3. Unang Gawain
Ano ang larawan ng isang matiwasay na lipunan para sa iyo? Ano-ano ang mga
katangian nito? Maaari mo itong sagutin sa pamamagitan ng:
Pagsulat ng isang kanta
Paglalapat ng sayaw sa isang awit na naglalarawan sa isang matiwasay na lipunan
Essay (Pasulat) /Speech (Pasalaysay)
Poster
Kailangang maging malikhain sa gagawing paglalarawan.
4. Ang buhay ng TAO ay PANLIPUNAN
Dr. Manuel Dy Jr.
“Ang ating pagiging kasama-ng-
kapwa ay isang pagpapahalaga na
nagbibigay ng tunay na kaganapan sa
ating pagkatao.”
5. LIPUNAN
Nagmula sa salitang ugat na “lipon” ay nangangahulugang pangkat
Kolektibo ang pagtingin sa bawat kasapi na may iisang layunin.
6. Komunidad
Mula sa Latin “communis” ay nangangahulugang nagkakapareho
Ang isang komunidad ay binubuo ng mga indibidwal na nagkakapareho ng
interes ngunit mas nabibigyang-halaga ang natatanging katangian ng mga
kasapi.
7. Bakit likas sa atin ang mamuhay sa
lipunan?
Jacques Maritain: The Person and the Common Good (1966)
Dahil sa katotohanang hindi tayo nilikhang perpekto at likas sa ating
magbahagi sa kapwa ng kaalaman at pagmamahal.
8. Dahil sa ating pangangailangan o
kakulangan mula sa materyal na kalikasan.
“Hindi makakamit ng tao ang kanyang
kaganapan kung hindi matutugunan ng
lipunan ang kanyang mga pangangailangan.”
10. “Binubuo ng TAO ang
LIPUNAN.
Binubuo ng LIPUNAN ang
TAO.”
Dr. Manuel Dy Jr.
Philosophy Professor
Ateneo de Manila
University
11. Kabutihang Panlahat
Kabutihan para sa bawat indibidwal na kasapi ng
lipunan.
Ang tunguhin ay hindi ang kabutihan para lamang sa isa
o iilang komunidad kundi ang kabutihan ng buong
lipunan.
Kabutihan ng LAHAT, hindi
ng NAKARARAMI.
12. “Ang tunguhin ng lipunan ay
kailangang pareho sa tunguhin ng
bawat indibidwal. Makakamit ng tao
ang kanyang personal na kabutihan
sa pagiging bahagi nya ng lipunan.”
- Santo Thomas Aquinas
“Ang kabutihang panlahat ay ang
pangkalahatang kondisyong pantay na
ibinabahagi para sa kapakinabangan ng
lahat ng kasapi ng isang lipunan.”
– John Rawls
“Hindi kalayaan o pagkakapantay-
pantay ang nararapat na manaig
kundi ang panlipunan at sibil na
pagkakapatiran na palaging
nangangailangan ng KATARUNGAN.”
13. 3 Elemento ng Kabutihang Panlahat
Ang paggalang sa
indibidwal na tao.
Ang tawag ng
katarungan o
kapakanang
panlipunan ng
pangkat.
Ang kapayaan.
14. 3 Hadlang sa Pagkamit ng KP
Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat,
subalit tinatanggihan ang bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa
pagkamit nito.
Ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kanyang personal na naisin.
Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag
nya kaysa sa nagagawa ng iba.
15. 3 Kondisyon sa Pagkamit sa KP
Ang lahat ng tao ay dapat na
mabigyan ng pagkakataong makakilos
nang malaya gabay ang diyalogo,
pagmamahal at katarungan.
Ang pangunahing karapatang pantao ay
nararapat na mapangalagaan.
Ang bawat indibidwal ay nararapat na
mapaunlad patungo sa kanyang
kaganapan.
16. Hindi namimili ng edad o antas
sa buhay ang pagtiyak na
mananaig ang kabutihang
panlahat. Ito ay nakabatay sa
iyong puso at pagmamalasakit
mo sa iyong kapwa.”
“Huwag mong itanong kung ano ang
magagawa ng iyong bansa para sa iyo,
kundi itanong mo kung ano ang
magagawa mo para sa iyong bansa.”
