2. Layunin ng Talakayan
mabigyang-kahulugan ang komunikatibong gamit ng wika na
conative, informative, at labeling;
mailahad ang pagkakaiba-iba ng mga gamit ng wika na conative,
informative, at labeling;
makabuo ng mga pangungusap na nagpapakita ng gamit ng
wika na conative, informative, at labeling; at
makasulat ng sanaysay tungkol sa naobserbahang gamit ng
wika sa pagbabalita sa telebisyon.
3. Daloy ng Talakayan
Ang Conative na gamit ng wika;
Ang Informative na gamit ng wika; at
Ang Labeling na gamit ng wika.
4. Suriin ang Larawan
Ano ang ibig sabihin ng “bawal tumawid?”
Ano ang ipinahahatid ng pahayag na “may namatay na
dito”?
Ano ang gamit ng wika sa pahayag na “Bawal tumawid
may namatay na dito”?
5. Ang Conative na Gamit ng Wika
Sa mga sitwasyong naiimpluwensyahan
natin ang isang tao sa pamamagitan ng
pakiusap at pag-uutos, conative ang gamit natin
ng wika.
Nakikita rin ang conative na gamit ng wika
sa mga pagkakataong gusto nating humimok o
manghikayat, may gusto tayong mangyari, o
gusto nating pakilusin ang isang tao.
6. Halimbawa
Bawal
Tumawid
May Namatay
Na Dito
Huwag po ninyong
kalimutang isulat
ang pangalan ko sa
inyong balota!
Ano pang
hahanapin mo?
Dito ka na!
Bili na!
Magtulungan po
tayo para sa
pag-unlad ng
ating bayan.
Ang Conative na Gamit ng Wika
7. Ang Informative na Gamit ng Wika
Sa mga sitwasyong may gusto
tayong ipaalam sa isang tao,
nagbibigay ng mga datos at
kaalaman, at nagbabahagi sa iba ng
mga impormasyong nakuha o
narinig natin, informative ang gamit
natin ng wika.
8. Halimbawa
Bagong Bayani
ni Dolores R. Taylan
Sa kabila ng hindi magandang mga balita tungkol sa mga OFW, patuloy pa rin ang
maraming Pilipino sa pangingibayang-bayan upang magtrabaho. Bakit nga ba napipilitang
umalis angmga Pilipino sa Pilipinas? Ano ang nagtutulak sa kanila para lisanin ang sariling
bayan at magpasyang sa ibang lupain na lamang magtrabaho at mag-alay ng kanyang lakas,
galing, at talino? Sa tanong na ito, marami kaagad ang mga susulpot na kasagutan.
Pinakakaraniwan nang maririnig ang sagot na para maghanap ng mas magandang kapalaran
o “greener pasture.” Marami ang nagsasabi na para kumita ng dolyar, mapag-aral ang mga
anak, makapagpatayo ng sariling bahay, makabili ng sasakyan, makaipon ng perang
pangnegosyo, at iba pa. Kung susumahin ang mga pahayag na ito, halos lahat ay patungo sa
iisang dahilan lamang—ang paghahanap ng mas mabuting oportunidad sa trabaho upang
mabigyan ng magandang buhay ang pamilya. Kahirapan ang pinakakaraniwang dahilan ng
aksiyon ng mga Pilipino, lalo nang kababaihan, na lisanin ang Pilipinas at iwan ang pamilya
para maghanapbuhay sa
ibang bansa.
Ang Informative na Gamit ng Wika
9. Subalit, ano ang karaniwang kinahihinatnan ng mga Pilipino pagsapit nila sa bansang
kanilang nakatakdang pagtrabahuhan? Lahat ba ng kanilang pangarap para sa kanilang pamilya
ay nabibigyang-katuparan? Gumaganda nga ba ang buhay ng mga OFW pati na ng kanilang
pamilya dahil sa kanilang pangingibang-bayan? Bagama’t hindi maikakailang may mga
Pilipinong nagtatagumpay at nakakamit ang katuparan ng mga pangarap sa labas ng bansa,
malungkot isiping mataas ang bilang ng mga Pilipinong ang kinauuwian ay ang kabaligtaran ng
lahat ng kanilang pinapangarap at inasahan.
Gayunman, sinisikap naman ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na magkaroon
ng hanapbuhay sa Pilipinas upang hindi na mangibang-bayan pa ang maraming Pilipino. Sa
pagdalaw ng pangulo sa iba’t ibang bayan, iniimbita niya ang mga mangangalakal na magtayo
ng negosyo sa Pilipinas upang makadagdag sa trabaho ng mga Pilipino sa bansa. Sinisikap din
ng pamahalaan na matugunan ang pangangailangan ng mga OFW lalo na yaong hindi maganda
ang sinapit na kapalaran. Hindi sila pinababayaan sapagkat sila ang mga bagong bayani ng ating
bayan.
Ang Informative na Gamit ng Wika
10. Ang Labeling na Gamit ng Wika
Labeling ang gamit ng wika kapag nagbibigay
tayo ng bagong tawag o pangalan sa isang tao o
bagay.
Madalas, nagbibigay tayo ng bagong pangalan,
tawag, o bansag sa mga tao, batay sa pagkakakilala o
pagsusuri natin sa kanila. Sinusuri natin ang mga
taong nakakasalamuha natin—ang kanilang ugali,
pisikal na anyo, trabaho, hilig, gawi, at iba pa. Ang
pagsusuri natin sa kanila ang nagbibigay-daan para
bansagan o bigyan natin sila ng label o ng katawagan.
11. Halimbawa
King of Comedy pasaway bagong bayani terror
Jejemon Fallen 44 pambansang kamao walking calculator
fashionista Queen of all Media jologs Asia’s Song Bird
Jack of all Trades PNoy Iskolar ng Bayan Lasalista
Ang Labeling na Gamit ng Wika
12. Maging magalang tayo sa gamit na conative kung nag-
uutos tayo.
Tiyakin nating tama at totoo ang gamit natin ng
informative kung nagbibigay tayo ng mga kaalaman at
impormasyon.
Higit sa lahat, iwasan natin ang pagbibigay ng
negatibong bansag o label sa ating kapuwa na
maaaring makasakit ng damdamin.
Tandaan
Editor's Notes
Bago ang talakayan, ipasagot sa mga mag-aaral ang mga aktibidad sa Balik-Tanaw at Lusong-Kaalaman.
Maaaring umpisahan ang talakayan sa pamamagitan ng pagsusuri sa larawan.
Pagkatapos nito ay ipabasa ang sanaysay na nasa worktext
Habang tinatalakay ang leksyon, maaaring ipabasa ang sanaysay at ipatukoy sa mga mag-aaral ang mga impormasyong makukuha rito.
Pagkatapos ng talakayan ay maaari nang ipagawa sa mga mag-aaral ang mga susunod na mga aktibidad na nasa worktext.