pansin ang larawan.Paano mo maihahalintulad ang isang walis tingting sa iyong sarili at sa pakikisalamuha
sa iyong kapwa at trabaho sa hinaharap?
Sa araling ito, inaasahan na makikilala mo na ang pakikipagtulungan(teamwork) at ang mga kasanayang
interpersonal (interpersonal skills) ay higit na mahalaga tungo sa ikauunlad ng iyong pagkatao at pakikipagkapwa bilang
paghahanda sa iyong hinaharap. Sasagutin nito ang mahahalagang tanong kung papaano ka makikisalamuha sa iyong
kapwa at magiging katrabaho sa hinaharap.Lubos mong mapahahalagahan ang pakikipagtulungan sa kapwa at
pakikisalamuha.
D. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 20 minuto)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sa iyong sagutang papel sagutin mo ng may katapatan ang bawat pahayag upang masukat
ang iyong kakayahan pagdating sa kasanayang interpersonal(interpersonal) at pakikipagtulungan (teamwork).Lagyan ng
tsek(√)kung palagi,madalas,paminsan-minsan at hindi kailanman. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Mga Pahayag Palagi
(5
puntos)
Madalas
(3)
Paminsan-
minsan
(2)
Hindi
Kailanman
(1)
1.Isinasaalang –alang ko ang mga maaaring maitulong ng aking kapwa
kung may nakaatas na gawain sa amin.
2.Hinihingi ko ang kanilang opinyon at suhestiyon sa bawat desisyon na
aming gagawin.
3.Pinapahalagahan ko ang komunikasyon sa aking kagrupo.
Kabuuang Bilang
Kabuuang Iskor
Interpretasyon
15-12 Puntos Ang iyong kasanayang interpersonal at pakikipagtulungan ay kahanga-hanga.
11-8 Puntos Ipagpatuloy ang pagbabahagi ng sarili sa kapwa.
7-4 Puntos Maaring humingi ng tulong sa taong iyong kapalagayan ng loob (magulang,guro o guidance counselor) na
kung saan maibabahagi mo ang iyong mga saloobin.
3 pababa Magkaroon ng pagsusumikap na maipahayag ang iyong damdamin at paghahangad na
makipagtulungan sa iyong kapwa.
Paano maipapakita ang kasanayang interpersonal(interpersonal skills)at pakikipagtulungan pagdating sa trabaho?
Ang kasanayang interpersonal ay maipapakita sa pamamagitan ng mga sumusunod na katangian:
1.Respeto sa kapwa. Ang pag respeto sa kapwa ay nag sisimula sa pagtanggap kung sino sila na walang halong masamang
intensiyon. Kapag tayo ay nagbibigay ng respeto, tayo rin ay nagbibigay ng ating tiwala sa iba.Ang hindi pagbasa ng mga
mensahe sa cellphone ng iyong matalik na kaibigan kahit pa ito ay ipinahiram niya sa iyo.
2. Sitwasyon:
Sa tuwing pumapasok ng anumang tanggapan si Efren sinisikap niyang kumatok at kapag may sumagot na sa
kanya saka pa lamang niya bubuksan ang pinto.Ito ang natandaan niyang turo ng kanyang guro noong siya ay nasa ika –pitong
baitang pa lamang.
2.Kakayahang umangkop.Ito ang kasanayang iugnay ang isang bagay o sarili upang bumagay sa mga pagbabago.
Sitwasyon:
Si Margarette ay isang flight attendant, nang dahil sa pandemya siya ay nawalan ng trabaho.Ngunit hindi ito
naging hadlang para hindi siya kumita para sa kanyang pamilya.Nagluto siya ng mga biskwit at ube-cheese pandesal kung saan
itinitinda niya ito on-line. Marami ang tumangkilik sa kanyang tinda dahil ito ay masarap.Kumikita siya ng Php 5000 sa isang
araw.Ipinakita ni Margarette na hindi nakakahiya ang maging tindera ng tinapay on-line lalo na sa panahon ng pandemya.
3.Malasakit (Empathy).Ito ay hindi lamang isang pag-uugali, ngunit ang kusang-loob na kilos mismo na ginagawa ng isa para sa
kapakanan ng iba.
Sitwasyon:
Nagkasakit ang katrabaho ni Dindo na si Myrna.May inaatas na gawain ang kanyang manager.Kapag hindi
ito natapos agad ni Myrna maaantala ang sweldo ng buo nilang departamento.Minabuti ni Dindo na gawin ang report na
naiwan ni Myrna para hindi maantala ang sweldo ng kanilang mga kasama sa trabaho.