- Pres. John F. Kennedy
Sosyal ka ba? Paano ba makikilala na ang isang tao ay sosyal? So, dahil tao ka, ikaw ay likas na sosyal dahil nilikha kang sumasalipunan. Isa pang panlipunang nilalang. Kinakailangan ng tao na makibahagi at mamuhay sa lipunan. This is part of the natural law. First, what is natural law? Or what are natural laws? By definition, natural law is a body of rules of conduct inherent in human nature and essential to or binding upon human society. Ibig sabihin, natural o likas sa atin ang makipagkapwa. Pati ang ating mga gawain ay panlipunan dahil natututuhan at ginagawa natin ito kasama sila.
Ang pagiging kasama ng kapwa ay makakamit lang kung makikilahok at makikipamuhay ka sa lipunan. Ang simpleng pagwawalis na natutuhan mo sa bahay ay gawaing panlipunan. Sa pagwawalis ng bakuran,maaaring kasama mo ang iyong mga kapatid o dito sa paaralan kasama ng mga kaklase. Ginagawa nyo iyon hindi lamang para mapasaya ang magulang o guro kundi pati narin makapag-ambag sa kalinisan ng kapaligiran. Hindi lamang para sa iyo o sa iyong ikabubuti ang pagwawalis. Isinasaalang-alang mo rin ang iyong pamilya (sa bahay o sa paaralan man) pati na rin ang kalikasan. Kung gayon, ikaw nga ay sosyal!
Ang mga tao ay mayroong kinabibilangang pangkat na mayroong iisang tunguhin o layunin. Halimbawa ang pangkat ng mga mamamahayag ay may tunguhin na maghatid ng bago at makatotohanang nagaganap sa bansa at sa daigdig.
May dalawang guro na nagtuturo sa magkaibang paaralan. Sila ay bahagi ng isang lipunan na ang tunguhin ay magbigay ng edukasyon sa kanilang mga mag-aaral. Walang malalim na ugnayan sa kanilang dalawa. Limitado rin ang kaalaman nila tungkol sa isa’t-isa. Ngunit dumating ang pagkakataon na nagkasama sila sa isang 15 day seminar. Naging malapit silang magkaibigan at nabuo ang malalim na ugnayan. Nagdesisyon ang isa sa kanila na gawing ninang ng kanyang anak ang kaibigan kaya naging magkumare sila. Sa pagkakataong ito, hindi na lang sila bahagi ng lipunan kundi naging bahagi na sila ng komunidad.
Paano ba tao makipagkapwa? Ano ang unang paraan ng pagiging sumasalipunan? Siyempre ito ay ang pakikipag-usap. At sa pakikipag-usap gumagamit tayo ng wika. We share information and other things primarily through communication. Hindi lang iisang tao ang gumawa at gumagamit ng wika. Tayong lahat ay nakikibahagi sa paggamit at pagbabago nito.
(magamit ang ating isip at kilos-loob at mahubog ang mga birtud)
Halimbawa, upang mapagyaman natin ang ating kaalaman, kailangan ng tao ng edukasyon na naibibigay sa atin sa tulong ng mga guro. Pero syempre hindi lamang sa guro makakakuha ng bagong kaalaman, natututo rin tayo mula sa ating pakikisalamuha sa ating mga kaklase, kapamilya, kapuso, kapatid, kababayan, at iba pang ka.
(magamit ang ating isip at kilos-loob at mahubog ang mga birtud sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga tao sa ating lipunan.
All human beings are part of society and societies form/make humans. Kung walang tao, walang lipunan. Kung walang lipunan, hindi maaabot ng tao ang kaganapan ng kanyang pagkakalikha. Malaki ang magagawa ng lipunan sa paghubog ng iyong pagkatao.mayroon itong impluwensya sa paraan ng iyong pag-iisip at pagkilos.lahat ng iyong iniisip, nararamdaman, sinasabi at ginagawa ay naiimpluwensyahan ng lipunang iyong kinabibilangan.
Santo Thomas Aquinas – Hindi dapat ihiwalay ng tao ang kanilang sarili sa paghanap ng makabubuti sa bawat isa sa kanila kundi magtipon upang hanapin ang kabutihang panlahat na magkakasama. Halimbawa: gusto ng puso mo na hindi mahirapan sa pagtibok at pag pump ng dugo. Gusto ng baga mo na hindi sya mahirapang lumanghap ng hangin. gusto ng iba pang bahagi ng katawan na maging malusog kaya naman magtutulong tulong ang bawat bahagi upang mapanatili ang maayos nitong kalusugan. Tutulong si kamay at bibig na mapanatili ito sa pamamagitan ng hindi paninigarilyo.
