Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Unang Markahan - Ang LIPUNAN
Kahulugan ng Lipunan
Bumubuo sa Lipunan
Kabutihang panlahat
Elemento ng Kabutihang Panlahat
Hakbang sa pagkamit ng kabutihang panlahat
2. ANO NGA BA ANG LIPUNAN?
Ang salitang lipunan ay
nagmula sa salitang LIPON
na nangangahulugang
“pangkat”.
Ang mga tao ay may
kinabibilangang pangkat na
iisa ang tunguhin o layunin.
3. ANO NGA BA ANG LIPUNAN?
Ang lipunan o pangkat ng mga
indibidwal ay patungo sa iisang
layunin o tunguhin.
Kolektibo ang pagtingin sa bawat
kasapi nito ngunit hindi naman nito
binubura ang indibidwal o pagiging
katangi-tangi ng mga kasapi.
4. LIPUNAN VS. KOMUNIDAD
Ang salitang komunidad ay galing sa
salitang Latin ng communis na
nangangahulugang common o
nagkakapareho.
Ang isang komunidad ay binubuo ng mga
indibidwal na nagkakapareho ng mga
interes, ugali o pagpapahalagang bahagi ng
isang partikular na lugar.
5. THE PERSON AND THE COMMON
GOODJacques Maritain
Ayon sa kanya,
hahanapin talaga ng
taong mamuhay sa
lipunan sa dalawang
mahalagang
kadahilanan.
6. THE PERSON AND THE COMMON
GOOD
Una, ito ay dahil sa katotohanang
HINDI siya nilikhang perpekto o
ganap at dahil likas para sa kaniya
ang magbahagi sa kanyang
kapuwa ng kaalaman at
pagmamahal.
7. THE PERSON AND THE COMMON
GOOD
Pangalawa, ginugusto ng
taong mamuhay sa lipunan
dahil sa kaniyang
pangangailangan o kakulangan
mula sa material na kalikasan.
9. Sa lipunan, nagkakaroon
ang tao ng pagkakataong
maipakita ang
pagmamalasakit, ang
tumulong at magtulungan
sa panahon ng kailangan.
10. Kabutihan para sa bawat
isang indibidwal na nasa
lipunan.
KABUTIHANG PANLAHAT
11. Ang tunay na tunguhin ng
lipunan ay ang komunidad
na nararapat na bumalik sa
lahat ng indibidwal na
kasapi nito.
KABUTIHANG PANLAHAT
12. 1. Ang paggalang sa
indibidwal na tao
ELEMENTO NG KABUTIHANG PANLAHAT
13. 2. Ang tawag ng katarungan
o kapakanang panlipunan ng
pangkat.
ELEMENTO NG KABUTIHANG PANLAHAT
14. 3. Ang kapayapaan.
Ang kapayapaan ang
indikasyon ng kabutihang
panlahat.
ELEMENTO NG KABUTIHANG PANLAHAT
15. 1. Nakikinabang lamang sa
benepisyong hatid ng
kabutihang panlahat, subalit
tinatanggihan ang bahaging
dapat gampanan upang mag-
ambag sa pagkamit nito.
MGA HADLANG SA PAGKAMIT NG
KABUTIHANG PANLAHAT
16. 2. Ang indibidwalismo o ang
paggawa ng tao ng kaniyang
personal na naisin.
MGA HADLANG SA PAGKAMIT NG
KABUTIHANG PANLAHAT
17. 3. Ang pakiramdam na siya ay
nalalamangan o mas Malaki ang
naiaambag niya kaysa sa
nagagawa ng iba.
MGA HADLANG SA PAGKAMIT NG
KABUTIHANG PANLAHAT
18. 1. Ang lahat ng tao ay dapat na
mabigyan ng pagkakataong
makakilos nang malaya na
ginagabayan ng diyalogo,
pagmamahal at katarungan.
MGA KONDISYON SA PAGKAMIT NG
KABUTIHANG PANLAHAT
19. 2. Ang pangunahing karapatang
pantao ay nararapat na
mapangalagaan.
MGA KONDISYON SA PAGKAMIT NG
KABUTIHANG PANLAHAT
20. 3. Ang bawat indibidwal ay
nararapat na mapaunlad
patungo sa kaniyang
kaganapan.
MGA KONDISYON SA PAGKAMIT NG
KABUTIHANG PANLAHAT
21. AYON KAY JOHN F. KENNEDY
“Huwag mong itanong kung
ano ang magagawa ng bansa
para sa iyo, kundi itanong mo
kung ano ang magagawa mo
para sa iyong bansa..”