4. Maayos na komunikasyon. Ito ang pamamahagi o pakikipagpalitan ng impormasyon sa responsableng paraan.
Sitwasyon:
Ipinababatid ni Martin sa kanyang mga kasama kung papaano mapapadali ang kanilang trabaho.Sinisikap
niyang malaman ng lahat ang bawat detalye ng kanilang gagawin.Higit sa lahat inaalam niya kung nasabihan at nabatid ng
lahat ang bawat mahalagang detalye upang maging maayos ang kanilang pagtatrabaho.
5.Pakikipagtulungan. Ito ay pagsisikap ng isang pangkat upang makamit ang isang karaniwang layunin o upang makumpleto
ang isang gawain sa pinaka mabisa at mahusay na paraan.
Sitwasyon:
Ang Philippine Army Dragon Boat Team ay nag eensayo at nagsusumikap ang bawat miyembro na masabayan
ang tyempo ng bawat pagsagwan para mas mapabilis ang pagtakbo ng kanilang dragon boat.Nagtulong -tulong sila at
sinisikap na masabayan ang hudyat ng tambol sa kanilang pagsagwan .Kaya naman naging kampiyon sila sa nasabing isports.Ito
rin ang nagbigay karangalan sa ating bansa.
E.Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 20 minuto)
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon .Piliin ang tamang titik ng pinakatamang
sagot. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
a.Respeto sa kapwa
b.Kakayahang umangkop
c.Malasakit
d.Maayos na komunikasyon
e.Pakikipagtulungan
_________1.Si Hannah ay isang transferee sa kanyang paaralan at sinisikap niyang makihalubilo sa kanyang mga bagong mga
kaklase at makakuha ng mga bagong kaibigan. Bukas din siya sa pakiki-isa at pakikilahok sa mga programa ng kanyang
paaralan.
_________2.Sinabi ng manager ng isang fast food chain kay Micko na madaragdagan ng bahagya ang kaniyang gawain dahil
kulang sila ng mga crew.Malugod itong tinanggap ni Micko dahil batid niya na mahirap ang kasalukuyang sitwasyon dahil sa
pandemya.
_________3.Ibinilin ng nanay ni Kristel sa kanya na may paparating siyang parcel buhat sa isang online shop. Bagaman
nasasabik niya itong buksan pinili niyang hintayin ang kanyang ina para ito mismo ang magbukas ng nasabing parcel.
_________4.Nabalitaan ni Kenneth na ang anak ng kanyang katrabaho ay naospital dahil sa dengue. Nangangailangan ito na
masalinan ng dugo. Agad siyang nag volunteer bilang donor kasama ng kanyang mga katrabaho para maipahatid ang
kanilang tulong.
_________5.Si Jeffrie ay isang SK Chairperson ng isang bayan.Inilalahad niya sa FB page ng Sangguniang Kabataan ng kanyang
bayan ang bawat mahahalagang impormasyon at mga proyekto na may kaugnayan sa kabataan ng kanyang bayan.
3. Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Basahin at pagnilayan ang kasabihan. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa iyong
sagutang papel.
“ Ang komunikasyon sa internet at online ay ang bintana sa iyong mundo - ngunit sa totoong buhay, personal na
komunikasyon / koneksyon sa kapwa ang pintuan. "
- Rasheed Ogunlaru
Mga Tanong:
1.Ano ang iyong naramdaman matapos basahin ang kasabihan?Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________________.
2.Ano-ano ang iyong mga reyalisasyon?
__________________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________________________________________.
3.Ano-ano ang iyong dapat gawin para maging responsableng empleyado sa hinaharap?
___________________________________________________________________________________________________________________
RUBRIK SA PAGTATASA
10 –Puntos
8-Puntos
5-Puntos
Mahusay na naipahayag ang kanyang mga ideya.May kaayusan ang
pagkakabuo ng mga pangungusap.
Maayos na nailahad ang mga ideya ngunit may bahagyang kakulangan
ang mga ito.
Nailahad ang kanyang mga ideya subalit kailangan pag-ibayuhin pa ang
kakayahan sa pagpapaliwanag.
A.Paglalapat (Mungkahing Oras: 5 minuto)
Sa sagutang papel ay buoin ang pangungusap upang maibahagi ang natutunan mo sa araling ito.
Sa araling ito ay natutunan ko na _______________________________________________.
VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: ______5 minuto___)
• Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.
Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain.
Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili:
- Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain upang
matutuhan ko ang aralin.
✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain upang
matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa gawain.
Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1 Bilang 3
Bilang 2
VII. SANGGUNIAN Jobstreet.com Philippines, Fresh Job & Salary Report
Model of Interpersonal skills
https://es.dreamstime.com/habilidades-interpersonales-tiles-siete-%C3%BAtiles-para-
el-negocio-image143478047
Inihanda ni: Michelle V. Coligado Sinuri nina: 1.Zita Laarni A. Arocena
2.Rhoda M. Manual
3.Godofredo C. Mercado
Nabigyang pansin
at nasuri ni:
Ana R. Reblora