Kung mangingibabaw ang kalayaan, maaaring maisakripisyo ang kabutihang panlahat dahil mangingbabaw ang pagnanais ng tao na gawin ang kanyang naisin. Kung mangingibabaw naman ang pagkakapantay-pantay, maaaring maisakripisyo ang kabutihan ng indibidwal. Halimabawa, kung may isang tao na nagtatrabaho ng 13 hours at ang isa naman ay nagtrabaho ng 8 hours, masasakripisyo ang kabutihan ng taong nagtrabaho ng mas mahabang oras kung pantay lamang sila ng sasahurin. kung gayon, hindi kalayaan o pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig kundi ang panlipunan at pagkakapatiran na palaging nangangailangan ng katarungan. Kaya nga tungkulin ng lipunang matiyak ang kaayusan sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga karapatang nakabatay sa katarungan.
Ang paggalang sa indibidwal na tao. – ang karapatang ng bawat isa ay kinikilala, iginagalang, pinoprotektahan at pinahahalagahan. Hindi ka nang-aapi o nananapak ng iba.
Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat. – ang pag-unlad ang kabuuang pokus ng panlipunang tungkuling kailangang maibigay sa mga tao. Makikita ito sa pampublikong sistema ng pangangala sa kalusugan, epektibong pampublikong pangkaligtasan at seguridad, makaturungang sistemang legal at pampolitika, etc. kailangang may namamagitan upang masiguradong mararating o makakamit ang mga ito ng bawat isa sa lipunan.
Ang kapayapaan ay makakamit kung iginagalang ang bawat isa at umiiral ang katarungan kung gayon, ang apayaan din mismo ang indikasyon ng pagkakaroon ng kabutihang panlahat. Kung walang kapayaan, nangangahulugang walang katahimikan, kapanatagan o seguridad sa lipunang iyon.
Nakikinabang – halimbawa, sapat na supply ng tubig ay pinapakinabangan ng lahat ng tao. Subalit upang mapanatili ang sapat na supply sa panahon ng tagtuyo, dapat magtipid ang tao. Nakakalungkot mang aminin pero hindi lahat ng tao ay concern o nakikiisa sa pagtitipid na ito. Para sa kanila magtitipid naman ung iba so pwede pa rin silang gumamit ng gusto nila.
Indibidwalismo – ito ang pagnanais ng taong maging malaya sa pagkamit ng pansariling tunguhin ng walang ibang nanghihimasok o nakikialam sa kanya. Ayaw ng taong ganito na magambala ang kanyang personal na buhay. Hindi sya nakikinabang o hindi nya ginugustong matamasa ang kabutihan mula sa sakripisyo ng iba pero ayaw rin nyang magambala sya para sa kabutihan ng iba.
Ang pakiramdam – upang mapanatili ang kabutihang panlahat, hinihingi sa ilan ang mas malaki o mas mabigat na pananagutan kaysa sa iba. Halimbawa, ang ating mga doktor sa mga pampublikong ospital ay karanwang tumatanggap lamang ng sahod mula sa pamahalaan. Mas malaki ang kikitain nila kung sila may magbukas na lang ng sarili nilang klinika pero pinipili nilang maglingkod sa publiko kahit mababa ang sweldo.para sa iba ito ay hindi makatarungan.
Joseph de Torre Spanish na nagpunta at piniling manirahan dito sa Pilipinas upang pag aralan ang pag-uugali ng mga pilipino noong 1987.
Ang lahat – mahalaga ang diyalogo upang maibahagi sa bawat isa ang kanilang saloobin, damdamin at pananaw. Madalas na pagmulan ng di pagkakaunawaan o alitan ay ang hindi pagkakaintindihan dahil sa hindi pag-uusap. Ang pagmamahal at katarungan ang susi upang makamit ang tunay na layunin ng lipunan dahil kung walang pagmamahal at katarungan hindi maisasantabi ng tao ang kanyang mga pansariling tunguhin sa buhay.
Ang karapatan ang nangangalaga sa dignidad ng tao. Habang nananaig ang diskriminasyon hindi kakikitaan ng kabutihang panlahat ang lipunan.
Ang lipunan na ginstrumento upang makamit ng tao ang kanyang kaganapan. Kung walang nagagawa ang lipunan upang lumago siya bilang tao masasabing hindi patungo sa kabutihang panlahat ang lipunang iyon.