6. Pick up line mo –aaktingan ko.
Pagganyak (5-10 minuto)
Meron akong apat na lobo dito. Sa loob ng lobo ay may mga
hugis puso na may nakasulat na mga pick up line ng mga sikat na
loveteam sa ating henerasyon ngayon. Ang gagawin niyo ay
ipapasa niyo ito sa mga kaklase niyo habang may ipinapatugtog
akong musika. Kung sino ang may hawak ng pang-apat na lobo
paghinto ng kanta ay siyang magpapaputok nito kung hindi nya
masasagot ang katanungan hango sa asignaturang Englis.
Pagkatapos ay pumili ng kapares upang isabuhay o isadula kung
ano ang nakasulat dun.
7. Ginoo: Nag-review ka na ba?
Binibini: Bakit?
Ginoo: Kasi mamaya, pasasagutin
na kita.
8. Ginoo: Alam mo, ‘pag kasama kita
mayaman ako.
Binibini: Bakit?
Ginoo: Kasi mahirap kapag wala
ka!
9. Ginoo: Kape ka ba?
Binibini: Bakit?
Ginoo: Kasi ginising mo ang
natutulog kong puso!
10. Ginoo: Hindi mo kaylangang ng
relo.
Binibini: Bakit?
Ginoo: Kasi handa akong ibigay
lahat ng ORAS ko sayo!
12. Panuto:
Bago ninyo babasahin ang buod ng Kabanata 7, bibigyan muna ninyo
ng kahulugan ang mga mahihirap na salita at gamitin ito sa
pangungusap. Tingnan ninyo ang nasa pisara. Kung makikita ninyo,
may nakasampay na mga pangbabang na damit na may nakadikit na
salita dito. Ang gagawin niyo ay pipiliin ninyo ang kahulugan ng mga
salitang ito sa mga nakadikit na pang-itaas na damit na nakadikit rin
dito sa ibabang bahagi ng pisara. Makukuha ninyo ang tamang sagot
kung masasagot ninyo ang Mathematical problem.
14. Si Tiya Isabel ay isang deboto ng simbahang katoliko,
nakagawian na niya na magsimba tuwing umaga
kasama ang pamangkin na si Maria Clara. Pagkatapos
ng misa ng araw na iyon ay nagmamadali na umuwi si
Maria, bagay na ikinagalit ng kanyang tiyahin.
Mula sa balkonahe ng kanilang bahay ay hindi
mapakali at aligaga ang dalaga. Hinihintay niya ang
pagdating ng kanyang kasintahan na si Ibarra. Halos
pitong taon din ang lumipas na hindi nagkita ang
dalawang magsing-irog.
15. Dumating nga si Ibarra at ginugol ng dalawa ang kanilang oras sa
pag-aalala sa kanilang mga nakaraan mula noong sila ay mga
musmos pa lamang. Si Maria ay nagbalik tanaw mula sa kanyang
buhay sa Beaterio habang si Ibarra naman ay sa kanyang pag-aaral
at pakikipagsapalaran sa Europa.
Isinumbat ni Maria ang paglayo ni Ibarra upang mag-aral, ngunit
dagli naman itong sinagot ng binata. Lumayo daw siya para gawin
ang mga higit na mahalagang bagay, ang pag-aaral para sa kabutihan
ng hinaharap ng bayan.
Naputol ang kanilang usapan nang biglang maalala ng binata ang
kanyang mga yumaong magulang. Dali-dali siyang nagpaalam at
umuwi para makahabol sa nalalapit na undas.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22. Panuto:
Sa mga hugis pusong nakuha
ninyo ay mag-isip kayo ng isang
pangungusap na maari ninyong
iugnay sa kasalukuyan na
natutunan sa binasang kabanata.
23. PAGSASANAY:Pangkatang Gawain
Mag-isip kayo ng tila isang status update sa
inyong natutunan sa Inyong binasang kabanata.
Ibabahagi ito sa pamamagitan ng isang Yell o
jingle. Ang isusulat lang ninyo dito sa ibibigay
kong Facebook Box ay ang malikhaing # at
hugot line na naisip ninyo para kay
Maria Clara at Ibarra.
25. PangkatangGawain
Rubriks sa Gagawing Pagtatanghal
Kagalingan sa pagganap 50%
Angkop na ekspresyon ng mukha sa
ipinapakitang emosyon o sa damdaming
pinalilitaw.
15%
Nilalaman 25%
Mahusay at malinaw na pagkakabitiw ng
mga pahayag
10%
Kabuuan = 100%
26. Paglalapat:PangkatangGawain
Maari rin ninyong panoorin ang bidyow na
nasa youtube upang mas maintindihan
ninyo ang noon at ngayong uri ng suyuan:
https://www.youtube.com/watch?v=1AxUX5hr1-
Q&list=RDCMUCidjSPa8P2GdpH3eWoTUIUA&ind
ex=1
27. Pagtataya
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ito
sa kalahating papel.
1. Anong katangian ni Ibarra o ni Maria Clara ang
nagustuhan at nais mong sundin? Bakit?
2. Inamin mismo ni Ibarra na iisa ang pag-ibig niya
kay Maria Clara at sa bayan. Ano ang pagkakatulad ni
Maria Clara sa bansang Pilipinas?