10. PANG-URI
Ito ay salitang nagsasaad ng katangian
o uri ng tao, hayop, bagay, lunan at iba
pa na tinutukoy ng pangngalan o
panghalip na kasama nito sa loob ng
pangungusap.
17. KAYARIAN NG PANG-URI
2. Maylapi
Ito ay binubuo ng
salitang-ugat na may
panlapi.
Kadalasang ginagamit
ay mga panlaping
panuring.
Halimbawa:
maka-Diyos
kayganda
magaling
masaya
22. KAYARIAN NG PANG-URI
3. Inuulit
Ito ay binubuo ng
salitang-ugat o
salitang maylapi
na may pag-uulit.
Halimbawa:
maputing-maputi
payat na payat
maliliit
37. Ilarawan ang mga sumusunod na
tauhan gamit ang pang-uri.
1. Crisostomo Ibarra
2. Kapitan Tiyago
3. Padre Damaso
4. Don Rafael Ibarra
38. Narito ang rubriks:
Pamatayan Nakatalagang
Puntos
Nakuhang
Puntos
Paggamit ng tamang
pang-uri 3
Katangian ng tauhan 2
39. Takdang-Aralin:
Pumili ng isang tauhan sa Noli Me
Tangere at gumawa ng isang
monologo ng iyong napiling tauhan
batay sa katangian at gampanin nito
sa nobela. Isulat ito sa kwaderno.