2. Dok Pio! Dok Pio!
Maaari niyo po ba kaming
tulungan dahil may sakit
ang aming mga anak.
Pagbibigay ng mga libreng serbisyong-medikal ang naging tugon ni Dr. Pio
Valenzuela sa kanyang hangaring makatulong sa mga taong nangangailangan
sa panahon na ang medisina ay umiinog sa mundo ng sinaunang paniniwala,
mahika at pananampalataya.
3. Magkano po ba ang aking
babayaran sa inyong
serbisyo?
Kung magkano lang
ang iyong
makakayanan.
Sa maliit na bilang ng mga kwalipikadong manggagamot, sa kabila ng
lumalaking bilang ng mga taong nangangailangan ng atensyong medikal,
pinanatili ni Pio Valenzuela ang pahingil ng maliit na halaga sa mga may
kakayanang magbayad at libreng serbisyo-medikal sa mga walang
kakayanang magbayad.
4. Nagbibigay din ng mga libreng gamot ang doktor sa mga kapuspalad na
mamamayan bunsod nito nagtayo siya ng isang maliit na botika sa kaniyang
tahanan sa Lavezares Street, Maynila sa pangangalaga ni Faustino Duque
5. Salamat at may isang katulad
mo ang tumulong sa akin.
Subalit wala akong
maibibigay na kapalit…
Walang anuman, hindi ako
humihingi ng kapalit dahil
gusto ko lang na makatulong.
Bukod doon, ito ang aking
gampanin at propesyon.
Sa panahon ng pagkakatapon sa Espanya at Aprika, ipinagpatuloy ni Dr. Pio
ang kanyang propesyon bilang doktor. Nagsilbi siyang manggagamot sa
kaniyang mga kasamahang bilanggo na dumaranas ng iba’t-ibang
karamdaman , samantala naging mabisang lunas ito upang makaiwas ang
doktor sa malalim na kalungkutan, panghihinayang , kawalan ng pag-asa at
galit bunsod sa kaniyang sitwasyon.
6. Makalipas ang ilang taong pagkakatapon, bumalik si Pio sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang
kanyang adhikain. Taong 1902, nagkaroon g epidemya ng cholera sa Maynila na umabot
hanggang sa Polo, kinailangang niyang gampanan ang posisyon bilang Health Officer bunsod ng
pagiging datihan ng Sanitary Health Officer. Tungkulin niyang pangunahan ang pangangalaga sa
mga bayan ng Polo, Obando, Meycauayan, at Marilao laban sa lumalawak na epidemya ng
cholera.
7. Mabuti naman at malugod
mong tinanggap na bumalik
sa iyong pwesto dahil walang
kapalit ang kwalipikado.
Sa kabila ng kakapusan sa mga kagamitan, naglunsad ng mga kampanya laban sa epidemya si Dr.
Pio Valenzuela hanggang sa tuluyan itong masugpo. Taong 1903 nagbitiw siya sa posisyon bilang
Health Officer, subalit sa kawalan ng kwalipikadong kapalit muling inilatag ang posisyon kay
Dr. Pio na malugod naman niyang tinanggap at pinagsilbihan hanggang 1917.
8. Sa tala ni Valentin C. Loyola, isang mamamahayag at dating Information Officer ng Kagawaran ng
Kalusugan, kinilala niya ang mabubuting gampanin ni Dr. Pio sa pagpapabuti ng kalagayang
pangkalusugan ng mga tao.
9. Samantala para sa mga kasamahang manggagamot ni Dr. Pio Valenzuela, agam-agam ang
naidulot ng kaniyang mga libreng serbisyong-medikal, na nagbunsod upang kausapin nila si Dr.
Pio at hikayatin itong magpabayad sa kaparehang halaga para sa bawat konsultasyon. Subalit
hindi ito naging katanggap-tanggap para kay Dr. Pio na nangibabaw ang hangaring makatulong
sa kapwa sa kabila ng maliit ng kita o kadalasa’y wala. Gayunpaman, sa kabila ng pagiging
mapagbigay at matulungin, istrikto ang pakikitungo ni Dr. Pio sa mga taong mapang-abuso.
10. Tumatak si Dr. Pio bilang isang mahusay na manggagamot hindi lamang sa Polo kundi sa
kabuuan ng Bulacan. Sa paglalarawan ni Nicolas Esteban, isang dating pasyente, si Dr. Pio ay
isang magaling na manggagamot na nagbibigay ng walang reserbasyong suporta sa mga ito
kasabay ng buong katapatang paglalahad sa mga pasyente ang kanilang sitwasyon.
11. Ayon naman sa dating inspektor ng kalinisan sa Polo na si Arcadio C. Salvador, si Dr. Pio ay may
mataas na dedikasyon sa kanyang mga pasyente na kanyang dinadalaw kahit sa mga panahong
hindi naman siya tinatawagan ng mga ito.
12. Pinatunayan ito ni Gavina Bella-Tanghal, isang biyudang octogenarian mula sa Meycauyan,
Bulacan, na sa kabila ng ibang manggagamot ay pinipiling kay Dr. Pio lamang magpakonsulta.
Pinanatili din niyang bukas ang kaniyang botika na kadalasa’y nagbibigay ng libreng gamot sa
mga mahihirap na mamamayan.
13. “Dr. Valenzuela was shinning example of the physicians who hade lived up to the noblest
traditions of the medical profession. He injured hard ships and faced dangers just to assist
the sick; he combine service with sacrifice to help the poor and unfortunate.”
14. Isang mahalagang paglalarawan sa gawi ni Dr. Pio bilang isang manggagamot, ang pahayag ni Dr.
Antonio Villarama, dating kinatawang ng Ikalawang Distrito ng Bulacan, dating Health Secretary
sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Elpidio Quirino, at isang pinagpipitagang manggagamot.
15. Wag na
tayong
magpagamot
diyan!
Sa taong 1894 Villarama kung saan pinaniniwalaan ng marami na wala ng lunas. Taliwas sa
karamihan, bunsod ng kawalan ng tiwala sa mga herbolarios ng kanyang mga magulang, sinikap
ng kanyang mga magulang na siya ay madala kay Dr. Pio . Hindi naging madali ang prosesong ito
dahil nasa malayong distansya ang kanilang tahanan sa Polo, isama pa ang prisensya ng mga
tulisanes sa mga daraanang lugar na ginagamitan lamang ng Carromata. Hindi naglaon dumating
si Dr.Pio sa tahan ng mga Villarama at tinugon ang pangangailangan sa serbisyo –medikal ni Dr.
Villarama.
Oo nga !
Hindi naman
napagaling
yung sakit
ko
16. Nanay ! Tandaan
niyo po ang mga
bilin ko sa inyo
.Wag niyo po siyang
papakainin ng mga
pinagbabawal .
Opo naman dr.
Pio . Hinding
hindi ko
makakalimutan
ang mga bilin
niyo .
Sa panahon ng pananakop ng mga Hapon , sa taong 1941 hanggang 1945, ipinangpatuloy ni
Dr.Pio ang pribadong panggagamot. Tinulungan nya ang mga tao upang mapangalagaan ang
kanilang kalusugan, katulad ng mga , paalala kung paano makakaiwas sa sakit at pagpili ng
tamang pagkain. Hanggang sa mga huling taon ng kaniyang buhay sinikap ni dr. Pio na
makatulong sa kapwa, taong 1953 inilabas ng Phillipines Free Press:
17. “The Valenzuela patriarch can still go up and down stairs unaided but is troubled by a
cataract in eye ,which he is planning to have operated .HE has given up his medical practice
but still attends to some old patients who want no other doctors to treat them.”